Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 11- Highlight


11 – Highlight
NAPATIGIL si Bless sa pagbe-blend ng kanyang foundation gamit ang kanyang beauty blender ng may marinig na ingay sa labas ng kanyang bahay.
"Is this working?"
"Gumana iyan kanina noong nagkaraoke kami sa bahay."
"Sigurado ba?"
Mukhang may karaoke na naman ang kaharap na bahay niya, mahilig ang mga tao doon na kumanta lalo na kapag may okasyon. Noong una ay naiinis siya dahil madalas iyong may hawak ng microphone ay kuntodo birit halos mabasag ang mga salamin niya sa bahay pero natatawa nalang rin kapag pumipiyok at continue pa rin. Wala yatang pakialam ang mga ito na bumirit ng wala sa tono basta ang importante ay makakanta lang.
"Go na?"
"Baka magalit siya."
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkikilay ng marinig ang huling nagsalita, pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
"Palagi mo namang naririnig ang boses niya Bless, what's new?" tanong niya at ibinalik ang pansin sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Pasado alas dies na ng gabi at kailangang makarating siya sa bahay ng mga magulang before mag-alas doce. Her mom will throw a fit kung hindi siya pupunta. Sapat na ang lakas niya para harapin uli si Roue. Ewan lang niya kung dahil ba sa sinabi ni Lois kanina kaya medyo lumambot ang kanyang puso para dito. Kung hindi man sila magkakatuluyan at least they can become friends.
Ilang saglit pa ay may narinig na siyang nagkakantahan sa labas.
Dashing through the snow, in a one-horse open sleigh
Over the fields we go, laughing all the way;
Bells on bob-tail ring, making spirits bright
What fun it is to ride and sing a sleighing song tonight
Jingle bell, jingle bell, jingle bell rock
Jingle bells swing and jingle bells ring
Snowing and blowing up bushels of fun
Now the jingle hop has begun.
Feliz Navidad
Feliz Navidad
Feliz Navidad
Prospero Ano y Felicidad.
Feliz Navidad
Feliz Navidad
Feliz Navidad
Prospero Ano y Felicidad.
Dick the halls with boughs of holly,
"Anong dick? Deck iyon." Muntik na siyang matawa dahil sa naputol ang saya ng pangangarolling ng kanyang mga kapitbahay.
Deck the halls with boughs of holly,
Fa la la la la, la la la la.
Tis the season to be jolly,
Fa la la la la, la la la la.
Don we now our gay apparel,
Fa la la, la la la, la la la.
Troll the ancient Yuletide carol,
Fa la la la la, la la la la.
Rocking around the Christmas tree
at the Christmas party hop
Mistletoe hung where you can see
every couple tries to stop
Rocking around the Christmas tree,
let the Christmas spirit ring
Later we'll have some pumpkin pie
and we'll do some caroling.
Gusto niyang mapailing dahil naka-mash up na yata ang lahat ng Christmas songs na alam ng mga ito pero wala ni sinuman ang nakakatama ng tono ng mga iyon. Kapag narinig ni Jose Mari Chan ang mga ito ay aalis na ito ng Pilipinas dahil mukhang walang pag-asa ang mga ito matuno nga ang kanta.
"Poor, Jose Mari Chan."
"Ehemmm... Bless."
"Shit!" napamura siya ng mabali ang lipstick niya dahil sa gulat. Isa iyon sa pinakamahal na lipstick niya! At sa ibang pagkakataon siguradong magwalala siya pero hindi sa oras na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali, si Roue nga iyon. So, tama ang narinig niya kanina. Boses nga iyon ng lalaki at isa ito sa nangangaroling na hindi maitama ang tono.
"Bless, I know you can hear me. This one is for you."
May tila umagaw sa mikropono nito. "Bless, maawa ka sa mga eardrums namin. Please, maawa ka pakinggan mo na ang lalaking ito. Hindi sila titigil sa pagkanta hangga't hindi mo siya kinakausap. Nagmamakaawa kaming lahat sa iyo." Boses iyon ni Pamela. Tumayo siya at binuksan ang bintana ng kanyang silid. At ganoon nalang ang kanyang gulat ng makitang sobrang daming tao na nasa labas ng kanyang bahay, sa pinakagitna ay si Roue na nakatingala sa kanya. Iyong iba naman ay nakikiusyuso lang at kinukunan ng pictures ang kahihiyan nito at ng mga lalaking kasama nito.
I'll have a blue Christmas without you;
I'll be so blue thinking about you.
Decorations of red
on a green Christmas tree
Won't mean a thing if
you're not here with me.
I'll have a blue Christmas, that's certain;
And when that blue heartache starts hurting,
You'll be doing all right
with your Christmas of white,
But I'll have a blue, blue Christmas.
"I love you Bless Sonia Carcueva. Hindi planado iyan at kusa nalang nangyari. Nakakatawang may mga bagay palang nangyayari na hindi naaayon sa plano ng isang tao. Noong una ay plano kong kausapin ka lang pero hindi nangyari iyon dahil nauwi lang ako sa pagtitig sa iyo. I know I've been a jerk for the past eight years, noong nakilala kita ng husto gusto kong kutusan at suntukin ang sarili ko. Paano ko sinayang ang walong taon iyon na hindi ka natitigan, na hindi ka nakakausap, at hindi ka nakakasama?"
Humugot siya ng malalim na hininga.
"Ang ganda mo pa rin kahit sa malayo, paano mong nagagawa iyan?"
She bit her lips tight dahil kung hindi niya ginawa iyon ay siguradong matatawa siya sa biglaang paglihis nito sa unang sinabi.
"I love you at hindi ako napipilitan lang. I really wanted to be with you." Nagkibit-balikat siya at batid niyang sincere ang lalaki sa sinabi nito. "Please, forgive me? Nato-torete na ako dahil hindi mo ako pinapansin, you know I always want your attention. I want you to look at me like I'm the only guy in the world and the rest are just some rotten potatoes."
"Hoy, anong rotten potatoes? Sa gwapo naming ito ikinompara mo kami sa bulok na patatas?" reklamo ng kasama nito.
"I quit!"
"Ako rin, bahala ka na diyan."
Wala yata itong pakialam kung iwanan ito ng mga kasama dahil nakatulala lang ito sa kanya. Ilang minuto silang nagkatitigan bago siya gumalaw, sinara niya ang bintana.
"Ay, karma. Sinabihan mo kaming rotten potatoes kaya basted ka na."
"Uwi ka nalang Roue."
"Iyak mo na iyan 'pre."
"Bar nalang tayo dude, maraming chicks doon."
Dahil sa huling narinig ay napabilis ang lakad niya palabas ng kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto ay nandoon pa rin si Roue sa kinatatayuan nito kanina at nang makitang binuksan niya ang pintuan ay kusang sumilay ang malaking ngiti sa labi ito. His face sparkles as if he'd applied some glossy highlighter on it. Darn! Nakalimutan kong maglagay ng highlighter. Pero mukhang hindi na niya kailangan iyon dahil heto na ang highlight ng gabi niya.
She motioned him to come closer, initsa lang nito wireless microphone sa kung sino at mabilis na lumapit sa kanya.
"Bless-." Umatras siya ng isang metro dito nakita niya ang sakit sa mata nito dahil sa ginawa niya. "I know you are still mad at me."
"Roue, kung ginagawa mo ito dahil gusto mo pa rin i-continue ang engagement natin para hindi na i-engage si kuya at si Lois itigil mo na. Gagawan ko ng paraan para hindi iyon matuloy. I really appreciate the effort-." Inisang hakbang nito ang layo nila at mabilis siya nitong niyakap ng sobrang higpit.
"Didn't you hear what I said awhile ago? I love you Bless, I really do. Wala akong pakialam kung maikasal man si Blast at si Lois, right now ang gusto ko lang ay malaman mo na mahal kita at nagsisi ako kung bakit sinayang ko ang walong taon na iyon. I almost lost a wonderful, beautiful, smart woman like you. Don't tell ever tell me na makakahanap ako ng iba dahil alam natin na nag-iisa ka lang sa mundo. Please, forgive me? I know you love me too-."
"Uy, sino ang nagsabi sa iyo niyan?"
Tinulak niya ito pero hindi siya nito hinayaan.
"January two, February fourteen, October ten and December twenty-four."
Sinamaan niya ito ng tingin. "A-ano naman iyon?"
"Don't deny it Bless, iyon ang mga araw na nagpupunta ka sa Wild Thyme. You are there silently celebrating those special occasions." Nag-init ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "Now tell me, kung hindi mo ako mahal babalik-balik ka ba doon sa loob ng walong taon? You are silently waiting for me-." Malakas niyang hinampas ito sa dibdib dahil iyon lang abot niya habang hinayaan ang mga luhang kanina pa nagbabantang lumabas sa kanyang mga mata.
"I really hate you. Don't rub it, okay? Huwag mong i-sampal ang katangahan ko sa paghihintay sa iyo."
"I'm sorry." Pinagdikit nito ang tungki ng kanilang mga ilong. "I'm sorry for allowing you to wait that long, I'm sorry." Hinalikan nito ang tungki ng kanyang ilong. "Hayaan mo akong bumawi sa iyo, hayaan mo akong mahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay. Hayaan mo akong bawiin ang walong taong pagpapatanga at pagsayang ko sa oras mo. Hindi ako mangangako, gagawin ko ang lahat ng kaya ko mapasaya ka lang." tumagos sa puso niya ang bawat salitang binitawan nito. "I love you."
"Eight years, sa loob ng mga taon na iyon isa lang ang gusto ko at iyon ay ang mapansin mo at marinig na mahal mo ako. I waited for you and now that you are here it would be a waste not to have you right?" tuluyan ng nawala ang lungkot sa mukha ng lalaki at alam niyang ganoon din ang mukha niya.
"Thank you-."
"But it doesn't mean you'll get me easily."
"What do you mean?
"Hmnn... nothing." May makahulugang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig dito. Of course, babawiin din niya iyong walong taon na inis na inis siya dito. She may look nice and sweet but she'll definitely try to take her little revenge.
"Ibig bang sabihin nito tinatanggap mo na ako?"
"Yes."
"We are a couple now?"
"Yes."
"Oh God, thank you." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at akmang hahalikan siya ng pigilan niya ito. There's a wicked grin on her lips as he frowned hard.
"Kailangan na nating pumunta sa bahay nina mommy at daddy ko, they are waiting for me there. Nandoon na rin ang mga magulang mo." Binitiwan siya nito pero lukot pa rin ang mukha.
"We should end this in a kiss." Insist nito.
Inirapan niya ang lalaki kasabay ng pag-ngisi. Her sweet, little... revenge.


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang