Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 20- Aster

20- Aster
ALAM ni Pamela na naiilang sa kanyang mga titig ang dating kasintahan, karga ni Dominic ang sanggol na anak nito habang pinapatahan. Well, she just found it really amusing dahil sa pagkakatanda niya ay hindi ganito ang lalaki. Ayaw nga nitong madumihan at masyadong OC sa lahat ng bagay pero heto at kulang nalang ang masabihan itong binagyo sa ayos.
"Pasensya ka na Pamela, nakita mo naman masyadong busy ang pagiging tatay. Kahit na sa day off ko ay nag-aalaga pa rin." Kimeng ngumiti siya dito.
"Nasaan si Patricia?" ang asawa nito at pinsan niya ang tinutukoy niya. Wala ito sa bahay pagdating niya.
"Nag-grocery lang babalik rin iyon anumang oras mula ngayon."
"Mukhang enjoy ka sa pagiging ama mo, ah. Worth it ba na gamitin ako para mapalapit sa pinsan ko?" nakatikwas ang isang kilay niya at halata din ang sarkasmo sa kanyang boses. She can't deny the fact that she still a little bit offended when Dominic told her that he really likes her cousin.
"About that Pamela, I am really sorry."
She waved her hands on the air to make him stop. "Joke lang Dominic, kahit papaano ay nakapagmove-on naman ako." Gusto niyang suntukin ang sarili sa kanyang sinabi dahil kung nakapagmove on na nga siya wala sana siya dito sa harapan ng dating kasintahan. "Well, not really. Feeling ko kasi wala akong proper closure noong magkahiwalay tayo parang ikaw lang ang nagka-closure." Bawi niya sa unang sinabi.
"Pam, I am really sorry."sincere na hingi nito ng paumanhin.
"Tell me Dominic, noong tayong dalawa pa. Naramdaman mo ba na minahal kita?" kumunot ang noo ng lalaki sa kanyang tanong. "Wala akong ibang basis dahil ikaw lang naman ang naging kasintahan ko."
Nawala ang mabigat na hangin na nakapalibot sa kanilang dalawa ng ngumiti ang lalaki na para bang naiintindihan ang kanyang sitwasyon kahit wala pa siyang sinasabi. Who wouldn't? Dominic is a psychiatrist by profession, sanay itong makasalamuha ang mga tulad niyang baliw at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Huwag mo lang akong titigan dahil hindi iyan ang sagot na gusto kong marinig."
"Are you in love?"
Yes! Kay daling isigaw ang isang salitang iyon pero hindi niya magawa dahil may kung anong pumipigil sa kanya. Doubt? Probably.
"I have someone I like."
"Like? Lang?"
"Fine." Tuluyan na siyang na-relaxed sa presensya nito. "More than like to the point na ako na mismo ang nagtapat sa kanya ng feelings."
"Kung ganoon pala bakit nagtatanong ka pa sa akin kung minahal mo ba talaga ako? Do you doubt your feelings for him?"
Malakas siyang napabuntong-hininga. "Pagkatapos ng relasyon ko sa iyo hindi na ako muling nagka-interes sa ibang lalaki. Hindi naman dahil sa sinaktan mo ako ng husto, huwag kang magalit pero sa tingin ko hindi naman talaga nasaktan ng maghiwalay tayo. Betrayed, yes but not hurt. I didn't cry for you and just accepted the fact that we can't be together because you like someone else and that's reality. Kaya tinatanong ko kung minahal ba talaga kita at gusto ko ring malaman kung paano ba talaga ako magmahal?"
Mataman itong tumitig sa kanya na tila ba inaalisa ang kanyang mga sinabi.
"You didn't love me Pamela."
Tumikwas ang kilay niya sa sinabi nito. "You didn't really love me dahil kung mahal mo ako hindi mo ako ibbigay lang kay Patricia ng ganoon lang." Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "I did love you before Pam pero habang tumatagal tayo sa relasyon natin hindi ko na nakikita ang sarili ko sa iyo. I loved you but that wasn't enough for the two of us. Hanggang sa unti-unting nabaling ang pagtingin ko sa pinsan mo at alam kong mali dahil magkarelasyon pa rin tayo. Kaya lang ayoko ng lokohin ang sarili ko, kapag nanatili ako sa tabi mo masasaktan lang tayong pareho."
"Kaya ka nakipaghiwalay sa akin dahil hindi mo nakikita ang sarili mo na kasama ako habang buhay?"
Umiling ito. "Kaya ako nakipaghiwalay sa iyo dahil alam kong hindi mo rin ako nakikita sa future mo. Hindi mo ako mahal masyado ka lang fascinated sa idea na may kasama ka, may makakausap ka, may nakaka-date ka."
"Ini-insulto mo ako Dominic sa pinagsasabi mo hindi naman siguro akong ganyang tao." Reklamo niya dito.
"I am sorry if I offended you Pam pero iyon ang totoo. I never saw you looking at me with longing in your eyes. Kapag tinatawagan kita ay palagi kang may dahilan para hindi magtagal ang usapan natin. You just want a companion at that time and not a boyfriend."
May pumitik sa kanyang sentido sa sinabi ni Dominic. "But don't blame yourself for it Pamela. May kasalanan din ako dahil hindi ko ginawa ang parte ko bilang kasintahan mo. Pwede akong kumilos para ako naman ang mapansin mo at ma-inlove ka sa akin pero hindi ko ginawa dahil alam ko rin na hindi rin ikaw ang para sa akin. Tayo ang unang nagkita at nagkasama pero hindi tayo ang nakatadhana, may mga ganyang mga pangyayari sa buhay."
Unang nagkita pero hindi nagkatadhana?
"Kung ganoon, sabihin mo sa akin kung ano itong nararamdaman ko Dominic. May gusto akong lalaki, sabi niya baka hindi ko talaga siya gusto at baka fascination ko lang siya. Sabi kasi niya ay since matagal na akong walang boyfriend at siya ang unang lalaking napalapit sa akin kaya baka sa kanya na-focus ang pansin ko. Gusto ko siyang kontrahin at sabihin na gusto ko talaga siya pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay baka tama siya pero ayokong isipin na tama siya. Naguguluhan na ako." Reklamo niya na ikinatawa nito pero wala siyang pakialam dahil sa wala na siyang ibang mahihingan ng tulong. "Don't laugh at me because I am really serious."
Nang sa tingin nila ay tumahan na ang anak nito ay ibinaba muna ng lalaki sa crib ang bata at bumalik sa kanya. Habang nakatitig kay Dominic ay hindi niya maiwasang hindi mapasimangot. Nasa harapan niya ang isa sa pinakagwapong lalaki na naging dating kasintahan pa niya. Habang nakatitig dito ay naiitindihan niya kung bakit hindi sila nagkatuluyan.
Wala siyang maramdamang sparks, hindi katulad ng kay Nicolo. Kapag kaharap niya si Nico ay may nararamdaman siyang kakaiba sa dibdib niya, parang may tumatalon na hindi niya maintindihan. May nagsisirkong lamig sa kanyang tiyan at pati ang respiratory system niya ay nagmamalfunction. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang ganoong simptomas sa ibang lalaki kahit na kay Dominic.
"You look serious."
"May narealized lang kasi ako." Pag-amin niya dito.
"And that is?"
"Tama ka, hindi nga siguro kita minahal. Marahil ay fascinated lang ako sa iyo at noong mga panahon na naging tayo ay gusto ko lang maranasan na magkaboyfriend. Ikaw ang unang nagpakita ng interes kaya ikaw ang una kong sinunggaban." Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa dating kasintahan. "Sa tingin ko rin ay alam ko na ang sagot sa mga tanong ko." Ngumiti siya dito. "Mali si Nicolo noong sabihin niyang fascinated lang ako sa kanya at maaaring mawala ang feelings ko habang tumatagal na magkasama kami."
Tahimik na nakinig sa kanya si Dominic. "Habang tinititigan kita ay iniisip ko kung bakit hindi tayo nagtagal maliban sa mga sinabi mong dahilan. I never felt crazy when I am looking at you, Dominic. Iyong pakiramdam na kapag nandiyan si Nico ay umuurong ang tamang cycle ng circulatory system ko? IYong nervous system ko naman ay kung saan-saang nerve endings nagcoconnect. Nagmamalfunction ang respiratory system ko at hindi lang iyon pati urinary bladder ko ay wala na ring control." Gusto niyang matawa sa pagkakakunot ng noo ng lalaki.
"I think that sounds terminal."
"No, that means I am really in love with him. And I am pretty sure this is not just an infatuation. This is real, Dominic." Tumayo siya at kinuha ang bag.
"Saan ka pupunta?"
"Gusto kong klaruhin kay Nico na mali ang sinabi niya. Hindi lang siya isang simpleng infatuation, seryoso ako sa kanya."
"Teyka lang-." Hindi na siya nagpapigil at agad na lumabas ng bahay. Mabilis siyang sumakay sa kanyang biseklita at iisang lugar lang ang kanyang nais puntahan. Kasabay ng malakas na tibok ng puso niya ay ang hindi maipaliwanag na nararamdaman. Isang bagay lang sigurado at iyon ay sigurado na siya sa kanyang tunay na nararamdaman para kay Nicolo.
Natagpuan niya ang lalaki na naglalaro sa basketball ng court ng kanilang subdivision, mukhang nasa kalagitnaan ng laro ang mga ito. Pagkatapos iparada sa labas ng court ang biseklita ay walang sali-salitang sumugod siya sa gitna ng court. May narinig siyang malakas na pagpito at ang pagpulasan ng mga manlalaro ng makita siya. Ngunit wala siyang pakialam dahil sa iisang direksyon lang nakatuon ang kanyang pansin at iyon ay ang lalaking kasalukuyang nagpupunas ng pawis na may halong pagtataka sa mukha dahil sa pagtigil ng mga team mates at mga kalaro nito.
At nang ilang sentimetro nalang ang layo niya ay tinapik niya ito sa balikat kaya napabaling sa kanya ang atensyon nito. Unang rumehistro sa mukha ni Nico ay gulat at agad na napalitan ng tuwa tapos ay pagtataka. Bumuka ang bibig nito pero dahil yata sa gulat ay nahihirapan ang utak nito sa pagconstruct ng tamang sagot. Humugot siya ng malalim na hininga at ginawa ang isang bagay na hindi niya maisip gawin kung nasa tamang isip siya.
Hinila niya ang jersey nito at hinalikan ito sa harap ng maraming tao, nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong paligid bago sumabog ang isang napakalakas na sigawan at tuksuhan. Halatang gulat na gulat ang lalaki dahil nakatanga lang ito na nakatitig sa kanya pagkatapos niya itong bitawan.
"You are wrong Nicolo." Malakas niyang sabi dito.
Pagkatapos sabihin iyon ay kasing bilis ng kidlat siyang umalis sa harapan nito dahil nagsink-in na rin sa kanyang utak kung ano ang ginawa niya. Kung gaano siya katapang para gawin ang ginawa niya at kung ano ang mangyayari pagkatapos ng araw na ito.
"Baliw ka talaga, Pamela. You are so dead."



SIGURADO si Pamela na may nag-upload ng video sa kanyang ginawa sa facebook account ng kanilang subdivision. Akala niya ay namamalikmata lang siya pero ng balikan niya ang post ay iyon nga ang nakapost. Mag-co-comment nga sana siya na i-delete iyon pero hindi na napost dahil mukhang tinanggal na nang admin. Wala rin siyang narinig na kahit anong chismis o usapan mula sa kanyang mga chismosang kapitbahay at kahit na ang pinsan na si Kc ay tinitigan lang siya pero wala itong sinabi.
Kung anuman ang dahilan kung bakit naging tahimik ang mga kapitbahay ay labis niyang ipinagpasalamat. Halos hindi na niya maharap ang mga tao, pakiramdam kasi niya ay naging padalos-dalos ang kanyang mga desisyon at hindi lang iyon, baliw na nga yata siya dahil iniiwasan na rin niya si Nicolo. Gusto niyang ibaon ang sarili sa lupa dahil sa kagagahan niya.
"Papatayin na yata ako ng lalaking iyon, Ms. Pam." Untag sa kanya ni Alfe ang delivery personel ng flower farm na kinukuhanan nila ng mga bulaklak. Hindi na niya kailangan pang alamin kung sino ang tinutukoy nito dahil kanina pa niya napapansin ang presensya ni Nicolo sa labas ng Blooms. May bagong tayong convenience store sa harap nang kanilang shop. At simula noong magbukas iyon doon ay naging paboritong tambayan na rin iyon ng kanilang mga kapitbahay. Kunot-noong nakamasid lang si Nicolo sa kanila habang may hawak itong slurpy.
"Huwag mong pansinin iyan." Aniya dito at sinadyang hawakan ito sa braso. Mukhang mas hindi naging maganda ang pakiramdam ng kasama niya. Kung laser nga lang siguro ang mga mata ni Nico malamang ay pira-piraso na si Alfe.
Pasimpleng umiwas ang delivery man sa kanya, ngumisi siya at sinundan ito habang dinadala sa loob ng Blooms ang mga bulaklak na nakabalot sa news paper.
"Ms. Pamela, gusto ko pa pong makauwi sa farm ng buhay." Anitong sumuko sa kanyang pasimpleng pagsunod-sunod dito.
"Joke lang Alfe," tinawanan lang niya ang lalaki. "May gusto lang akong i-check."
"Naku, Ms. Pam. Advice lang po, masama pong pinagseselos ang lalaki."
"Bakit naman?"
"Iba ho kaming magselos keysa sa babae."
Dahil nagiging seryoso na ang kanilang usapan ay nagpasya siyang pakawalan na ang lalaki sa pangungulit niya. Baka sa susunod ay hindi na maganda ang service nito ng dahil sa kanya.
"Kukunin ko lang ang full payment sa loob, hintayin mo nalang ako dito. Kapag sumama ka pa sa akin sa loob ay baka atakehin ka na." tudyo niya. Napakamot na lang ito ng ulo. Pagbalik niya sa loob ay sinagot na muna niya ang tawag bago lumabas. Paglabas naman niya ay natagpuan niya ang mga lalaking kapitbahay na kinakausap si Alfe at sa tingin niya ay lumabas na ang lahat ng pawis nito sa katawan at tila naubusan na rin ito ng dugo sa putla.
"Boys, what are you doing?" mabilis na nagsipulasan ang mga ito at ngumisi sa kanya.
"Kinakausap lang namin itong si boy tuk—si Ano nga ang pangalan mo?" Maangas na tanong ni Denver.
"Al-Alfe, sir."
"Binabati lang namin si Alfe."
Tinaasan niya ng kilay ang mga lalaki dahil alam niyang hindi totoo ang sinabi ng mga ito. Napa-iling nalang siya at nameywang sa mga ito.
"Boys, bad ang mambully. Walang ginagawang masama si Alfe sa inyo kaya huwag niyo siyang pagtripan." Hinila niya ang pobreng lalaki saka ibinigay ang bayad dito. "Pasensya ka na Alfe, pagsasabihan ko sila. Mababait naman ang mga iyan may topak nga lang."
Mabilis na tumango ito at bumalik sa sasakyan. Bumaling siya sa mga lalaki na parang batang inosente sa mundo at walang ginagawang masama.
"Care to explain?"
"Kinakausap lang talaga namin si Alfe, Pam."
She doubted it. "Sinong nag-utos sa inyo na ibully si Alfe? Wala namang ginagawang masama ang tao, ah." Sermon niya sa mga ito.
"Ako." At tila dagat na nahawi ang mga lalaki at pinadaan si Nicolo na hindi pa rin maganda ang timpla ng mukha.
"And why?" cool ka lang Pamela, huwag ka munang paapekto kay Nico. Sino ba ang niloloko niya? Nangangati na nga ang talampakan niyang hindi ito lundagin at halikan.
"I am jealous." Nagsi-alisan na ang mga lalaki na kasama nito.
"Jealous? Really?"
"ALam mong gusto kita pero lumalapit ka pa rin sa lalaking iyon."
"Natural iyon dahil kliyente niya ako."
"Girlfriend na kita!" sigaw nito. Tumikwas ang kilay niya sa sinabi nito habang nagpipigil siyang hindi mapangisi.
"Kailan pa kita sinagot?" natigilan si Nico sa kanyang tanong.
"S-Sa court noong isang araw. Hinalikan mo ako."
"At kailan pa naging 'Oo' ang isang halik?" kumunot ang noo ni Nicolo na hindi nagustuhan ang kanyang sinasabi. "Hindi pa kita sinasagot at saka hindi ba sabi mo baka naguguluhan lang ako? Baka hinalikan lang kita dahil spur of the moment lang iyon at pagkatapos kitang mahalikan ay unti-unting mawawala ang fascination ko sa iyo? Hindi ba iyon ang pinupunto mo?"
Sumeryuso ang mukha ni Nicolo at kasing bilis ng kidlat na tinawid ang kanilang distansya kasabay ng pagpulupot ng braso nito sa kanyang beywang.
"Ni-Nico!"
"I was wrong Pamela. I shouldn't have doubted your feelings for me. Dapat ay kinuha ko na ang chance na iyon para maging akin ka. Kung dumating ang oras na maubos na ang pagmamahal mo sa akin ay paiibigin kita ulit. Kapag hindi ka na masaya sa akin handa naman kitang pakawalan pero iyon ang pinakahuling bagay na gagawin ko. Kaya kitang pasayahin, kaya kitang mahalin, kaya kitang alagaan. Marami akong kaya na hindi mo pa alam at kaya kong ipakita sa iyo iyon kapag binigyan mo ako ng chance na maging bahagi ng buhay mo."
Napatanga siya kay Nico, ang bilis nitong magsalita ngunit nakakapagtakang na-gets niya ang lahat. Siguro ganoon ang babaeng in love kahit na napakawalang kwenta ng sinasabi ng lalaking mahal nila ay naiintindihan nila dahil nga love understands the least understandable.
"Pamela Grace, will you be mine?"
And before she can respond, he pulled her closer to him and kissed her there, in the side walk. She can feel his soft lips slowly moving and coaxing her lips, and it was no ordinary kiss. He is urgent waiting for response and she did response. How she managed to kiss him back she doesn't know. The kiss is unadulterated and mind blowing. They are both gasping, her cheeks too red when he handed her a bunch of tiny purple flower, Asters.
"Patience, Pamela. I have a lot of that but now I'm finally losing it." Patience is the meaning of the flower. "Can you be mine?"


<3 <3 <3
a/n: Enjoy reading babies, epilogue nalang at matatapos na finally ang book na ito. 
Love,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang