Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3- Teach Love: 4 - Eraser

eraser
4 – Eraser

            MAINGAT na inayos ni Xylee ang mga throw pillows sa sofa ni Darren. Wala siyang nagawa kundi ang tulungan ang lalaki na ayusin ang mga gamit nito dahil kung hindi ay malamang maaaksidente na naman ito. Habang tinutulungan ang lalaki ay saka lang niya na-realized na wala talaga itong alam sa gawaing bahay dahil kahit na mag-lagay ng throw pillow ay nahuhulog pa sa sofa.
Ang mga libro na nakakalat sa sahig ang inasikaso niya, kaunti nalang at matatapos na sila at pwede ng tawaging bahay ang bahay nito. Isusuggest niya mamaya sa bagong kapitbahay na kumuha ng stay-out na kasambahay dahil magiging haunted house ang tahanan nito after three days. She even doubt it kung marunong ba itong magluto o maghugas ng pinggan.
“Hey--.” Dahil nagulat sa pagsulpot ni Darren kaya muntik na siyang ma-out balance mula sa kinatatayuang stool habang nag-aarrange ng books sa mini-library. Mabuti nalang at naagapan nito ang muntikan na niyang pagkahulog. “Tinawag mo dapat ako.” Anito.
“I forgot.” Kumuha ito ng isa pang stool at tumabi sa kanya at ito na ang nag-arrange ng books kung arranged man na maituturing ang ginawa nito. “Darren naman eh. Ginulo mo naman ang mga books.” Reklamo niya dito.
“Really? Sa tingin ko maayos ko namang na-arranged ang mga books.” Anitong tila proud na proud sa mga libro.
“Ako na nga. Alalayan mo ako.” Isa-isa niyang inayos ang mga books at dahil maiiksi ang kanyang mga biyas kaya kailangan niyang magtiptoe. “Alalayan mo kasi ako baka mahulog ako.”
“Ah, okay.”
Bumaba ito sa stool at maingat na hinawakan ang kanyang beywang. Actually noong una ay parang wala lang sa kanya ang hawak nito, ang sabi nga nila walang malisya pero totoo pala talagang nag-iiba ang timpla ng tao dahil unti-unti niyang nararamdaman ang pagdiin ng mga daliri nito sa mismong balat niya. Kung bakit ba kasi naisipan niyang mag-suot ng maiksing shirt.
“Are you sure you’re okay?” napalunok siya at mabilis na inayos ang mga books.
“Okay na, baba na ako.” Umikot siya upang makabuwelo ng baba, medyo mataas ang kinatatayuan niya kaya kailangan niyang may makapitan. “Pahawak sandali sa balikat mo—umph!” napatili siya ng buhatin siya nito na parang throw pillow at maingat na naibaba sa sahig.
“Wow, mas mabigat pa ang sofa keysa sa’yo.” Anitong nakatingin sa mga palad nito. “Mas mabigat pa ang pamangkin ko.” Hindi pa rin ito makapaniwala.
“Che!” irap niya at saka pasimpleng kinuha ang stool upang maiayos niya ang kanyang sarili at ang kanyang wala sa wisyong utak. “May aayusin pa ba dito sa sala?”
“Naayos mo na ang kitchen at ang living room.” Napakamot ang lalaki. “Well, there’s a place that I can’t fix on my own.”
“Where?” He sheepishly grin at her before pointing the second floor. “Your room?” sunod-sunod itong tumango.
“Please?”
“Sumama ka sa taas para alam ko kung saan ilalagay ang mga gamit mo.” She offered her help kaya hindi siya pwedeng magreklamo. Mas delikado kung iiwanan niya ito sa bahay nito na nakakalat lang.
“Thank you so much Xylee you are really a life saver.”
“Paano ka naka-survive sa ibang bansa kung hindi ka marunong mag-ayos ng gamit mo?” wala siyang pakialam kung ma-offend man ito sa kanyang tanong. Ang mahalaga sa kanya ay malaman nitong wala itong future sa paglilinis.
“I’m living with my grandparents and they hired help so there is no need for me to clean or even wash my clothes.”
“Maghahanap ka ba ng kasambahay dito?”
“I intended to do so but I don’t know anyone.”
Napabuntong-hininga siya. “May kakilala akong pwedeng maglinis at magmaintain ng kaayusan dito sa palasyo mo pero stay-out siya dahil inaalagaan din niya ang mga anak niya.”
“Really? Can I talk to her or him?”
Tumango siya. “I-te-text ko si Aling Karla. Pero hanggang sa paglilinis at paglalaba lang ang kaya niyang i-offer na service hindi siya nagluluto dahil hindi naman every day ang pagpunta niya sa bahay ng mga customers niya.”
“Wala akong problema sa pagluluto importante sa akin ang malinis ang bahay.” Tuluyan na siyang nakarating sa silid nito.
“Marunong kang magluto?” tanong niya.
“Nope. Marunong akong mag-food delivery.” Napa-face palm nalang siya sa sinabi ng lalaki. Mukhang mahihirapan itong mamuhay ng mag-isa.
“You really need an all-rounder worker, Darren.”
“Sa tingin mo?” interesadong tanong nito sa kanya na wari bang iniisip kung maganda ba ang ideyang kanyang sinabi.
“Rather, maghanap ka nalang kaya ng asawa para makatipid ka sa katulong.”
Nagulat siya ng malakas na tumawa ang binata sa kanyang sinabi saka lang niya na-realized na may mali nga sa nabitawan niyang salita.
“I’d rather hire some help than overworked my future wife.” Anito habang nakatitig sa kanya na may kakaibang ngiti sa labi. Agad niyang iniwas ang paningin mula rito dahil may napapansin siya sa kanyang sarili habang kausap ang binata. Parang may kakaiba siyang kabang nararamdaman para dito and she doesn’t like it a bit. Masyadong alien sa kanya ang ganoong pakiramdam. Dapat e-erase niya iyon sa kanyang sistema as in erase… erase… erase.
“Kakausapin ko si Aling Karla if possible ba na makapagluto siya para sa iyo pero expected na lalaki ang sisingilin niya sa iyong bayad.” Naalala niyang bigla ang kapatid nito. “Pwede ka namang makisabay sa kapatid mo hindi ba?”
“Dorothy doesn’t like to eat breakfast, she’s always on a diet. Hindi ko kayang makaharap ang ref niyang puros gulay ang laman. I’m a meat lover.” Sabagay, ilang beses na ba siyang napagdiskitsahan ng kapatid nitong kumain ng mga damo.
“Makakahanap rin tayo ng paraan para mabuhay ka ng mag-isa dito.” Sinimulan na nilang ayusin ang mga gamit nito sa kwarto. Maliban sa mga damit nitong kailangang i-arrange sa closet at ilang mga gamit ay wala na siyang gaanong ginawa. Nakakatawa lang isipin na siya pa ang nag-ayos ng mga gamit ng binata na kung tutuusin ay recently pa sila nagkita. And speaking of a devil, he offered himself to make a cup of coffee for them at sa tingin niya ay kalahating oras na ito sa kusina.
“Nakatulog--.” Isang malakas na pagsabog ang narinig niya mula sa kung saan at bago pa man siya makapag-isip ay mabilis niyang tinakbo ang pinangyarihan ng pagsabog. At pagbaba niya ay agad na tumambad sa kanya ang amoy ng nasusunog na kuryente. “Darren!?” tawag niya dito.
“Here.” Sagot nito habang nasa kusina ito. nadatnan niya itong nakapameywang na para bang inaalam kung bakit may sumabog na kung ano sa harapan nito.
“What happened?”
“This happened.” Turo nito sa electric kettle na hindi na niya alam kung ano ang original na color dahil mukhang ito ang malas na napasabog ng lalaki. “I promise wala akong alam sa nangyari. Basta nalang siyang sumabog.” Parang batang paliwanag nito.
“Marunong ka bang gumamit ng electric kettle?” Mabilis itong umiling.
“First time.” Anitong ngumisi sa kanya. Frustrated na napabuntong-hininga siya dito. Akala niya ay mga estudyante niya lang ang makakaubos ng kanyang pasensya but hell! May mas malala pa pala keysa sa mga batang tinuturuan niya.
“Mas marunong pa yata ang grade five students ko na mag-init ng tubig keysa sa iyo.”
“You think so?”
Inis na hinampas niya ang lalaki bago pa niya ito hinila palabas ng bahay dahil sumasakit ang ulo niya sa amoy ng nasusunog na goma.
“Upo.” Turo niya sa malaking bato na naka-display sa may garden ng bahay nito. Agad naman itong sumunod. “Kailangan mong bumalik sa basic household chores 101. My goodness Darren, seriously sa tingin ko ay hindi ka nga marunong humawak ng walis.” Pinameywangan niya ito habang pinapagalitan. “You need to learn some basic chores, kahit ang pagpapa-init ng tubig ay hindi mo alam. Ang lakas naman yata ng loob mo na tumira ng mag-isa kung hindi ka nga marunong mag-ayos ng gamit mo. Hindi ko i-re-recommend si Aling Karla sa iyo, you need to learn things on your own.”
Kung may makakakita siguro sa kanila siguradong matatawa sa kanilang eksena, isang babaeng halos hindi umabot ng limang talampakan ang pinapagalitan ang lalaking anim na talampakan ang tangkad.
“I am willing to learn.”
“Dapat lang!” inis na sagot niya. Unti-unting humupa ang kanyang emosyon hanggang sa luminaw ang kanyang isip at na-realized na may mali sa kanyang nagawa. “God.” Nasapo niya ang kanyang mukha. “I shouldn’t… I mean—I didn’t mean to shout at you.”
Tumawa lang uli ang lalaki at bakas sa mukha nito ang amusement habang nakatitig sa kanya. Muli ay may kung anong alien na naman ang sumapi sa kanyang puso habang nakatingin sa gwapo nitong mukha.
“I think I deserved it. I made you worry.” He apologetically reached her arm and touched her cold hands. “I’m sorry. I promise, mag-aaral na ako kung paano maglinis at magluto.” Pakiramdam niya ay may bumara sa kanyang lalamunan sa sinabi nito.
“Aherrrmmm, ano iyan? Tsismis na ba ang nakikita namin kuya?” mabilis na binawi niya ang kamay mula kay Darren ng biglang may sumingit sa kanilang usapan. Mabilis din siyang umatras ng ilang hakbang upang magkaroon ng distansya sa pagitan nila ng binata.
“Dorothy.” Tawag ni Darren sa kapatid. Katabi nito si Lacey, ang bestfriend nitong sa gabi gising at sa umaga ay tulog. Himala na gising ito sa mga oras na iyon at kasalukuyang kinakalikot ang cellphone nito.
“Hi brother dear.” Sinulyapan siya nito tapos ay ngumisi at dahil kilala niya ang babae ay sigurado siya sa laman ng isip nito. “Hello-.”
“Dorothy, turuan mo nga itong kapatid mo ng basic household chores. Mukhang ikakamatay niya ang paglilinis.”
Nagkatinginan ang magkapatid tapos ay humagalpak ng tawa si Dorothy habang nailing naman si Darren. “Unfortunately, Xylee. It runs in the blood.” Ani ng babae.
“Huwag mo ng pag-aksayahan ng oras si Dorothy, Xylee. Mas malala pa iyan sa kinder sa paglilinis dahil wala rin iyang alam. Nalilinis lang ang bahay niya dahil kay Aling Karla at damo ang kinakain niyan dahil hindi iyan marunong magluto.” Paliwanag ni Lacey.
“Does it mean na wala kayong pag-asang magkapatid?” medyo malungkot na tanong niya.
“I am willing to learn.” Tumayo si Darren at lumapit sa kanya. “You can teach me the basics since we are neighbours.” Excited na suhestiyon nito sa kanya.
“I am not willing to learn, bahala ka na sa kapatid ko Xylee. Adios amega!” At umalis na sa kanilang harapan ang dalawang babae.

TBC
Love,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang