Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: End- Item

END - ITEM
            “NATUTULOG pa si Xylee, Dorothy. Matagal siyang nakatulog kagabi.” Narinig niya ang boses ng Mama niya pagkababa niya sa hagdanan. Masakit pa rin ang kanyang ulo dahil sa ilang oras na ginugol niya sa pag-iyak.
“Ganoon po ba? Pakibigay nalang kay Xylee ang mga fruits, fresh from the farm pa po ang mga iyan.”
“Mga paboritong prutas nga ni Xylee ang mga ito, maraming salamat.”
“Napag-utusan lang din po.”
Lalapit na sana siya sa ina at kay Dorothy pero sinara na nang mama niya ang pinto. “Gising ka na pala, Xylee. Gusto mong mag-breakfast—mag-lunch na?”
“Sige po, Ma.” Napatingin siya sa basket na punong-puno ng prutas.
“Galing dito si Dorothy at pinabibigay ang mga ito sa iyo.”
“Mukhang madami, Ma.” Sa tingin niya ay mahihirapan silang ubusin ang mga prutas na laman ng basket. “Hindi natin mauubos iyan.”
“Huwag kang mag-aalala mauubos natin ito, mahilig din sa prutas ang papa mo.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kanyang ina.
“Dadalhin natin iyan kay Papa?”
Umiling ang ina. “Ang papa mo ang uuwi dito.” Napatingin siya sa ina habang hinahanda ang kanyang kakainin. “Napag-usapan na namin ng papa mo na muling magsama sa iisang bahay.”
“Bakit po?”
“Bakit? Ayaw mo ba?”
“Hindi naman sa ganoon pero nakakagulat lang.”
“Walang nakakagulat doon Xylee. Matagal na rin kaming nagkaayos ng ama mo at ito na ang tamang panahon na magsama-sama tayong muli. Matatanda na kayo ni Xeleena at malaki ang pagkukulang namin sa inyong dalawa. Hindi naming kayo nabigyan ng perpekto at buong pamilya.”
Mahina siyang napabuntong-hininga. “Wala naman po kaming sinasabi na perpektong pamilya ang gusto namin ni Xeleena. At saka kahit na magkahiwalay kayo ng tirahan ni Papa, hindi naman kayo nagkulang sa amin. Napalaki niyo pa rin kami ng maayos.”
“Salamat naman at ganoon.” Tumitig ang ina niya sa kanya. “Matatanda na kayo Xylee, ilang buwan o taon ay magkakaroon na rin kayo ng sariling pamilya. Si Xeleena ay ganoon din. Kaming dalawa na lang ng ama mo ang maiiwan at habang hindi pa nangyayari iyon ay susulitin na namin na makasama kayong dalawa ng kakambal mo.”
“Kung iyon po ang magiging desisyon ninyo ay wala naman akong problema doon. Pero sa tingin ko po Ma, makakasama niyo pa po kami ng matagal ni Xeleena.”
“Bakit mo naman nasabi?”
“Wala kaming balak na lumagay sa tahimik.”
Tinaasan lang siya ng kilay ng ina at binato ng isang orange na agad niyang nasalo. “Kung pagbabasehan ang mga eyebags mo sa sinabi mo, mukhang hindi kapani-kapaniwala.”
“Ma!”
“Kumain ka na diyan at ng makapagpahinga ka ng mas matagal. Itigil mo na iyang kapapanood mo ng mga Asian drama at namamaga na iyang mga mata mo.” Makahulugang ani nito. Mukhang may ideya ang ina niya sa pinagdaanan niya, hindi man nito literal na sinabi iyon pero ramdam niya iyon. Sabi nga nila, mothers know best. Ramdam din niya ang suporta nito sa kanya hindi nga lang sila masyadong showy.

“Xylee,” Itinigil muna niya ang pagtipa sa laptop at bumaling sa ina.
“Ma, bakit?” busy siya sa pagprint out ng mga ilalagay niya sa kanyang teacher’s portfolio na MOV para sa kanilang mid-year RPMS/PPST evaluation. Naka-receive siya ng text mula sa kanilang head teacher kaninang umaga na kailangan nilang ipasa ang MOV’s nila. Mabuti nalang at may isang observation na siya kaya kahit papaano ay may laman ang portfolio niya, iyon nga lang pag-check niya kanina sa kanyang IPCRF or Individual Performance Commitment and Review Form ay nasa Satisfactory lang ang rating niya. Kailangan pa niyang i-fill up ang catch up plan at ang validation tool form para bukas ay hindi na siya ngarag.Semestral break na ng mga estudyante nila pero sila ay may INSET or In-Service Training pa.
“Gusto mo ng snacks? May oreo cheesecake dito, hindi ba gusto mo ito?”
“Bumili po kayo?” hindi niya napansin na umalis ang nanay niya since this morning at wala din siyang napansin sa refrigerator nila kanina ng maghanap siya ng matamis.
“May nagbigay.” Pumasok ito bitbit ang plato na may malaking slice ng oreo cheesecake at orange juice.
“Ang galante yata ng mga tao dito sa atin, Ma. Kanina prutas ngayon naman ay cheesecake.”
“Hindi kasi sila teacher.”
“Ma, naman.”
“Biro lang. Kumain ka muna.”
“Salamat, Ma.”
“Ang gloomy naman ng silid mo.” Binuksan nito ang kanyang bintana at agad na pumasok ang malamig na simoy ng hangin at lumiwanag ang buong paligid. “May kukunin lang ako saglit para mas lalong ganahan ka na magtrabaho.” Lumabas ito at may kinuha sa labas ng kanyang silid. Pagpasok ng ina ay may bitbit itong vase na may maraming bulaklak.
“May nagbigay din sa mga iyan?”
“Ha? Hiningi ko sa kapitbahay natin saying kung itatapon lang.” napatingin siya sa mga bulaklak. Magaganda ang mga iyon at halatang mahal din iyon, mga paboritong bulaklak din niya ang karamihan sa mga nasa loob ng vase. Totoo nga ang sabi nila, nakakagaan sa feelings ang mga bulaklak. “Hayan, para ma-inspire kang magtrabaho kahit na linggo.”
“Salamat sa cheesecake, Ma.”
“Huwag ka sa akin magpasalamat kundi sa nagbigay niyan. Pagkatapos mo diyan maglakad-lakad ka rin. Nakakaganda sa mood ang ma-exercise ang katawan kahit papaano.”
“Yes, commander.”
“Darating mamaya ang kakambal at ang Papa mo kaya aayusin ko muna ang kabilang silid.”
Share sila ni Xeleena ng room dahil dalawang silid lang naman ang meron sa bahay nila. Wala siyang problema doon dahil sanay na rin siya at palaging wala sa bahay ang kakambal niya dahil halos sa hospital na ito nakatira.
“Anong gusto mong hapunan?”
“Mag-lu-lunch pa lang hapunan na agad?”
“May lunch na tayo at wala kang choice, sa hapunan lang meron.” Napakamot nalang siya ng ulo. Mukhang mas tamang sabihin na mas inspired ang mama niya dahil ang hyper nito ngayon.
“Tatapusin ko muna ang mga ito, Ma. And then matutulog muna ako.”
“Hindi ka maglu-lunch?”
“Pagkagising ko nalang po, babawi muna ako ng tulog.”
Umalis na ang ina sa kanyang silid at natapos na rin niya ang kanyang ginagawa, na-arranged na niya sa kanyang clearbook ang kailangan niya bukas. Kapag may dinaramdam ka pala mas nakakatulong ang maraming trabaho dahil nawawala sa isip niya ang dahilan kung bakit napakawalang ganang kumilos. Kaso nga lang kapag wala ka ng ginagawa ay may muli na namang bumabalik ang mga bagay na gusto niyang makalimutan.
Tumayo siya at dumungaw sa bintana, napakunot ang ang kanyang noo ng mapansin na may mga naka-set-up na tables at tents sa labas ng bahay ni Darren.
“Anong meron?” gusto sana niyang bumaba at itanong sa ina kung ano ang meron at mukhang may celebration sa bahay ng lalaki. “Birthday ba niya?” Baka birthday ng girlfriend niya. Mula sa kanyang kinaroroonan ay agad na nahuli ng kanyang mga mata si Darren na may kausap na mga tao.
Ganoon pala iyon ano? Kahit gaano pa kasakit ang dala ng isang tao sa iyo pero kung siya rin ang dahilan kung bakit ka sumasaya, masulyapan lang siya masaya ka na.
“Stop hurting yourself Xylee. Hindi ka na teenager, you are already twenty-eight for pete’s sake!” utos niya sa kanyang sarili. Isinara niya ang bintana at pinatay ang ilaw at hinayaan na kumalat ang dilim sa kanyang silid. Nahiga siya sa kama at napatitig sa kisame. She got her phone and open her facebook app, wala siyang na-received na notifications which is quite weird. Pati ang mga kapitbahay nilang mahilig mag-post ng kung anu-ano ay wala din, ang facebook group naman nila ay nauna na yatang mag-celebrate ng undas dahil wala ding bagong update doon.
Maliban sa isa. Napatitig siya sa post ni Darren, it was a post five hours ago.
WED
Kung hindi lang siguro mahal ang pagpapaayos ng screen ng cellphone ay baka at sa malamang ibinato na talaga niya iyon sa tiles ng kanyang silid. Nanaig pa rin ang rasyonal na bahagi ng kanyang utak at pinatay nalang ang cellphone. Halata naman sa post ni Darren kung ano ang balak nito, ang swerte ni Daffodil sa lalaki. Kahit nasaktan siya ay masasabi din niyang maswerte din siya dahil kahit papaano ay naranasan niya kung paano maalagaan nito.
“Dapat matulog na lang talaga ako tapos bukas ng umaga nalang magising.” Ayaw niyang katukin siya ng ina niya tapos sasabihin na magpunta sa bahay ni Darren dahil inimbitahan sila nito sa ‘party’. She’d rather hide inside her closet than sees him with someone else. She’s not ready yet, her heart is not yet ready… so far from ready.

MALAKAS siyang napabuntong-hininga habang nakatingin sa bukas na refrigerator. Nasa bahay ni Darren ang kanyang mama at papa, pati na rin si Xeleena ay nakisama sa kasiyahan. Habang siya ay nagdadalawang-isip kung pupunta ba o hindi, napaka-loser naman niya kung hindi siya sisilip doon.
“Xylee--.”
“Ay kalabaw!” nagulat talaga siya sa biglaang pagtawag sa kanyang pangalan. “Da-Darren.”
Kinailangan niyang kumurap dahil noong huling may ganito silang encounter, akala niya ay totoo pero iyon pala panaginip lang. Pakiramdam nga niya ay hindi totoong nasa harapan niya ito sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Napakalamlam ng mga mata ng lalaki habang nakatitig sa kanyang mukha. Hindi siya kumilos kahit na noong tawirin ni Darren ang pagitan nilang dalawa, halos gadangkal nalang ang layo nila mula sa isa’t isa.
“Wala ka bang balak na lumabas dito sa bahay mo?” her brow twitches. Kahit ang boses nito ay parang panaginip lang. “Come and join us.”
“La-later.” Tama, panaginip lang talaga ito dahil nagagawa niyang kausapin ito ng hindi na-iiyak. Kahit na alam niyang ikakasal na ito sa girlfriend. “Si-sige Darren, may tatapusin lang muna ako.” She learned her lessons well, alam niyang panaginip lang ito at hindi siya pwedeng magpadala sa kanyang emosyon.
“Xylee.” Nahagip ni Darren ang kanyang braso at hinila siya nito, she was captured by his big warm arms. Sa isang iglap ay nabuhat siya ng lalaki at pina-upo sa ibabaw ng mesa. Ngayon ay hindi na ito nahihirapang yumuko upang magka-lebel ang kanilang mga mukha. She was cornered by his arms on her sides and his big built. Para siyang maya na na-trap sa isang malaking hawla.
“Oh God! This is just a dream.” She tried closing her eyes. “Just a dream…” her head tilted up and when she opened her eyes si Darren pa rin ang nakikita niya.
“This is not a dream, Xylee. This is real.” Marahas siyang napabuntong-hininga at muling ipinikit ang mga mata. “Open your eyes and face me.” Pero umiling siya. “Hahalikan kita kapag hindi mo ginawa.” Umiling ulit siya. Hindi naman niya akalain na gagawin talaga nito ang banta nito. Natagpuan niya ang sariling mga labi na nakahinang sa mga labi nito. His fingers slowly massaging the back of her head making it more relaxing, coaxing her head for more access. His tongue asking for access which she granted immediately. The feeling is different, she was never kissed before. Her knees are turning into jelly, her heart beats wildly, her brain is hazy, her eyes are blurry. Ganoon pala ang pakiramdam ng mahalikan ng lalaking mahal mo. Kung panaginip lang ito, lulubusin na niya total kapag nagising na siya ay ibabaon nalang niya ito sa limot. At least kahit sa panaginip ay naranasan niya kung paano mahalikan mukhang tatanda na talaga siyang dalaga eh.
“Oopps, sorry.” Awtomatikong naibuka niya ang kanyang mga mata dahil narinig ang boses ni Xeleena. Akala niya ay bibitawan na rin siya ni Darren pero hindi ito natinag sa halip ay mas lalo nitong hinigpitan ang kapit sa kanya. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kakambal na gulat din ng makita sila sa ganoong akto. Matagal ito bago naka-recover at nagmamadaling iniwan sila sa kusina. Noong makabawi sa gulat ay malakas niyang itinulak si Darren pero hindi niya magawa, masyadong matatag ang katawan ni Darren para sa kanya. The last thing she did just to make him stop is to bite his lips making him stop and stare at her intently. Na-guilty naman siya ng makita ang pamumula ng labi nito at may kaunting bahid ng dugo.
“Oh God, bl-blood.” Natatarantang bulalas niya. “Your lips… it’s bleeding.”
“Calm down-.”
“It’s bleeding.” Hinila niya ang laylayan ng kanyang shirt at mabilis na pinunas sa labi nito. “I’m sorry.”
“Just kiss me and I’ll forgive you-” Bago pa nito matapos ang sasabihin ay sinampal niya si Darren na mas lalong ikinagulat nito. “What was that for?”
“Don’t ever dare Darren. Don’t cheat on your girlfriend and don’t use me.” Balak sana niyang bumaba sa ibabaw ng lamesa pero hindi siya nito hinayaan. Mas lalo siyang nainis dahil sa halip na mahiya at umalis ay ngumisi lang ang loko.
“So, nagselos ka talaga kay Daffodil?”
“Pababain mo ako dito.”
“Answer me first.”
“No.” kaila niya.
“Iyan ang sinasabi mo, iba naman ang kinikilos mo.”
“Shut up. You get lost!” itutulak sana niya ito pero agad nitong nahagip ang kanyang braso at hinawakan ang kanyang palad.
“I’m sorry Xylee.” Kumunot ang kanyang noo. “I’m sorry kung nasaktan kita, kung umiyak ka ng dahil sa akin.”
“Hindi ka rin feeler ano? Bakit naman kita iiyakan? Bakit naman kita-.”
“Because you love me the same way I love you.” Kung nakakapanghina ang mga halik nito ay mas lalo naman ang sinabi ng kaharap. Tama nga sila, words are more powerful than sword dahil pakiramdam niya ay sinasaksak siya nito ng paulit-ulit sa sinabi nito.
“Hindi nakakatuwa ang biro mo Darren.” Unti-unti na namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata sa sinabi nito. “I’m weak when it comes to this. Kahit pag-amin sa sarili kong nararamdaman ay sobrang hirap sa akin kaya huwag mong gawing biro ang nararamdaman ko. For Pete’s sake, sana naisip mo na tao lang din ako. Madali akong masaktan, hindi ako robot na kayang itago ang tunay na nararamdaman ko. Hindi mo lang alam kung paano ako nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon, hindi biro na humarap ka sa mga estudyante mo ng nakangiti at walang problema pero sa loob-loob mo ay sobrang sakit na. Ang hirap magpanggap na okay ka pero hindi naman pala, hindi lang ako ang apektado, pati na ang trabaho ko, pati na ang mga students ko. Kaya please lang, huwag mong gawing biro ang nararamdaman ko.”
“Xylee…” halata ang panghihina sa boses nito. Pinunasan ng lalaki ang luha sa kanyang pisngi at inilabas ang cellphone nito. He opened his gallery and gives her the phone. Kahit sa nanlalabong mga mata ay alam niyang mga screenshots iyon sa messenger. “Here, read this.”
“Ikaw ba ang nagpapalungkot sa teacher namin? Bad ka!”
            “Bad ka po Sir, inaway niyo po ang favourite teacher namin.”
            “Bawal ka na po sa school.”
            “Ibalik mo po ang maam Xylee namin na masaya.”
            “Pasayahin mo po si Maam Xylee isusumbong ka po namin sa presidente.”
            “Dear Sir, huwag ka na pong lalapit kay maam dahil pinapaiyak mo po siya.”
            Marami pang messages ang nandoon at lahat ng iyon ay mula sa kanyang mga estudyante. Mukhang napansin din ng mga ito na hindi okay ang lagay niya.
“They are condemning me.”
“Serves you right.”
Mahina itong tumawa. “Akala ko nakakatakot na ang pagbantaan ka ng malalaking mga tao pero mas nakakatakot pala ang pagbabanta ng mga maliliit na mga bata.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Daffodil is not my girlfriend. She’s my sister, my older sister.” Tinaasan lang niya ito ng kilay. “She’s married with three children.” Walang kasinungalingan sa boses ni Darren, ibig sabihin ay nagsasabi ito ng totoo. “I’m sorry, hindi dapat ako nagsinungaling sa iyo pero dahil napasubo na ako kaya itinuloy ko na. Humingi ako ng tulong sa mga kapitbahay natin and they told me to make you jealous.”
“For what?” mabigat ang boses niya.
“Para umamin ka na gusto mo ako, higit pa sa gusto. It was a risk, a gamble, natakot ako sa magiging reaksyon mo pero naisip ko rin, hindi ka ganoon kadaling makuha. Halos ginawa ko na ang lahat ng pang-aakit sa iyo, lahat ng pagpapa-cute, ang lahat ng paglalambing, pero sa tingin ko ay hanggang sa kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin. Mas lalo akong natakot sa ideyang baka kaibigan lang talaga ako sa iyo kaya tumaya na ako.”
Nag-isang linya ang mga labi niya sa pinagtapat ni Darren. Hindi rin niya naisip na dahil sa takot niya na magmahal at masaktan ay hindi niya agad nalaman ang tunay na nararamdaman niya para sa lalaki. Matagal din niyang inamin sa sarili na mahal niya ito, kung hindi pa siya nasaktan ay hindi pa niya aaminin.
“I’m sorry Darren kung iyon ang nararamdaman mo. Nagpakain ako sa takot ko na magmahal at masaktan, gusto kong protektahan ang sarili ko dahil ayokong mangyari sa akin ang nangyari sa mama ko. Nagpakain ako sa takot, nagpakain ako sa kahinaan ko.” Hingi niya ng paumanhin dito. “Sorry kung natakot ako, hindi rin kasi ako sanay na may nagpaparamdam sa akin na espesyal ako mas sanay akong nag-aasikaso.”
“I was never a caring and sweet person Xylee. Pero noong nakita kita sa birthday ni Dorothy, I found you really cute with all the paint smudges in your face and hair. Ikaw iyong tipo ng babaeng napakasarap alagaan at gusto kong akong ang mag-alaga sa iyo. Gusto kitang alagaan kahit na alam kong kaya mo ng alagaan ang sarili mo.”
“Hindi ako madaling alagaan, Darren.” Aniya dito.
“I know. You are a handful. Sanay kang inaalagaan ang sarili mo kaya itinutulak mo ang mga taong may gustong mag-alaga sa iyo pero hindi ako madaling itulak, lumalaban din ako. Masyado ka ng pagod sa mga estudyante mo, marami ka ng inaalagaan, marami ka ng trabaho and I want to offer my service Xylee. I want to take care of you.”
“Wala na akong oras-.”
“I’ll give you my time.”
“Paano kung mapagod ka sa akin?” iyon ang kinakatakutan niya. Ang mapagod ito sa kanya at sa kanyang trabaho, katulad ng nangyari sa kanyang Papa. Napagod ito sa paghihintay sa mama nilang mabigyan ito ng oras.
May kinuha ito sa likod ng bulsa ng suot nitong pantalon, it’s a familiar small white box. He opened it and saw what’s inside. May laman itong singsing sa loob at ilang mga miniature na mga gamit.
“Bago pa mangyari iyon itatali na muna kita sa akin, hindi ko kayang sagutin ang tanong mo Xylee. Paano kung mapagod ako sa iyo? Pwede naman siguro akong magpahinga hindi ba? Hihingi ako ng oras para makapag-isip pero hindi kita iiwanan. Matanda na ako at alam ko na ang priorities ko and I want you to become my priority. Hindi ako mag-iinvest sa isang bagay kung alam kong hindi ako seryoso sa bagay na iyon.”
Nanginginig ang mga luha niya habang nakatitig sa singsing. Ito iyong naka-post sa facebook account nito. “That’s an--.”
“Engagement ring.” Kinuha nito ang singsing at hinawakan ang kanyang palad. “Matanda na tayo Xylee, I know you deserved to be courted, you deserved a romantic proposal. Gusto ko sanang gawin ito sa harap ng mga magulang mo, sa mga kaibigan at kapitbahay natin at sa mga nagmamahal sa iyo pero maninigurado na ako. Sa iyo lang ako nag-invest at sumugal. Ayokong malugi sa iyo kaya hindi na kita papakawalan pa, please marry me?”
Mas lalo siyang napaluha habang sinusuot nito ang singsing sa kanyang daliri. Kasyang-kasya iyon sa kanyang palasingsingan.
“Hindi pa nga ako sumasagot.” Mukhang napagtanto naman ni Darren ang ginawa at napatitig sa kanya.
“Say yes.” He insisted, napatawa nalang siya sa sinabi nito.
Suminok siya habang tinutuyo ang mga luha. “Sana ay totoo na ito, sana ay hindi ito panaginip lang Darren.”
Mabilis siya nitong kinintalan ng halik sa labi. “This is real and us is real, right?”
Sunod-sunod siyang tumango na ikinangisi nito. “I love you Xylee, we are an item now.” Muli ay natawa siya sa sinabi nito.
“Item talaga? Alam mo bang bago mapasok sa serbisyo ang mga guro ay kailangan muna nila ng item?”
“Yes.”
“At ang item ay kailangang approve ng civil service.”
“Yes.” Anitong nakatitig sa mga labi niya.
“Kailangan mo rin na magpaalam sa personal civil service committee ko, my parents.”
“They approved. Tinulungan ako ni Mama na mag-set up sa engagement party natin and your father accepted me already as his son, gladly. Pero sabi niya bigyan ko muna siya ng ilang buwan bago ka pakasalan. Ngayon lang daw kayo magkakasamang muli kaya ibigay muna kita sa kanya. That’s our bargaining agreement so I was left with no choice but to agree, six months. Hahayaan kitang maging single sa loob ng anim na buwan.”
“Six months?” gulat na tanong niya.
“Masyado bang matagal? I can still bargain-.”
“No- no! I mean, seryoso ka talaga na papakasalan mo ako? Walang halong biro?”
“I am always serious Xylee and yes let’s get married as soon as possible.” Parang umikot yata ang ulo niya sa bilis ng mga pangyayari. Parang kaninang umaga lang ay ang sakit ng ulo niya sa kaiisip kung paano magmomove on kay Darren, tapos engaged na sila and then they are about to get married months from now. “As much as I want to keep you here we need to get out and see our guests.”
“Guests?” lutang na tanong niya. Inalalayan siya nitong bumaba sa mesa.
“Yes my fiancée. Our guests are waiting for us outside, I want to share to them the good news.”
“Good news?” mukhang hindi na talaga siya makaka-recover, nagbu-buffer na ang utak niya.
“Na nakuha ko na rin sa wakas ang matamis mong Oo and we are officially an item now.” Bago pa siya nito mahila palabas ay mariin muna nitong inangkin ang kanyang mga labi na naging dahilan kung bakit lumalala ang pagkalutang niya. Pakiramdam niya ay nasa cloud nine siya.
“Mukhang sure na sure ka na talagang positive ang isasagot ko dahil nagpahanda ka na talaga. Advance ka rin kung mag-isip ano?”
Muli ay ngumiti ito. “I don’t accept ‘no’ as an answer, Xylee. Kung hindi ka nag-yes ay may plan B ako.”
“And that is?”
“I invited your students, sigurado akong hindi ka makakatanggi sa kanila. I even planned on using them to win your sympathy if you will say no to my proposal.” Malakas siyang napasinghap.
“Gagawin mo talaga iyon?”
“Plan B palang iyon, I have all the letters in the alphabet for my plans.” He winks at her. Napatunganga nalang siya sa lalaki mukha kasing wala na talaga siyang kawala dito, gagawin nito ang lahat para makuha lang siya and she’s more than a willing victim.
Pinakiramdaman niya ang kanyang puso, sigurado siyang buhay siya at sigurado siyang totoo ang nangyayari. Napatitig siya sa magkasugpong na mga palay nila ni Darren at dahan-dahang napangiti.
Ganoon pala iyon. Kapag natuto kang harapin ang kinatatakutan mo, ang magrisk para mahalin ang isang tao kahit na masaktan ka, ang tanggapin na masasaktan ka nga, iyong handa mo na sanang palayain ang mahal mo para sa mahal niya… kapag nakalaya ka na, ang sarap pala sa pakiramdam. Kagaya ng nangyari sa kanya, natakot siya pero sinubukan pa rin niyang magmahal kahit na alam niyang masasaktan siya. Hindi siya perpekto, maaring may takot pa rin siya at alam niyang hindi agad iyon mawawala.
“Bakit?” baling ni Darren sa kanya marahil ay napansin ang mahigpit na hawak niya dito.
“Darren, sometimes I wonder if a love is worth fighting for. Then I look at you and then I realized I’m ready for war, I am ready to love you. I am really in love with you.” Amin niya dito. He just smiled and stared lovingly at her.
“I love you too.” And with his words she knew she’ll be ready, she’s really ready to be stronger. He makes her strong and in return she’ll make herself stronger not just for him but for herself.

<3 <3 <3
A/N: Finally, this story finally come to an end. I was inspired to write something out from true to life experience (iyong trabaho lang po) and since noong sinimulan ko ang kwento na ito ay na-hook ako kay Yabuki Nako (Produce 48 and IZ*one member). She's a Japanese idol (HKT48 and AKB48), naka-cute-an talaga ako sa kanya kaya naisip kong bakit hindi siya ang gawin kong inspiration sa kwento and let her be the female lead. So ngayon, tinatapos ko na ang kwento dahil gaya ng sabi ko sa mga naunang chapters ay maximum of 15-16 chapters lang talaga ang black magic series. 
Salamat ng marami sa pagsubaybay sa kwentong ito at baka matagalan pa ang sunod na story dahil may tatapusin pa akong isa. Hopefully, matapos ko siya by the end of the year. Just wish me luck babies and more time to write. 
Thank you so much for your undying support and understanding. Love you babies! 

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang