Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 10 - Payong

pa
10 – Payong
            “ANG lakas ng ulan.” Bandang alas dos ng hapon bumagsak ang malakas na ulan at dahil tumataas na ang baha kaya nagdeclare na ng suspension ng klase. Natawagan na ni Xylee at nang iba pang guro sa kanilang eskwelahan ang mga magulang nang mga bata upang sunduin at pauwiin. Halos nakauwi na ang lahat ng mga estudyante niya maliban sa isang babaeng estudyante na hindi niya ma-contact ang mga magulang.
“Xylee, nakauwi na ang mga estudyante ko. Okay lang ba na mauna na akong umuwi? Nasa bahay na rin ang mga anak ko.” Paalam sa kanya ng kasama niya sa faculty room. Natatakot siyang maiwan doon ng mag-isa pero hindi naman niya pwedeng hindi payagan na umalis ang kasama, bago ito naging guro ay naging asawa at nanay ito.
“Sige lang Maam Chona, susubukan kong i-contact ang nanay ni Paula.” Tukoy niya sa batang nakatulog na sa kakahintay. “Mauna ka na baka mas lalong lumakas ang ulan at tumaas ang baha.” Medyo diskumpyado na nga siya sa ulan dahil sobrang lakas na talaga niyon.
“Salamat Xylee.” Tuluyan na silang naiwan doon. Muli ay sinubukan niyang tawagan ang magulang ng bata pero naglow batt nalang ang kanyang cellphone ay cannot be reach talaga ang number. Tamang-tama naman na naputol ang kuryente kaya hindi niya ma-charge.
Napabuntong-hininga siya dahil wala siyang choice kundi ang ihatid ang bata sa bahay nito. Iyon nga lang ang problema nalang niya ngayon ay kung paano makakarating sa bahay nito kung halos problema na nga niya ang pagsakay pauwi sa kanila.
“Paula.” Pukaw niya sa bata. “Ihahatid na kita sa inyo.” Pupungas-pungas na bumangon ang pobreng bata. “Hindi ko ma-contact ang parents mo.”
“Sige po Miss Rosal.” Kinuha ng bata ang mga gamit nito habang siya naman ay inaayos din ang kanyang sariling gamit. Kinuha niya ang payong at inalalayan ang bata na makalabas sa room. Pagkatapos isara at ilock ang kanyang classroom ay nakipagbuno na silang dalawa ng bata sa baha. Pagdating sa gate ay parang gusto niyang bumalik sa classroom dahil tulad niya ay marami din ang nag-aabang ng bus at jeep na pwedeng sakyan pauwi. Sa tingin nga niya ay kanina pa naghihintay ang iilan dahil basang-basa na ang mga ito. Ang ikinakatakot lang niya ay tuluyang tumaas ang lebel ng baha.
“Xylee!” may humintong pamilyar na kotse sa harap niya at isang pamilyar na bultong hahalikan niya sa tuwa kapag nagkataon.
“Darren, help us.” May kinuha ito sa backseat at nagmamadaling lumabas. “Bakit ka pa lumabas?”
“Let me get your things.” Ibinigay niya ang mga gamit dito na inilagay sa backseat. “You are not answering my calls kaya nag-aalala ako.”
“Na-low batt kasi ako.” Sagot niya dito. “May power bank ka ba? Kailangan ko lang talagang tawagan ang parents ng student ko.” Turo niya kay Paula na nakahawak sa kamay niya. Nababasa na rin siya dahil sinigurado niyang hindi masyadong mababasa ang bata. Mas mahina ang immune system nito keysa sa kanya.
“I don’t have one with me now but you can use my phone. Pumasok muna kayo sa sasakyan dahil basang-basa ka na.” pinalis nito ang tubig sa kanyang pisngi at sa kanyang braso. He even secured her with his umbrella. “Give your umbrella to your student para hindi siya mabasa, let’s share mine.” Dahil nakuha na rin nito ang bag ng bata kaya bitbit na ni Paula ang paying niya.
Niyakap siya ni Darren palapit sa katawan nito upang sumakto sila sa payong. Sa mga panahon na tulad ngayon ay hindi na dapat na bigyan ng malisya ang ginagawa ng taong tumutulong lang.
“Get inside, quick.” Dahil nabasa ay agad siyang nakaramdam ng ginaw ng nanuot sa kanya ang lamig ng aircoon.
“Maam, malamig po.” Mukhang ganoon din ang nararamdaman ni Paula. Kinuha niya ang bag dahil may baon siyang extra t-shirt.
“Isuot mo muna iyan Paula. Malinis ang shirt ni maam.” Kahit papaano ay napanatag siya na hindi masyadong malamigan ang bata. Agad na pumasok si Darren na nababasa na rin.
“Hindi ka na sana bumaba, ayan tuloy nabasa ka pa.” tinulungan niya itong magpatuyo gamit ang kanyang panyo na hindi nabasa. “Pwede naman kaming pumasok agad sa kotse mo. Paano kung ikaw ang magkasakit?” hinawakan ni Darren ang braso niya upang patigilin siya sa pagpunas dito. Akala nga niya ay nagalit ito sa kanya pero ngumiti lang ito.
“You are really cute, Xylee. I like it when you’re mad.”
Inikutan niya ito ng mga mata. “Let me borrow your phone.” Ibinigay niya dito ang panyo niya at ang lalaki na ang nagpatuloy sa pagpupunas ng sarili nito. Ibinigay din ni Darren ang cellphone sa kanya. “Pwede maka-tawag? I’ll pay for the load.”
“No worries, Xylee. Just do whatever you want.” At nahuli pa niya itong inamoy-amoy ang panyo niya. Bigla tuloy siyang namula sa ginawa nito, pakiramdam kasi niya ay inaamoy nito ang buong katawan niya.
Tinawagan niya ang number ng mama ni Paula and luckily, finally, may sumagot na. “Sino po sila?” mukhang ang nanay na nga iyon ng estudyante.
“Good afternoon ho, si Ms. Xylee Rosal ho ito adviser ni Paula. Kanina ko pa ho kayo tinatawagan dahil hindi pa nakakauwi ang anak ninyo.”
“Ms. Rosal, salamat po sa pag-contact. Na-low batt ho kasi ang cellphone namin ng aking asawa habang papunta kami sa school para sunduin si Paula. Nagkaproblema ho kami Miss, masyado ng mataas ang baha dito sa barangay namin at wala na ring bumabiyahe dito dahil sa baha.”
“Ganoon ho ba.” Napasulyap siya sa bata sa likod. “Ganito nalang Ma’am ang gagawin natin, sa bahay ko ho muna mag-stay si Paula. Mukhang walang pasok ho bukas dahil gagawing refugee center ang mga schools at papalakas ng papalakas ang bagyo. Kapag ho bumaba na ang lebel ng baha pwede niyo ng kunin si Paula sa akin.”
“Nakakahiya naman sa iyo Miss Rosal pero hindi ko tatanggihan ang tulong mo, mahirap din ho kasi sa amin lalo pa at buntis ho ako.”
“No worries Ma’am, ako na ho muna ang bahala kay Paula. Gusto niyo bang kausapin muna ang anak niyo?”
“Salamat talaga, Miss.” Ibinigay niya ang cellphone sa bata upang makausap ang magulang nito.
“Darren, pwedeng makahingi ng isa pang pabor?”
“Sure.”
“May dadaanan lang tayo, sa loob lang naman ng village. Wala kasing maisusuot si Paula kaya makikihiram muna ako.”
“Hmn…” hinintay niyang magsalita ito. “May madadaanan tayong department store, huminto muna tayo doon upang bilhan si--.”
“Paula.”
“Paula ng maisusuot niya, mas hygienic iyon keysa manghiram. Let’s eat dinner too.”
“Mabuti pa nga pero hindi ba abala sa iyo?”
“Hindi ka kailanman naging abala Xylee.” Ang bait talaga ng lalaking ito. “And besides, parang practice na rin ito.”
“Practice?”
“Nagpapractice akong sinusundo ang magiging asawa at anak ko.” Kung may kinakain siguro si Xylee ng mga oras na iyon ay siguradong nabulunan na siya. Nakakaubos ng hangin sa katawan ang sinabi ni Darren.
“You’ll become a great husband and father in the future, Darren.” Kalma lang Xylee, huwag bigyan ng malisya ang mga sinasabi ni Darren. Keep your ground safe. Mahirap ng mapalaban sa isang laban na wala ka naman palang ipinaglalaban.
            “You think so?” ang lapad ng ngisi nito lalo na ng tumango siya. Ang weird ni Darren lately, he‘s like hinting something.

“YES, PAULA?” kanina pa niya napapansin ang bata na kasama na nakatitig sa kanya. Wala si Darren dahil nag-insist itong bumili ng mga kailangan ng bata pagkatapos na i-insist din nitong ito ang magbayad sa pagkain na inorder nila. Hindi pa niya nakakalimutan na may utang pa siya dito, actually, kapag kumakain sila ay palagi silang nag-aaway kung sino ang magbabayad at palagi siyang natatalo.
“Boyfriend niyo po ba si Sir?”
“Ha? Hi-hindi! Kaibigan at kapitbahay ko lang si Sir Darren.” Depensa niya sa kanyang sarili.
“Parang hindi naman po Maam, bakit ang sweet-sweet niyo po sa kanya.”
“Sweet talaga ako lalo na sa mga friends.”
“Para po kayong mag-asawa. Para kayong si Mama at Papa.”
Paano ba niya ipapaliwanag sa isang inosenting bata na wala talagang namamagitan sa kanilang dalawa ni Darren? Kung ka-edad siguro niya ito kanina pa niya ito nasabunutan pero hindi naman siya ganoon sa isang walang muwang na paslit.
“Sorry, I took so long.” Her savior! “Maraming tao sa cashier.”
“Okay lang hindi pa rin naman dumadating ang orders natin.” Ibinigay nito sa kanya ang paper bag na may lamang damit. “Magkano ito?”
“No need.”
“Darren, ang laki na ng utang ko sa iyo.”
“Are we going to argue this in front of a child?” tukoy nito sa bata. Wais din ang lalaking ito, talagang ginamit pa ang bata para hindi siya nito masingil. May kinuha pa itong isang paperbag at ibinigay sa kanya. “This is yours, change your uniform. Nabasa ka kanina baka tuluyan ka ng magkasakit.”
“Pero-.”
“Get change Xylee.” Malumanay ang pagkaka-utos nito sa kanya pero batid niyang seryoso ito. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos nito, ramdam pa rin niya ang pagkakabasa ng likurang bahagi ng kanyang uniform.
Mabilis siyang nakapagpalit, habang nakatingin sa salamin ay bigla siyang napatanong sa sarili kung paano nalaman ni Darren ang size niya. Kasyang-kasya ang shirt na suot sa katawan niya, kahit na bust area.
“Ano ka ba naman Xylee? Huwag lagyan ng malisya dahil mapapahiya ka lang.” sita niya sa kanyang sarili. Pagbalik niya sa kanilang table ay nadatnan niyang masayang nag-uusap si Darren at si Paula.
“Mukhang nagkakasundo kayo, ah.” Komento niya.
“May secret po kami, Ma’am.”
“Secret?” tinaasan niya ng kilay si Darren.
“Hindi pwedeng sabihin dahil secret.” Anito pagkatapos ay kinindatan siya. Napa-iling nalang siya at hindi na niya pinansan ang ‘secret’ ng dalawa.
Pagkatapos kumain ay nagpasya na silang umuwi, hindi pa rin tumitila ang ulan at mas lumala ang paglakas niyon. Tumagal din ang kanilang biyahe dahil sa traffic.
“Mukhang walang balak na huminto ang ulan, Darren.”
“Same thoughts.” Huminto sila sa harap ng kanyang bahay. Nagtaka pa siya ng mapansing sobrang dilim doon habang ang mga kapitbahay naman niya ay naka-ilaw. “Mukhang wala ang mama mo, Xylee.”
“Sa tingin ko rin.” Kinuha niya ang payong at mabilis na tinawid ang kanyang pintuan. Kumatok siya at sinubukan niyang buksan ang pinto pero naka-lock iyon. Bumalik siya sa kotse ni Darren at tiningnan kung nasa bag niya ang susi ng bahay pero wala!
“Problem?”
Napakamot siya ng ulo. “Medyo malaki.”
“How big?”
“Mukhang wala si mama sa bahay, wala din akong susi. Uhm, marunong ka bang mag-akyat bahay?”
“Silly.” Hinila siya nito papasok sa kotse. “My place is available. Doon muna kayong dalawa habang naghihintay sa mama mo. Kung okay lang sa iyo ay doon ka na rin magpalipas ng gabi, I mean kayong dalawa ni Paula.” Pakiramdam niya ay mas lalong lumaki ang utang niya kay Darren.  “Don’t refuse. Hop in, baka mabasa ka pa ng husto.” Paano ba? Paano ba niya mapipigilan ang pusong hindi mahulog sa isang kagaya ni Darren?

A/N: Iyong alam mong hindi talaga nag-eexist ang mga ganitong lalaki pero deep inside nag-wo-wonder ka pa rin kung meron ba talagang tulad nito sa mundo?

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang