Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love : 15- Conference

cc

15- Conference
            “Xylee.” Sinulyapan niya si Xeleena na nakapameywang habang nakatingin sa kanya. Nakahiga siya na parang bangkay sa ibabaw ng bunkbed nito sa hospital. “I need to sleep.” Umusog siya sa kaunti upang bigyan ng space ang kapatid. Mariin at malakas itong napabuntong hininga bago tumabi sa kanya.
“Two days ka pang walang tulog, kaya pa ba ng katawan mo?” mahinang tanong niya sa kapatid. Katulad nito ay halos ganoon din siya, dalawang araw na rin siyang walang maayos na tulog.
“Kaya pa.”
Napatingala siya sa kisame at iniisip ang kalagayan ng kakambal. “Pwede ka naming umidlip kapag may vacant hours ka, Xel.”
“Bawal.”
“Bakit bawal?”
“Mahirap na baka makuhanan ako ng picture o kaya naman ay ma-videohan. Tapos i-u-upload sa social media na may caption na ‘natutulog sa oras ng trabaho’.
“Grabe naman, hindi naman siguro.” Aniya dito.
“Unfortunately, hindi lahat ng tao ay kagaya mong mag-isip. Hindi lahat ng tao ay open-minded at mas lalong hindi lahat ng tao alam ang tunay na kalagayan namin at nakakaintindi sa kalagayan namin.”
Muli siyang nanahimik. “Papangit ka na niyan, magkamukha pa naman tayo.”
“Mas mabuti ng pumangit dahil nagtatrabaho ng maayos keysa pumangit dahil sa brokenhearted.”
“Ouch, masakit iyon.” Aniya. Tinutukoy niya ang sinabi nito, natamaan kasi siya. “Hindi rin madali ang mabroken heart.”
“Pinasok mo iyan kaya panindigan mo.” Gusto niyang sakalin ang kakambal dahil parang naririnig niya ang kanyang sarili na pinapagalitan siya.
“Tama ba ang ginagawa ko, Xel?”
“Ang iwasan siya?”
“Yes.”
“I don’t know.” Kumunot ang noo niya sa sagot nito.
“Akala ko ba matalino ka dapat alam mo ang sagot.” Reklamo niya dito.
“Hindi ako matalino, may alam lang. At saka ang hirap ng tanong mo.”
“Alin ba ang mahirap doon?”
“Bakit mo itatanong kung alam mo naman pala ang sagot?”
Sumimangot siya dahil may punto ito. “Darn it.”
“Bawal magmura dito.”
Muli na namang nag-init ang kanyang mga mata dahil sa katangahan niya. “Bakit ba ako nagkagusto sa isang lalaking pagmamay-ari ng iba?” tumagilid siya at humarap sa kakambal. “May nagawa ba akong masama kaya ako pinaparusahan ng ganito? Dahil ba palagi akong nanenermon sa mga students ko kapag hindi sila naglilinis? Palagi ko silang binabantaan na ibabagsak kapag hindi sila nag-pasa ng project? O, kaya naman kahit na bagsak sila ay pinapasa ko sila? Mukhang hindi na talaga ako makakaakyat sa langit nito.”
Naramdaman niya ang palad ng kapatid na dahan-dahang humahaplos sa kanyang mahabang buhok.
“Baliw.”
“Mag-resign nalang kaya ako?”
“Kakalimutan mo ang trabahong minahal at pinaglaanan mo ng buhay mo para lang sa isang lalaki? Nakita nating pareho kung paano nasaktan si Mama noong naghiwalay silang dalawa ni Papa. Tayo ang saksi kung paano umiyak si Mama pero sumuko ba siya? Naghiwalay lang sila ng bahay pero hinarap pa rin ni Mama si Papa, hanggang sa natutunang patawarin ni Mama ang baliw nating ama.”
Totoo iyon, buong akala nang kanilang mga magulang ay hindi nila alam ang nangyari. Noong umalis ang Papa nila sa bahay at naiwan silang dalawa sa kanilang ina. Kung paano hinarap ng ina ang ama sa kabila ng mga pagkakamali nito. Her mother might be crazy at times but she’s one tough woman. Hindi ito sumuko, hindi ito nagpadala sa lungkot, at hindi nagpadala sa sakit. Mas malala pa nga ang naranasan nito sa kanyang nararanasan niya.
“Don’t fear, Xylee.”
“Ayoko mang aminin pero nadala ko pa rin iyong takot na baka maranasan ko ang naranasan ni Mama. Kaya natatakot akong magmahal at noong unti-unti naman akong nakaka-recover sa takot ay saka naman…” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil pumapait ang panlasa niya. “At wala man lang ako sa kalingkingan ng girlfriend niya. Ang tangkad, sis.” Dugtong pa niya.
“Well, you are cute.”
“But cute isn’t enough.” Aniya. “I want him.”
“You love him.”
“I love him.” Amin niya dito. Sa kapatid lang siya umamin.
“Steal him.”
“But I can’t.”
“Why?”
“Alam ko kung paano masaktan. Kaya alam kong masasaktan si Daffodil o kaya naman ay si Darren kapag pinilit kong ipasok ang sarili ko sa mundo nila.”
“Mahal mo si Darren kaya gawin mo ang lahat na maagaw siya sa girlfriend niya, mas mabuti na ang babaeng iyon ang masaktan keysa sa iyo hindi ba?”
Mahina niyang hinampas ang kapatid. “You are bad.”
“I am giving you an option.”
“But hurting someone will never be an option.”
She felt her sister tensed. “Yes, it is.” Mahina iyon pero dinig pa rin niya ang huling sinabi nito. Itatanong sana niya kung may pinaghuhugutan ba ito kaya lang ay tinawag na ito ng co-doctor nito dahil may isang pasyente pa itong kailangang asikasuhin.
“Pag-isipan mong mabuti iyan Xylee. Be happy and hurt someone, or let them be happy and be hurt.”
Kahit nakaalis na ang kakambal ay ang tanong pa rin nito ang iniisip niya at kahit na masakit, ay tinanggap na niya sa sarili ang kasagutan. She can never hurt other people, she can never break a relationship. Dahil siya mismo ay isa sa mga nagging biktima ng isang sirang pamilya. She’d rather be sad and be happy for his happiness. Pero, bakit ang hirap?

TAHIMIK na naka-upo si Xylee sa tagong bahagi ng official coffee shop ng kanilang subdivision. Katatapos lang ng kanilang training at nakalimutan niyang magbayad ng bill kaya naputol ang internet connection nila sa bahay. Nakapagbayad na siya kanina pero siguradong kailangan niyang maghintay ng ilang oras bago iyon ma-connect. At kailangan niya ng internet dahil gumagawa siya ng lesson plan dahil naka-schedule siya sa kanyang classroom observation sa lunes. Kailangan niya iyon para may grade siyang kahit na Satisfactory sa kanyang IPCRF. Katabi ng kanyang laptop ang COT o classroom observation tool para ma-organize at magawa niya ng tama ang kanyang lesson plan.
Kanina pa sumasakit ang kanyang utak dahil hindi niya alam kung paano niya i-go-group ang mga students niya para sa kanyang differentiated activities. Dahil nga sa dami ng mga trabaho na kailangan niyang gawin kaya nawala sa isip niya na mag-Multiple Intelligence exam sa mga estudyante niya.
Bumalik na ba siya?”
            “Nagkita na ba kayo”
            “Sinabi mo na?”
            “Ang dami ninyong tanong, baka nakalimutan niyong kasalanan ninyong lahat kung bakit nagulo ang mga plano ko.” Biglang napalingon siya sa kung saan ng marinig ang pamilyar na boses ni Darren. Hindi siya pwedeng magkamali, kahit hindi niya nakikita ang lalaki ay kilalang-kilala niya ang boses nito.
“Effective kaya ang plano namin, we never failed.” Maangas na sagot ng sa tingin niya ay kapitbahay din niya. “Itanong mo pa kay Nicolo, ang laki ng tulong namin sa buhay pag-ibig niya.”
            Napakunot ang kanyang noo, mukhang ang mga kalalakihan nga sa kanilang barangay slash subdivision ang nagme-meeting. Seriously, akala niya ay mga babae lang ang mahilig mag-usap ng tungkol sa love life pati ba naman lalaki. Dahil naka-puwesto siya sa tagong lugar kaya hindi siya kita ng mga ito at malaya siyang nakakasilip sa mga ito mula sa kanyang kinalalagyan. Muli ay nasulyapan niya si Darren at akala niya ay na-programmed na niya sa kanyang isip na kaya na niya itong harapin pero heto siya at nagtatago.
Hindi nga talaga madali ang itago ang tunay na nararamdaman, lalo na kung first time mong naramdaman iyon. The feeling is crazy. At dahil sa alam niyang hindi siya makapag-concentrate kapag naririnig ang boses ng lalaki kaya isinuot niya ang kanyang headphone at agad na ini-plug ang jack sa port ng kanyang cellphone at ini-open ang kanyang playlist. Linakasan niya ang volume upang walang marinig. Sa kasamaang palad ay nawala na ang drive niyang tapusin ang kanyang ginagawa sa halip ay nakaramdam siya ng antok dala na rin ng pagod at kung anu-anong nararamdaman.
“Xylee…”
“Hmnn.”
“Xy--.” Tinabig niya ang palad na mahinang humahaplos slash tumatakip sa kanyang pisngi.
“Ano ba?” she murmured.
“Ihahatid na kita sa inyo.” Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at nasilayan ang gwapong mukha ni Darren.
“Darren?” bulong niya.
“Hi there cutie, you’ve been sleeping her quite some time.” Malambing na hinaplos ng daliri nito ang kanyang pisngi. “Ihahatid na kita.”
Kinusot niya ang kanyang mga mata, totoo nga ang kaharap niya. “Paano mo nalaman na nandito ako?”
“Nararamdaman ko na nandito ka.”
“Nararamdaman mo?”
Hinuli ng lalaki ang kanyang palad at idinikit sa dibdib nito. She felt his heart racing uncontrollably. “Feel it?” lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya, sunod-sunod siyang tumango dahil ramdam nga niya ang malakas na tibok ng puso nito. It matches hers.
“Xylee, I’ve been longing to tell you this.” Lumakas ang tibok ng kanyang puso at tila huminto rin ang pagdaloy ng hangin sa kanyang utak. “I love ---.”
“Array!” mahina siyang napahiyaw ng tumama ang ulo niya sa matigas na bagay. Nang tingnan niya ay ganoon nalang ang pagkakakunot ng kanyang noo ng mapagtantong tumama pala iyon sa pader. “Buwisit.” Mahinang mura niya sabay himas sa kanyang nasaktang ulo. “Panaginip lang pala.” Mas lalo siyang nainis dahil kahit sa panaginip niya ay hindi siya nilulubayan ng damdamin niya kay Darren. And worst, mas lalong lumala.
Sinilip niya ang kinaroroonan ni Darren at ng iba pa niyang kapitbahay. “Mas buwisit.” Mas lalo siyang nainis ng makitang hindi lang si Darren at ang mga lalaking kapitbahay niya ang nandoon. Katabi ni Darren ang kasintahan nito kaya mas lalong lumalala to the point na gusto na niyang maiyak sa inis. May problema ba ang mundo sa kanya? Siya na nga itong umiiwas pero siya pa rin itong sinusundan ng malas. At kahit na gustuhin na niyang umalis ay hindi niya magawa, there’s only one way out at kailangan niyang daanan ang puwesto ng mga lalaking kanina pa nagco-conference.
“Xylee, dalawa lang ang options mo. Manatili ka dito at hintayin na makaalis ang mga iyan pero nakikita mo si Darren at ang girlfriend niya o kaya naman ay dumaan ka sa tabi nila at makakalabas ng matiwasay pero kailangan mong kausapin si Darren at ang girlfriend niya? Kung option man na maituturing ang mga iyon, dahil sa tingin niya ay talo pa rin siya kahit na ano ang piliin niya.
“Ate Xylee! Ate! Te…”
“Huh?” tinanggal niya ang headphones ng may marinig na tumawag sa kanya. “Yes?” mga batang kapitbahay niya ang mga iyon.
“Kanina ka pa po namin tinatawag.”
“Sorry, masyadong malakas ang music.” Tukoy niya sa suot na headset. “Bakit?”
“May ipapanood kami sa iyo ate,” may hawak ang mga itong cellphone.
“Ano iyon?”
“I-tag ka namin sa facebook.” Kunot-noong kinuha niya ang kanyang cellphone. May nag-notif nga doon na naka-tag sa kanya. “Panoorin mo ate, masaya ang short video na iyan. Matatawa ka pero mahina ang audio kaya kailangan ng headphones or headsets.”
“Ganoon ba?” inosenting isinuot niyang muli ang kanyang headphone at pinindot ang play button. It was a two-minute video, sa simula ay video iyon ng isang silid na may natutulog na lalaki. Tumayo ang lalaki at biglang humarap sa camera sabay sayaw, wala naming nakakatawa sa video. Papatayin na sana niya iyon ng biglang nag-iba ang content ng video at isang nakakatakot na mukha ang dumikit sa screen ng camera kasabay ng isang malakas at nakakabinging tili. Sa gulat niya ay napatili din siya ng malakas kasabay ng pagtapon ng cellphone niya sa sahig. Nasaksihan ng kanyang mga mata kung paano nagkalamat ang screen ng kanyang cellphone pero mas iniintindi niya ang gulat na nararamdaman.
“Ano ang nangyari?” ang mga ibang customers na malapit sa kanya ay agad na nagsilapitan. “Anong ginawa niyo kay Xylee?”
“Xylee.” Akala niya ay namanhid ang pakiramdam niya nabuhay iyon ng marinig ang boses ni Darren. “Are you okay?” tumingin siya dito pero katabi nito ang kasintahan nitong si Daffodil na nagtataka ang mukhang napatingin sa kanya.
Tumayo siya at kinuha ang mga gamit. “So-sorry.” Hingi niya ng paumanhin sa mga nadisturbo niya. Dali-dali siyang lumabas sa coffee shop at kahit na maiiksi ang mga biyas niya ay ang layo ng narating niya. Habang naglalakad ay hindi niya napigilan ang sariling mapahikbi. Mahina ang puso niya sa mga nakakatakot na bagay, matagal kasing naaalis sa utak niya ang mga nakikita niya. Natakot at nagulat siya, nasaktan siya… how can the universe be so cruel to her?
“Kaasar.” Kahit anong punas niya sa kanyang luha ay hindi iyon nauubos. “Maubos ka naman.” Pero talagang ayaw. Totoo nga ang sinabi nilang biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising.
“Xylee!” mas lalong lumakas ang iyak niya ng marinig na naman ang boses ni Darren na tinatawag siya. Sa halip na huminto ay mas lalo pa niyang binilisan ang lakad pero nahabol pa rin siya nito. “Wait, Xylee.” Tumungo lang siya dahil ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Ang tanda na niya para iyakan ang nangyari sa kanya kanina. “Are you crying—sandali lang! Stop.” Hinawakan nito ang magkabilang braso niya. “Umiiyak ka ba?”
“It’s none of your concern.”
“Stay still-.”
“Ano ba Darren? Bakit ba ang kulit mo?” inis na tanong niya dito. Mukhang nagulat ito sa naging reaksyon niya ngunit wala siyang pakialam.
“Concern lang naman-.”
“Hindi ko kailangan ng concern mo. Ang gusto ko ay layuan mo na ako, ayokong lapitan mo ulit ako. Ayokong maging kaibigan ka dahil ayoko ng gulo.” Inis na bulyaw niya. “Please lang, ayoko sa iyo.” Ayoko sa nararamdaman ko sa iyo. Ayoko sa sakit na nararamdaman ko. Iyon ang gusto niyang idagdag pero ayaw ng bumuka ang bibig niya.
“Xylee.” Bakas sa boses nito ang sakit marahil sa sinabi niya. “Why?”
“Buwisit ka Darren.” Muli ay pinunasan niya ang pisngi niya. “Sana ay hindi ka nalang dumating sa buhay ko, sana ay hindi nalang kita tinulungan noon sa bahay mo. Sana ay hindi nalang kita kinausap at hinayaang makatuloy sa buhay ko. Sana ay hindi ako nasasaktan ngayon. May plano na ako sa buhay ko at iyon ay hindi magmahal, ang hindi makaramdam ng kahit na anong sa kung sinumang pontio pilato. Alam ko kung paano masaktan dahil nasaksihan ko iyon sa mama ko kaya iniiwasan ko na mangyari sa akin iyon. Pero dumating ka, sinira mo ang plano ko. At heto naman akong si tanga, hinayaan ang sarili na mahulog sa iyo.” Kinapa niya ang dibdib niya, sa bahaging kung saan siya nasasaktan. Hilam ang kanyang mga mata sa luha kaya hindi niya nakikita ang naging reaksyon nito.
“I hate this Darren, I hate you for making me feel this way. Galit ako sa iyo dahil hinayaan mo akong mahulog sa iyo.” At hindi mo naman ako sinalo and there is no way for you to catch me.
“Xylee, let me explain--.”
“Darren, Xylee.” Mas napahikbi siya ng marinig ang boses ni Daffodil. “Anong nangyayari dito?” takang-tanong ng babae. “Darren, naisauli mo na ba ang cellphone ni Xylee? And, why is she crying?”
“Ganito talaga ako Daff kapag nagugulat, naiiyak.”
“Ganoon ba? Okay ka na ba? Gusto mong uminom ng tubig?” umiiling siya sabay sinok.
“Salamat nalang, sige una na ako sa inyo.”
Hinawakan ni Darren ang braso niya. Mas malinaw na ang mukha nito keysa kanina. “Let’s talk.” Seryosong ani nito.
“I don’t want to.” Ano ba ang ginagawa nito? Hindi siya nito dapat kausapin ng ganoon sa harap ng girlfriend nito.
“I want to explain.”
“No need.” Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kanya at humarap kay Daff na naguguluhan na rin sa nangyayari. “Daff, your boyfriend is showing unnecessary concern to me.” Paliwanag niya sa babae. “Masyadong mabait ang boyfriend mo at ayokong ginugulo ako kapag ganitong unstable ang emotions ko. Pwede mo ba siyang ipasok sa coffee shop at hayaan akong makaalis ng maayos.”
“Sure.” Muling tumulo ang luha niya ng hawakan ni Daff ang braso ni Darren. Baliw na talaga siya, siya ang nag-utos na hawakan ito pero siya rin ang nasasaktan sa inutos niya.
“Daff, I need to talk to Xylee.”
“Hayaan mo muna si Xylee, Darren.” Matigas ang boses nito. “She said she’s not feeling stable at kahit na anong sabihin mo ay hindi rin niya maaabsorb. Give her some time.”
Iyon ang huling narinig niya bago siya tuluyang makaalis.

<3 <3 <3
A/N: Few more chaps to go!

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang