Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4- Pretty Love: 10- Primer


10 – Primer
"ROUE, hindi lalaban sa iyo ang cellphone mo." Puna ng kanyang assistant chef. Ilang beses na niyang tinatawagan si Bless pero hindi niya ito ma-contact. "Apat na araw ka ng ganyan, today is Christmas eve dapat ay happy lang."
Christmas eve? Apat na araw noong huling nagkita sila ni Bless and since then ay hindi na niya ito nakikita. Wala ito sa opisina nito at wala ding tao ang bahay nito. Her parents don't even know where she is. He can't even cook damn it!
"Chef, fiancé mo pala ang girl crush namin." kumunot ang noo niya sa sinabi ng mga waitress nila. Girl crush? "Mukhang hindi na siya pupunta dito, dapat kanina pa siyang mga one PM as per schedule."
"What are you talking about?"
"Iyong magandang babae na nagpunta dito four days ago, sabi nila fiancée mo raw iyon. Palagi na namin siyang nakikita dito lalo na kapag Christmas eve, kapag valentines day, kapag January two at kapag birthday mo."
January two? That's her birthdate.
"Pero noong bago lang tayo mag-open ay halos every week na nandito si Ms. Pretty, sabi niya masarap ang food natin kaya nandito siya. But it stopped, three years after ay iyong apat na dates nalang siya nagpupunta dito sa Wild Thyme."
"Madalas si Bless dito? Bakit hindi niyo sinabi?" Napakamot ang kanyang mga staff ng ulo at mariin siyang napapikit. "Of course." Sagot niya sa kanyang sariling kagaguhan. Walang alam ang mga ito na may fiancée siya, he is deliberately hiding it from everyone. Habang ang dalaga ay alam ng mga taong nakapaligid ang tungkol sa kanya. Mas lalong hindi gumanda ang pakiramdam niya. "I'm such a jerk, right?"
Ngayon lang nagsink-in sa kanya ang mga dahilan kung bakit gustong putulin ni Bless ang engagement sa kanya. She's waiting for him, she's silently waiting for him and she's right, she waited for him for eight long years and yet he didn't even look at her not until she gave up. Alam niyang nagtataka ang mga ito sa kanyang kinikilos, they never saw him like that. He's always cool and composed but he's definitely not like that.
"Everyone, let's call it a day. Umuwi na kayo sa mga pamilya niyo at aayusin ko naman iyong akin."



"BLESS, huwag ka ng magalit sa akin." Kulang nalang ay lumuhod si Lois sa harap niya. "Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako."
"Lois, I'm not really mad." Apat na araw rin siyang hindi lumalabas ng kanyang bahay. Sa totoo lang ay tinamad siyang kumilos, kahit na ang buksan ang ilaw ay hindi niya magawa. Nasa loob lang siya ng kanyang silid, she set her phone to airplane mode so no one can access her. Mahaba-haba ang leave niya kaya ginamit niya iyon upang magpahinga, matulog at pigilan ang sariling umiyak.
"But you are disappointed. Alam ko ang iniisip mo, bakit hindi ko magawang magsacrifice at pakasalan si Blast samantalang ikaw ay nagawa mo nga for eight long years."
"Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan."
"I know." Pag-amin nito. "Inuusig ako ng konsensya ko."
Kung hindi pa siya inakyat-bahay ng babaeng ito ay malamang hindi rin niya ito kinausap. Nagawa nitong buksan ang backdoor niya at ng magising siya kanina ay laking gulat niya ng makitang nakatitig ito sa kanya. Muntik na siyang atakehin ng asthma.
"Aamin na ako." Anito pagkatapos. "Hindi ako nagpakamatay, it was actually a plot."
"A plot?"
Marahas itong napabuntong-hininga. "I don't really mind being engaged to Blast, we can always get married and then annul it later pero nanghihinayang kasi ako Bless. Nanghihinayang ako sa feelings mo para sa kapatid ko."
"What?"
"Alam ko na may crush ka sa kuya ko, first love mo siya and don't deny it halos magkasama tayong lumaki kaya alam ko. Madalas kitang nahuhuling tinititigan ang picture niya sa sala kapag akala mo ay wala kang kasama." Pinamulahan siya sa sinabi nito. "And I think our mothers noticed it too, wala naman talagang palabunutan na nangyari. I was there when they plotted it too, noong malaman ni mommy ko na baka may gusto ka kay kuya ay excited silang maging kayo. I know our parents are pathetic sometimes. At naiinis ako kay kuya dahil kahit na sumang-ayon siya sa plano ay wala pa rin siyang ginawa. Masyado siyang engrossed sa negosyo niya at sa pagluluto kaya hindi rin kita masisisi kung napagod ka at tuluyan ng huminto sa kahihintay sa kanya. So, Blast and I decided to play a little."
"And you pretended to..."
"Of course, I love my life so much and I don't intend to end it soon. Of course kuya will never know that, halos hindi rin kaya niya kami pinapansin dahil sa negosyo niya kaya alam kong iyong ginawa ko bumabawi lang siya sa akin. And that serves as his push to make a move somehow."
She pressed her lips tighter. "Hindi mo dapat ginawa iyon Lois, pwede naman nating kausapin ang parents natin para hindi na ituloy ang engagement ninyo ni Kuya Blast. Hindi maganda ang pamba-blackmail lalo na at buhay mo ang nakataya."
"I know I was wrong pero hindi ako nagsisisi dahil sa wakas ay nagawa na ni kuyang ibaling ang tingin niya sa iyo. Alam mo bang sobrang happy ko dahil sa wakas magkaka-happy ending na kayo. I saw his changes these past weeks, from a cooking robot to a real human being. I saw him smile, I saw him fall for you."
Gusto sana niyang maniwala sa hiling sinabi nito pero hindi pa rin niya kaya. "I really appreciate what you've did Lois. I know it was wrong pero napasaya mo ako. Tama ka matagal ko ng crush ang kuya mo, teenager palang tayo. And yes, umasa ako na balang araw ay kami ang magkakatuluyan kaya ako naghintay ng walong taon. I wasted my eight years for nothing and here he comes, walang rason ay bigla nalang siyang sumulpot sa buhay ko. Hindi pa prepared ang puso ko sa biglaan niyang pag-atake. Hindi ko pa nalalagyan ng primer kaya siguro ang bilis niyang maka-penetrate sa puso ko, ang bilis din ng sakit noong nalaman kong napilitan siyang lapitan ako dahil sa iyo."
"Oh no, Bless. Nilapitan ka niya para sa akin pero kung hindi ka talaga gusto ni kuya ay hindi ka niya babalik-balikan. Hindi siya ang tipo ng lalaking magtitiis sa bagay na hindi niya gusto, I may be his reason for approaching you but he stayed because he likes you. Heck, baka nga love ka na niya."
Gusto niyang maniwala sa sinabi ni Lois pero bakit hindi niya kaya? Siguro, hindi pa kaya ng puso niya.
"You don't have to sell your brother to me. I will be okay, this second heartbreak is enough for me to learn something. I'll be okay now and tell him not to worry, I am not mad anymore. Kahit kailan ay hindi ako magagalit sa kanya."
"Please talk to him, Bless. He's really not feeling good since the last time you saw each other. Hindi na siya makapagluto ng maayos, he can't even sleep at night, hindi ko na rin siya mahuthutan ng pera dahil hindi ako makalapit sa kanya. Maging si mommy ay sinusungitan niya at wala na siyang gustong kausapin pa. Give him a chance please, forgive him please? Tonight is Christmas kaya pakiusap patawarin mo na siya, give love this Christmas eve?"
Kulang nalang ay kumanta ito, alam din niyang nagu-guilty ito sa nangyari dahil partly ay may kasalanan ito.
"I'll think about it."
"Iyong sinabi kong okay lang na magpakasal kay Blast, that was a lie too. It feels like I am marrying a blood relative." Nakita niya ang horror sa mukha nito. "No offense meant girl I like Blast kahit na madalas kaming nag-aaway but that's because he's like an older brother to me. Parang katulad lang kay Kuya Roue at ni Mon-mon." tukoy nito sa kuya at bunsong kapatid nito. "Incest girl, incentious ang feeling. Nakakadiri." Kahit papaano ay nagawa niyang tumawa dahil kay Lois.
"I understand, don't worry gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal mo at ni kuya."
"Saka na iyan, kami na Blast ang bahala diyan. As for you, pag-isipan mong mabuti ang pagpapatawad kay kuya. Sayang naman iyong bahay na binili niya dahil gusto ka niyang ibahay doon."
"Huh?"
"Oh, have you seen the house? Walking distance lang iyan dito, kinulit ako ni kuya na kausapin ang dating may-ari doon na ibenta sa kanya. Halos lahat ng bahay sa seasonsville ay sold out na kaya halos imposible na mabili. Mabuti nalang at kapatid pala ng walang hiyang Liyum na nagmigrate na sa Australia ang may-ari kaya nabili niya."
"Liyum, your ex? Akala ko baa yaw mo ng kausapin iyon?"
Inirapan siya ng kaharap. "Wala akong choice, I'm a good sister and I want him to have a happy ever after. When he saw the place he likes it already, he said he'll make the kitchen the best part of the house because he wants to cook for you. He even wanted to paint the masters bedroom with pastel colors to my horror because he thinks you will love it. Kung hindi pa namin napigilan ni Liyum ay malamang ginawa na niya. Ikaw ang nasa isip niya noong bilhin niya ang bahay and he even planned on putting a branch of Wild Thyme here para mas malapit sa iyo."
Sa haba ng sinabi nito ay tila may kung anong bumikig sa lalamunan niya at hindi na naman niya mapigilan ang hindi mapa-iyak. He really did plan everything, he is sacrificing so much for Lois' sake, he really planned on marrying her.
"Bless, think about it."
"I will. Just give me time."
"Thank you so much and don't tell kuya I'm here kapag nalaman niyang sinabi ko ang mga nasabi ko na he will throttle me to death. Punta ka mamaya sa family party natin, don't miss it."
Siguro time na harapin na niya si Roue, she wants to clear everything. At walang malilinaw kung nandito lang siya sa bahay niya at nagtatago, nakapagpahinga na siya ng husto. She's one strong independent woman and she is brave to face him. "Tonight."


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang