Sunday, May 26, 2019

Black Magic 3 - Teach Love: 1- White Ink

cp

1 – White ink

            “Xylee! Psst! Psst!” wala sa sariling napalingon si Xylee ng may narinig na tumawag sa kanya. Kinusot niya ang nanlalabong mga mata at tiningnan ang kapitbahay na kinakawayan. “Xylee, come here muna.” Kahit hindi niya maaninag ng tama ang tumawag sa kanya ay agad niyang nakilala ang salarin kung bakit atrasado na naman ang kanyang pamamahinga.
“Ahh, Dorothy.” Halata na sa kanyang boses pagod niya mula sa maghapong pagpinta sa kanyang bagong classroom at pagbuhat ng mga arm chairs.
“Halika muna.” Wala siyang nagawa kundi ang lapitan ang excited na kapitbahay na naging kaibigan na rin niya. Si Dorothy ang isa sa pinaka-hyper na babaeng nakilala niya, matched actually ang kanilang personality dahil ganoon din siya kung hindi lang pagod. “Bakit naka-zombie mode ka na?” natatawang pansin nito sa matamlay niyang ispiritu.
“Naglipat ako ng arm chairs sa bagong room ko, fourty-five lang ang nandoon tapos sixty ang students ko kaya nagnakaw ako ng arm chairs sa ibang classroom.” Tinaasan siya nito ng kilay, akala marahil nito ay nagsisinungaling siya. ‘I’m telling the truth.”
“Oh my Gosh, hindi ko alam na magsto-stoop ka level ng mga magnanakaw.”
Natawa siya sa naging ekspresyon ng mukha nito sa kanyang sinabi. Kapag nasa public school ka at isang linggo nalang at pasukan na, kapag nakuha mo na ang listahan ng mga students mo na nag-i-increase every year tapos ililipat ka ng classroom na kulang ang chairs, darating talaga sa point na unahan na makompleto ang chairs sa classroom mo or else nakatayo ang mga bata sa unang araw ng pasok o kaya naman ay nakaupo sa sahig. Unahan palagi ang show, tapakan na ang pwedeng tapakan dahil sa bandang huli ikaw pa rin ang masisisi kung bakit hindi mo nagawan ng paraan kung bakit walang chairs ang mga estudyante mo.
“Gaga ka talaga, Xylee.” Inamoy-amoy siya nito. “What’s with the smell?”
Itinaas niya ang braso na may bahid ng ivory paint na tumalsik sa kanya kanina. “I painted my classroom.”
“Pati ba naman iyan ikaw pa rin ang gumagawa? You can hire someone you know.” Minsan talaga ang sarap kalbuhin ng kaharap niya, teller ito sa banko kaya hindi nito alam ang tunay na sitwasyon ng iilang public school sa bansa lalo pa at graduate ito sa isang private school. May kaya ang pamilya ni Dorothy.
“Sayang ang pera at tinulungan ako ni Xeleena.” Tukoy niya sa na-blackmail na kakambal.
“Sabi ko naman sa iyo quit slaving yourself diyan sa trabaho mo, pwede ka namang mag-apply anywhere.”
Nagkibit-balikat siya sa sinabi nito dahil ilang beses na niyang plinano ang bagay na iyon, ilang beses na rin siyang nagtangkang mag-apply bilang teacher sa ibang bansa pero palaging sumusupalpal sa kanya ang katotohanan na natali na siya sa utang niya. May loans pa siya na binabayaran, ang bahay niya dito ay binabayaran pa rin niya dito. She is actually a struggling independent woman, kung may ganoon mang label.
“Ano ba ang meron sa inyo at maingay?” saka niya napansin na may mga tables sa harap ng bahay nito, dumaan siya sa back part kaya hindi niya nakikita ng maayos.
“Birthday ko today.”
“Ganoon ba? Happy birthday Dorothy, sige--.” Mabilis siyang napigilan ng kausap at naka-plaster na mukha nito ang ngiting hindi papayag na makaalis siya doon.
“Kumain ka muna, marami ang pagkain.”
“Mayaman ka yata ngayon?” Kahit na halos pera na ang lumalabas sa bibig ni Dorothy ay isa din ito sa mga kuripot na taong nakilala niya. “First time mong nagparty.”
“Dumating si kuya from States at gusto niyang maghanda sa birthday ko.” Sa pagkakaalam niya ay accountant din ang nakakatanda nitong kapatid at naka-base sa America ang company na pinagtatrabahuan nito. “Inilipat na siya dito dahil nag-expand ang company kaya parang welcome party na rin ito sa kanya, kaibigan din niya ang halos lahat ng kalalakihan sa village natin.”
Napakamot siya ng ulo. “Ano kasi ---.”
“Dorothy?” a man’s thick voice popped out from somewhere. “Where are you?”
“Here kuya!” sigaw ng kausap. Lumabas mula sa back door ang isang matangkad na lalaki, lalaking version ni Dorothy. Maganda si Dorothy kaya hindi nakakapagtakang gwapo din ang kapatid nito. Naglanding ang mga mata ng lalaki mula sa kapatid papunta sa kanya.
“Kuya Darren si Xylee nga pala, kaibigan at kapitbahay ko. Xylee, si Kuya Darren ko.” Pakilala ni Dorothy.
“Hello.” Magalang na bati niya dito, medyo nakakangawit sa leeg ang pagtingala sa lalaking matangkad.
“You’re small.” Turo nito sa kanya.
“Kuya!” sigaw ni Dorothy sa kapatid nito. “You’re offending her. Apologize to Xylee, as in now na.”
“No need, totoo naman iyon.” Tumabingi ang pagod na ngiti sa kanyang labi. Totoo namang maliit siyang babae, she’s 148 centimeter and that is roughly four feet and nine inches. Ang magandang diskripsyon sa mga tulad niya ay ‘petite’ at masakit mang sabihin mas matangkad pa sa kanya ang mga grade seven students niya kahit na nakasuot siya ng high heels.
“Pasensya ka na sa kapatid ko Xylee, walang preno ang bibig nito.”
“But I wasn’t trying to offend her I am just pointin-.” Tinakpan ni Dorothy ang bibig ng lalaki at pinandilatan ito. Natawa nalang siya sa magkapatid, ganyan na ganyan din sila ni Xeleena lalo na kapag walang topak ang kapatid niya. “Alright, alright, I’ll apologize.” Suko ng lalaki saka tumingin sa kanya. “I’m sorry if I offended you.”
“Okay lang,” tumingin siya kay Dorothy. “Friend, mauna na talaga ako baka makatulog ako ng nakatayo or habang naglalakad.”
“Kumain ka muna.” Ngumiti lang siya at umiling.
“Next time nalang, happy birthday uli and welcome back din sa iyo.” Walang nagawa si Dorothy at hinayaan siyang umalis mukhang napansin nito ang pagod sa kanyang mukha at halos hindi na niya maituwid ng tama ang kanyang buong katawan. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang pandak.
“Darren…” kunot-noong nakamot niya ang batok ng biglang nanulas sa kanyang labi ang pangalan ng lalaking iyon. “Pagod lang talaga ako.”

INAANTOK pa si Xylee ng bumaba mula sa kanyang silid, wala pa sana siyang balak na bumaba kaya lang ay hindi na nakayanan ng mga bulate niya sa tiyan ang paghuhunger strike niya. Ang problema lang ay ayaw makipagcooperate nang kanyang mga muscles na umiiyak sa sakit dahil sa ginawa kahapon.
“Ma…ma.” Hanap niya sa kanyang ina. Ang ina nalang niya ang kasama niya sa bahay ang kakambal niya ay simula high school pa noong tumira sa bahay ng kanilang ama. Magkahiwalay ang kanilang mga magulang, noong una ay akala nila ay may ibang babae ang kanilang ama pero wala naman pala. Ang weird lang ay matagal ng hindi nag-aaway ang mama at papa nila pero wala pang balak ang mga itong magsamang muli. Halos araw-araw naman na nagkikita ang dalawa, sabi nga ng papa nila, they are exclusively dating.
Hinayaan nalang nila ni Xeleena keysa bumalik sila sa dati na palaging nagbabangayan at pag-aaway.
“Ma, I’m hungry.” Successful na nabuksan niya ang kanyang mga mata na gusto pang matulog pero nanaig ang kanyang gutom.
“Hi, good mor—noon?”
Nananaginip pa ba siya? Bakit nakakakita siya ng hallucination?
“We met last night, I’m Dorothy’s older brother.”
Dorothy? Older brother? Last night?
And finally her brain works properly. “Anong ginagawa mo dito?” Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung titili ba siya sa gulat o ano.
“Xylee, bakit ka bumaba ng nakaganyan lang!” tili ng mama niya. Tiningnan niya ang kanyang hitsura, she’s on her sleeping outfit. An extra-large man’s shirt and a pair of cotton short na halos hindi na makita dahil sa haba ng t-shirt niya. What’s wrong with it? Bahay naman niya ito hindi ba? Last time na nagcheck siya sa PAG-IBIG ay sa pangalan niya ang bahay na iyon. “Pasensya ka na Darren sa dalaga ko.”
“No worries Aling Lourdes.” Kinamot niya ang gulo-gulong buhok. Pinandilatan siya ng kanyang ina at sinabing huwag guluhin ang magulo na niyang buhok. “Nagdala ako ng mga pagkain, I’m on my way to jog and Dorothy asked me to drop by for the food.”
“Ahh.” Akala ko pa naman ako ang pinunta mo. “Sabihin mo kay Dorothy na salamat at salamat din sa paghatid ng pagkain.”
The three of them stood there like mannequins, hindi niya alam kung ano ang sasabihin habang tila naghihintay naman ang lalaki ng meteorite at ang nanay niyang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa binata. Her mother was actually expecting her to say something kaya napabuntong-hininga nalang siya.
“Nagbreakfast ka na? Gusto mong magbreakfast or magcoffee muna bago umalis?”
“Ay, tama Darren. Nainit ko na ang mga ulam na dala mo at handa na rin ang sinaing. Mag-agahan ka muna.”
Deep inside her she wished that he would refuse and just leave them alone but the guy just smile sweetly at her poor mother and nod.
“Sige po.” Sagot nito.
Napakamot nalang uli siya habang nakatitig sa likod ng lalaking nakiki-agahan sa kanila. Mukhang may masamang plano ang nanay niya sa pobreng binata, she needs to save him from her mother’s wrath. Kailangan na yata niyang maghanap ng invisible na giant white ink para burahin sa isip ng ina kung anuman ang iniisip nito.

TBC
<3 <3 <3
While waiting for Hexel and Clive's story.
Love,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang