Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 2- Blackboard

black
2 – Blackboard
            INI-ENJOY ni Xylee ang masarap na café latte na iniinom niya habang nakatambay sa paborito niyang coffee shop, naka-pwesto sa mismong village nila ang shop at ilang lakad lang ang layo mula sa kanilang bahay.
“Wala ka yata sa school?” untag ni Yumi sa kanya, kausap nito kanina ang may-ari ng coffee shop dahil ito ang regular na nagdedeliver ng mga cakes and pastries doon.
“Next week pa ang pasukan kaya hindi ko kailangang mamalagi doon.” Maisip lang niya na sampung buwan siyang mamamalagi sa school at kapag summer naman ay parang kidlat silang ipapatawag dahil sa mga forms ay nag-go-ghost bumps na siya.
“I thought ikinasal mo na ang sarili mo sa trabaho mo.” Sumimangot siya dito. Blooming na blooming ang kapitbahay dahil may love life na ito at kapag nakakausap ng nanay niya ang nanay ni Yumi ay palaging nasasali sa usapan nila kung kailan siya magkaka-love life. Lalo pa at pareho silang dalawa ni Xeleena na mukhang walang balak na lumagay sa tahimik.
“Bibilhan ko na ang sarili ko ng engagement ring para legal na akong ikasal sa serbisyong publiko ko.” Sakay niya sa biro nito.
“Ikaw naman kasi maghanap ka rin ng ka-inspiration para hindi ka tumandang old maid.” Sinamaan lang niya ng tingin si Yumi.
“Matandang dalaga na nga ako hindi ba? I’m twenty-nine already.” Napasok na siya sa public school bilang teacher as early as twenty-one years old dahil hindi pa uso ang k-12 noon. Pagkatapos ng isang taong pagtuturo sa private school habang hinihintay ang result ng kanyang board examination ay nag-apply agad siya sa pampublikong paaralan at swerteng nakuha naman siya. Kaya masasabi niyang wala talaga siyang ibang work experience kundi ang pagtuturo at mukhang tatanda na rin siyang teacher.
“Edad mo lang naman ang tumataas ang height mo mukhang walang balak tumangkad.” Muli ay tinaasan niya ito ng kilay.
“Huwag kang mang-asar hindi ka rin katangkaran.” Irap niya dito na tinawanan lamang nito. “Ganda lang ang meron tayo questionable ang height.”
“May boyfriend naman ako.”
“I am not searching.” Again she sipped her drinks until it drains. Balak pa nga sana niyang namnamin ang sarap ng kape pero naubos na iyon. “Ilibre mo ako ng kape.”
“Pagdating ni Howard ililibre kita.”
“Magpapalibre ka--.”
“Here’s my boyfriend.” At nang-inggit ang bruha. “Howard, here!” inalog niya ang yelo ng plastic cup at umaasang dumami ang laman ng kanyang baso. Nakatitig lang siya sa kasintahan ni Yumi, halos isang taon na rin mula noong masaksihan nilang lahat ang pagsinta ng dalawa. Noong una ay naiinggit siya at tulad ng ibang normal na babae ay umasa din siyang makakahanap ng kapares, katulad ng blackboard at ng chalk. And then it hits her, na-brainwash na nga pala niya ang sarili niyang huwag umasang magkakalove life pa siya lalo pa at sa trabaho na meron siya.
Tumagos ang tingin niya sa lalaking nasa likod ni Howard at muntik ng masamid ng iniinom. Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula noong makita niya si Darren noong nagpunta ito sa bahay niya upang maghatid ng pagkain. Pag-uwi nito ay hindi na muli nag-krus ang kanilang daan.
Ngayon lang niya ito napagmasdan ng maayos, iyong unang pagkikita nila ay gabi na at iyong pangalawa naman ay halos hindi niya maibuka ang kanyang mga mata. He is really good-looking. It wasn’t a lie and a hallucination.
“Bakit hindi mo sinabi na kasama mo pala si Xylee?” nakangiting tanong ni Howard. Never pa niyang nakitang nagalit ang batang propesor, mild lang kasi ang personality nito.
“Nagkita lang kami dito nagmumukmok kasi siya.”
“I’m not.” Depensa niya sa kanyang sarili.
“Hi.” Bati ni Darren sa kanya.
“Yoh!” at nag-rock and roll sign siya bilang pagbati dito.
“Magkakilala kayong dalawa?” takang tanong ni Xylee. “How?”
“Sa birthday ni Dorothy.” Maagap niyang sagot. Ewan ba niya kung bakit siya ang sumagot at ng ganoon pa kabilis.
Kinuha niya ang mga pinamiling school supplies pati na rin printer na ipinatong sa ibabaw ng katabing upuan upang maka-upo si Howard at Darren.
“Let me help you.” Hindi siya humindi sa ini-offer na service ng bagong kakilala at hinayaan na buhatin ang malaking Eco bag. “What the heck is this? It’s heavy.” Sinilip nito ang laman ng eco bag. Bumili siya ng apat ream ng bondpapers, dalawang short and long kaya medyo mabigat. Marami ding cartolina, manila papers, markers at kung anu-ano pang school supplies. Of course, mula sa bulsa niya ang budget na iyon kapag hihintayin pa niya ang pwedeng i-offer ng MOOE ng school ay baka tapos na first quarter ay hindi pa nila narereceive ang supplies nila.
“Ingatan mo iyan wala na akong pambiling school supplies kapag nasira mo ang laman niyan.” Maingat nitong inilapag ang box ng printer sa sahig. Pati printer ay sariling bulsa niya galing, mabuti nalang at hindi niya ginastos ang buong mid-year bonus niya bilang preparation sa pasukan ng klase.
“Bakit ang dami nito?”
“Work.” Sagot niya sa tanong ni Darren habang iniisip kung mag-oorder pa ba siya ng isang baso ng kape at masarap na dessert. Parang mas gusto niyang mag-stay sa Café Keopi ng ilang oras pa.
“What work?”
“She’s a teacher.” Sagot ni Yumi na katabi si Howard habang siya ay katabi na si Darren. Kung pagbabasehan ang mga matang nakamasid sa kanila at ang mga palihim na kumukuha ng pictures siguradong nasa facebook page na sila ilang minuto mula ngayon na may hashtag na ‘DoubleDate’.
“You are a teacher? You’re not a student?”
“Bakit mukhang gulat ka? Ganyan ba ako ka-baby face.” Ngumisi pa siya at nagpogi sign sa harap nito.
“Yeah.” She was caught off guard by his answer. Akala kasi niya ay babarahin siya nito pero hindi nito iyon ginawa at walang balak ng pagsisinungaling sa mukha nito. “I thought you are eighteen or nineteen years old.” Mas lalong lumapad ang ngisi niya habang nakatingin sa lalaki.
“I like you na.” at tinapik niya ito sa braso… may muscles! “But sorry to burst your bubble I am ten years older than the age you mentioned.” Halata ang gulat sa mukha nito sa kanyang sinabi. Hindi lang naman ito ang may ganoong reaksyon kapag nalaman ang totoong edad niya.
“You’re twenty-eight?”
“Twenty-nine.” She corrected. “Mas matanda ako kay Dorothy ng three years.”
“Wow.” Anitong nakabawi na sa pagkagulat. “Are you drinking something from the fountain of youth?”
Tumikhim si Yumi na may nagbabantang panunudyo na tingin. “Kanina pa naghihintay ang kukuha ng orders natin.” Turo nito sa waiter na nakatayo sa tabi nila.
“Sorry,” kinuha ni Darren ang menu. “One hot espresso for me and…” bumaling ito sa kanya. “What do you want to drink?”
“Huwag na, naka-order na ako.” Aniyang turo sa walang laman na baso niya. Napa-igtad siya ng sipain siya ni Yumi sa ilalim ng mesa at pinandilatan siya na para bang sinasabi na mag-order siya.
“Chocolate chip frappe nalang, small lang dahil wala na akong budget.” Aniyang nag-peace sign dito.
“Chocolate chip frappe, venti, for the lady.”
“Small-.”
“It’s on me.” anito sa kanya. “Natalo ako ni Howard sa billiard game kaya manlilibre talaga ako.”
“Aw, ang yaman mo talaga Darren.” Ani ni Yumi. “Ang swerte ng girlfriend mo sa iyo.”
Wala sa sariling napatingin siya sa katabi at hindi nakaligtas sa kanyang mapanuring mga mata ang biglaang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nito. Hindi iyon halata pero napansin pa rin niya, bumaba ang intensity ng ngiti sa mukha ng lalaki.
“Too bad I don’t have one.”
“That’s great, wala ding boyfriend si Xylee.”
Marahan siyang napabuntong-hininga. “I am not searching. Huwag mong intindihin si Yumi maganda ang love life niyan kaya nanghahawa ng love virus.”
“Why?” nasa mukha ni Darren ang pagtataka sa kanyang sagot. “Why are you not searching?”
“For a record, halos wala na akong oras sa sarili ko kung magboboyfriend pa ako baka hiwalayan lang rin niya ako dahil hindi ko siya mabibigyan ng oras.” Napansin niya ang pagkakakunot ng noo nito na tila ba naghihintay ng mas mahabang eksplenasyon sa kanyang unang sinabi. “I woke up at five in the morning to prepare at kailangan nasa school na ako before seven para sa flag ceremony, uuwi ako ng five-thirty in the afternoon tapos ay bibiyahe pa. Pag-uwi ko sa bahay ay gagawa pa ako ng lesson plan at magpeprepare ng visual aids, test papers, activity sheets para sa susunod na araw. Matutulog ako ng alas diyes ng gabi, maswerte kung alas nuwebe ay tulog na ako and then the cycle continues. Kahit Saturday and Sundays minsan ay obliged kami na pumunta sa school dahil may meetings and seminars. Kaya maraming matandang dalaga sa serbisyong publiko namin at matagal ko ng nakondisyon ang utak ko diyan.” Mahabang paliwanag niya.
“It’s not like you were forbidden to marry someone.”
“Hindi nga pero mahirap makahanap ng lalaking hindi magseselos sa trabaho namin. He must be one tough and understanding cookie.”
Parang trend na nga sa school nila na karamihan sa mga kasama niya sa trabaho ay mga seaman o kaya naman ay OFW ang asawa. Iyong mga seaman at OFW kasi ang hanap ay mga teachers dahil hindi gagawa ng kagagahan lalo pa at nasa propesyon at pwedeng iwanan sa bahay. Ang ilang teachers naman ay ganoon din ang hanap dahil palaging wala sa bahay kaya hindi ku-kwestunin kung matagal silang uuwi dahil sa paperworks.
“Well, you will find someone who surely understands the nature of your work because I found mine.” Inikot niya ang mga mata sa sinabi ni Howard. Of course, he is a university professor kaya nasasabi nito ang bagay na iyon. Nagkibit-balikat na lang siya at napangiti dahil kahit super cheesy nito ay halata namang sobrang happy ni Yumi sa narinig.
“Who knows? I might find my own chalk soon.”
“Bakit chalk?” tanong ni Yumi.
“Ako ang blackboard, partner ni blackboard si chalk. Si Chalk ang magsusulat ng kwento ng buhay ko—aray naman Yumi!” reklamo niya dito dahil binabato siya nito ng maliliit na bato mula sa nakadisplay na bonsai sa kanilang mesa. “Grabe ka sa akin, gawin kaya kitang chalk.”
“Corny mo.”
“Wala ng mas co-corny diyan sa boyfriend mo.” Hininto naman nito ang pambabato sa kanya ng dumating ang kanilang order. Excited na kinuha niya ang kanya frappe na inabot ni Darren sa kanya.
“Mukhang enjoy sa village ninyo.” Natatawang sabi ni Darren.
“Dito ka ba nakatira?”
“I’m on the process of buying my place here, tinutulungan ako ni Howard. Baka this Saturday ay makapaglipat na rin ako.”
“Magiging kapitbahay na pala kita, welcome to our village. May saltik ang mga utak ng mga tao dito but you’ll find them irritatingly cute. Sabagay, bagay ka sa village.”
“Bagay? Why?” ang cute talaga ng lalaking ito. Ang sarap kurutin sa cheeks kung hindi lang nakakahiya. “Because I am cute?” Takte! Gusto niyang isigaw na hindi ito cute.
“Nope, you’re handsome.” Teyka lang! Sinabi ba niya ang laman ng isip niya? Think! Think Xylee, you need to redeem yourself! “Gaya ni Howard, gwapo din siya hindi ba? Si Yumi cute at ako maganda kaya bagay ka dito.” Gusto niyang palakpakan ang sarili sa mabilis na comeback. Owrayt, ahm sooo genius.
Akala niya ay walang nakapansin sa uneasiness niya pero mali siya dahil malakas na tumawa si Yumi habang pinupukpok ang mesa. Si Howard naman ay nagtataka sa reaksyon ng nobya habang si Darren ay nagtataka din. It means si Yumi lang ang naka-gets. Mabuti nalang, saved by the bell.

TBC
<3 <3 <3
Love,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang