Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 18- Daffodil



18- Daffodil


"HANGGANG kailan ka magtatago diyan, Pamela? Babalik na ako sa trabaho ko, inuurat na ako ng boss ko." Ilang beses na ba siyang tinawagan ni Kc para pauwiin? Halos araw-araw ay tumatawag ito minsan naman ay nakikipag-video call na hindi niya ina-accept.
"Sa isang linggo matatapos ko na ang short course na kinuha ko dito kaya makakahinga ka na ng maayos." Balita niya dito.
"Really? Talaga?"
"Oo na po."
"Nakamove on ka na rin ba sa wakas?" kumunot ang kanyang noo sa tanong nito. Ang pinsan niya ang unang naglakas ng loob na itanong sa kanya ang bagay na iyon. Anim na buwan mula noong umalis siya sa Pilipinas, anim na buwan noong napagdesisyunan niyang magmove-on. Bakit kailangan pa niyang lunurin ang sarili niya sa kasawian kung wala naman siyang kakapitan?
"Bakit ko naman kailangang magmove-on?" lumabi siya.
"Nabasted ka kaya ni Nicolo." Napatayo siya sa kanyang kinauupuan sa sinabi nito. Wala siyang sinabihan kahit na isa sa nangyari sa kanya kaya paano nitong nalaman iyon?
"Says who?"
"Says me. Huwag ka ng magdeny pinsan kabisado na kaya kita. Huwag kang mag-aalala kaunti lang naman kaming may alam sa nangyari sa iyo."
"Kaunti? May alam pa na iba?" malakas na tumawa si Kc na para bang sinasabi na nahulog siya sa patibong nito.
"Malalaman na nila. Binibiro lang naman kita dear cousin hindi ko naman alam na sasakay ka pero huwag kang mag-worry hindi ko naman talaga sasabihin sa madla ang nangyari sa iyo. And since six months ka diyan kaya sure akong naka-move on ka na kay Nico."
"Kc sasabunutan kita pag-uwi ko diyan. Saka na tayo mag-usap, magsisimula na ang klase ko." Paalam niya sa pinsan. Nasapo niya ang kanyang noo dahil sa nakalimutan niya kung anong klaseng tao ang pinsan niya.
Nakapagmove-on na ba siya? Iyon ang pinakamahirap na tanong sa lahat dahil sa tingin niya ay wala na siyang nararamdaman kay Nicolo pero nagda-doubt pa rin siya sa kanyang sarili dahil baka nasanay lang siya sa nararamdaman niya. Ika nga nila baka na-immune lang siya sa pain.
Marami siyang natutunan sa kanyang naranasan. Kulang ang gulat na depenisyon sa kanyang naramdaman noong tanggihan nito ang nararamdaman niya. Umasa kasi siya, iyong pag-asa niya ay abot langit kaya ang nangyari hindi niya na-warningan ang sarili na hindi lang 'oo' ang pwedeng isagot sa isang tanong, meron din palang 'hindi' at 'I am sorry'.
Natuto siyang maging mas open-minded at hindi bigyan ng mas malalim pa na kahulugan ang mga magagandang ipinapakita ng tao sa kanya. Hindi dahil malambing sila ay may gusto na sila sa iyo, pwede namang ganoon lang talaga sila. Gusto niyang sisihin si Nico dahil pakiramdam niya ay pinaasa siya nito pero hindi niya magawa. Una, sa simula pa lang ay alam niya na si Yumi ang gusto nito. Mabait lang talaga ito sa mga tao at nagkataon na naging magkaibigan sila kaya mabait ito sa kanya. At siya naman itong tanga, akala niya ay more than friends lang kaya ang nangyari 'I am sorry' lang ang narinig niya dito.



"MA'AM nandito na po tayo." Pukaw ng driver ng taxi na naghatid kay Pamela sa Blooms. Nakatulog siya sa biyahe dahil ilang oras lang ang tulog niya bago makarating sa airport. Tumingin siya sa labas at nakita niya ang pamilyar na structure ng kanyang flowershop.
"Salamat, manong." Kumuha siya ng bayad habang ibinababa nito ang dalawang maleta niya. Pagkatapos makapagbayad ay dinala niya ang mga bag sa loob ng shop.
"Good morning--- ate Pamela!" tili ni April ng makita siya. "Ate Kc nandito na si ate Pam."
"Ha? Sa susunod na linggo pa iyon darating—Pamela!" gulat na gulat ang pinsan niya ng makita siya nito.
"Surprise." Bati niya dito. Iginala niya ang mga mata sa loob ng flowershop niya, ang weird ng pakiramdam niya. Para kasing iyong emptiness na naramdaman niya habang nasa ibang bansa siya ay unti-unting napupunan habang nakatingin sa kanyang shop.
"Akala ko sa susunod na linggo ka pa?"
"Maagang natapos ang short course na kinuha ko at nakuha ko rin ang mga certificates ko kaya nagpabook na rin ako ng flight."
"Ate Pamela, ang puti-puti mo na. Iba talaga kapag galing sa states nakakaputi at mas lalo kang gumanda."
"Tama na ang bola April, may mga pasalubong ka diyan sa maleta." Lumapad ang ngisi ng kanyang assistant.
"Salamat ate Pamela. Magpopost na ako sa facebook group ng subdivision na dumating ka na."
"Ha? Huwag mong gawin iyan April."
"Bakit naman?"
"Gusto kong gulatin si Yumi at Vanessa."
"Ay bet, sige hindi nalang." Kakauwi lang niya ayaw muna niyang kuyugin ng kanyang mga kaibigan. Gusto niyang makapagprepare muna ang kanyang buong katawan. "Oo nga pala ate, si kuya NIco-."
"Uuwi muna ako sa bahay, hindi pa ako nakapagpahinga ng maayos." Iwas niya sa sasabihin ni April, hindi pa siya handa. "Ihatid mo ako Kc, nasa labas ang kotse mo."
"No problem, gusto ko ng makakain ng mga chocolates." Anitong pinagtripan ang laman ng isang maleta niya.
"Huwag mong ubusin marami pa akong pagbibigyan niyan." Aniya dito. Gusto niyang itanong kung bakit nabanggit ang pangalan ni Nico samantalang sa pagkakaalam niya ay isang taon ang kontrata nito sa barko. Hindi kaya may alam din si April sa pambabasted nito sa kanya?
"Mukhang nakapagpahinga ka ng maayos sa US, you are glowing."
"Pareho lang naman tayong naka-indefinite leave. Nakakawala sa stress ang magbakasyon paminsan-minsan."
Lumiko ang kotse sa may basketball court, kitang-kita niya ang mga pamilyar na puno at halaman na nandoon. Pati na rin ang waiting shed sa harap ng court kung saan tumatambay ang mga kalalakihan ng kanilang lugar pagkatapos maglaro ng basketball, volleyball o kahit na anong sports na maisipan nilang laruin.
Bigla siyang napaupo ng tuwid ng may makitang pamilyar na bulto sa waiting shed na kausap ang mga naka-basketball uniform.
"Iyan sana ang sasabihin ni April sa iyo kanina, matagal ng nakauwi si Nicolo sa Pilipinas."
"Akala ko ba one year ang kontrata niya?" hindi siya namamalikmata lang talagang si Nico iyong nakita niya. Six months? Ang tagal ng six months pero affected pa rin siya?
"Three months lang ang kontrata niya, sa pagkakaalam ko kaya nakauwi siya agad." Umayos siya ng upo ayaw niyang ipahalata sa pinsan niya na affected pa rin siya. Maging siya ay nagulat na ganoon pa rin ang reaksyon niya kay Nico. "Affected ka pa rin." Tudyo nito.
"Nagulat lang." stay cool Pam.
"Single pa rin siya hanggang ngayon. Pwede mo pa siyang ligawan uli." Umismid siya sa sinabi ng pinsan. Hindi kasi nito alam kung gaano kasakit mareject, kung gaano naapektuhan ang self-esteem niya sa nangyari sa kanya. Feeling niya iyong courage na nakolekta niya noong nagtapat siya ay ang courage na dapat sana ay nagspread out sa lifetime niya. Naubos iyon dahil sa maling akala.
"No thank you, I can manage."
Tumawa lang ito. "Walang mawawala sa iyo kapag sinubukan mo uli."
Umiling siya sa sinabi nito. "Iyang line na iyan ang pinakawalang kwenta sa lahat, maraming nawala sa akin Kc noong maglakas ng loob akong magtapat sa kanya. Pride, dignity, courage, self-esteem and a good friend. Iyon ang nawala sa akin at saka bakit ko naman susubukan uli kung alam ko naman na wala ring kwenta iyon?"
"Chill lang Pamela, binibiro lang kita."
"I don't like that joke. As much as possible huwag mo akong biruin ng tungkol kay Nicolo, mabait siyang tao at kaibigan hanggang doon lang."
"Fine." Anitong ipinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa bahay niya.



PAMELA is very ready to start her day, after eating her cereal and drinking her fresh milk she feels energized. First day niya sa flower shop ngayon at gusto niya ay perfect ang lahat, nabriefed na rin siya ni Kc sa schedules nila sa susunod na mga araw. Bumalik na si Kc sa trabaho nito dahil masyado na raw mahaba ang indefinite leave nito.
Bago siya lumabas ay sinipat niya ang sarili sa harap ng salamin, she's wearing a simple yellow halter top, it was a crop top. She also matched it with a white shorts and white sneakers. Hindi siya nakakapagsuot ng ganoon sa US dahil nasa malalamig na aircon siya ng pinapasukan kaya palagi siyang nakasweater. Namimiss na niya ang weather sa Pilipinas. Pakiramdam niya ay spring sa Pinas ng mga oras na iyon and feeling din niya ay isa siyang flower na namukadkad.
"And now I am comparing myself to a flower." Biro niya sa kanyang sarili. Feeling pretty and happy she went out and embraces the warmth of the sun. "Good morning." She greeted no one in particular. Sumampa na siya sa bike na naiwan ni Kc, actually, napagdesisyunan ng pinsan niya na sa bahay na rin niya umuwi. Ililipat nito ang lahat ng gamit nito sa apartment na dati nitong tinutuluyan at mas pabor sa kanya iyon lalo pa at nag-enjoy na ang kanyang lola sa mga newly found friends nito sa US, wala na itong balak na umuwi sa Pilipinas. Kung meron man babalik pa rin ito doon.
"Wow, iba na talaga ang states side. Ang sarap mong sabunutan." Sinalubong niya ng yakap si Vanessa na nasa loob na ng Blooms pagdating niya.
"Pinaghirapan ko ang hair ko, huwag mong sayangin." Kinuha niya ang paperbag na may lamang pasalubong dito. "Para sa iyo ito, huwag kang magreklamo. Poor ako sa US, wala akong trabaho doon." Excited na kinuha nito ang paperbag ng pasalubong.
"I like your outfit, mas lalo ka yatang gumanda at sumeksi. Iba na talaga kapag heartbroken." Akmang kukunin niya ang paperbag ng mailayo nito iyon. "Alis na ako, sumibat lang ako sa pet shop. Hahanapin ako ni Margareth kapag nagtagal pa ako dito."
"Dalhin mo na rin ang pasalubong ko para sa pinsan mo at pati kay Yumi. Lunch tayo later, my treat."
"Ay bet ko iyan, see yeah laters babe." Habang papalayo si Vanessa ay hindi niya napigilan na pansinin ang aura nito. Mukhang may nagpapasaya na sa kaibigan niya.
Paikot-ikot siya sa shop kung pwede sigurong yakapin ang mga halaman ay ginawa na niya, she really missed her flowers a lot. May ilang customers na rin ang dumaan at ilang orders na rin siyang nareceived through phone calls. Abala siya sa pag-uupdate ng kanilang blog at pag-veverify ng mga online orders ng tumunog ang wind chime ng kanilang shop.
"Good morning welcome to Blooms." Bati niya na hindi nilulubayan ang pagtipa sa laptop. Dahil sa abala sa ginagawa kaya hinayaan niya muna ang customer niya na magtingin-tingin ng mga halaman at bulaklak na nakadisplay doon. "Feel free to choose your order."
"Are the daffodils for sale?" muntik na siyang masamid ng marinig ang boses ni Nicolo. Iyong puso niya ay tila gustong magwala sa loob ng kanyang puso, halos hindi siya makahinga sa sobrang lakas ng pagtibok nito.
Pamela, be cool. Chill ka lang. payo niya sa kanyang sarili. Tandaan mo magwala ka man diyan o hindi, hindi pa rin niya maibabalik ang feelings mo. And that wakes her up. Dahan-dahan na nagtaas ng mukha upang harapin ang lalaking nambasted sa kanya.
"Yes, they are for sale." Nag-imaginary clap siya dahil sa kalmadong sagot niya sa tanong nito. Tumitig sa kanya si Nico at sinalubong niya ang tingin nito. Matapang na babae siya. "Ilan ang gusto mong bilhin?" Be casual.
"Mabubuhay ba sila kapag inalagaan?" tukoy nito sa mga daffodils na nakalagay sa mga maliliit na paso.
"As long as nadidiligan ng mabuti."
Umalis ka na! Taboy niya kay Nicolo dahil akala niya ay prepared na ang puso niya, akala niya ay okay na siya sa six months na hindi sila nagkita pero hindi pa pala. Nagpahinga lang ang puso niya kaya ngayon nagkakandarapa na naman siya.
"Bibilhin ko ang lima, may iba pa ba?" umiling siya.
"Sobra kasi siya sa ginawa nilang souvenir para sa isang kasal." How can they talk like this? How can he act like he didn't reject her six months ago? "Ilalagay ko lang sa paperbags. Individual bags per pot ba ang gusto mo?"
"Kahit na ano." Anitong hindi siya nilulubayan ng tingin. Tumayo siya upang kumuha ng mga paperbags at napansin niyang nakasunod sa kanya ang tingin ng binata.
Remember Pamela, huwag bigyan ng mening ang mga ginagawa niya. Walang meaning iyan.
"Mukhang nasanay ka na sa US pati damit mo nakuha mo sa kanila." Tinaasan niya ng kilay ang lalaki dahil bakas ang disgust sa boses nito.
"Kung anuman ang isuot ko choice ko iyon at hindi dahil nahawa na ako sa pinanggalingan kong bansa." Mabilis niyang naipasok sa paperbag ang mga bulaklak.
"Huwag kang lumabas ng nakaganyan lang."
Ano bang pakialam nito sa suot ko? "Nakalabas na ako ng ganito and so far buhay pa naman ako." Ibinigay niya ang paperbag sa lalaki. "Three thousand seven hundred fifty." Masama pa rin ang tingin nito sa suot niya habang siya ay piniling magchill lang at hindi ito pansinin. Pagkatapos makuha ang bayad ay hinintay niyang umalis na ito pero nakamasid lang ito sa kanya. "Kung wala ka ng i-oorder pwede ka ng umalis."
"Bakit ngayon ka lang?"
"Magco-close na ang shop-."
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko Pamela? Bakit hindi ka naglolog-in sa mga social media accounts mo? Bakit ngayon ka lang dumating?" sunod-sunod na tanong nito.
Inis na hinampas niya ang mesa and silently cursed the guy. "Magco-close na kami ng shop, kung may order ka pa bumalik ka mamaya after lunch break. We can't cater your orders right now and thank you for buying." Kinuha niya ang bag at naunang lumabas. Nakasunod si Nicolo sa kanya at sinadya niyang hindi ito pansinin pagkatapos isara ang main door ng Blooms.
"Pamela, let's talk."
"It's lunch break."
"Kaya nga mag-usap muna tayo." Inilapag nito sa ibabaw ng kotse nito ang mga halaman na binili.
"Lunch break meaning it is 'my time' bawal magtanggap ng orders kapag on-break." Sumampa siya sa kanyang bike at alam niyang hindi siya nito mapipigilan.
"Pamela!" tawag nito sa kanya bago siya makalayo. "Do you know what daffodil means?" Pinili niyang huwag pansinin ang tanong nito. Naiinis siya dito, bakit kailangan pa siya nitong tawagan? Gusto ba nitong ipaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit siya nito ini-reject? Hindi siya bobo, alam naman niya ang rason. Bahala siya sa buhay niya. And of course she knew what Daffodils mean, it means 'new beginning'.

<3 <3 <3
Love,
Inang

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang