Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3- Teach Love: 8- Resita

res.jpg
8 – Resita
            “XYLEE…” Boses ni Darren iyon. “What happened to you?” binuka niya ang kanyang mga mata at nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng binata. Sa tantiya niya ay kagagaling lang nito sa paglalaro ng basketball dahil sa suot nitong jersey, pawisan din ang lalaki at may hawak na bola. “What are you doing here?”
Pinapahupa niya ang sakit sa kanyang sikmura kaya napaupo siya sa tabi ng daan. “You don’t look--.”
“Okay lang ako.” Aniya dito. “Pinalayas ako ng nanay ko sa bahay.” Kumunot ang noo ng lalaki.
“Why?”
Napakamot siya ng ulo. “Nainis siya sa akin.” Kahit papaano ay kumalma na yata ang asido sa kanyang sikmura. “Sige, may pupuntahan muna ako.” Iniwan niya ang lalaki dahil ayaw niyang maabala pa ito ng dahil sa kanya. Sa tingin naman kasi niya ay hindi life threatening ang kanyang nararamdaman, hindi lang naman isang beses na nangyari sa kanya iyon. Mas malala pa nga iyong una dahil muntik na talaga siyang masugod sa hospital dahil nagsusuka na rin siya.
Habang naglalakad ay narealized niyang medyo naging rude siya kay Darren. Nag-aalala lang naman ito sa kanya pero parang binaliwala niya ang pinakitang pag-aalala nito. Mahina siyang napabuntong-hininga at binalikan ng tingin ang iniwan na lalaki. Wala na ito roon, marahil ay pumasok na ito sa bahay nito. Saka nalang siguro siya hihingi ng paumanhin kapag okay na ang kanyang pakiramdam.
“Makabili nga muna ng krimel-S.” hinalukay niya sa kanyang isipan kung may laman pa bang Krimel-S ang kanyang medicine kit para makabili siya ng marami. Naging paboritong gamot na niya iyon, madalas siyang inaatake ng hyperacidity keysa sa lagnat. “Ay juicecolored!” malakas na hiyaw niya ng may tumapik sa kanyang likuran. “Ano ba Darren!? May balak ka bang bigyan ako ng sakit sa puso?” talagang nagulat siya sa biglaang pagsulpot nito.
“I asked your nanay.” She rolled her eyes. Kaya pala bigla itong nawala. “And I think she’s right.” Napasimangot siya sa sinabi nito.
“Yeah, yeah. Ako na ang may mali kaya ako nandito hindi ba?” muling humilab ang tiyan niya kaya napangiwi na naman siya.
“Stay here.”
“What? Why?”
“Just stay here, may kukunin lang ako.” Mabilis itong nawala sa harapan niya at ilang minuto pa ay lumabas nasa tabi na niya ang sasakyan nito. “Get inside, Xylee.” Walang bahid ng biro ang boses nito. He is dead serious.
“Why?”
Malakas itong napabuntong-hininga at lumabas ng kotse upang alalayan siyang pumasok sa kotse nito. “Saan mo ako dadalhin?”
“You need cure.”
“Cure? Kakain lang ako diyan sa tabi-tabi tapos ay matutulog and then I’m okay na.” He buckled her seatbelt and went back infront the stirring wheel.
“I understand your mother’s frustration. You are hardheaded.”
“Huwag mo akong English-in kapag gutom ako, Darren. Hindi kita naiintindihan.” Magkahalo na ang nararamdaman niya, masakit ang kanyang sikmura at pati na rin ang kanyang ulo.
“…clinic…”
“What clinic?”
“I need to bring you to the nearest clinic.” Nataranta siya sa sinabi nito. Kahit nanay niya ay hindi siya napipilit na magpa-check-up. At ang medical assessment lang na meron siya at kapwa niya guro every year ay x-ray and urinalysis dahil requirement iyon para sa kanilang clearance.
“Hyperacidity lang ito, iinuman ko lang ng Krimel-S o kaya gaviscon ay magiging okay na ang pakiramdam ko.”
“Teacher ka Xylee, hindi ka doctor. And as a teacher alam mong masama ang mag-self diagnose. Paano kung mas malala pa sa hyperacidity iyang nararamdaman mo?” bahagyang tumaas ang boses nito. Halatang galit ito sa kanya.
Siya ang klase ng taong palaging may sagot sa bawat tanong at minsan ay mahirap sa kanyang tumanggap ng kahit na anong kritisismo lalo na sa ibang tao, lalo na sa taong hindi pa niya lubos na kilala. Pero may punto si Darren. Guro siya at wala sa job description niya na i-diagnose ang sarili. Kaya tumahimik nalang siya dahil tila nasampal siya nito sa katotohanang guro nga siya pero hindi niya kayang turuan ang sarili niya ng tama.
“We are here.” Lumapit ito sa kanya para tanggalin ang seatbelt pero hindi ito tumitingin ng diretso sa mga mata niya. She wanted to apologize and tell him that he was right kaya lang ay tila naumid ang kanyang dila.
Dahil nahihirapan siyang maglakad kaya tahimik na inalalayan siya nito papasok sa clinic ng kanilang kapitbahay.
“Darren, what brings you to my humble abode?”
“Check her.” Napatingin siya sa binatang doktor ng kanilang barangay.
“Good afternoon Doctor Zammuel.”
“Anong nangyari sa iyo, Xylee?”
“Hyperacidity.” Maiksing sagot niya.
“You don’t know yet.” Sita ni Darren.
Tumawa lang ang doktor. “Masyado kang nag-aalala Darren. Ang mabuti pa ay lumabas ka muna baka ikaw ang sunod kong icheck up.” mas maganda ang suhestiyon ni Zammuel at sa tingin niya ay naintindihan iyon ni Darren kaya lumabas ito ng clinic. Nang silang dalawa nalang ni Zammuel ang nasa loob ay sinimulan na nitong check-up-in slash i-interrogate siya.
“Mukhang totoo ang tsismis, ah.” Tinaasan lang niya ito ng kilay.
“Tsismis?”
“Na may namamagitan na sa inyo ng bagong kapitbahay natin.” Nasa boses nito ang panunukso pero hindi gaya ng ibang kapitbahay niya na nakaka-irita ang panunukso kaya hindi niya magawang magalit at mainis dito.
“Fake news iyan.”
“Alam mo Xylee, hindi ako madalas naniniwala sa lumalabas sa media. Lalo na sa facebook group kahit na may pictures na, iniisip ko kasi maraming sides ang isang kwento. At iyong nakikita ng mga kapitbahay natin ay ang side na gusto lang nilang makita at iba naman iyong side ninyong dalawa. Pero mukhang may namamagitan na talaga sa inyo base sa ekspresyon na nakikita ko kay Darren.”
“Nag-aalala lang iyon dahil friends kami.” Pinagdikit pa niya ang dalawang daliri upang i-emphasize kung ano lang talaga sila ni Darren.
“You like your friend.”
“Of course.”
“Oh, Darren.” Agad siyang napatingin sa pintuan ng tawagin ni Zammuel ang kasama pero wala naman doon ang lalaki. “Nice reaction.”
“Baliw ka talaga Zammuel.” Inis na sinipa niya ang kaharap kung hindi lang muling sumakit ang tiyan niya.
Lumayo na sa kanya ang doktor at may sinulat sa papel at saka ibinigay sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ang nakasulat sa papel.
“Hindi ba pangit ang penmanship ng mga doctors? Bakit mas maganda pa ang sulat kamay mo keysa sa sulat kamay ko?” nagdududang tiningnan niya ang kapitbahay.
“Hindi lahat ng doktor pangit ang handwriting at huwag kang mag-generalized. Gaya lang iyan ng feelings mo para kay Darren, akala mo friend lang pero more than friend na pala.” Parang gusto tuloy niyang batuhin ng matigas na bagay ang lalaki dahil pilit nitong hinuhukay ang emosyon na pilit niyang inililibing.
“Are we done?” pumasok si Darren at inosenting nakatingin sa kanila. May bitbit itong paper bag na may tatak ng restaurant na nasa loob lang ng village nila.
“Yes, may ibinigay na akong resita kay Xylee. Bilhin mo na lang ang mga gamot.” Kinuha ni Zammuel ang papel mula sa kanya at ibinigay kay Darren. “Ipa-inom mo sa kanya thirty minutes bago siya kumain. At kapag hindi pa rin umayos ang pakiramdam ni Xylee dalhin mo na siya sa hospital for a laboratory check-up.” At kinuha naman ni Darren ang papel na matamang nakikinig sa sinabi ni Zammuel.
“Teyka lang Zammuel, hindi ba dapat sa akin mo iyan sinasabi?”
“Nope, sigurado akong kakalimutan mo lang ang lahat ng sinabi ko.”
“True.” Sang-ayon ni Darren. “She’s frustrating.” Tinapik ni Zammuel si Darren sa balikat.
“Masanay ka na.” kumunot ang noo niya.
“ I will.”
At nagkaroon na ang dalawang kaharap niya ng sariling mundo.
“Pwede na ba akong umalis?”
“Yes.”
“Magkano ang babayaran ko?” hinanap niya ang isang libong pabaon ng nanay niya sa kanya kanina.
“Huwag na, si Darren na ang bahala.”
“Ako na ang bahala.”
“Ha—uy, Huwag na-.”
“Hayaan mo na si Darren, Xylee. Nagpapractice lang iyan.”
“Practice?”
“Na alagaan ka.” Kinindatan pa siya ni Zammuel bago kinausap si Darren.
Saka niya na-realized na kahit gaano pa kataas ang pinag-aralan ng isang tao, may tinatago pa ring pagka-baliw at gago.



<3 <3 <3
CTTO

TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang