Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 14- Training

th
14 – Training
            PARANG lasing na naglalakad si Xylee pauwi sa kanilang bahay, parang sasabog na ang utak niya sa dami ng kanyang iniisip. Pakiramdam niya ay pati puso niya ay ganoon din. Alam niyang hindi na siya lasing pero ang high pa rin ng kanyang pakiramdam.
“Where have you been?” isang nakakunot na noo na Darren ang nabungaran niya ng malapit na siya sa gate ng kanilang bahay. “Kanina pa kita tinatawagan pero ring lang ng ring ang cellphone mo.”
“Cellphone?” kinapa niya ang cellphone sa bulsa pero wala ito doon. “Baka naiwan ko sa bahay.”
“Sinabi ng mama mo na may hang-over ka at akala ko ay nagpapahinga ka. Pero ilang beses na akong kumatok sa inyo walang sumasagot alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo.”
Nakatitig siya sa mga mata ng lalaki, kung may masamang espiritu man na nakapaligid sa kanya marahil ay may isang sumapi dahil hindi niya natantiya ang sunod na ginawa niya. Tinawid niya ang pagitan nila ng binata at walang babalang dinikit ang labi sa labi nito. Natuod ito sa kinatatayuan nito habang maang na napatitig sa kanya. He’s literally speechless.
Dapat ay ganoon din siya pero wala siyang maramdaman na kahit kaunting hiya sa kanyang ginawa. It was a brief kiss but for her, it’s all the strength she has.
“Xylee.”
“Alam kong dapat ay nagtatago na ako ngayon dahil sa ginawa ko Darren but I can’t and I won’t. Natatakot akong harapin ka dahil natatakot akong harapin ang nararamdaman ko sa iyo. You asked for my friend and I gave it to you pero may hangganan pala iyon. I can’t be friends with you anymore not when I think I am falling for you.”
Napakurap si Xylee habang iwinawasiwas ni Darren ang palad nito sa kanyang harapan. “Xylee, are you okay?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “May hang-over ka pa ba?”
“Huh?” napakunot siya ng noo… takte! “May sinabi ba akong kakaiba?”
“Nakatulala ka lang diyan akala ko nakatulog ka na.” biro nito sa kanya. Takte! Akala ko totoo na! Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil hindi pala totoo ang nasabi niya o malulungkot dahil sa alam niyang mawawalan na siya ng lakas ng loob na totoong sabihin dito ang kanyang tunay na nararamdaman.
“Pasensya ka na Darren,” sinapo niya ang kanyang noo. “Sa tingin ko ay may hang-over pa ako.” It was partly true. Sigurado siyang may tama pa ng alak ang kanyang sistema pero alam din niyang matino siyang nakikiharap dito ngayon.
“May gusto ka bang sabihin?” tanong nito sa kanya.
“Wala naman…” may gusto akong sabihin. “Sandali lang, hindi ba ikaw ang may gustong sabihin?”
Napakamot ng batok si Darren na tila ba ay nahihiya sa kung ano ang sasabihin sa kanya. Biglang sumikdo ang kanyang dibdib, kanina lang ay kausap niya ang mga kaibigan tungkol kay Darren at sa posibleng ay nararamdaman ito sa kanya. Paano nga kung magtatapat ito sa kanya? Paano nga kung may gusto ang lalaki sa kanya? Ano ang gagawin niya? Ano ang sasabihin niya kung ganoon?
Kung gaano kabilis ang takbo ng kanyang utak ay ganoon naman kalakas ang tibok ng kanyang puso. Yes, she likes Darren but she’s just too scared of liking him more.
“Baby! There you are!” isang magandang babae na hindi hamak na mas lamang sa kanya sa lahat ng bagay ang biglang yumakap kay Darren. Napakurap siya ng wala sa oras upang alamin kung tama ba ang kanyang nakikita. “I’ve been waiting for you…” mukhang napansin na yata siya ng babae at bumaling sa kanya. “Is she the one you’re telling me about? The cute neighbour?”
The. Cute. Neighbour.
            “Hi, I’m Daffodil, this guy’s girlfriend. Just got from US and I’ve been hearing a lot about you from this guy. He told me that he met a very cute neighbour and I guess he’s right. You are a real cutie.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya mula sa babae. GIRLFRIEND? And she’s just a cute neighbour. Iyon ba ang gusting sabihin ni Darren sa kanya simula pa kagabi na hindi nito masabi-sabi sa kanya?
Buwesit! Sino ba ang nagsabi sa mga kaibigan niyang may gusto nga si Darren sa kanya? Mga baliw talaga ang mga iyon, hindi man lang inalam na may girlfriend na ang lalaki.
“It’s nice to meet you Daffodil.” Bumaling siya kay Darren na tila hindi magawang tumingin sa kanya samantalang dati ay kung makita siya ay agad na nakalingkis. Sabagay, the ‘girlfriend’ is here kaya hindi na ito pwedeng makipaglapit sa kanya. Kung sinabi nito ng mas maaga sa kanya na may sabit na pala ito sana ay hindi nalang niya ito hinayaan na makalapit sa kanya ng husto.
Sana ay hindi nalang niya ito nagustuhan.
“Sige, mauna na ako sa inyong dalawa. May hang-over pa kasi ako and I need some sleep.” Hindi na niya hinayaan pang sumagot ni sinuman sa dalawang kaharap. Gusto lang niya ay ang umalis sa harap ng mga ito. Nang makapasok na siya sa kanyang silid ay tila nanghina ang buong katawan niya. Mas ramdam niya ngayon ang sakit sa kanyang ulo na dala ng hang-over niya at hindi lang iyon, tila bumigat ang kanyang buong pakiramdam.
Wala sa sariling napahawak siya sa pinakamasakit na bahagi ng kanyang katawan, naninikip ang dibdib niya.
“Mabuti nalang at hindi ako nagtapat sa kanya kung hindi mas lalong nakakahiya.” Mahinang usal niya sa kanyang sarili. Ano naman kaya iyong magtatapat siya tapos darating ang girlfriend? That would be so awkward.
“Bakit ang sakit?” bigla siyang napahikbi habang hawak ang kanyang dibdib. “Bakit ganito?” napahawak siya sa pisngi ng may maramdamang basang bagay doon. She’s crying for pete’s sake!

NAK?” naalimpungatan si Xylie nang marinig ang pagtawag ng ina niya mula sa pintuan. “Gabi na, hindi ka kakain ng hapunan?” Pinakiramdam niya ang kanyang sarili, wala siyang ganang bumangon at mas lalong lumalala ang sakit ng kanyang ulo. “Nasa baba si Darren, kanina ka pa niya hinihintay.”
Darren? Muli ay may matinding sakit na namayani sa kanyang buong katawan ng marinig ang pangalan ng lalaki. Wala pa siyang energy na harapin at kausapin ito ngayon. Hindi pa nga niya kayang ayusin ang kanyang sarili.
“Masakit po ang ulo ko, Ma. Inaantok pa rin po ako.”
“Si Darren?”
Screw him! “Sa ibang araw nalang po, matutulog po ulit ako.” Sana hindi napansin ng ina na medyo ngungo ang boses niya dala ng pag-iyak niya kanina.
“Sige, magpahinga ka na muna diyan. Ayan kasi iinom tapos hindi pala kaya, alam mo naman na mahina ang immune system mo dahil halos wala ka ng pahinga. Baka sa susunod niyan ay magkasakit ka na.” gusto niyang sabihin sa ina na masakit na nga, at mas gusto pa niyang lagnatin at sipunin keysa sa maramdaman ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi niya sinagot ang ina at mukhang akala yata nito ay nakatulog na uli siya kaya sinara na nito ang pinto.
“Wala kang karapatang magkaganyan Xylie, hindi mo naman boyfriend ang lalaking iyon. Hindi naging kayo.” Kausap niya sa kanyang sarili. “Hindi porke’t sweet siya sa iyo, inaalagaan ka niya ay may gusto na agad siya sa iyo. Talaga lang nilalagyan mo ng malisya ang bawat ginagawa at sinasabi niya sa iyo. You are really hopeless.”
Napakagat siya ng labi upang pigilan ang pag-iyak dahil nag-iinit na naman ang talukap ng kanyang mga mata.
“Damn it! Kung kailan ko naman narealized na gusto ko siya ay saka naman nagiging ganito.” Bakit pa kasi siya ginising ng nanay niya eh di sana ay natutulog pa siya hanggang ngayon at hindi na nagda-drama ng ganito.
Brrr… brrr… brrr…
            Inabot niya ang kanyang cellphone dahil nagvibrate iyon, palatandaan na may tumatawag sa kanya. Tinitigan niya ang kanyang screen at napako sa pangalan na tumatawag sa kanya, Darren.
“Nang-aasar ba ang lalaking ito?” itinaob niya ang telepono at hinintay na matapos ang pagtawag ng lalaki. Luckily, he did. But then after a few seconds ay nagvibrate uli. Inis na papatayin na sana niya ang cellphone nang mapansin na ang master teacher pala niya ang tumatawag sa kanya.
Mabilis niyang sinagot ang tawag. “Maam Layla?”
“Xylie, nareceived mo ba ang text ko sa iyo kanina? Hindi ako naka-received ng confirmation.”
“Text ho? Natulog lang po kasi ako buong maghapon, ngayon ko lang na-check ang cellphone ko. Tungkol ho saan ang message?”
“I don’t know if na-check mo na ang memorandum, pero kung hindi pa. Magprepare ka ng good for two weeks na activity for your students, may ten days na regional training for trainers sa Monday at kasali ka doon.”
“Ten days?”
“Yes, magprepare ka na rin ng mga gamit mo na good for ten days.”
“Sige po Maam, thank you po.” Pagkatapos ng tawag ay muli siyang napatitig sa kisame ng kanyang silid.
Training? Kapag sumali ba talaga siya sa training na iyan ay pwede rin ba niyang ma-train ang puso niyang hindi na magustuhan si Darren?

“UMPH!” Muntik ng matumba si Xylee mabuti nalang at may agad siyang nakapitan. At nang mapagsino niya ang nasa kanyang tabi ay parang napaso siyang agad na bumitaw dito. Agad din na bumakas ang labis na pagtataka sa mukha ni Darren sa kanyang ginawa.
“Xylee.”
“Hmn?” Mabilis niyang iniwas ang mga mata mula rito. Ayaw niyang may mahalata itong kakaiba mula sa kanya. Sapat na napagtanto niyang may gusto nga siya dito at ngayon na nandito ang girlfriend nito ay hindi na siya dapat pang makipaglapit sa binata.
“Iniiwasan mo ba ako?” sinubukan niyang makalampas mula dito pero mukhang may balak pa itong makipagpatintero sa kanya. He is blocking her way for pete sake!
“No, medyo busy lang ako.” Sa wakas ay nakakita na siya ng daan upang malampasan ito. Tatakbo sana siya pero nakalimutan niyang hindi lang katawan nito ang mas malaki sa kanya mas mahaba din ang braso at mga biyas nito. Kaya hindi nakakapagtatakang mabilis din siya nitong nahawakan sa braso upang hindi tuluyang makaalis. “Darren, ano ba?”
“Iniiwasan mo ako.”
Malakas siyang bumuntong-hininga at walang nagawa kundi ang harapin ito. Totoo naman na iyon ang gusto niyang gawin, ang iwasan ang lalaki pero napagtanto din niyang hindi siya ganoon kaduwag. Kapag napansin nitong lantaran ang kanyang pag-iwas ay sigurado siyang mapapaisip ito at ma-iisip nitong may feelings nga siya ditto.
“Look Darren, kagagaling ko lang sa seminar. Kung iniiwasan kita sana ay nag-stay-in nalang ako doon ng sampung araw at ng hindi kita makita. As you can see, I am here. Kaharap kita at gusto ko ng makapasok sa bahay ko.” Inis na pakli niya.
“You are hiding from me.” May bahid ng lungkot sa boses nito at ayaw man niyang maantig ay hindi iyon nagawa ng kanyang pobreng puso.
“Kung iiwasan kita justifiable naman siguro iyon dahil alam nating pareho na nandito ang girlfriend mo.” Agad niyang napansin ang pagdudugtong ng kilay ng kaharap. “Ayokong awayin ng girlfriend mo. At ayokong malaman niya na close tayo dahil baka ano pa ang isipin niya.”
Napaawang ang labi nito at sa halip na mainis ay tila unti-unting nawala iyon at napalitan ng nakakakabang pakiramdam. Kahit na anong gawin niya at kahit na ang sabihin niya sa kanyang utak ay tila hindi iyon nagwo-work out. Her feelings for him is growing bigger and bigger every time at hindi niya iyon nagugustuhan.
“Please, Darren. Huwag mo naming gawin sa akin ito.” Pagmamakaawa na niya. Nahihirapan na rin siya lalo pa at wala naman itong alam sa tunay na pinagdadaanan niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag may gusto ka pero alam mong hindi mo iyon masasabi sa taong gusto mo. Ang hirap magtago ng lihim.
Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi na niya namalayan na nahila na siya ng lalaki at sa isang iglap lang ay nasa bisig na siya nito. Ramdam niya ang init na hatid ng katawan ng lalaki, madalas naman siya nitong yakapin mas mahigpit at mas intimate pa nga sa yakap na iyon pero ngayon lang niya naramdaman ang ganoong pakiramdam. Iyong ayaw mo ng bumitaw at iyong gusto mo doon ka nalang forever pero sabi nga nila may mga bagay na pwede mong makuha meron din na hindi mo pwedeng pakialaman dahil pagmamay-ari na ng iba.
“Darren babe! Where are you!” and that’s her cue.
Mabilis niyang itinulak si Darren dahil ayaw niyang maabutan sila ng nobya nito sa ganoong akto. Ayaw niyang pag-isipan nito ng masama ang lalaki, mabait si Darren at wala din naman siyang masamang tinapay sa kasintahan nito.
“There you are!” isang masayang tinig ang narinig niya mula sa kung saan. “Oh, Xylee.” Lumapad ang ngisi nito ng makita siya nito. Kahit hindi niya kaya ay pinilit niya ang sariling ngumiti dito.
“Hello, Daf. Si-sige, mauna na ako.”
“Xylee.” Tawag ni Darren sa kanya, may diin ang boses nito, tila ba inuutusan siya. Bumaling siya sa lalaki at ewan niya kung ano ang nakita nito sa kanyang mukha dahil halatang natigilan ito. Ibinalik niya ang tingin sa babae at nagpaalam na.
Damn it! Kung makapal lang sana ang mukha niya, kung may lakas ng loob lang sana siya siguro ay nasabi na niya kay Darren na gusto niya ito. Baka sakaling mabawas-bawasan ang bigat ng kanyang dibdib, kahit papaano ay maibsan ang sakit na naramdaman niya.
Kung sana ay may pwede siyang hugutan ng lakas ng loob…


TBC
<3 <3 <3
Pa-insert2x nalang ang pagsusulat baka sakaling matapos ko. buhuhuhuhuhuhuu

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang