Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3- Teach Love: 9 - Lunch Break

lunch
9 – Lunch Break
            “Tapos na ang thirty minutes.” Amuse na tinitingnan ni Xylee ang bawat galaw ni Darren. Pagka-inom niya ng gamot ay nagtimer pa talaga ito dahil kailangan nilang maghintay ng thiry minutes bago siya makakain. “Kailangan mo ng kumain.” Inilabas nito ang mga pagkain na binili nito kanina.
“Darren, hindi mo naman kailangang gawin ito. Kahit makapal ang mukha ko ay marunong naman akong mahiya.” Totoo naman kasi ang kanyang sinabi. Napapansin na niyang masyado na itong maraming ginagawa para sa kanya.
“I like doing what I’m doing.” Gusto niyang mapabuntong-hininga ng malakas dahil pakiramdam niya ay nananaginip lang siya. Sa tingin kasi niya dati ay imposibleng may mag-eexist na tao na katulad na katulad ni Darren but here he is, isang living proof na baka nga may ginawa ang Diyos na perpektong tao. “I missed doing this and Dorothy wouldn’t even allow me to.” Narinig din niya mula dito kapag nag-uusap nila na iniispoil ng binata ang kapatid. Kaya lang noong mag-abroad si Darren ay dahan-dahan din na lumayo ang loob ni Dorothy dito.
Baka nga gusto lang talaga nitong may inaalagaan, may lalaki naman talagang tulad nito. Gusto lang nitong gawin sa kanya ang hindi na nito nagagawa sa kapatid.
“Are you mad at me?” inosenting tanong niya.
“Honestly speaking, I am not mad at you. Frustrated lang.”
“Why?”
“Masyadong matigas ang ulo mo.”
“I’m not.” She defended herself pero hindi ganoon katigas ang boses niya dahil totoo namang may katigasan din talaga ang kanyang ulo. “Well, medyo.”
“Dapat ay inaalagaan mo ang sarili mo, dapat ay iniisip mo na maraming bata ang binabantayan mo Xylee. Paano nalang kung magkasakit ka ng mas malala pa sa sakit mo ngayon? Paano mo sila aalagaan? Paano ka pagkakatiwalaan ng mga magulang ng mga batang tinuturuan mo kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo?”
Pakiramdam ni Xylee ay sinampal siya nito, totoo ang lahat ng sinabi ni Darren. Paano nga naman niya maalagaan ang kanyang mga estudyante kung siya mismo ay hindi kayang alagaan ang sarili niya.
“I swear Darren I tried. Noong unang taon ko sa pagtuturo ay maayos pa naman ang time management ko, nafo-follow ko ang schedule na na-iset ko.” Inagaw niya dito ang kutsara dahil may balak yatang subuan pa siya nito. “Nakakaya kong hindi dalhin ang trabaho sa bahay at nakakapagpahinga nalang ako pag-uwi. Nasabi ko nga before, I really found what I really loved. Pero lately, hindi na ganoon. Hindi ko na nagagawang i-follow ang schedule ko, hindi ko na nakakayang gawin sa school ang mga trabaho kaya nadadala ko sa bahay, hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari sa sistema.”
Akala niya ay babarahin siya nito pero hindi, nanatili itong nakatitig sa kanya at hinihintay na matapos ang kanyang sasabihin. Hindi katulad si Darren ng mga ibang lalaking nakakausap niya tungkol sa ganitong topic na agad na nabobore.
“Sa halip na magturo ako ng naayon sa oras ay palaging may hinihinging paper works na kailangang ipasa. Kung dati ay card and form 137 lang ang chine-check  ngayon sobrang dami na. Pagkatapos ng periodical examination ay hihingan ka na ng frequency of errors and correct responses, number of failures and mag-SMEA pa. Marami na kasi ang nai-implement na mga bagong ‘FORMS’ na kailangang ipasa sa head teachers and master teachers.”
Sumubo na siya ng pagkain dahil nagugutom na rin talaga siya. “Kaya nga nakaka-guilty din na instead na nakakausap at nababantayan namin ang mga estudyante namin ay nawawalan na kami ng oras sa kanila. Sasabihan ka lang kasi ng heads mo na mag-iwan ng activities o kaya naman ay magpasulat ng pagkahaba-habang notes habang tinatapos mo ang trabaho na wala namang kinalaman sa pagtuturo mo.”
Binigyan siya nito ng tubig. “You should have told you head about that.”
“We did.”
“And?”
“Sinasabihan lang kami na kung pagod na kami ay umalis na kami sa sistema dahil maraming nakaabang na pwedeng ipalit sa amin.” Malungkot na ngumiti siya dito. “Kapag sasabihin mo ang hinaing mo sa ibang tao sasabihin lang nila sa iyo na dapat ay pag-usapan iyan within the school, paano mo naman kakausapin ang mga taong ayaw na makinig sa iyo? Kapag sasabihin mo naman iyan sa mas nakakataas pa, iilan lang ang makikinig sa iyo pero wala din silang magagawa dahil either may malaki silang utang na loob sa pinaka-itaas o kaya naman ay hindi sila close ng nasa itaas.”
“Are you tired?”
“Yes.”
“Are you unhappy?” tumigil siya sa pagsubo at napa-isip sa tanong nito.
“Malungkot ako sa nangyayari sa sistemang ginagalawan ko pero masaya ako dahil sa mga estudyante ko. Masaya akong nagtuturo, masaya ako kapag tinatawag nila ako ng maam na may malaking ngiti sa labi nila. Masaya ako kapag nakakapagtapos sila ng with honors at masaya ako kapag naririnig ko ang mga estudyanteng nagpapasalamat sa akin dahil natuturuan ko sila ng maayos. Masaya ako sa trabaho ko bilang guro pero hindi ako masaya sa trabahong ginagawa ko na wala namang kinalaman sa pagtuturo ko at sa mga estudyante ko.”
Darren tapped her on the head. “Nababago ang sistema, maaaring wala pa tayong magagawa sa ngayon. Maaaring hindi pa kayo naririnig sa ngayon pero huwag kang mawalan ng pag-asa. Baka may isang tao na darating at magbabago ng lahat, hindi man niya mababago in an instant pero at least magagawan ng paraan na gumaan ang work load ninyo.”
“Kailan kaya iyon?”
“Hindi natin masasabi kung kailan pero kung alam niyong may mali na kahit na anuman ang sabihin nila ay huwag din kayong manahimik na lang. Minsan nakakatulong ang pananahimik pero minsan din akala nila nananahimik ka dahil okay lang sa iyo ang pinapagawa nila, hindi rin masama na paminsan-minsan ay sasabihin mo ang problema.”
“Kahit hindi sila nakikinig?”
“Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Hindi ko sasabihin sa iyo na mag-quit ka, I can’t tell you to do something you wouldn’t like. If your students make you happy then just think about them but if it’s no longer healthy for you, maraming options.” Ngumiti ito sa kanya na para bang sinasabi sa kanya na huwag mawalan ng pag-asa at fight lang ng fight. Bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil for the first time ay nailabas niya ang kanyang hinanaing.
“Thank you for listening.”
“If you need me you can knock at my door or call me or even text me.” ngumiti siya dito kaya lang ay bigla itong natulala at nag-iwas ng tingin mula sa kanya pero ilang segundo lang ay bumalik na uli sa kanya ang tingin nito at malakas na napabuntong-hininga. “Don’t look at me like that Xylee.”
“What? Why?”
“Weakness ko ang mga cute kapag ngumiti ka pa sa akin ng ganyan ipapasok na kita sa bulsa ko at gagawin kitang display sa bahay ko.” Natawa siya sa sinabi nito.
“Too bad – awww.” Napahawak siya sa kamay nito ng hindi na yata ito nakatiis at kinurot ang kanyang pisngi. “Masakit Darren.”
“Lunch break is up lovers!” pumasok si Zammuel sa clinic nito na hiniram ni Darren para makapagpahinga at makakain siya. “Bawal ang spg dito.”
“Shut up Zammuel.” Reklamo ni Darren na hindi binibitawan ang kanyang nananakit na pisngi.
“Darren, kapag hindi mo binitawan ang pisngi ni Xylee magkakapasa na iyan. Wala akong yelo dito.” Agad na binitiwan ni Darren ang pisngi niyang namumula na.
“Namumula na.” komento ng lalaki.
“Wala akong yelo dito, Darren.”
“Masakit?” tanong ni Darren sa kanya.
“Yes.” Kahit na hindi naman talaga.
“Zammue-.”
“Sabi ko sa iyo wala akong yelo dito, halikan mo nalang iyan para hindi na sumakit. Effective iyon.” Ang baliw na doktor ng kanilang barangay slash subdivision ay nakangising kinuha ang cellphone nito at huli na ng mapagtanto kung ano ang gagawin nito at kung ano ang gagawin ni Darren. The hell! Sinunod nito ang payo ni Zammuel.

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang