Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3- Teach Love: 5- Bookshelf

n

5 – Book Shelf
            INIS na inis si Xylee habang nakatitig sa kailangan niyang textbook na nasa pinakamataas na estante ng shelf. Kanina pa siya paikot-ikot sa bookstore na iyon dahil may kailangan siyang reference book at nang finally ay nakita na niya sa wakas naka-display naman sa lugar na imposibleng maabot ng mga tulad niyang ganda lang ang panlaban.
“Buwisit naman.” Lihim na usal niya. Hindi niya pwedeng isigaw ang inis niya sa mundo lalo pa at naka-uniform siya. Hindi siya nagmumura, kapag inis na inis na siya at alam niyang walang nakakarinig ay saka lang niya ginagawa iyon. At saka limitado lamang ang bad words na alam niya dahil na-control na niya iyon simula ng magturo siya at mga bata ang palagi niyang kaharap.
Muli siyang tumingkayad at sinubukang abutin ang libro pero imposible talaga. At nang sa wakas ay sumuko na siya sa pagsubok at naghanap ng attendant na pwedeng hingan ng tulong. Sa kasawiang palad ay busy ang halos lahat ng staff ng bookstore lalo pa at sobrang dami ng mga customers na namimili din ng mga school supplies.
“I need you.” Frustrated na sambit niya. Hindi siya pwedeng umuwing luhaan lalo pa at napagod na siya sa kakaikot upang hanapin iyon. “I need to get you.” She eyed the book intently. Muli ay lumingon siya at tiningnan kung may makakatulong ba sa kanya kaso wala, walang nalalagi sa lugar na iyon.
“Kailangan ko na talagang kapalan ang mukha ko.” Nag-ikot siya sa mga estante hanggang sa may mamataang matangkad na tao na sigurado siyang maabot ang kanyang minimithing libro. “Excuse me, Sir. Can I ask you a favor?” tawag niya ng pansin dito.
Lumingon ang matangkad na lalaki at laking gulat niya ng mapagsino ito. “Xylee.” Ang laki ng ngisi ni Darren habang nakatingin sa kanya. “You are here.”
“Uh, hi.” Bigla yata niyang nakalimutan ang kanyang dila dahil pakiramdam niya ay na-surprise attack siya nito.
“You look troubled.” Tila nag-aalalang pansin nito sa kanya.
“I need your help, pwede mo ba akong tulungan?”
“Sure.” Nakangiti pa rin ito. Gusto niyang sabunin ang mukha nito hanggang sa mawala ang napakalapad na ngisi ng lalaki. Para kasing hindi siya komportable sa ngiti nito. “What do you want me to do?”
“Sundan mo ako.” Mabilis siyang naglakad palayo dito. Gusto niyang magkaroon ng enough space sa pagitan nilang dalawa at naiinis siyang makita ang nakangiti nitong mukha. “Hindi ko maabot, pwede mo bang abutin?” turo niya sa libro na nasa itaas ng estante.
Mas lalo siyang naasar sa mundo dahil walang kahirap-hirap na naabot nito ang kanina pa niyang pinaghihirapang abutin.
“Thanks.” Akmang kukunin na niya iyon ng muli nitong itaas ang book. “Darren!”
“This book is troubling you?” amuse na tanong ng binata.
“Darren, the book.”
Ngumisi ito na para bang may iniisip na masama. “May bibilhin ka pa bang iba?” agad siyang umiling. “I won’t give this to you.”
“Hindi mo naman kailangan iyan eh.” Akmang ibabalik nito sa estante ang book ng mahagip niya ang braso nito. “Bad ka.”
Malakas na tumawa ang lalaki na naging dahilan kung bakit napapalingon sa kanila ang ilang mga napapadaan doon. “Darren, stop it.” Humina ang pagtawa nito pero still, he is still laughing like a jerk.
“Masyado kang irritated ngayon teacher Xylee.” Anitong inilayo ang book sa shelf.
“Iniinis mo ako.”
“I did not.”
“Ayaw mong ibigay ang book.”
“I will if you smile.” Sinamaan niya ng tingin ang kaharap. “Just one smile and you’ll win me—I mean the book.”
Siya lang ba ang nakakapansin sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya simula pa noong una silang magkita? Pakiramdam kasi niya ay nakikipag-flirt ito sa kanya, ayaw niyang maging assuming pero naiirita siya sa mga ganoong linyahan nito.
“Darren, I swear hindi ako nagbibiro.”
“I’m not joking too. I will only give you the book when you give me a smile.” Napakamot nalang siya ng ulo at mas lalong sinamaan ito ng tingin. “Fine.” Muling ibinalik nito ang book pero hindi na sa orihinal na position nito. Isiniksik nito ang libro sa pagitan ng ilang mga libro na naging mas imposibleng makuha niya.
“Sige na, ngingiti na.” he gave him a quick fake grin.
“That was not cute.” Disappointed na ani nito.
“Nagsmile na ako, akin na ang book.” Sumimangot ito.
“One real smile.”
“I did.”
“You  are not cute, Xylee.”
“Hindi ka rin cute at iniinis mo na ako.”
“Smile.” Ngumisi ito. iyong ngiting abot hanggang teynga at kahit na naiinis siya sa pang-iinis nito sa kanya ay hindi niya maipagkakailang pwedeng model ng toothpaste si Darren. At maganda talaga ang ngiti nito, best asset yata nito ang smile nito. Fine!
Hindi niya kasalanan kung bakit napapangiti nalang rin siya at tuluyang nalusaw ang inis niya dito. Nakakahawa kasi ang ngiti nito.
“There.” Satisfied na kinuha nito ang book mula sa pinagsiksikan nito. “Don’t be grumpy, Xylee. You are more beautiful when you smile.” Anitong pinisil pa ang kanyang baba. Muli ay may nagrambulan sa loob ng kanyang sikmura sa ginawa nito.
“Akin na.”
“Magpapa-counter na rin ako isabay mo nalang ito sa mga bibilhin ko.” Itinaas nito ang ilang makakapal na librong hindi niya napansin na hawak nito.
“You read books?”
“Business strategy books.” Hinayaan niya si Darren na dalhin ang libro niya habang naglalakad sila patungo sa counter.
“Yes, they are quite interesting.”
Hindi na siya nagkomento dahil iba-iba ang hilig ng mga tao. On her part, mas interesting ang mga love stories na nababasa niya sa mga hard bounded books. Saglit na huminto ito sa isang bahagi ng bookstores kung saan may naka-display na pillows na strawberry at watermelon.
“Cute.” Anito. Totoong cute ang mga iyon. “Dorothy will like this.” Tukoy nito sa kapatid. “What do you think?”
“Yeah, it’s cute.” Hinawakan niya ang pillow at hindi lang ang hitsura nito ang cute dahil ang telang ginamit doon ay velvet. Tiningnan niya ang presyo at namangha ng mapagtantong kalahati sa sweldong pwede niyang kitain sa isang araw ang katumbas ng unan na iyon. “Pricey.”
“I’ll get one strawberry and watermelon for Dorothy.”
“Ako na ang magdadala.” Hindi bagay kay Darren na magbitbit ng ganoon ka-cute na mga bagay. “Darren, do you like cute things?”
Mas malaki ang smile nito ngayon habang tumatango bilang sagot sa kanyang tanong. “I love cute things.” Pag-amin nito.
“Sa laki mong tao walang makakapagsabing mahilig ka sa mga cute.” Natawa siya habang iniimagine na bitbit ang mga cute na pillows.
“Well, kanya-kanyang trip lang iyan.” Nakarating na sila sa counter, inilapag niya ang mga unan upang kumuha ng perang ibabayad sa kanyang binili.
“Magbabayad ako.” Ibinigay niya dito ang pera pero mabilis itong umiling.
“I’ll use this.” Ibinigay ng lalaki sa cashier ang credit card.
“Darren, ang bayad ko sa book ko.”
“Saka na.”
“Baka makalimutan ko later.” Ngumiti lang ang lalaki at napansin niyang napatanga ang cashier habang nakatunganga sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang may nakakakitang ibang babae sa nakangiting mukha ni Darren kaya mabilis niyang kinuha mula sa kamay ng lalaki ang card at agad na ibinigay sa cashier. “Miss, paki-bilisan.” Tila natauhan naman ang babaeng cashier at kinuha sa kanya ang card. Pero nandoon pa rin ang panaka-nakang pagsulyap nito sa kasama. Tusukin kaya niya ang mga mata nito?
“He-here, Sir.” Kinuha niya ang paper bag na may lamang pinamili niya.
“Thank you.” At sarkastikang nginitian niya ang cashier bago hinila palabas si Darren sa bookstore. Napasulyap siya sa lalaking kalmadong nakasunod lang sa kanya at tila ba nag-eenjoy sa kanyang paghila. Saka lang niya na-realized na nakahawak pala siya sa palad nito, mabilis niyang binawi ang palad pero hindi na nito pinakawalan.
“Don’t.” pigil nito sa kanya. “Baka mawala ako ditto. Hindi ako sanay sa pasikot-sikot ng mall.”
“As long as marunong kang magtanong ay hindi ka mawawala.” Sinubukan niya uling hilahin ang palad pero hindi na nito binitiwan.
“Are you hungry, Xylee?”
Sinipat niya ang kanyang suot na wristwatch, pasado alas siete na ng gabi at hindi pa siya kumakain. “Parang.”
“Let’s eat. Where do you want to eat?” teyka lang, parang ang bilis yata ng mga pangyayari.
“Ah… eh…” Gusto man niyang mag-isip ng lugar ay hindi niya magawa dahil yumuko ito sa kanya at ilang dangkal nalang ang layo ng mukha nito sa kanyang mukha. Hindi siya makapag-isip ng maayos. Natotorete siya!
“Oh, I know. Gusto mong kumain sa Korean restaurant?”
“S-sige.”
Excited na kinuha nito sa kanya ang mga paperbags at saka hinila siya papunta sa kung saan. Gusto tuloy niyang magtaka dahil sinabi nito sa kanya kanina na hindi nito alam ang pasikot-sikot ng mall pero kung makahila ito sa kanya ay parang pagmamay-ari nito ang establishment.
“Bakit parang alam mo naman yata ang pasikot-sikot ng mall? Akala ko ba hindi ka sanay dito?”
“Kailangan kong tandaan ang parking lot.” Anitong nakangiti lang sa kanya. True to his words, nakarating sila sa parking lot. “Okay lang ba sa iyo kung sa labas tayo ng mall kumain?”
“Walang problema sa akin.” Pinagbuksan siya nito ng pinto at agad siyang sumakay. Wala namang problema sa kanya kung saan sila magpunta, ang problema lang niya ay kung saan-saan napupunta ang mga organ system niya. Pakiramdam niya ay super active ng kanyang circulatory system dahil ramdam na ramdam niya ang malakas na pintig nang kanyang puso at sa tingin nga niya pati ang kanyang nervous system ay scattered na sa kanyang buong katawan.


<3 <3 <3
Love,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang