Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: EPILOGUE

RED ROSES

"CAN YOU BE MINE?" Ang paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa teynga ni Pamela. Wala pa siyang sagot na ibinigay kay Nico hindi dahil sa nag-iinarte siya o kaya naman ay nagmamaganda. Feeling kasi niya ay palaging wala sa timing ang mga moments nilang dalawa. Kahit papaano ay babae din naman siya and she's a bit hopeless romantic.
Noong nagtapat siya kay Nico ay pasakay na ito sa barko, noong hinalikan niya ito ay sa gitna ng court kung saan ay pawis na pawis ito at lastly noong tinanong siya nito ay nasa gilid sila ng kalsada. Wala bang mas magandang lugar at pagkakataon na pwede niyang sabihin na excited na rin siyang maging girlfriend nito?
"Kung nag-iisip ka ng magandang ending sa love story mo huwag mo ng ituloy." Napasulyap siya kay Vanessa na abala sa paglalaro ng My Café Story sa cellphone nito. Wala siyang maisip na ibang taong pwedeng makausap na makakaintindi sa kanya.
"I am not thinking about that."
"Yeah, right. Halatang-halata sa mukha mo." Pinatay nito ang telepono at humarap sa kanya. "Alam mo friend, magpakatotoo tayo. Sa panahon ngayon mahirap makahanap ng lalaking kagaya ng nababasa natin sa wattpad at sa mga novels. Be realistic! Magpasalamat ka na nga lang at iyong gusto mo ay gusto ka rin iyong iba hanggang pangarap lang ang meron sila."
"Hindi naman sa ganoon."
Inirapan siya nito. "Don't look for a perfect timing, let the timing itself make perfection." Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito. "Huwag kang magtaka kung bakit alam ko dahil kanina ka pa bumulong-bulong diyan. Pam, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Kung mahal mo si Nicolo sagutin mo na iyong tao bago pa magbago ang isip niya at isipin na masyado kang nagmamaganda at nagpapakipot." Lumabi ito. "Speaking of which mukhang hindi ka rin niya titigilan. Sinugod kaya niya si Denver ng ipost ng lalaki ang video na hinalikan mo siya sa court. Hindi pa nga ako nakaka-like sa video ay natanggal na at take note wala akong copy dahil pinadelete ni Nico ang mga videos."
"S-sure?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tama nga iyong nakita niya sa post ng kanilang group at parang gustong sumabog ang puso niya sa kanyang nalaman.
"Sure na sure, narinig ko rin na nagseselos siya kay Alfe." Kakilala nito si Alfe dahil na rin sa tagal na niyang kliyente ng flower farm na pinagtatrabahuan ng pobreng lalaki. "Narinig ko ngang pinagmamalaki ng mga kapitbahay natin na may tinakot silang manliligaw mo."
"Hindi naman nanliligaw si Alfe." Tama ang kanyang hinala, totoong pinagbabantayan nga ng mga lalaking iyon ang pobreng lalaki. Napakagat siya ng labi at muli ay tinitigan ang kausap. "Alam ko na kung paano ko sasagutin si Nicolo."
"Maghahanap ka na naman ng perfect timing?"
Ngumisi lang siya at saka kinuha ang kanyang cellphone. Kunot-noong tiningnan ni Vanessa ang paggalaw ng kanyang mga daliri.
"Anong gagawin mo?"
She searched for their subdivision's official facebook group page and after gathering all the strength she needs, she typed something that would probably change her love life forever.

Nicolo, I am willing to be yours. I love you too!

And press 'POST'. After a few more seconds ay marami na ang notifications na nareceived ng kanyang phone.
 "Baliw ka Pamela!" gulat na bulalas ni Vanessa ng makita sa mismong cellphone nito ang kanyang ginawa
"Baliw ka Pamela!" gulat na bulalas ni Vanessa ng makita sa mismong cellphone nito ang kanyang ginawa. "Naka-free data lang ako, hindi ko ma-view ang picture."
"Wala akong post na picture, iyon lang sagot ko sa tanong niya."
Ilang Segundo lang ay tumunog na ang kanyang cellphone at numero ni Nicolo ag rumehistro. Marahil ay nabasa na nito ang kanyang post. Napakagat siya ng labi at nagdadalawang-isip kung sasagutin ba ang tawag o hindi. She decided not to mas gusto niyang magkaharap sila ayaw niyang i-confirm ang kung anumang tanong nito sa cellphone. Tumigil ang tawag at sigurado siyang ilang Segundo lang ay may susulpot na Nicolo sa kanyang harapan. And she was right dahil sa hindi kalayuan ay nakita niya ang tumatakbong si Nicolo.
"Nandiyan na ang boyfriend mo aalis na ako." Paalam ni Vanessa. Mukhang na-itext na ni Vanessa kung nasaan sila.
"Pamela!" may bitbit si Nicolo na bouquet ng mga pulang rosas na marahil ay para sa kanya. Pawis na pawis ito dahil sa pagtakbo at sa kabilang kamay naman nito ay ang cellphone nito. "Totoo ba? Totoo ba iyong post mo sa facebook?" kulang nalang ay sabihan niyang may naka-on na bombilya sa mukha nito dahil sa liwanag at sa saya.
"Huh?" pa-inosenteng tanong niya. "Na-hack ang facebook account ko." Biro niya. Bumagsak ang mukha at balikat ng lalaki.
"Oh." Pinilit nito ang sarili na ngumiti kahit na alam niya ay disappointed ito. "Okay lang, I can wait." Ibinigay nito sa kanya ang mga pulang rosas na agad naman niyang tinanggap. First flower niya iyon bilang couple.
"May sasabihin ako sa iyo Nico, pwede ka bang lumapit?" agad naman itong lumapit sa kanya at ng ilang hibla nalang ang layo nila sa isa't isa ay hindi na niya pinigilan ang sariling hindi angkinin ang mga labi nito. "Nicolo, I am willing to be yours. I love you too." Bulong niya dito.
"Joke ba ito?"
Inirapan lang niya ito. "Kapag sinabi ko bang totoo na talaga ito ay maniniwala ka?"
"Yes, kahit anong sabihin mo ay paniniwalaan ko."
"Eh di sasabihin ko rin sa iyo na hindi na-hack ang facebook account ko. At totoo ang sinabi ko sa iyo kanina."
Iyong gulat sa mukha nito ay napalitan ng pagtataka pagkatapos ay pagkalito at gulat uli... lumiwanag na naman ang mukha ni Nicolo. Gusto tuloy niyang irecord ang iba-ibang facial expression nito dahil sa totoo lang may ganoon palang reaksyon na pwedeng gawin ng isang tao.
"Ano na na ngayon? Dalawang beses na ako ang humalik sa iyo nakaka-inis ka na hindi ba ako kahalik-halik----." At hinila siya nito pagkatapos ay ito naman ang humalik sa kanya. Hinayaan niyang angkinin nito ang kanyang mga labi. Ganito pala ang pakiramdam kung ang hinahalikan mo ay legal na sa iyo na talaga. She felt safe and secured, she felt love and well-taken cared.
"Amanos na tayo, nakahalik ka na sa akin ng dalawang beses. Nakahalik na ako sa iyo ng dalawang beses." May kakaibang ngiti sa labi nito.
"Paano ba iyan ayokong patalo? Gusto ko mas marami akong halik keysa sa iyo." Malakas na tumawa ang lalaki at sigurado siya na ayaw din siya nitong patalo. Oh, sino nga ba ang matatalo sa kanilang dalawa sa ganoong laro? Wala naman yata.
No candle light dinner, no pathways full of flower petals, sweet classical music. Tama si Vanessa, sa panahon ngayon dapat maging realistic na. Walang perfect timing dahil ang timing mismo ang peperpekto nito. But then, it takes two to tango. And she met Nicolo and 'timing' half-way kaya meron na siyang love story.




<3 <3 <3
A/N: P.S: So, let's close na this book  and see you again later. Sino kaya ang susunod na gagawan ng story sa Black Magic Series?  Mas feel ko itong isulat ngayon dahil maiiksi lang at super light lang.
PPS: Black Magic: Bloom Love is finally signing off!

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang