Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 2- Lipstick



2 – Lipstick


ROUE grunted as he tried to wake himself, he cursed when he found his phone and saw the time. It's still four in the morning, hindi pa yata umaangat ang araw. Itinaob niyang muli ang kanyang cellphone at babalik sa pagtulog kung hindi lang iyon muling nag-ring.
"Hello?" groggy na sagot niya. Halos tatlong oras lang ang tulog niya dahil sa late business meeting niya kagabi. And he's really tired, all he wants to do right to know is to have at least five hours of sleep before he manage his restaurant again.
"Kuya!" he should had turned off his phone for the sake of his sanity.
"What do you want?" inis na tanong niya sa kapatid na si Lois. "I'm tired." It wasn't an excuse he is really tired.
"I hate you so much! Kasalanan mo talaga ang lahat ng ito, kung hindi dahil sa iyo ay hindi mangyayari sa akin ang bagay na ito. I really hate you, gusto ko ng mamatay." He heard her sister sobs and that wakes him up.
"Anong gusto mong mamatay?"
"Ano ba kasi ang ginawa m okay Bless?"
"Bless?" the name sounds familiar.
"She cancelled the engagement and because of that, I am engaged to Blast na." Cancelled? Engagement? Blast?
Bless?
"Again."
"Bless cancelled your engagement."
Matagal bago nag-sink-in sa kanya ang sinabi nito. Pilit na inaalala ang hitsura ng babaeng binanggit ng kapatid.
Bless Carcueva.
He remembered it now, that girl—woman his parents want him to marry. That sweet and innocent looking Barbie doll that gives him a creepy feeling when she smiles. His fiancée, how can he forget about that? Masyado na ba talaga siyang busy at subsob sa trabaho at nakalimutan niyang may fiancée nga pala siya. Eight freaking years! Tama, naaalala na niya. She cancelled it? That's a very good news--.
"I am doomed, kuya." Muli niyang binalikan sa kabilang linya ang kapatid na babae. Lois is really crying, he had never heard or saw her sister crying like this. "I don't want to marry Blast, you know how much I hate him."
Blast, Bless' older brother who happened to be his bestfriend and his sister will never be an item. Alam nilang lahat iyon, hindi magkasundo ang dalawa, they tried their best to mend the feud between the two pero wala naman silang i-me-mend dahil walang root ang feud ng dalawang iyon. They just plainly hate each other.
"Ginawa ko naman ang lahat, naging good daughter ako. I studied very hard at hindi ako naging pabigat sa pamilya natin pero bakit ganito? Bakit kailangang ako pa?" malakas na umiyak ang kapatid niya and that clenched his chest. Masyado man siyang busy sa trabaho but he values his family so much.
"Gusto ko man na tanggapin ang engagement dahil ginawa iyon ni Bless kahit na ayaw niya sa iyo-." Suminok ang kapatid niya.
Natigilan siya sa huling sinabi nito, malinaw iyon sa kanya. Kahit na ayaw niya sa iyo. Someone doesn't like him? That's absurd! He is Roue Xander Endrina, he is Mr. Congeniality and everyone likes him. And that Barbie doll, doesn't like him? That's a prick on his ego.
"Bless is free now but I am not, it's really unfair."
Naihilamos niya ang palad sa mukha dahil sa sinabi ng kapatid. Gusto sana niyang sabihin na 'life is not really fair' gaya ng sinabi niya eight years ago when they told him that he was engaged to that creepy Barbie doll. But this is her sister he is dealing with, hindi masamang anak si Lois. Mas mabait pa nga ito keysa sa kanya, wala itong ginawang masama sa pamilya nila and from the looks of it ito pa ang nakasalo sa kamalasan niya.
"Kapag natuloy ito kuya I swear hindi na ninyo ako makikita." May halong pagbabanta sa boses nito.
"Don't be absurd Lois, alam mong mahahanap-."
Naputol ang anumang sasabihin niya dahil nagkagulo sa kabilang linya.
"Lois Madison, anong gagawin mo?" tanong ng kung sino sa kabilang linya.
"I am going to kill myself--." Tila nanlamig ang buong katawan niya sa sinabi ng kapatid at mas lalong nawala ang antok niya ng maputol ang linya. And when he tried to call his sister ay out of coverage area na ito.
Mabilis siyang nagbihis at hinagilap ang susi ng kotse, mukhang may hindi magandang nangyayari sa kapatid niya at kung meron man ay sigurado siyang hindi niya mapapatawad ang creepy na Barbie doll na iyon!


INAYOS ni Bless ang pagkaka-alis ng seal sa box na na-nareceived niya mula sa company. Dinala niya iyon dahil wala siyang balak na magkulong sa opisina, gusto niyang magsulat ng reviews kapag nasa labas siya ng apat na sulok na silid na iyon.
"Is that the new product from VAC?" tukoy ni KC na kapitbahay niya habang nakatingin sa products na nasa loob ng maliit na PR box. "Wow, mukhang maganda ang bago nilang lipsticks."
May bagong release na lipstick ang isang kilalang international cosmetic line na VAC, kapag may bagong products ay agad na nagpapadala sa kanila ang mga ito para sa reviews. At iyon ang sinusulat niya, feature and review at the same time.
"Mukhang promising nga." Aniya dito.
"Bagay ito sa skin tone mo." Napatingin siya sa pink lipstick na binuksan ni KC, bagay nga iyon sa kanya. Namana niya sa ina ang maputing kutis niya, ang malalaki at hazel brown na mga mata na napapaligiran ng malalantik na eyelashes, her cute pointed nose and her natural pink lips. They said she is even qualified to join beauty pageants if she likes to.
Her mother loves girly things and when she had her, hindi nakakapagtataka na halos gawin na siya nitong Barbie doll. Her mother always tells her how pretty she was, of course, dahil mommy niya iyon. Nasanay na rin siya na magsuot ng mga dresses at ayusin ang buhok niya. She likes to go out well-fixed dahil pakiramdam niya ay ang ganda-ganda niya at nakakaganda din ng mood, at kung maganda ang mood niya siguradong maganda din ang kanyang trabaho and that makes her happy.
"Mukhang masayang-masaya ka ngayon Bless. Anong nangyari?"
Ngumiti siya sa kaibigan. "I am single."
KC huffed and snorted. "You are single."
"I wasn't."
"Palagi mong sinasabi sa amin na may fiancé ka, pero never pa namin siyang nakikita. Kaya hindi talaga ako naniniwalang may fiancé ka." Can't blame her friend though, kahit nga siya ay hindi nakikita ang sariling fiancé at matagal bago nag-sink-in na may ganoon siya.
"It doesn't really matter now dahil malaya na ako." She tried swatching the lipstick on her wrist, and check the effect of the color to her skin. Kailangan niyang i-take note iyon.
"Seryoso talaga? May fiancé ka?
"Ex." Pagtatama niya.
"Why? What happened? Bakit ex nalang?"
"Because I wanted to be free." Kinuha niya ang kamay ni KC at sinubukan ang lipstick dito, morena ang kaibigan kaya kailangan niyang tingnan ang epekto ng kulay ng lipstick sa balat nito. Her lips were pressed in a thin line when she doesn't like the effect. "Mukhang mas kailangan na itry natin sa lips mo KC."
"Okay." Go naman ang kaibigan niya pero bago nito sinubukan ay kinuha muna nito ang box at may binasa.
"That's cruelty and paraben free." Nabasa na niya ang laman ng box dahil kapag walang nakasulat na ganoon ay hinding-hindi niya iyon isusulat. She's into animal rights and using them as testers for these beauty products is against her rules. "I really can't understand these people, they are still using animals as testers for these make-up products. Mabuti nalang at halos wala ng ganoon ngayon or else I might feature them in the magazine to bring their company down."
Tumawa lang si KC sa sinabi niya. "And paraben?" she huffed.
"Parabens are synthetic compounds that are used to stop the growth of fungus, bacteria and other potentially damaging microbes. They are preservatives and might disrupt hormone functions, malaki ang risk sa breast cancer and reproductive toxicity. If some companies can create products without using animals and parabens why not all nalang hindi ba?"
"I think most of the companies are not using paraben na base sa nababasa ko sa mga magazines and internets. And hopefully, wala na talagang animal testing."
"Sana." Tinapos na nito ang paglalagay ng lipstick. "Maganda din siya sa skin tone mo." Kinuha ni KC ang salamin.
"Oo nga 'no. Mukhang maganda nga ang product na ito, very promising. Maganda siya sa mapuputi, pati na rin sa morena. You should ask someone whose skin tone is darker than mine para may other reference ka." Tumango siya sa suhestiyon nito. Iyon ang madalas niyang ginagawa kapag may review siya sa isang product. "You need my photo for this?"
"Yes, please." She really appreciates KC's help when it comes to this. Hindi madaling mag-feature ng isang product lalo pa at galing ito sa kilalang kompanya. Against sa rules niya na magsulat lang ayon sa kanyang nababasa, gusto niya kapag nagsusulat siya ay na-experience na niya o kaya naman ay na-try na niya ang isang product. O kaya naman ay na-try na mismo ng mga taong nakapaligid sa kanya. Dapat sa pagsusulat, hindi bias at pawang katotohanan lamang kahit na may freebies pa silang nakukuha sa mga ito.
Hindi lang iyon para sa readers nila, an honest review means a lot lalo na sa kompanya. Pwede nilang mas pagandahin at mas i-improve pa ang product base sa pros and cons na nakukuha nila. At mukhang magugustuhan niya ang lipstick na iyon, walang extra-ordinaryo sa kulay nito dahil maraming shade na nagsisilabasan tungkol doon pero na-amazed siya sa matching power nito. Pwede sa maputi at pwede rin sa morena.
Sana ang buhay ng tao ay pwedeng lipstick lang din na hawak niya, hindi na kailangang mamili pa dahil pwede sa lahat ng bagay.


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang