Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 19- Chrysanthemum


19- Chrysanthemum


NATAGPUAN ni Pamela ang sarili sa isang fastfood restaurant na kaharap ang kanyang mga kaibigan na matagal na rin niyang hindi nakasama.
"Blooming ka Pamela, may lovelife ka na ba sa US?" panimulang bati ni Sweetheart, ang president ng homeowners association.
"Bakit kapag blooming ang babae ay in-associate agad sa lovelife? Hindi ba pwedeng inborn lang talaga ang ganda ko o kaya naman ay nakapagpahinga lang ako ng maayos?"
"True." Sang-ayon ni Kc na mukhang hindi pumasok sa trabaho, wala pa talaga itong balak bumalik sa seryosong mundo. "Maganda talaga ang lahi namin and that's undeniable.
"Sige magbuhat kayong dalawa ng sarili niyong sofa." Bumaling si Sweetheart kay Vanessa dahil ginagawa ng scratching post ng bitbit nitong pusa ang buhok nito. "Van, paki-alis ang alaga mo. I don't have anything against cats pero kita mo namang sobrang hirap ayusin ang buhok ko ginugulo pa niya."
Ibinaba naman ng huli ang feline creature na agad na nakahanap ng pwesto para matulog. Dumating na si Yumi at si Howard na bitbit ang kanilang orders. Natutuwa siya sa dalawa dahil going strong ang relationship ng mga ito.
"Here are the foods and Howard paid it."
"Ang yaman mo talaga Howard, sa uulitin." Unang kumuha siya ng isang French fries at saka sinubo iyon. She missed the food.
"Hindi ako ang nagbayad ng pagkain natin." Kumuha uli siya ng fries at maganang kumain.
"The who?"
"Makiki-share daw siya sa atin ng table kaya siya na ang nagbayad." May kakaibang kurba ang mga labi ni Howard habang nakatingin sa kanya. "Okay lang ba?"
"Sinong hihindi? Nasuhulan na kami, nauna na nga ang balikbayan."
"Nico, halika na." Bigla siyang inihit ng ubo ng nalulon ang hindi pa nginunguyang fries.
"Salamat Nico sa libre, sa uulitin." And when she finally regained herself she found the guy sitting across her.
Cool down Pamela. Si Nico lang iyan, hindi iyan si Lee Min Ho. Hindi naman hamak na mas gwapo ang Korean crush niya keysa sa kaharap niya.
"Bakit mo naisipan na manlibre Nico? Ang kuripot mo kaya." Ani ni Sweetheart.
"To celebrate."
"Birthday mo?" napasulyap din siya dito. Wala siyang alam tungkol sa birthday nito.
"Malayo pa ang birthday ko." Friendly na ngumiti ito at matamis na ngumiti sa kanya. "To welcome Pamela back. Welcome back Pamela."
Ang daya ni Nicolo! Harapan ang atake nito sa kanya kawawa naman ang puso niya, nahirapan na ngang makapagmove-on tapos tinitirahan pa siya ng mga ganitong eksena.
"I smell something fishy here Nicolo, kakauwi lang ni Pamela liligawan mo agad?" Biro ni Yumi. That rendered her speechless, magkasalubong ang kanyang mga kilay na nakatitig kay Nico. Base sa interaction nito kay Yumi ay wala na ang dating awkwardness nito sa dating kasintahan nito slash kaibigan niya.
"I've been waiting for months. Sa tingin ko dapat na talaga akong kumilos."
Marahil kung may kinakain siya ng mga oras na iyon ay nabulunan na siya ng tuluyan sa ginawa at pinagsasabi nito. She wanted to smack his face but decided not to dahil ayaw niyang masabihan na defensive at denial.
"Anong masasabi mo sa pahayag ng ating binata dito Pamela?" May halong panunukso ang tuno sa boses ni Sweetheart na tila ba kinikilig sa narinig nito.
"Nagbibiro lang si Nico alam niyo naman ang taong iyan, joker sa real life." Nakita nila ang pagsimangot ni Nico sa kanyang sinabi.
"I am not joking."
"Wala ako sa mood na makipagbiruan sa mga ganyang bagay Nicolo." Flat ang boses niya habang sinisibat ito ng matalas na titig. Mukhang nakuha naman nito na sensitive siya sa ganoong topic. Gusto niya rin na ipaalala dito na six months ago ay binasted siya nito ng bongga.
"I am not joking Pamela." Anito sa mababang tinig at hindi siya inaalis ang pagtitig sa kanya.
"Seryoso si NIcolo, Pamela." Singit ni Yumi sa pagitan ng kanilang hindi magandang interaksyon kanina lang. "He even cut his trip short because he can't contact you." As much as she likes to tear her gaze from him, she can't. Para bang may magnet ang titig nito at ayaw bitawan ang kanilang titigan. "He tried to call you when he's on board and when he can't reach you ay kami naman ang inabala niya. Too bad nakaalis ka na papuntang America para bisitahin ang parents mo. Akala namin ay isang buwan ka lang na mawawala kaya sinabi namin sa kanya iyon and unfortunately ang one month ay na-extend ng six months."
Hindi niya alam kung paano ida-digest ang lahat ng sinabi ni Yumi tungkol dito. It took her eternity to finally realized the probable reason for his uneasiness. Baka nagu-guilty ito sa pag-reject sa kanya at gusto uli nitong makahingi ng tawad.
"There's no reason for you to look for me after what happened Nicolo." Her mouth opens faster that her brain doing the most rationale thing to do.
"Alam mong meron Pamela." Insist nito.
"Nasabi mo na ang lahat ng gusto mong sabihin, sapat na sa akin iyon."
Umiling ang binata na para bang ipanaparating sa kanya na may hindi siya naiintindihan. "You don't understand."
"Anong hindi ko naiintindihan?" yamot na tanong niya dito. "Binasted mo na ako." Malakas na singhap ang narinig niya marahil ay mula sa kanyang mga kaibigan. Iyon na ang pinakanakakahiyang pwedeng mangyari sa isang babae but she really feel numb at the moment.
"What you did is an unfair attack, Pamela. That was a direct attack." Tumaas na rin ang boses nito na walang pakialam sa sasabihin ng iba. "It took me some time to digest what you've said."
Mapakla siyang tumawa. "Yeah right. Nabaliw lang talaga ako that time Nico, I am sorry for the hassle. Nakinig kasi ako sa instinct ko, nakinig ako sa gusto ko lang marinig at nakalimutan ko ang totoo. Ang dahilan kung bakit tayo nagkalapit ay dahil kay Yumi because you want to win her back. You are still in love with her." Wala siyang pakialam kung nasa tabi man niya si Yumi at ang kasintahan nitong si Howard na mas abala sa pagkain ng fries at panonood sa kanila na para bang nasa isang teleserye sila.
"I admit, at first I want to win Yumi back. Akala ko pwede ko pang maibalik ang dati but I was wrong. Pero ng makilalakitang husto at noong makalapit tayo ng husto napagtanto kong matagal na akong walang feelings kay Yumi. At ang nararamdaman ko na lang ay guilt dahil sa biglaan kong paglayo noon na hindi nagpapaalam. Noong nagkaroon na kami ng closure I started to see you as someone special more special than Yumi."
"Bakit mo ako binasted?"
Malakas itong napabuntong-hininga at tumitig uli sa kanya. "Gaya nga ng sinabi ko direct attack ang ginawa mo. Nagulat ako sa ipinagtapat mo kahit sino naman sigurong tao kapag natutukan ng baril ay nawawala sa sarili."
Nainsulto siya sa sinabi nito, "Am I that dangerous Nicolo? Sinabi ko lang naman ang nararamdaman ko sa iyo at hindi naman kita papatayin."
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."
Isang malakas na hampas sa mesa nila ang kanilang narinig, sabay silang napatingin kay Sweetheart.
"Kayong dalawa sumasakit na ang teynga ko sa sigawan ninyo." Reklamo ng kaibigan. "Nicolo, bakit mo binasted si Pamela?" napatingin siya sa kaibigan sa diretsong tanong nito sa binata. Kaya lang si Nico ay sa kanya lang ang tingin.
"Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Bago lang sa akin ang nararamdaman ko at nagmamadali rin ako dahil late na ako sa appointment ko. Sinabihan ko ang mga kasamahan ko sa barko na kung maaari ay ma-late ako ng ilang minuto. I was looking for her and took me some time. Gusto kong magpaalam ng maayos kay Pamela." Mas lalong lumamlam ang titig nito sa kanya. "Gusto kong magpaalam sa iyo Pamela ng maayos. Gusto kita ng higit pa sa isang kaibigan pero ayokong madaliin ang lahat ng bagay." Tumayo ito at lumapit sa kanya. Yumuko ito upang maikulong siya sa pagitan ng katawan nito at sa mga brasong nakalapat sa kanyang inuupuan.
"Pasensya ka na kung nasaktan kita Pamela." Sincere ang pagkakasabi nito at bakas iyon sa mukha ng lalaki. "I didn't mean it." And she believed it. "Hindi ako torpe, hindi lang ako ang tipo ng lalaking padalos-dalos. Gusto ko sigurado ako sa lahat ng bagay dahil hindi na ako bata at hindi ako maglalaro lang kung papasok ako sa isang relasyon. Kung may gusto akong babae ay hindi ko siya ipapasok sa buhay ko pansamantala, gusto ko siya na ang makakasama ko habang buhay." Mariin ang bawat titig nito sa kanya.
"Ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang pagiging magkaibigan natin. At saka ayoko rin na samantalahin ang nararamdaman mo sa akin Pamela. Nagulat ako sa pagtatapat mo pero mas nagulat ako sa takot na bigla kong naramdaman noong sabihin mong mahal mo ako. Paano kung naguguluhan ka lang? Paano kung naipagkamali mo lang ang pagkakagusto mo sa akin bilang kaibigan sa pagmamahal? Matagal ka na walang karelasyon ayokong magustuhan mo ako dahil ako ang lalaking unang napalapit sa iyo ng husto pagkatapos ng previous relationship mo. Paano kung tinanggap ko ang feelings mo at sa kalagitnaan ng relasyon natin ay marealized mong hindi mo pala ako gusto?"
Unti-unting nagsink-in sa kanya ang sinabi nito, isa lang ang naging boyfriend niya. Pagkatapos ay wala na siyang nakitang lalaking nakakuha ng kanyang interes maliban na lamang kay Nicolo.
"Are you doubting my feelings for you?" pabulong na tanong niya.
"I want to trust your feelings for me Pamela, ako sigurado ako sa iyo. Seryoso akong maging akin ka at sigurado akong hindi na magbabago ang gusto ko. Ikaw Pamela, sigurado ka na ba sa nararamdaman mo sa akin?"
Nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil parang kanina lang, parang noong isang araw lang ay siguradong-sigurado siya sa kanyang nararamdaman para kay Nicolo. She thought she loves him and her feelings and now, she thinks differently. May malamig na bagay na sa kanyang kalamnan sa mga sinasabi nito.
Paano nga kaya kung tama si Nicolo? Paano kung infatuation lang ang kanyang nararamdaman at hindi pa talaga seryosong bagay?
"Pamela." Pukaw ng nag-aalalang si Nico sa kanya. May hawak itong chrysanthemum. "Sabi sa internet ang ibig sabihin ng bulaklak na ito ay optimism. Kung naguguluhan ka ngayon huwag kang mag-alala, hindi ba sinabi ko naman sa iyo. Hindi ako naglalaro lang at seryoso ako sa iyo, habang iniisip mo pa kung totoo ang nararamdaman mo sa akin hayaan mo muna akong pasayahin ka hanggang sa hindi lang mo lang mapagtanto sa isip mo na ako nga ang gusto mo kundi pati diyan." turo nito sa puso niya.
Hinawakan nito ang kanyang pisngi na naging dahilan kung bakit sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.
Can her heart's reaction really doubt her feelings for Nico?
"I can wait, Pamela. I can wait." Malumanay nitong saad sa kanya.


<3 <3 <3
a/n:
Love, 
inang!

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang