Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3- Teach Love: 7- Form 2

book.jpg
7 – FORM 2
            “GALING na naman dito ang ‘friend’ mo, Ms. Rosal.” Panunukso ng mga katrabaho ni Xylee sa kanya. Nasanay na ang mga ito sa presensya ni Darren na halos araw-araw ay sinusundo siya dahil along the way lang daw sila.
“Complete attendance na iyang ‘friend’ mo, ilalagay ko kaya ang name niya sa form 2 ko? Siguradong by the end of the month isa si ‘friend’ sa may pinaka-perfect na attendance.” Tudyo ng iba pa niyang kasama sa faculty room.
“Hayaan niyo na si Darren. Mukhang bored lang iyon sa mundo.” Pambabalewala niya. Ngayon na halos araw-araw na silang nagkakasama ay nasasanay na rin siya sa presensya nito. Talagang ganoon lang ang ugali ng binata, madalas itong nagbibiro at talagang in-born ang sweetness at kabaitan nito. At isa din sa mga nalaman niya dito ay mahilig talaga ito sa mga cute na bagay. And she’s undeniably cute, ayon pa ng binata. She reminds her of her sister when Dorothy was still younger.
Na-sisterzone na siya.
Na-friendzone pa.
“Kung ganoon naman ka-gwapo ang mga bored sa mundo bet kong magkaroon ng ka-friend na tulad ng ‘friend’ mo.”
“Ms. Cruz, alam ko iyang tono mong iyan. Walang anuman sa pagitan namin ni Darren talagang magkaibigan lang kami.”
“Ay sus, lumang tugtugin na iyan Xylee. Walang babae at lalaki na nagiging magkaibigan lang.”
“Meron kaya.” Insist niya. Ayaw niyang pati ang mga katrabaho niya ay tuksuhin siya kay Darren. Napacify na niya ang kanyang pakiramdam para sa binata, okay na rin ang kanyang pakikitungo dito. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang kung anumang meron siya lalo pa at mula na sa mismong bibig ng lalaki na gusto siya nitong maging kaibigan.
“Huwag mong sabihin sa amin na hindi mo gusto iyang si Sir Darren, Xylee. Dahil walang maniniwala.”
“Gusto ko nga siya.”pag-amin niya. “Gusto ko siya bilang kaibigan.”
“Kaibigan lang?”
“Huwag niyo akong tuksuhin sa lalaking iyon, magkapitbahay lang kami at magkaibigan na rin. At hindi imposibleng magkaroon ng friend na guy. He said gusto niya ang mga cute things and I am cute so he likes me. Simpleng logic lang.”
“Hala siya, nagbubuhat ng sariling bangko.”
“My cuteness is undeniable.” At nag-peace sign pa siya tapos ay ipinagkrus ang thumb and pointing finger para mag-heart sign at kumindat pa.
“Oo na ikaw na ang cute.” Tuluyan ng nawala sa usapan nila ang binata. Mas nakahinga siya ng maluwang ng magtext itong hindi siya nito masusundo dahil may late meeting ito. Mabilis siyang nagreply ng happy face and thumbs up.
           
            “ANG cute.” Dumaan siya sa shop ni Vanessa, isa sa mga kapitbahay at naging kaibigan na rin siya pagdaan ng panahon. “May owner na ito Van?” tukoy niya sa super cute na pomeranian na hawak niya.
“Yes, may buyer na iyan. Kukunin na ang tuta sa susunod na linggo ng may-ari.” Nagpout siya habang nakatingin sa tuta.
“Hindi na kita makikita pa.” may weakness siya sa mga tuta, may aso sila dati kaso namatay at dahil masyadong na-attached silang dalawa ng kakambal sa aso kaya nagkatrauma na sila. Wala ng nagbalak na magkaroon ng aso sa bahay nila hanggang sa maghiwalay ang kanilang mga magulang at tuluyan ng nakalimutan ang ideyang magkaroon ng aso.
“May darating na apat na Pomeranians sa susunod na araw, ise-send ko sa messenger mo ang pictures.”
“Thanks Van.” Gigil na pinugpog niya ng halik ang aso. “Ang mahal mo naman kasi, kulang pa ang isang buwang sweldo ko pambili sa iyo.” Mahinang reklamo niya. Masyadong mahal ang mga pure breed na aso at mahal din ang maintenance. Kailangan pa ng mga immunization shots at vaccines.
“Mayaman si Darren pwede mo siyang kulitin na bilhan ka ng aso.” Nagulat siya sa sinabi ni Vanessa at muntik ng mahulog ang bitbit na aso.
“Bibig mo Vanessa! Baka may makarinig sa iyo at kung ano pa ang isipin nila nakakahiya kay Darren.”
Tinaasan siya nito ng kilay. “Hindi pa ba kayo?”
“Diyos ko! Saan mo nakuha iyang balitang iyan?”
“Sa facebook group ng village natin, hindi mo ba alam na everyday ay may stolen shots kayo na magkasabay umuuwi.”
Dahil sa minsan ay nagka-issue silang dalawa ni Darren kaya iniiwasan na rin niyang buksan ang facebook app niya. Naka-log out siya doon at un-installed na rin ang kanyang messenger. Nagpa-unlimited load siya sa kanyang cellphone upang doon siya ma-contact ng mga gustong maka-contact sa kanya.
“Along the way lang ang school kaya nakikisabay na rin ako, alam mo naman na mahirap ang sakayan dito sa atin lalo na kapag rush hour. Walang malisya iyon at magkaibigan lang kami.” Kinuha ni Vannesa sa kanya ang aso nang mapansin na nagpupumiglas na ito sa pagkakahawak niya.
“Oo na, hindi na. Masyado kang defensive.” Biro nito at kapag ganitong medyo hyped ang kanyan emosyon ay hindi siya nakakasakay agad sa mga biro ng mga tao sa paligid niya.
“Hindi ako defensive at nagsasabi lang ako ng totoo.” Kinuha niya ang bag at mga gamit niya. May hahanapin at kakausapin siya para matigil na ang tsismis sa pagitan nilang dalawa ni Darren. Wala siyang pakialam kung masyado siyang sensitive ngayon.
“Saan ka pupunta?” gulat na tanong ni Vanessa sa kanya.
“Hahanapin ko si Iken.” Tukoy niya sa official IT ng kanilang village. Ito ang nag-aapprove ng mga posts ng mga kapitbahay. “Hindi siya dapat nag-aallow ng mga posts na walang katotohanan.”
“Masyado kang sensitive ngayon.”
“Hindi naman kasi kayo ang napapahiya sa pino-post ng mga tao sa facebook. Okay lang sana kung iilan lang ang nakakakita, marami kaya! At ayokong matsismis lalo pa at may mga students akong kapitbahay lang natin.” Ang bigat-bigat ng dibdib niya. “At saka wala namang totoo sa mga tsismis at biro niyo kaya please lang, stop na okay.”
Mukhang nagulat ang kausap sa naging outburst niya at matagal itong hindi nakapagsalita. “Xylee, seryoso ka?” akala yata nito ay biro lang ang outburst niya.
“Yes. I am not mad at you, galit ako sa nagpapalaganap ng tsismis na iyan. Hahanapin ko muna si Iken siya ang pagbubuntunan ko ng galit.” At tuluyan na siyang umalis sa pet shop ng kaibigan at mabilis na tinunton ang daan papunta sa bahay ni Iken.
“Tao po! Iken, nandiyan ka ba?” kulang nalang ay sirain niya ang doorbell ng bahay nito.
“Xylee, wala si Iken diyan. Kakalabas lang.” nagdugtong ang kilay niya ng biglang lumabas si Lacey na tulad ng dati ay gulo-gulo ang buhok at pati na rin ang suot nitong oversized shirt and shorts.
“Kakalabas? Saan siya pupunta?”
“Ahm, I don’t know. Nakita ko lang siyang nagmamadaling umalis tapos may dalang mga bags.” Umalis ang lalaki? Ang coincidence naman kung ganoon!
Bumuntong-hininga siya at kinalma ang sarili. “Fine. Kapag dumating siya i-text mo ako, Lacey. I really need to talk to him.”
“S-sure.”
Wala siyang nagawa kundi ang umuwi at magpahinga. Hindi maganda ang pakiramdam niya at mabigat din ang kanyang katawan. Mukhang magkakasakit pa yata siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Ang pinakaayaw niya ay ang natsi-tsismis siya at sa isang taong ‘kaibigan’ lang ang turing sa kanya.

“FINALLY!” Xylee stretched her fingers and crack it to release her stress. End of the month na kaya kailangan niyang gumawa ng form 2, inisa-isa niya ang attendance notebook niya para sa mga pangalan ng mga students na lumiban sa klase. Pagka-fill up niya sa form 2 ay gumawa naman siya ng adopt-a-school report with documentations para hindi masabi ng mga heads niya na gawa-gawa lang niya iyon at accomplishment report na rin.
Gumawa na rin siya ng test papers para sa mga subjects na hina-handle niya dahil malapit na ang periodical examination, sinama na rin niya ang TOS or Table of Specifications na palaging partner ng test questions. Nakagawa na rin siya ng grade sheets at inisa-isa na ang mga cards kung saan isusulat ang grades ng kanyang mga estudyante pagkatapos ng periodical examination.
Kapag tapos na siyang makapag-fill-up sa cards ay magsusulat siya ng students info sa form 137-E o Form 10 na ang tawag ng form an iyon ngayon. Magche-checking of forms pa sila bago ibigay ang cards sa mga parents.
Ilang araw na rin siyang gabi kung umuwi dahil naghohome visit siya sa mga students niyang palaging absent. Pagdating niya sa bahay ng isa niyang estudyante ay tinulungan pa niya ang mga magulang nitong hanapin ang bata dahil nalaman na bibisita siya kaya naglayas. Hindi naman niya intension na takutin ang bata pero talagang marami na itong absents at ilang beses na rin niyang pinapatawag ang mga magulang nito pero walang dumadating sa school.
Natagpuan nila ito sa isang computer shop at nalaman niyang nasa shop lang ang bata kapag hindi pumapasok. Ang alam ng mga magulang ay pumapasok ang anak nila dahil nanghihingi ng baon at umuuwi kapag uwian na. Sa inis niya ay nagsumbong siya sa barangay upang pabantayan ang computer shop. Dapat kasi ay hindi ito nagpapapasok ng mga estudyante during class hours.
“Class record naman.”
Sabado, dapat ay nagpapahinga siya pero sa trabahong meron siya mapapatanong ka nalang kung ano ang salitang ‘pahinga’. Ang Monday to Friday niya ay dedicated sa trabaho at pagbabantay ng mga bata, pagchecheck kung malinis ba ang classroom at na-sort out ba ang basura, ang paggawa ng mga dapat ay trabaho ng heads at kung anu-ano pa. Ang sabado ay ang araw kung kailan nag-che-check siya ng mga test papers, nag-re-record at nag-iisip ng pwedeng gawing activities sa susunod na linggo. Kapag swerte ka at natapos mo sa araw ng sabado ang lahat ng trabaho, makaka-gala ka sa linggo. But of course, itutulog nalang niya iyon.
“Anak, magpahinga ka muna. Kanina ka pa diyan sa harap ng laptop mo.” Nag-aalalang sita ng nanay niya sa kanya.
“Kailangan ko pong tapusin ito baka hindi ko na ito ma-record.”
“Hindi ko naman sinasabi na hindi mo gawin ang sa akin lang ay magpahinga ka muna.”
“Isang subject lang ang irerecord ko, Nay. Tapos ay mag-be-breakfast na ako.” Alas otso siyang nagising tapos trabaho ang unang inatupag niya.
“Breakfast? Alas dos na ng hapon.”
“Alas dos na ba?” tumawa siya ng makitang alas dos na nga. “Sige, lunch nalang.”
“Xylee, hindi ako nagbibiro!” mukhang galit na ang nanay niya. “Magkatulad na magkatulad talaga kayo ng kapatid mo, halos hindi na umuuwi sa bahay at sa hospital na tumitira. Ikaw naman ginawa mo namang eskwela itong bahay natin.” Sermon nito sa kanya.
“Marami kasing trabaho--.”
“Paano kung magkasakit ka? Tandaan mo walang sick leave and vacation leave ang mga guro kaya huwag mong abusuhin iyang katawan mo. Maliban sa Philhealth wala rin kayong Health Insurance, huwag mo namang ibuhos ng husto ang oras at lakas mo sa trabahong okay lang na mamatay ka sa pagod dahil maraming nag-aabang sa item mo.”
Mukhang galit na talaga ang kanyang nanay kaya iniligpit niya ang mga natapos na sa malaking eco bag. May malaking punto naman kasi ang kanyang ina, sa simula pa lang ay tutol ito sa pagiging guro niya dahil dating guro din ito na umalis sa serbisyo dahil sa kanila ng kapatid niya. Alam nito ang galawan sa loob ng sistema at ayaw nitong maranasan niya iyon.
Pero passion niya ang pagtuturo, walang pumilit sa kanya, walang nag-utos sa kanya, desisyon niyang pumasok sa sistema kaya kahit na pagod na pagod na siya ay hindi siya nagrereklamo dahil kagustuhan niya ito.
“Hala, lumabas ka ng bahay.”
“Po?” pinapalayas ba siya ng nanay niya?
“Tayo na diyan.” Wala siyang nagawa kundi ang tumayo lalo na at pinagtutulakan na siya nito palabas ng kanilang bahay. “Hindi ako nagluto dahil mapapanis lang, diyan ka sa labas at maghanap ka ng pwede mong kainan diyan.” Binigyan siya nito ng buong isang libo bago sinara ang pintuan at i-lock iyon.
“Nay!”
“Walang tao dito.”
“Pero--.”
Napakamot nalang siya ng ulo dahil mukhang walang balak siyang papasukin ng nanay niya. Naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura at saka niya na-realized na hindi lang iyon kumakalam, parang tinutusok rin ang tiyan niya sa gutom. Masyado siyang occupied sa dami ng trabaho kanina kaya nawala sa isip niya ang pagkain.

TBC
<3 <3 <3
Nagmamahal,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang