Sunday, May 26, 2019

Black Magic 4 - Pretty Love: 1 - Mascara



1 – Mascara
Bless Sonia Carcueva never been this serious her whole life and was never been this strong as well. Kaya hindi nakakapagtataka kung mapatanga man sa kanya ang mga kaharap dahil hindi inaasahan ng mga ito ang kanyang anunsyo.
"Come again, Bless?" pa-ulit ng kanyang ninong Armando. Iginiya niya ang mga mata sa butihing ginoo na nasa harap niya, katabi nito ang asawa nitong ni Pia. At sa isang panig ng mesa ay ang kanyang mga magulang na natigilan din sa kanyang sinabi.
"I am sorry Ninong, Ninang, Mommy and Dad." Napasulyap siya sa kanyang kapatid na lalaki na mariing napahawak sa bitbit nitong kopita na may lamang alak. "But I really want to be free." Pinaglaruan niya ang hawak na kutsilyo. "I've been engaged to Roue for eight years now and I think walang patutunguhan ang engagement namin. I want to call it off."
Ginagap nang ina ang kanyang palad. "Anak, baka naguguluhan ka lang." natataranta na ito pero poise pa rin ang mama niya. Her mom was a beauty titlist during her younger days kaya hindi rin nakakapagtataka na kahit may edad na ito ay sobrang ganda pa rin nitong tingnan. Sabi nila ay nakuha niya ang kanyang hitsura mula sa ina habang ang dalawang kapatid na lalaki ay sa kanilang ama. "Dahil ba sa wala dito si Roue? We can always call him-." Pinutol niya ang kung anuman ang sasabihin ng kanyang ina.
"No mommy, hindi dahil doon." Marahan siyang ngumiti sa mga ito. "As you can see, I am already twenty eight. Matanda na ako at gusto kong magdesisyon para sa sarili ko." Bumaling siya sa mga magulang ng kanyang fiancé. "Don't get me wrong po, walang mali sa anak niyo." She smiled sweetly at them but deep inside her gusto niyang sarkastikong tumawa at sabihin na may malaking problema ang anak nito but of course she can't say that. Kung gusto niyang makawala sa tali na nagbibigkis sa kanila ng lalaki ay dapat mahinahon siyang makipag-usap sa mga ito. "Alam niyo naman kung ano ang pinagdaanan ko nitong nakaraang linggo, it wasn't an easy feat."
Totoo namang hindi maganda ang nangyari sa kanya, una ay inatake siya ng asthma niya dahil sa pabago-bagong klima ng bansa, sa sumunod na araw ay na-hospital siya dahil sa pneumonia and worst, tumagal pa siya sa hospital dahil na-dengue siya. Siya na ang nabiyayaan ng maraming karamdaman, but she's okay now. At dahil sa nangyari sa kanya ay hindi siya magkakalakas ng loob na magsalita tungkol sa matagal ng nagpapahirap sa kanya.
"Because of what happened to me I realized something. Maiksi lang ang buhay and I haven't explored it yet, natatakot akong gawin ang mga bagay na gusto ko lalo pa at nakatali ako kay Roue. Natatakot akong magkamali dahil ayokong dungisan ang pangalan ninyo, NInang, Ninong. It limits my capabilities and I don't want that anymore, I really want to enjoy my life to fullest and I can do that if I am single and free. Ayokong ma-trap sa isang relationship at kapag tumanda na ako ay saka pa ako magkaka-backlogs."
"Can't you do that without cancelling your engagement with our son, Bless? I mean eight years din kayong engage." She really wanted to roll her eyes and curse, yes, engaged sila ni Roue sa loob ng walong taon pero apat na beses nga lang yata niyang nakita at nakasama ang lalaki. Curse that guy!
"I am sorry Ninang, Roue is a nice guy." Nice guy his face! "But I know I am not his priority right now." That's true, priority nito ang negosyo nito. He never had time for her. Ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niyang kumalas ay dahil sa tingin niya ay walang valid reason na maging engaged din sila ni Roue. Ang nanay niya plus ang nanay nito ay bestfriends na since pacifier and diaper days kaya napagkasunduan ng dalawa na ipakasal ang mga anak nila at dahil parehong tatlo ang mga anak ng mga ito, kaya nagpalabunutan ang mga ito. Unfortunately, pangalan niya at ang pangalan ni Roue ang nabunot. Ang saya lang ng buhay hindi ba?
Hindi sila magkasamang lumaki ni Roue dahil lumipat ang mga ito sa Cebu dahil taga-roon ang ama nito. They were formally introduced during her graduation ceremony and when her parents told her that they were getting engaged, hindi siya nag-reklamo dahil akala niya biro lang ang lahat but it turns out wrong. They are really pretty serious about it and her recent hospital escapade is an eye opener. She will never marry that guy! Never!
"And isn't it better if Roue got married because he really likes the girl?"
"But he likes you." Sige, i-insist niyo pa.
"And I want to meet someone on my own too." Ngumiti siya sa mga ito pero pinalamlam niya iyon. It's her talent, she can show different emotions with her smile. Her face is an exact opposite of a 'poker face'. "I've never dated someone since I was engaged, heck, I never dated anybody." Mabuti nalang talaga at isinuot niya ang pinakabagong release na mascara sa market, it adds confidence and emotions to her eyes. "And I don't think I loved Roue that much. I don't want to marry someone I don't love but that is an ingredient of a miserable marriage." Finally, na-insert na rin niya ang matagal na niyang gustong sabihin sa mga ito.
"I don't want to waste my time waiting anymore. I'm already twenty-eight, mas maagang tumatanda ang babae keysa sa lalaki. Let me decide on my own po, I want to be free and I think Roue will also appreciate his freedom."
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong mesa ng kanilang bahay. It's as if any moment from now ay may sasabog ng bomba, oh—sumabog na pala and this is the aftermath.
"Sa tingin ko tama si Bless, Amanda." Sang-ayon ng Ninong niya. "And I think malaki din ang kasalanan ng anak natin. Masyado siyang naging busy sa kanyang negosyo at hindi na niya nabibigyan ng oras si Bless."
"Tama si Armando, Luciana. Matanda na si Bless at alam mo kung gaano ako natakot noong na-hospital siya. I prayed to God na gagawin ko ang lahat ng gusto niya kapag nagising siya so I am supporting her this time."
Gustong-gusto niyang tumili at magtatalon sa tuwa. She just can't believe it! She got a massive support from her dear father and her ninong.
"But-." Magrereklamo pa sana ang ina nang magsalita ang kuya Blast.
"Mom, give Bless her freedom. She's the only girl in the family and I think it was wrong for her to be engaged in such a young age. You did restrict her to do anything that she wants to do." She just loved her brother so much! Ngayon lang siya nito sinuportahan to think best friend nito ang ex-fiance niya.
Sabay na napabuntong-hininga ang nanay at ang ninang. This is it! Her freedom! Finally, she's free! Gusto niyang humalakhak at bumalik sa bahay niya upang ipamalita sa mga kaibigan na successful ang kanyang misyon sa gabing ito.
"Since nag-decide na ang lahat may magagawa pa ba kami ni Amanda?" she smiled sweetly, she can't show them how happy she was that time.
"Good thing may plan B kami." Ngumisi na ang ninang niya. Tumabingi ang ngisi niya sa sinabi nito. "Plan A is for Bless and Roue to get married, unfortunately it didn't work. And, we really want us to be a family, so..." bakit may palagay siyang dahil sa freedom niya ay may papalit sa pwesto niya. She doesn't want to think but hell, mukhang alam na niya ang sunod na sasabihin ng mga ito.
"Blast, you are marrying Lois Madison instead." And that's a bomb.
Napatingin siya sa kapatid niya na nasamid sa iniinom nitong alak. Hell! She's happy because she's free pero alam niyang kapag nalaman ito ni Lois ay kakalbuhin siya ng kaibigan. For Goodness sake! Hindi magkasundo ang kapatid niya at si Lois!
Ang tingin ni Lois kay Blast ay isa itong full-pledge STD carrier and should be quarantined in an island. Ang tingin naman ni Blast kay Lois ay isang magkukulam dahil akala nito ay totoo ang ipinataw na sumpa ng kaibigan. She asked about the curse pero wala ni sinuman ang gustong magsabi sa kanya.
Well, that's none of her problem anymore. She already solved hers, good bye Roue and hello freedom na siya ngayon. Mukhang effective talaga ang paglagay niya ng lucky mascara niya, totoo ang magic ng mascara wand.


<3 <3 <3
Note: Photo credits to the owner.
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang