Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3- Teach Love: 3 - Lesson Plan

lp

3- Lesson Plan


ILANG beses na ba siyang napabuntong-hininga habang nakatingin sa kawalan at kasalukuyang nag-iisip ng ita-type sa lesson plan template sa kanyang laptop. Nasa second floor siya ng bahay at kasalukuyang ine-enjoy ang masarap na ihip ng hangin sa kanilang balkonahe. Iyon ang nagustuhan niya sa village na iyon, malapit lang sa city at accessible sa halos lahat ng establishments pero marami pa rin ang mga nakatanim na mga puno. Ang nangyari ay noong itinayo ang village nila, ang developers ang nag-adjust sa mga punong matagal ng naninirahan doon.
Napapiksi siya ng magring ang kanyang cellphone, her sister is calling her, it was a video call.
“Xeleena, how’s your day?” bati niya sa kakambal. Identical twins sila pati height ay magkapareho, sa ugali naman ay pareho din, mas mahaba lang ang kanyang buhok habang ito ay pinili ang maiksing buhok dahil na rin sa nature ng work nito.
“Pagod.” Halata nga ang pagod sa mukha nito. Naaawa siya sa kapatid niya pero gusto naman nito ang ginagawa kaya support lang siya dito. “Kumusta si mama?”
Kunot-noong natigilan siya sa tanong nito, hindi yata nagpaalam ang mama nila dito. “Nagbakasyon sa Bohol, gusto daw niyang makakita ng tarsier.” Ito naman ang napakunot ang noo. “Kumusta si Papa?”
“Mukhang nagtanan na naman ang dalawa. Nagtext si Papa sa akin na hindi muna siya uuwi dahil magbabakasyon din siya sa Bohol.”
Pareho silang napabuntong-hininga at saka malakas na tumawa. “Why do we have a weird family?”
“Wala eh, God given gift. Bakit kaya hindi nalang sila magsamang muli sa iisang bahay? Nakakapagod ang set-up nila, halos araw-araw naman silang nagkikita at nagkakasama lately. Nasa exclusively dating pa rin ba sila hanggang ngayon?”
“Abnoy ang parents natin mabuti nalang at normal tayo.”
“Mabuti nga at hindi tayo nagmana sa ka-abnormalan ng dalawa. Rest day mo na ba? Dito ka nalang sa bahay matulog.” Napansin niyang nasa hospital pa ito dahil na rin sa mga gamit na nasa paligid nito.
“I asked for a two days leave dahil mukhang hindi na kaya ng katawan ko at muntik na akong mag-collapse kanina habang nagra-rounds.” Doktor ang kapatid niya kaya halos wala na rin itong pahinga.
“Dito ka sa bahay, may two days pa naman ako bago ang pasukan.”
“Sige, mag-aayos lang ako ng mga gamit.”
“Magluluto ako, anong gusto mong kainin?”
“Pochero.” Inihit siya ng ubo sa request nitong pagkain. “What?”
“Hindi ka pa rin nagbabago ng gusto.” Paborito talaga nito ang pochero. “Sige, magluluto na ako ng pochero mo.”
“Yay!” kapag ngumingiti ang kapatid niya ay mas nagmumukha itong bata at nawawala ang pagod sa mukha nito. “I’ll be there.”
Her sister turned off her phone and she finally decided to give up on making her lesson plan. Saka na kapag bumalik na sa kanya ang drive ng paggawa.
Ilang minuto pa ay nakipagbuno na siya sa kusina at nahanda na ang lahat ng pwedeng ihanda. At habang nagluluto ay may narinig siyang malakas na kalabog mula sa katapat na bahay kasabay ng mga matinis na tunog ng mga nabasag na mga bagay. Hininaan niya ang apoy ng kanyang niluluto at mabilis na lumabas upang alamin kung ano ang nangyari sa kapitbahay nila. Sa pagkakatanda niya ay isang matandang babae ang nakatira doon.
Mabilis siyang nakatawid sa daan at malakas niyang kinatok ang pintuan. “Tao po! Tao po! May nangyari po bang masama sa inyo?” nag-aalalang tanong niya. Marami ang eksenang pumasok sa kanyang utak, paano kung may nakapasok na masamang tao at pinatay na ang nakatira doon? Paano kung magnanakaw pala iyon? Paano kung nahulog sa hagdanan ang ale? Paano kung----. Malakas niyang sinipa ang pintuan at agad na hinanap ang switch ng ilaw. Dahil pareho ang lay-out ng mga bahay doon kaya mabilis niyang nahanap ang ilaw.
“Oh my God!” malakas na tili niya ng hindi matandang babae ang nakita niyang nakahandusay sa sahig kundi isang lalaki! Isang lalaking nakapantalon lang at may dugo sa braso. Isang malakas na tili ang pinakawalan niya bago siya nawalan ng malay.



“IS SHE OKAY?” naalimpungatan siya sa ingay sa kanyang paligid. “She’s moaning and I think she’s in pain, she is not okay. Should we bring her to the hospital?” pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
“Okay na si Xylee, nahimatay lang siya dahil sa nakita niyang dugo. She hates the sigtht of blood.” Kilala din niya iyon.
“Are you sure? She’s not -.”
Sinapo niya ang kanyang noo at tuluyan ng nagising dahil sa ingay sa paligid. “Aw.” She hissed when she felt a pang of pain on her right shoulder.
“She’s hurt!”
“Shut up!”
“My ears.” She opens her eyes. “Leen, what happened?” ang kakambal niya ang kanyang unang nakita. “Where am I?”
“You’re at home.” Inilibot niya ang kanyang mga mata at napansin na nasa bahay na siya. “Nahimatay ka kanina dahil sa dugo.”
“Dugo?” kinilabutan siya ng maalala ang eksena kanina sa kabilang bahay. “Ma-may pa-patay sa kabilang bahay we need to call the police.”
“Calm down, Xylee. Walang patay sa kabilang bahay.”
“Wala?”
“That was me.” halos mabali ang kanyang leeg sa boses na nasa kanyang tabi. “Sorry if I scared you.”
“Darren? Anong ginagawa mo sa kabilang bahay?”
“Diyan ako nakatira kaninang umaga lang dumating ang mga gamit ko at hindi ko agad naayos. When I reached home I fell asleep and when I woke up its already dark. Nahirapan akong hanapin ang switch at natabig ko ang isa sa mga vase at nadulas ako and I scratched myself.” Turo nito ang braso nitong nakabalot na sa gasa. “Your sister treated me.”
Nakahinga siya ng maluwang ng sabihin nitong okay na ito. “Ayaw niyang pagamot dahil unahin daw kita. Noong sinabi kong hindi ka magigising dahil sa amoy ng dugo niya ay saka lang siya nagpagamot.”
“Salamat Leen.” Medyo okay na ang pakiramdam niya at hindi na rin umiikot ang kanyang paningin.
“Bukas na ako kakain pinagod niyo akong dalawa, ikaw na ang bahala sa boyfriend mo.”
“Hindi ko boyfriend si Darren.” Hindi man lang nito sinulyapan ang lalaki at umakyat papunta sa kwarto niya. “Pasensya ka na sa kapatid ko pagod lang siya sa work, she’s a doctor.” Hingi niya ng paumanhin sa ginawa ng kapatid.
“No wonder she’s grumpy. She looks like you.”
“She’s my twin sister of course magkamukha kami.”
Kumunot ang noo nito. “You’re twins?”
“Identical.”
“Really? Bakit sa tingin ko hindi kayo magkamukha.” Tinawanan lang niya ang lalaki dahil ito lang ang unang taong nagsabing hindi sila magkamukha.
“You are weird.”
“You are prettier.”
Her heart suddenly skips a step forward when she heard what he just said. Did he praise her?
“It’s easy to point you out from her.”
Mukhang hindi nga maganda ang lagay ng katawan niya kasi ang puso niya biglang nagkaroon ng sariling buhay. Kusang tumitibok ng higit sa pwede nitong itibok. Abnormal na rin yata siya.
Mukhang kailangan na niyang gumawa ng lesson plan at ang objective ay kung paano ibabalik sa normal ang tibok ng kanyang puso ngayon na mismo.

TBC
<3 <3 <3
Love,
Inanga

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang