Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 6- Book

book
6 – Book
            “WHAT THE!” Hindi alam ni Xylee kung ano ang gagawin ng makita ang picture na nasa facebook group ng kanilang subdivision. It was a normal picture, pero sa kanya hindi normal iyon!
“Xylee, anong nangyari sa iyo?” tawag ng nanay niyang kakauwi lang galing sa Bohol kasama ang tatay nila. “Bakit ka sumisigaw?”
“Wala ho.” Sagot niya at muling tiningnan ang picture baka sakaling namali lang siya ng tingin. Pero hindi! Talagang picture niya iyon kasama si Darren! Kuha iyon noong magkasama sila the other night, kumakain sila ng samgyeopsal sa isang Korean restaurant. At tinuturuan siya nitong ng tamang paraan sa pagkain. Walang malisya iyon, ang kuha sa picture dahil timing na sinusubuan siya ng lalaki ng kimchi na inayawan niya dahil hindi niya bet ang lasa. At sa mga hindi nakakakilala sa kanila ay siguradong iba ang iisipin ang kanilang naging eksena. Para kasi silang magkasintahan kung titingnan.
“My golly.” Natatakot siyang i-scroll pataas ang picture dahil baka may mabasa siyang pangba-bash mula sa kanilang mga kapitbahay. “Kaya mo iyan Xylee.” She encouraged herself. Napahawak siya ng husto sa cellphone ng makita kung gaano karaming likes and share ang nandoon. Kaya pala ang dami niyang notifications, hindi niya iyong tinitingnan dahil akala niya ay galing iyon sa mga dating estudyante na nasa higher years na.
Mga tags and comments ang nandoon. Naka-tag siya sa picture. Naka-tag din si Darren. Hindi pa sila facebook friends ng lalaki.
“Bakit ang daming comments?” lagpas isang daan na yata ang comments ng picture post na iyon sa facebook group.
Binasa niya isa-isa…
“Bagong love team?”
            “Bagay ah!”
            “Totoo na ba ito?”
            “SCAM iyan.”
            “heartu.”
            “Ang cute naman ni Maam dito. Congrats kuya @Darren Anthony Mallore.”
            “Maam @Xylee Grace Rosal siya na ba ang magiging daddy namin?”
            Hindi na niya nakayang basahin pa ang mga comments na nandoon, oo, nahihiya siya pero may bahagi sa kanyang puso na tila ba kinikilita sa mga panunukso ng mga ito.
“Darren Anthony Mallore added you as friend.” Basa niya sa notification na natanggap niya. Parang na-freeze ang kanyang mga daliri at na-focus ang kanyang mga mata sa cellphone screen niya.
“Darren Anthony Mallore reacted to your photo.” Napakurap siya at nakita niyang may-heart reaction na ang bawat comments na nandoon. At nang tingnan niya kung sino ang nag-heart react ay wala iba kundi si Darren.
“Uy, ang sweet naman ni @Darren. Ang sipag mag-heart react.” Komento ng isa sa mga kapitbahay nilang lalaki na babad din yata sa facebook. Tila nagkaroon ng instant notif war sa kanyang facebook notification. “Anong reaction mo dito @Xylee?”
Ano ang magiging reaction niya? Iyon ang hindi niya masagot.
“Gising na si Xylee, naka-green ang notif niya sa messenger.” May nagcomment pa na isa.
“Buwisit!” isinubsob niya ang mukha sa strawberry pillow na ibinigay ni Darren sa kanya at sa inis niya ay hinampas niya iyon sa isa watermelon na pillow. Hindi daw bagay sa kapatid nito ang mga unan kaya ibinigay sa kanya dahil mas bagay daw iyon sa kanya, bagay daw sa kanya ang cute na things.
“Huwag kang seen-er Xylee!”
            “XYLEE!”
            “Xyleeeeeeeeeeeee!
            “Maammmmmmm Xyleee.”
            Mas lalong nataranta ang utak niya ng makitang marami na ang nagco-comment at tinatawag siya.
This picture is so cute, may sparks tayo Xylee (insert heart emoticon). I-accept mo na ako (insert sad face emoticon).”     Darren Anthony Mallore commented on a photo you are tagged.
            Umani ng maraming hearts and likes ang naging komento ni Darren sa photo.
Can I grab this? Can I save and print this photo?” bawat comment yata ni Darren ay halos tadtarin na ng sari-saring reply at reactions.
How can he be so relax? Gusto niyang itanong dito, naiinis siya sa lalaki dahil parang hindi ito apektado sa mga post na ganoon.
“Baka dahil wala naman talaga ang picture na iyan at ikaw lang ang nagbibigay ng malisya.” Mahinang komento niya. “Walang malisya iyan, sinasakyan lang ni Darren dahil hindi siya affected, ikaw hindi mo magawang sakyan dahil affected ka.” Aniya sa sarili.
“Bahala na nga.” Inaccept niya si Darren baka kasi isipin nito affected siya. Hindi siya affected! Hindi siya kinikilig dahil hindi na siya teenager! Hindi!
Ilang segundo pa ay may nag-tag sa kanya.
She finally accepted me! – with Xylee Grace Rosal.” Napa-face palm siya sa status nito. Na-divert ang attention ng mga tao sa pictures nila at nalipat sa bagong post nito.
Mas minabuti niyang i-uninstall ang kanyang facebook app at pati na rin messenger dahil baka kung ano pa ang mabasa niya at mas lalong lumala ang nararamdaman niyang hindi niya maintindihan.

GOOD MORNING.” Nakangiting bati ni Darren ng madaanan niya ang bahay nito. Bakit ba kasi naging kapitbahay pa niya ang lalaki? Bakit magkaharap ang bahay nila?
“Hello, morning too.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at sumilay ang napakagandang ngiti sa gwapo nitong mukha.
“You look beautiful.” Inirapan niya ang lalaki, hindi siya sanay na mapuri ng opposite sex kaya hindi niya alam kung paano magre-respond sa puri nito.
“Should I say thank you?” tabingi ang ngiti niya. Mas lalong lumapad ang ngiti nito.
“Bagay sa iyo ang uniform mo.” She’s wearing her pink Monday uniform at dahil marami siyang bitbit kaya naka-back pack siya dahil doon nakalagay ang laptop niya at ibang gamit sa eskwela. Naka-three inches heels din siya at para madagdagan ng kaunti ang height niya. “It’s still too early.” Six-thirty pa lang kasi ng umaga, kailangan niyang maagang umalis ng bahay or else ma-la-late siya sa flag ceremony. Seven-thirty ang start ng klase nila hanggang four thirty na iyon ng hapon.
“I need to or else hindi ako aabot sa flag ceremony.” Napansin niyang hindi naaalis sa mukha niya ang titig nito. “Maaga ka yatang nagising?”
“Hindi ako nakatulog.” May kakaiba talaga sa ngiti nito. “Masaya ako.”
Ayaw niyang mag-assume. Ayaw niyang isipin na siya ang dahilan kung bakit masaya ito, masakit mag-assume at saka ang daming pwedeng maging dahilan kung bakit masaya ang isang tao at saka hindi sila gaanong close—bakit ba niya iniisip na siya ang dahilan kung bakit masaya ito? Masyado na siyang assuming!
“Ganoon ba? Mabuti naman at masaya ka, maganda iyan sa katawan kaya ipagpatuloy mo lang.” dapat safe lang ang sagot.
“You think so?” buwisit na lalaking ito! Nakakainis ang ngiti nito.
“Sige, alis na ako Darren.” Paalam niya sa lalaki.
“Sabay ka na sa akin.” No! naghahanap nga siya ng paraan na makaalis mula rito tapos sasabay pa siya.
“Huwag na malapit lang naman ang school dito.”
Lumapit ito sa kanya. “I insist, mapapagod ka sa paglalakad.”
“Sanay na ako. Ilang taon ko ng routine ito.”
Tinitigan siya nito ng husto, iyong klase ng tingin na namimilit. Agad niyang iniwas ang mga mata mula dito.
“Please?”
“Darren, why are you doing this?” hindi napigilang tanong niya.
“Doing what?” inosenting tanong ng kaharap. “Sabi mo ipagpatuloy ko lang.”
Siya naman ang naguguluhan sa sinabi nito. “Ang alin?”
“Ang pagiging happy.” Nag-buffer yata ang utak niya sa sinabi nito. “You are making me happy.”

“HAP…PY! HAPPY! HAPPY BIRTHDAY Tony.” Muntik ng pumiyok ang boses ni Xylee habang kumakanta ng birthday song para sa isang student niya. That’s the word of the day for her.
“Happy birthday Tony, how old are you?” sabay-sabay na sigaw ng mga grade four students niya.
“I’m nine years old.” And she heard nine loud claps from her students.
“Tony, blow your cake na.” tinulungan ng mga parents ni Tony na ayusin ang cake upang ma-ihip nito ng maayos ang cake. Isang masigabong palakpakan ang namayani sa buong silid at kahit papaano ay nawala ang uneasiness na kanina pa niya nararamdaman dahil sa sinabi ni Darren kanina. Buwisit na lalaking iyon, ang hilig man-trip ng sobrang aga.
Kumakain na ang mga bata ng may isang grade six student ang sumungaw sa pintuan. Estudyante niya ito dati kaya agad niya itong nakilala.
“Yes, Jessi?”
“Ms. Rosal, may naghahanap po sa inyo.” Nag-excuse siya sa mga parents na nag-aasikaso sa mga bata.
“Si--.”
“Hi!” kaka-get over pa niya sa Darren virus ay nandito na naman ito.
“Darren!?” gulat ang unang rumehistro sa kanya kasabay ng panlalamig ng kanyang buong katawan. Ang mga parents na nandoon ay napapatingin din sa lalaki, ang mga students naman niyang kanina lang ay masayang kumakain ay napapatingin din sa bisita. Sino bang hindi? Sa school nila, minsan lang may napapadaan na matangkad at gwapong nilalang.
“Artista ba iyan?”
            “Poge.”
            Narinig niya ang bulungan ng mga nasa loob ng classroom. Sa tingin nga niya ay narinig din ni Darren iyon dahil ngumiti ito sa mga kasama niya sa room.
“Good noon everyone, may I borrow your beautiful teacher for a while?” she heard her students giggling.
“Yes po.”
Binalingan niya ang dating estudyante na napapatanga din kay Darren. “Thank you Jessi, you may eat your lunch now.” Kalmanteng lumapit siya kay Darren. Gusto niyang magalit dito pero kapag nakangiti ito sa kanya ay hinid niya magawang makaramdam ng ganoong emosyon.
Nasa labas na sila ng classroom ng balingan niya ito. “Anong ginagawa mo dito?” huwag lang siyang masagot-sagot nito ng word na ‘happy’ dahil itatapon niya ito sa trash bin.
“Malapit lang ang office namin dito, isn’t it nice? Five minutes drive lang.” masayang balita nito sa kanya. “Let’s eat lunch together. Kaka-twelve pa lang kaya sigurado akong hindi ka pa nagla-lunch at sinabi din ng mommy mo na hindi ka nagbabaon.”
“Wow ha at talagang inalam mo pa ang detalyeng iyan sa nanay ko.”
“Of course.”
Siya ang klase ng taong ayaw ng pasikot-sikot at ayaw din niyang lumala ang lagay ng utak niya dahil sa kakaisip kung bakit masyadong feeling close sa kanya ang lalaki gayong hindi pa naman sila ganoon katagal na magkakakilala.
“Why?” lakas loob niyang tinitigan ito sa mga mata nito. She was hoping that her question will caught him off guard but he wasn’t.
“You are my first friend here after I came back from the states and you’ve helped me a lot. I want to be friends with you because you’re cute.”
Was she expecting a different answer? Yes she did. Hindi ang sagot nito ang inaasahan niya. Medyo, medyo lang naman… medyo nasagi ang nag-assume na pride niya. Sabi nga kasi bawal mag-assume dahil nakakatanga lang.
             “Okay!” napalakas ang boses niya. It was more on a boost for her ego. “Kumain na tayo friend. Saan mo gustong kumain, friend?”
Gusto pala siya nitong maging friend, eh di friend na kung friend.

tbc
<3 <3 <3
Nagmamahal,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang