Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 13- Hangover

ha
13 – Hang Over
            “KUNG may gusto kang sabihin Darren ang mabuti pa ay sabihin mo na ngayon. Ang ayoko sa lahat ay iyong nililito ako dahil sumasakit ang ulo ko.” Ikinurap ni Xylee ang kanyang mga mata dahil nagsisimula na iyong manlabo.
“I’m sorry Xylee, I can’t.”
Letse! Ang sakit na ng ulo niya. “W-why?”
“May gusto akong sabihin pero hindi sa taong alam kong makakalimutan rin kinabukasan.”
Sinapo niya ang kanyang ulo, hindi siya nasusuka pero talagang umiikot na ang kanyang paningin. “Xylee… are you okay?”
“I… don’t know?”
“You are not okay,” firm ang boses nito gaya noong inaatake siya ng kanyang hyperacidity. “I’m drunk.” Tuluyang pag-amin niya. Bakit ba ang babae masyadong mataas ang pride? Kanina pa siya sinasabihan ng mga kasama na lasing pero ang tagal niyang tinanggal ang katotohanang iyon. Inabot pa siya ng ganitong sitwasyon.
“Yes you are. Ang mabuti pa ay i-uwi na kita sa inyo.” Mabilis siyang umiling na naging dahilan kung bakit mas lalong lumala ang kanyang hilo at sakit sa ulo. “Aww, my head.”
“Let me carry you.”
“My sister and friends, they are waiting for me. They are dead drunk too.” Pilit niyang itinutulak palayo ang lalaki na panay ang hawak sa kanya. “Ano ba Darren? Bitiwan mo nga ako. I need to see them.”
“Babalikan natin sila, i-uuwi na namin kayo.”
“Namin?”
“I’m with my friends.”
Malakas niya itong hinampas, sa palagay niya ay pati mukha nito ay nahahampas na rin niya. Darren already saw her at her worst and she thinks he doesn’t mind at all. Naipahiya na niya ang kanyang sarili kaya lulubos-lubusin na rin niya.
“Baka may gawin ang friends mo sa kanila, I can’t trust them.”
Sinubukan niyang maglakad pero dingding lang nakinabang sa kanyang lakas. Maagap siyang naalalayan nang lalaki.
“Wala silang gagawing masama sa mga kasama mo.”
“No! I can’t trust anybody. Hindi ko kilala ang mga kaibigan mo.”
“Xylee--.”
“I’m sorry Darren but I really can’t leave my sister and my friends with your friends. Kasama ko sila dito at ayokong basta nalang silang iniiwan. That’s so irresponsible.” Kahit na lasing siya ay alam pa rin niya ang tama at mali. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Daren at tuluyang pagsuko.
“Fine, we are going with them.” He got his phone and called someone. Hindi na siya nakinig dahil muling bumalik ang kanyang hilo. Sinusumpa niya ang alak ng mga oras na iyon. Pagkatapos na makausap ni Darren ang kung sinuman ay cellphone ay binalikan siya nito. Maingat siya nitong inalalayan pabalik sa kanilang VIP room. Pagdating nila doon ay may dalawang matatangkad na lalaki na naghihintay sa kanila. Agad na nag-alert ang kanyang senses lalo pa at hindi niya kilala ang dalawa.
“Relax, Xylee. They are with me. Sila ang tinutukoy ko.” Sinipat niya ang mga lalaki, well, not quite bad. Pwedeng-pwede nga niyang iwanan ang mga kasama sa mga ito at sigurado siyang hindi magrereklamo ang mga ito.
“The night is still young Darren don’t tell me you’re going home?” Atribidang lalaki! Kung sino man ang nagsalita ay gusto niyang pakakainin niya ng sili.
“I’m sorry Roue I need to.”
Iwinawasiwas niya ang kanyang palad sa harap nito. “N-no need, magtataxi nalang kami.” She tried to strengthen her voice.
“And you think I’ll allow you to do that in this state?”
“You can’t leave your companions here, you are with them.” Sinubukan niyang itulak ang lalaki pero mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. “Darren, let go-.”
“Excuse me. Whoever you are holding my sister like that I’ll really make sure you’ll rot in hell.” Hinawakan ni Xeleena ang braso ni Darren upang tanggalin iyon sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya.
Binalingan siya ni Xeleena at ibinalik kay Darren ang tingin pagkatapos ay mga lalaking nasa paligid nila.
“You.” Turo nito kay Darren. “I think I know you.”
“I’m Darren, I’m your sister’s neighbour.”
Tumango-tango ang kapatid. “You know my sister’s place, ihatid mo siya.”
“Ihahatid ko na kayo.”
“No need we can manage. Tinawagan na ni Calli ang kapatid niya na ihatid kami pauwi. Si Xylee lang ang out of way, you better bring her home safely.”
“Ipapahatid ko sana kayo sa mga kaibigan ko.” Muling bumalik ang hawak ni Darren sa kanya. Pakiramdam niya ay ipinamimigay na siya ng kapatid.
Her sister snorted sarcastically. “Sorry Darren, hindi ako sumasama sa hindi ko kakilala.”
“Harmless kami, Miss.” Singit ng isa na kanina pa may hawak na cellphone. “Wala kaming gagawin sa inyo.”
At kahit na lasing, maldita pa rin ang kapatid niya. “Iyan ang linya ng mga lalaking mas lalong hindi pagkakatiwalaan. There’s no need for you to fuss and thanks for the offer but we can really manage. Ang mabuti pa ay bumalik na kayo sa night out niyo, the night is still young. Nakakahiya naman kung didisturbuhin namin kayo.”
Kung hindi siya lasing ay gusto sana niyang palakpakan ang kapatid. Lasing na ito at sigurado siyang mas lasing na ito sa kanya, nagiging madaldal na kasi ito. Wala nang nagawa ang mga kaibigan ni Darren lalo pa at dumating na ang dalawang kapatid ni Calliope. Sinigurado niyang nakasakay na ang kapatid at ang dalawang kaibigan bago nagpahila kay Darren.
“Darren, sorry for the mess. Sorry din dahil kailangan mong umuwi ng mas maaga dahil sa akin. Pwede mo naman akong iwanan sa kapatid ko, I can stay at her place.” Aniya dito. Unti-unti ng lumilinaw ang utak niya mukhang humulas na rin sa wakas ang epekto ng alak sa kanyang utak.
Inayos ni Darren ang kanyang seatbelt at ang magulo niyang buhok. Wala siyang nagawa kundi ang titigan ang gwapong mukha nito.
“Ikaw din naman ang dahilan kung bakit nasa bar ako, Xylee.”
“Hmn? Why?”
He frustratedly stares at her. “Lahat ba ng teachers manhid?” tinaasan niya ito ng kilay. Ngayong medyo wala na siyang tama ramdam niyang may gusto itong ipahiwatig sa kanya.
“Gago, huwag mong igeneralize. Hindi lahat manhid, nakakatakot lang na mag-assume dahil karamihan sa mga may ‘inaakalang tama’ maling-mali pala. Pain is envitable that’s true, but prevention is always better than cure.”
“AYAN! Naku talaga Xylee. Kung hindi ka uminom hindi ka mukhang nanganak ng elepante diyan.” Napahawak siya sa kanyang sikmura na halos inisuka na ang laman. Pagkagising niya kaninang umaga ay gusto niyang umatungal dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo at nang tumayo siya ay bigla naman siyang nasuka. She doesn’t even want to smell herself, amoy na amoy niya ang alak sa kanyang katawan.
“Tumawag ang tatay mo at iyan din ang hitsura ni Xeleena. Pwede naman kayong mag-bonding na dalawa pero bakit pa kayo uminom?”
“Ma, minsan lang naman.” Depensa niya.
“Gawin mong araw-araw baka sakaling masanay iyang katawan mo at hindi ka na mukhang kinakatay diyan.” Sarkastikong saad nito. Nahilot niya ang kanyang ulo dahil sumasakit sa ingay nang ina. “May nilagang baka dito, kumain ka muna at bumalik sa pagtulog.” Napatingin siya sa Tupperware na inaayos nito.
“Saan ka pupunta?”
“Pupuntahan ko ang kapatid mo walang kasama si Xeleena sa bahay.”
“Akala ko ba nandoon si Papa?”
“Maagang pinatawag sa planta, may kailangang ayusin.”
“Kung hindi kayo naghiwalay ng bahay sana ay hindi na kayo nag-aabalang bumiyahe.” Hinampas siya nito.
“Kung hindi sana kayo nagpakalasing hindi na sana ako bibiyahe. Dito ka lang at huwag na huwag kang magpapasok ng mga hindi kakilala.”
Sumimangot siya sa bilin nang ina. “Ma, twenty-eight years old na ako. Alam ko na kung ano ang dapat gawin.”
Tumango-tango ang ina. “Kaya pala mukha kang engot diyan dahil alam mo ang hitsura mo.” Pambabara nito.
“Puntahan mo na nga lang si Xeleena, Ma.” Para ito naman ang sermonan nito.
“Magpasalamat ka kay Darren kapag nagkita kayo uli, kung hindi dahil sa batang iyon baka kung saan ka na pinulot.”
“Nasa bahay ako nina Xel kung wala siya.”
“Wala ka talagang utang na loob. Sinukahan mo na nga iyong tao kagabi.” Naalala din niya iyon at ayaw na sana niya. “Nakakahiya ka talagang bata ka.” Hindi na siya nagkomento dahil totoo ang huling sinabi nang mama niya. Kung ililista siguro niya ang lahat ng kahihiyan na nagawa niya sa harap ni Darren ay siguradong pwede na iyong i-bookbind at ilagay sa library.
“Kumain ka muna bago matulog.” Akala yata nang ina na nakatulog na siya dahil hindi siya umiimik. “Aalis na ako.” Pagkaalis ng ina ay mabilis siyang kumain at nag-ayos ng kanyang sarili dahil may balak siyang puntahan at kausapin. Baka sakaling maliwanagan ang kanyang utak.
Paglabas niya ng bahay ay kulang nalang magsuot niya ng orange na shirt na may print na ‘P’ sa likod dahil parang may tinatakasan siya. Tinatakasan na talaga siya ng kanyang bait.

MABUTI naman at naligaw ka dito.” Pinakialaman niya ang mga nakakalat na bulaklak sa working table ni Pamela. Kahit papaano ay nawawala ang sakit ng ulo ni Xylee habang nakatingin sa mga magagandang bulaklak. Nadatnan niya si Pamela na kausap si Vanessa at si Czarina doon.
“Ang tagal ko na ring hindi nakapamasyal.”
“Sobrang tagal na, nagiging busy ka na yata sa lovelife mo.” Iningusan niya si Vanessa na hawak-hawak ang alaga nitong pusa.
“Wala akong lovelife.”
“Wala pa is the right term, Xylee.” Pagtatama ni Czarina sa kanyang sinabi. Public school teacher din si Czarina pero sa high school naman. Magkatabi lang ang elementary at secondary school pero hindi sila madalas magkita dahil na rin sa sobrang busy ang kanilang mga schedule.
“Bakit lovelife ko na naman ang center of attention dito aber?”
“Hoy Xylee, kung hindi mo pa alam ikaw ang pinaka-hot na item ngayon sa school. Alam mo bang tuwing lunch break ay ikaw ang napapag-usapan ng mga gurs na teachers sa faculty room.”
Gurs?”
            “Mashunda na, matanda na.”
“Bakit naman ako?”
“Palagi nilang sinasabi sa aming mga single na ‘si Ms. Xylee may manliligaw na ikaw Ms. Czarina kailan ka naman? Ilang taon ka na baka tumandang dalaga ka na rito dapat maghanap ka na rin’ and so on.” Inirapan siya nito. “Alam mo naman na trabaho na yata ng mga matatanda at may asawang teachers ang pakialaman ang lovelife ng mga singles. I don’t have anything against them dahil gusto lang nila na may makasama tayo sa pagtanda pero pwede naman sigurong maging masaya nalang sa improvement ng lovelife ng isang teacher at hindi na pakialaman iyong lovelife ng nananahimik lang, right?” mahabang litany nito.
Ilang beses na rin siyang nakaranas ng ganoon at naiintindihan niya ang hinaing ni Czarina kaya lang ay hindi niya ma-gets kung bakit lumala ang tsismis ng ganoon at umabot sa high school building.
“Saan niyo ba kasi napulot ang balitang iyan?”
“Sa mga bata, alam mo namang mas nauuna pa yatang humagilap ng balita ang mga iyon keysa sa atin. May group chats at may may facebook group din sila. May picture doon na kasama mo si Darren sa school.”
“Sino ang kumuha ng picture? Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit-.”
“Hep! Masyado kang excited Xylee.” Hindi siya excited for goodness sake!
“Pero bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Ngayon lang tayo nagkita, ano ka ba?” Oo nga naman. “At saka ang cute kaya ng picture niyo.”
“Kahit na at nakakahiya. Wala namang malisya iyong pagbisita ni Darren sa school tapos ginagawan na ninyo.”
“Walang malisya? Girl, the guy likes you.”
“At triangle ang sun.” binato niya ng sunflower seeds si Czarina.
“Sobrang manhid mo naman Xylee kung hindi mo napapansin na may gusto sa iyo si Darren.” Komento ni Pamela. “So, obvious na kaya.”
“Ano bang obvious? Gusto lang niyang makita ang school ko dahil five minutes drive lang naman ang office niya sa school. At saka magkaibigan lang kami.”
“Sa friendship nagsisimula ang lahat, girl.” Dugtong ni Vanessa. “Kung ang lalaki ay hindi interesado sa iyo hindi halos araw-araw nakabilad sa pinagtatrabahuan mo. Aba balita namin halos every lunch magkasama kayo.”
“Of course we are friends at close lang ang office namin. Magkapitbahay din kami kaya natural naman sigurong magkasabay na kumain.”
Siya naman ang binato ni Czarina. “Magkaibigan tayo, close tayo, three minutes walk lang ang layo natin sa isa’t isa tapos same ang lunch break natin bakit hindi tayo magkasabay mag-lunch?”
“Because we are busy.”
“Nakakabobo ang pagiging denial, Xylee.” Ani ni Vanessa. “Kung busy ka bakit nakakasabay ka na maglunch kay Darren? Busy si Darren pero talagang nagbibigay siya ng oras na makasama kang kumain kahit na mas masarap ang lunch niya sa office nila? Hindi pa ba iyon enough proofs na may gusto sa iyo ang lalaki.”
Hindi siya tanga, pumasok na rin naman sa kanyang isip ang mga bagay na iyon.
“I am not denying something.”
“Eh di, i-accept mo nalang na may gusto talaga sa iyo si Darren at ikaw babae, may gusto ka rin sa kanya.”
“I am not denying that I like him.” Pag-amin niya. Totoo naman talagang gusto niya si Darren, he’s everything a woman can ask for. “Pero si Darren parang kapatid lang ang tingin niya sa akin. Ginagawa niya ang mga bagay na hindi niya ginagawa kay Dorothy na nagagawa niya dati.”
Kumunot ang noo ni Vanessa habang nakatitig sa kanya. “Magkababata kami ni Dorothy at ni Darren. Close silang dalawa pero hindi ganoon ka-close dahil na rin sa age gap nila. Hindi ganoon ka-showy at ka-sweet si Darren kay Dorothy.” Nagdududang tinaasan niya ito ng kilay dahil iba ang pagkakaalam niya. “Yes, he cares for Dorothy because she’s her sister but he’s not a dotting older brother.”
“Sure ka? Bakit iba naman ang sinasabi ni Darren sa sinasabi mo?”
Nagkibit-balikat si Vanessa. “That I don’t know and I can’t answer. Baka nga naman kasi totoo ang nakikita namin, he really likes you.”
“Van, don’t feed me with false hopes you know.”
“Alam mo Xylee ang sarap mong kurutin at durugin. Bakit ba ang hirap mong papaniwalain?”
“Dahil imposible naman talagang magustuhan ako ni Darren. He is Darren and I am definitely beyond his league. He is an A-lister at sino lang ba ako?”
“Hoy babae huwag na huwag mong ma-lang ang pagiging teacher.”
She snorted. “An underpaid and neglected government worker.”
“Underpaid at neglected man tayo pero tandaan mo kung wala tayo wala din ang tulad ni Darren na A-lister, walang magiging propesyonal na mamamayan ng bansa na hindi dumaan sa kamay ng mga tulad nating guro. And besides, Darren is not a judgemental jerk. Sa tingin ko nga siya lang ang isa sa pinaka-rare na nilalang na nakilala ko na naiintindihan ka at nasasakyan ang oras mo. Kung wala siyang gusto sa iyo bakit magtitiis siyang makasama ka tuwing lunch? Bakit nasusundo ka niya pag-uwian na? Alam mo kung hindi mo kayang mag-adjust sa ibang tao dahil sa ‘schedule’ mo may inilaan si Papa Lord na mag-aadjust para sa iyo and Darren is the one.”
Kay sarap pakinggan ng mga sinasabi ni Vanessa pero bakit ang hirap tanggapin? Bakit ang hirap intindihin? Bakit nakakatakot isipin na maaaring may nararamdaman nga si Darren sa kanya? Kung totoo man, handa na ba siyang guluhin nito ang monotonous na tono ng buhay niya?
Sa tingin niya ay malala na nga ang kanyang hang-over at sa tingin din niya ay hindi na iyon matatanggal sa kanyang sistema. Nakakalasing talaga ang isang ‘Darren’.


<3 <3 <3
TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang