Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 12 - Relax

Aromatherapy lamp with flower and candle
12 – Relax
            “TAMA na iyan, Xylee.” Pigil sa kanya ng kakambal niya nang walang habas na tunggain  ang laman ng bote na may alak.
“I need this.” Aniya sa kakambal.
“Yeah.” Walang buhay na sagot nito. “You really need that kung gusto mong magka-liver cancer.” Tinaasan lang niya ng kilay ang walang kabuhay-buhay na ekspresyon ng kapatid. Minsan ay naisip niyang ipakain ito sa pating at nang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito pero naisip din niyang baka hindi magustuhan ng pating ang lasa ng kakambal dahil napaka-boring nito.
“Hayaan mo na si Xylee, Xeleena. Alam mo naman na may pinagdadaanan iyan.” Suporta sa kanya ni Calli, best friend ito ng kakambal. At tulad nito ay isa din itong doktora.
“Well.” Inikot-ikot ni bote ng alak na hawak din nito. Naka-tatlo na siya pero hindi pa rin nito nauubos ang iniinom nito. Nakabalik na mula sa pagsasayaw sa dance floor si Calli pero hindi pa rin ito lasing. Malakas ang tolerance niya sa alak kaya hindi agad siya nalalasing at minsan ay isinusumpa niya ang kakayahan nang katawan niyang iyon. “Nakakahiya naman talaga iyong sinabi mo.”
Muli ay namula at nag-init ang kanyang pisngi ng maalala kung ano ang ginawa at nasabi niya noong nasa bahay siya ni Darren. Tinawanan lang siya ng malakas ng lalaki at mabuti nalang ay hindi nito siya biniro gaya ng iba. Iyon nga lang, paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang utak ang eksenang iyon.
Para iyong isang masamang panaginip na pabalik-balik and she doubted it kung makakalimutan agad niya iyon. Ang nangyari ay ang pinakanakakahiyang pangyayari na yata na hindi niya makalimutan. And she needs to vent it out! She needs to forget about it.
“Sana sinabi mo nalang na wala kang underwear para mas bongga.” Sinamaan niya ng tingin si Amelia. She’s her high school and college best buddy, nagtuturo ito sa isang private school at wala itong balak na mag-public dahil suicide daw iyon para dito. “Gwapo naman siya hindi ba?” bumungisngis ito.
“He is good looking.” Sagot ni Xeleena.
“Is he your type?” tudyo ni Amelia sa kakambal. Biglang nag-heightened ang emotions niya sa tanong ng kaibigan.
Pagak at walang buhay na tumawa ang kakambal. “He’s so bright and all flowery, he’s the type of guy I hated the most.” Nakahinga siya ng maluwang sa sinagot ng kapatid—wait! Nakahinga ng maluwang? What’s wrong with her? Hindi na ba talaga mawawala sa sistema niya ang lalaking iyon?
“Maybe he’s Xylee’s type.” Gusto niyang barahin ang kaibigan pero hindi niya magawang magsalita. “Speechless.”
“Nag-freeze na yata ang dila ng kakambal mo Xeleena.” Natatawang biro ni Calli. “Ano nga ang pangalan ng lalaking iyon? Darryl? Darren?”
“Darren. That’s his name.” sagot ni Amelia. Naikwento na niya halos lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ng lalaki. Kailangan lang niyang may masabihan or else ay sasabog na siya.
“Oh, cute name.”
Tinungga niya ang laman ng boteng hawak. “He is… I mean it is.”
“Nabuwang na ang kapatid mo Xel ngumingiti nalang ng mag-isa. Mukhang natamaan na kay Darren.”
“Shut up Calliope. I don’t like him.”
“Wala naman akong tinatanong ah at saka bakit ka ba defensive masyado?”
“I’m not.”
Narining niya ang malakas na tawa ng tatlong kasama. “Talk to my hand, Xylee. Isang linggo mo ng iniiwasan ang pobreng lalaki hindi ba? Kahit sa school ay hindi mo siya hinaharap. Wala namang ginagawang masama sa iyo si Darren.”
Wala nga itong ginagawang masama sa kanya, sa tingin nga niya ay may mas malaking kasalanan siya dito.
“Baka kapag ikaw ang iniwasan ng lalaking iyon ay ngangawa ka sa amin na parang baliw.” Sita sa kanya ni Calli.
“Hindi ko pa siya kayang harapin.” Napasubsob siya sa mesa dahil pakiramdam niya ay umiikot na ang kanyang paningin. “Nakakahiya ang ginawa ko.”
“Relax ka lang Xylee, wala naman gagawing masama sa iyo si Darren. Gentleman kaya ang lalaking iyon at kahit na yata magsplit at magtumbling ka ng naka-hubad ay maiintindihan ka niya. He looks like someone who can understand your craziness kaya huwag kang magpa-bebe diyan dahil height mo lang ang pambata hindi ang ugali mo.”
“Aray!” malakas siyang napahiyaw ng pukpukin siya ni Calli ng purse nito. “Don’t be overacting okay? As if naman ang sinabi mo ay ‘wala akong underwear, come to meh behbeh!”
“Stop it! Tama na please.” Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa biglaang pagsakit niyon. “My head is aching, this is crazy and I think I am crazy.”
“Hay naku, mahirap talagang kausapin ang babaeng lasing na. Kahit gaano katino ang sasabihin mo ay hindi na nila maiintindihan.”
“I’m not drunk.” She can feel her tongue swirling already. “Tipsy lang.”
“Ganito nalang ang gawin mo Xylee, may mga empty bottles dito.” Amelia arranged the empty beer bottles above the table. “Para mawala iyang gulo sa utak mo magwala ka kaya, i-release mo ang sama ng loob mo, sumigaw ka para mawala na rin iyang nararamdaman mong kahihiyan para sa sarili mo. Tapos ay video-han kita.”
“Tama si Amelia, Xylee. Iyon nalang ang gawin mo. Hindi ba Xeleena? Magandang ideya iyon?”
Alam niyang hindi pa siya lasing dahil alam niya kung ano ang pinagsasabi ng mga baliw na kasama.
“Fools.” Tumayo siya at nagpasyang magpunta sa restroom ng club kung saan sila naroroon. “Hindi pa ako lasing at wala akong balak na mawalan ng lisensya dahil diyan sa mga plano niyo.”
Tumawa lang ang ito. “Relax lang kasi Xylee. Don’t fret about it, normal lang naman na napapahiya sa harap ng taong gusto natin.”
“I said I don’t--.” Natigilan si Xylee ng mamataan sa labas ng exclusive room ang isang pamilyar na tao. “Darren?” mahinang tanong niya sa kanyang sarili. Sinundan nang kanyang mga mata ang pamilyar na pigura nang lalaki. Kumurap siya upang mawala ang panlalabo nang kanyang mga mata pero sana ay hindi nalang siya kumurap dahil biglang nawala ang bulto nito. “Maybe I like him.”
Tumahimik ang tatlo at isa-isang kinuha ang mga inumin at uminom. “At least inamin mo rin.” Ani ng kapatid.
“Magrerestroom lang ako.” Paalam niya sa mga ito.
“Gusto mong samahan ka namin?” tinaasan lang niya ng kilay ang tatlo.
“Ano ang tingin niyo sa akin? Elementary student na kailangan pang samahan na magbanyo?” kinuha niya ang bag dahil may palagay siyang wala na siyang kilay dahil sa kasusubsob sa mesa kanina.
“You are cute para kang ele-.”
Sinipat niya ng masama si Calli. “Excuse me Calliope, baka nakakalimutan mo hindi ka rin model. At two inches lang ang tangkad mo keysa sa akin.” Malakas lang na tumawa ang lasing na kasama. Kaya nga sila naging magkakaibigan dahil wala ni isa sa kanila ang may balak na makipag-friends sa mas matangkad pa sa kanila. Ganda lang ang meron sila, kinulang lang sila sa tangkad.
“Knock out na ang kakambal mo Xylee.” Napatingin siya kay Xeleena. Hawak pa rin nito ang bote ng beer pero nakayuko na ang ulo nito. Ang cool pa rin ng kapatid niya kahit na nakatulog. “Mahina talaga ito sa inuman. Hindi naman naubos ang beer pero ubos na ang diwa.” Iniwan na niya ang tatlo, sigurado siyang may masamang plano ang dalawa sa pobreng kakambal. At ayaw niyang mapasali sa gulo. Kilala niya ang kanyang kapatid sigurado siyang kapag nalaman nito ang gagawin ng dalawa ay makakalbo nito ang kilay ng dalawa.
“My God Xylee, you look horrible.” She almost shrieked aloud when she saw her reflection. Ang gulo ng mahabang buhok niya pati na rin ang kanyang make-up ay hindi na niya napapansin sa kanyang mukha. Mabilisan siyang nag-retouch at nilinis ang mga gulo sa kanyang mukha. Mabuti nalang at long weekened kaya may time siyang makapag-relax that Friday night.
Puro trabaho nalang ang kanyang inaatupag lately, school at bahay lang palagi ang kanyang galawan. No wonder madali siyang maburyong at mabilis siyang mainis sa mga bagay-bagay. Kailangan din niyang magtanggal ng stress dahil ayaw niyang dumating sa point na baka mga estudyante na niya ang kanyang mapagdiskitsahan dahil sa na-stressed na siya.
Pagkatapos ayusin ang kanyang hitsura at ng sa tingin niya ay presentable na siyang tingnan ay lumabas na siya ng banyo. Agad siyang sinalubong ng malakas na tunog ng club, ang mga hiyawan ng mga customers na nagsasayawan at ang sigaw ng Dj. And it all adds to her headache.
“I’m doomed.” Medyo nabuway siya ng magsimulang maglakad.
“Oopps. Careful lady.” Kung malakas na ang ingay ng club ay sigurado siyang ganoon din ang sigaw ng kanyang dibdib. “Hello, teacher.”
“Da-Da-Darren.” Utal-utal na sambit niya sa pangalan nito. Mukhang hindi siya namamalikmata noong makita ito sa kanina. He is really here!
“Mabuti naman at nakilala mo pa ako.” May bahid ng pagtatampo sa boses nito. “Akala ko ay tuluyan mo na akong ibinaon sa limot.” Itinayo siya nito ng maayos pero hindi binitiwan.
“Uhm, Darren sobrang higpit ng hawak mo sa akin.” Linuwagan nito ang yakap sa kanya pero hindi siya binitiwan. Kagaya noong gabing iyon. Muling nanumbalik sa kanyang isip ang nangyari at kasabay ang pamumula ng kanyang pisngi. Sa hindi masyadong maliwanag na lugar ay alam niyang napapansin nito ang nangyari sa kanya.
Iniwas niya ang kanyang mukha dito pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang pisngi at malakas na pinisil.
“Arayyy!” inis na reklamo niya dito.
“I hate it.” He whispered.
“Wh-what? You hate me?”
“I hate it when I you behave like this, Xylee. Ayokong iniiwasan mo ako, ayokong hindi mo ako kinakausap. I don’t want you to hate me.”
“I don’t hate you.” At least iyon ang totoo.
“Bakit mo ako iniiwasan?” malungkot na tanong nito.
“Dahil nahihiya ako sa iyo.” Kumunot ang noo ng kausap. “Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko.”
Napakagat siya ng labi habang hinihintay ang sasabihin nito.
“Iyan lang ba talaga ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan?” paninigurado ng kaharap.
Hindi! Alam niyang sa sarili niya na hindi lang iyon ang dahilan. Hindi lang siya nahihiya sa sinabi niya, natatakot din siya sa kanyang nararamdaman para dito. She’s not normal anymore and she’s too scared because of that.
“Yes. Marunong naman akong mahiya ‘no.” sinubukan niyang maging normal sa harap nito.
Hinawakan nito ang kanyang pisngi at nag-expect na kukurutin uli nito iyon pero hindi iyon nangyari. He gently carress her cheeks with his thumb making her freeze, making her feel his presence more, making her feel deeply crazy for him.
“Dar--.”
“Relax lang Xylee.” Lumamlam ang titig nito sa kanya. “Kahit na anong gawin mo sa harap ko hindi magbabago ang tingin ko sa iyo. Kahit na magtumbling at magsplit ka ng naka-clown na costume ay matutuwa pa rin ako sa iyo.”
“Sinasabi mo lang iyan.”
“Xylee, you’re too cute to be true. Kung alam mo lang gustong-gusto kitang gawin manika at i-display sa bahay ko so I can stare at you all day.”
Tumahip ng malakas ang kanyang dibdib sa sinabi nito. Mas lalong hindi normal ang sinasabi nito sa kanya ngayon. At kung totoo man ang nasa isip niya sigurado siyang hindi pa handa ang puso at isip niya para doon.

TBC

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang