Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 11 - Overtime

ot.jpg
11 – Overtime
            Alanganing tinitigan ni Xylee si Darren habang nakatitig sa sala nito.
“Hala ma’am, may nakapasok po yata na magnanakaw dito.” Pukaw ni Paula sa kanyang naguguluhang utak. Iyon din ang itatanong niya kay Darren, kung may nakapasok ba na magnanakaw sa bahay nito. But knowing Darren siguradong walang nakapasok na kung sino doon.
Sobrang gulo ng buong paligid. May mga polo at slacks na nakakalat sa kung saan-saan. Sa ibabaw ng center table ay nandoon ang ilang piraso ng mga can beers, iyong iba wala ng laman iyong iba naman mukhang nakalimutan nitong ibalik sa refrigerator nito. Hindi na niya kayang i-describe ang hitsura ng sala nito.
“Walang nakapasok na magnanakaw dito Paula.” She tapped her student’s head gently. “Matagal na hindi nalilinisan ang bahay ni Sir Darren dahil palagi siyang wala dito kaya ganoon.” Hindi naman niya pwedeng sabihin na hindi marunong maglinis ang lalaki.
“Totoo iyon Paula. Medyo busy si Sir.” Napakamot ng ulo ang lalaki at sinakyan ang hinabi niyang kasinungalingan.
“Ah, ganoon po ba?” Ibinaba ni Darren ang bag ni Paula sa sofa pero dumausdos iyon pababa kaya siya na mismo ang kumuha niyon at ibinalik sa sofa.
“Magbihis ka muna Paula baka magkasakit ka, naulanan ka pa naman kanina.” Sumulyap siya sa binta at mukhang walang balak na tumila ang ulan.
“Tutulong po muna ako Ma’am na maglinis ng bahay ni Sir Darren.”
“Huwag-.”
“Sabi po ni ma’am kapag tinulungan ka po ng ibang tao dapat ay ibalik mo ang tulong nila. Pwede po ba akong tumulong na maglinis? Marunong akong magwalis.” Gusto niyang matawa nang matahimik si Darren. Mukhang hindi nito kayang humindi sa isang bata. Bumaling sa kanya si Darren na wari ay nanghihingi ng tulong.
Nagkibit-balikat siya at ibinaba din ang sariling gamit katabi ng bag ni Paula. “Let’s clean this mess.”
Inalala niya kung saan niya nailagay ang mga panlinis ni Darren. Halatang hindi nagagalaw ni Darren ang mga gamit na iyon dahil kung ano ang ayos ng kanyang pag-iwan doon ay ganoon pa rin hanggang ngayon.
“Xylee-.” Ibinigay niya ang walis dito.
“Tutulong ka sa paglilinis ng bahay mo, Darren. I told you tuturuan kita. Dapat matuto ka kahit sa simpleng mga bagay lang.” aniya dito. She’s damn serious at mukhang na-gets naman ng lalaki na hindi niya nagustuhan na nakita ang gulo ng bahay nito. Kumuha siya ng garbage bag. “Follow me.”
“Yes po.”
“Paula, ikaw na ang magwalis ng floor.” Kinuha ng bata ang walis tambo at sinimulan ang trabaho nito. “Ikaw naman, ilagay mo ang mga basura mo diyan sa garbage bag.” Sinunod ni Darren ang utos niya at pinulot ang mga basura sa ibabaw ng center table nito. Inisa-isa niya ang mga nakakalat na damit ni Darren.
“Ako nalang Xylee.” Anitong tila nahihiya sa mga damit na nakakalat doon.
“Ayusin mo nalang iyang pagpupulot ng basura Darren.” Kumuha siya ng laundry basket at doon inilagay ang mga damit nito. Mabuti nalang at walang underwears ang nasali sa marurumi nitong damit.
“Papalabhan ko iyan bukas.” Kiming ngumiti ang lalaki na nakasunod na pala sa kanya. Sinulyapan niya ang center table, wala ng kalat doon. Kumuha siya ng pamunas at ibinigay iyon sa lalaki.
“Punasan mo ang mesa doon.” Pagkatapos magpunas ay muli siya nitong binalikan.
“Xylee, I’m really sorry.” Napabuntong-hininga nalang siya habang napatitig sa lalaki.
           
Naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig ni Darren sa kanya habang inaayos niya ang mga plato at basong sa dishwashing rack. Pagpasok nila ni Paula sa bahay ni Darren ay pakiramdam niya ay pumasok siya sa bahay na nasalantaan ng bagyo. Naitanong nga ni Paula kung pinasok ba raw ng magnanakaw ang bahay ng lalaki.
“Xylee…”
“Hmmn?”
“Sorry.”
“For?” dahil tapos na siya sa kanyang ginagawa ay bumaling na siya dito. Pakiramdam niya ay siya ang nagmamay-ari ng bahay na ito sa halip na ito dahil mas kabisado pa niya ang mga gamit ng lalaki keysa dito. Sabagay siya ang umayos ng mga iyon.
“For making you work, nakapag-overtime ka na tuloy.” Lumapit siya kay Darren at kinurot ito sa pisngi.
“Pinatuloy mo kami ni Paula dito sa bahay mo, pinahiram mo ako ng shirt at shorts mo.” Ngumiti siya dito. She’s wearing his ‘smallest’ t-shirt na mukha ng gown sa kanya at ng boxer shorts nito. Yep, it was his boxers. Maluwang pa nga iyon sa kanya dahil hindi kasya ang kahit na anong pambaba nito. It was decent though. “At pinatulog mo si Paula sa room.” Tukoy niya sa estudyante niyang natutulog na rin. “At pinagamit mo ako ng cellphone mo para tawagan si mama.” Nalaman din niyang nasa bahay ni Xeleena ang kanyang ina. Nagpunta pala ito doon dahil may sakit ang papa nila at hindi na pinayagan ng kapatid na bumiyahe pa ito.
“Pero pinalinis pa kita ng bahay ko.”
HInilot niya ang kanyang likod dahil nakaramdam na rin siya ng pangangalay, ngayon na nakapagpahinga na ang kanyang katawan ay saka naman bumuhos ang pagod niya.
“May ideya na ako sa anong makikita ko sa bahay mo bago pa ako pumasok dito. Unfortunately, mas malala pa pala.” Biro niya dito. Mas lalo yatang nalungkot ang lalaki sa kanyang sinabi.
Para nga namang dinaanan ng bagyo ang bahay ni Darren. Nakakalat ang mga maruruming damit nito sa sala, mabuti nalang at mga damit lang iyon. Ang mga lata ng beers at kung anu-ano pang kalat. Ang kusina naman nito ay maayos naman maliban sa mga plato at basong hindi nahuhugasan.
“Wala talaga akong pag-asa na matuto ng mga gawaing bahay.”
“Hangga’t may kamay ka Darren at kaya mo pang kumilos ay matututo ka kung willing ka. And very good ka kanina dahil nalinis mo ang center table.” Inilibot niya ang paningin sa cupboard nito. “I need coffee.”
“May kape yata diyan.” Turo nito sa cupboard na nasa itaas niya. “I’ll get it for you.” Wala naman itong choice dahil hindi hamak na mas matangkad ito sa kanya at kayang-kaya nitong abutin ang kung anuman ang laman ng cabinet sa itaas niya. At dahil malapit siya doon kaya hindi na siya nakagalaw ng sobrang lapit nito sa kanya. “Here.” Ibinigay ni Darren sa kanya ang bote na may lamang kape.
“Ah-ah…” she cleared her throat. Ayaw niya sa distansya nilang dalawa, amoy na amoy niya ang bango nito. “Akin na.” sana ay hindi napansin ng kaharap na medyo nanginig ang kanyang boses.
“Anong pabango mo Xylee?”
“Cologne lang.” Mas lalong lumapit sa kanya si Darren at walang babalang inamoy ang may bandang leeg niya. “You smell sweet, melon?”
Mas lalo siyang nataranta at biglang nablanko ang kanyang isip. “Darren, you’re too close.”
“Close? Malayo pa nga ito.” mas lalo itong lumapit sa kanya. She shrieked his name to her discomfort. “Don’t tell me wala ka pa talagang naging boyfriend?”
Namula siya sa tanong nito sa kanya. “And no one hugged you before?”
“Me-meron kaya!” tumaas ng ilang decibel ang kanyang boses.
“Really?” his grin widened. “So, you already know how it feels to be hugged?”
“Ye-yes!” Ang walang hiya! Mabilis na kinuha ni Darren ang kape sa kanyang kamay at mahigpit siyang niyakap. Malakas siyang napasinghap sa ginawa nito, hindi siya nagsisinungaling ng sabihin niyang may nakayakap na sa kanya. Ang nanay at tatay niya ay ilang beses na niyang nayakap, ang kapatid niya, ang mga kaibigan at ang mga estudyante niya ay nayakap na niya.
And this one is different. She just stood still like a robot while he hugs her.
“Breath, Xylee. I won’t kill you.” Dahan-dahan na linuwagan ni Darren ang yakap nito sa kanya. “Inhale.” Sinunod niya ang utos ni Darren. “Exhale.” And she did.
“Darren I swear kapag hindi mo ako binitawan kahit na ganito lang ako kaliit kayang-kaya kitang patulugin.” Banta niya sa lalaki pero mukhang mas nag-enjoy pa yata ito sa kanya. “Darren, isa.”
“Dalawa.” Pangungunsumi nito sa kanya.
“Darren!” malakas na tumawa ang lalaki at binuhat siya upang ma-upo siya sa ibabaw ng kitchen counter.
“Huwag ka ng magalit.”
“Iniinis mo ako.”
“Because you are damn so cute Xylee.” She huffed. Inamba niya ang lalagyan ng kape dito. “Huwag mo ngang gawin uli sa sa akin ang ginawa mo.” Ginagap niya ang kanyang dibdib.
“Why?” inosenting tanong nito.
Dahil nagugulo ang puso ko! Nagugulo ang sistema ng katawan ko! “Dahil hindi pwede. Nasa Pilipinas ka at wala na sa Amerika. Kung doon ay free mong nagagawa iyan sa mga kaibigan mo dito sa Pinas ay hindi. You can’t just hug someone like that for no particular reason.”
“Kailangan ba ng rason para yakapin ang isang kaibigan? And you’re just too cute and I can’t resist myself.” Akmang yayakapin uli siya nito ng iharang na niya ang kanyang braso. “Xylee.” Inis na sambit nito sa kanyang pangalan. Para itong bata na inagawan ng favourite stuff toy nito. “One more time please?”
“Hindi nga pwede.”
“But why?” exaggerated na tanong nito sa kanya. “Why?”
“Dahil—dahil basa pa ang underwear ko!” sagot niya dito.
Wait lang… ano nga ang sinabi niya? The hell!

a/n: Iyong moment na kabang-kabang ka na kaya hindi mo na alam kung ano ang nasasabi mo. Hahahahahah

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang