Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 17- Forget-me-Not



17- Forget me Not
"BAKIT ka ba nagmamadali? Bukas pa naman ang alis ni NIcolo, may time ka pang ipagtapat sa kanya ang feelings mo. Right now, ayusin muna natin itong event na ito." gusto niyang sakalin ang pinsan niyang si KC na kanina pa siya pinipigilan na umalis.
"Baka mahirapan na akong ipagtapat sa kanya ang dapat kong sabihin mamaya. Naiwan ko pa ang cellphone ko." Inis na piksi niya dito.
"Pam, sa pagluluto kapag masama ang loob mo ay nawawalan din ng lasa ang pagkain parang sa pag-aarrange lang ng mga flowers iyan. Kapag hindi ka focus ay maa-out of focus din ang harmony ng mga bulaklak na ina-arranged natin." Sermon nito sa kanya. Napakamot siya ng batok sa sinabi nito. She hates to admit ito but her cousin was right. May trabaho siya at dapat focus muna siya sa kanyang ginagawa, hindi niya pwedeng ihalo ang personal na buhay sa kanyang trabaho.
"Kailangan kong matutunan ito sa iyo or else babagsak ang negosyo mo pagbalik mo." Paalala nito sa kanya. Muntik ng mawala sa isip niya na susunod na linggo ay aalis siya papuntang Amerika dahil naka-schedule siyang bisitahin ang kanyang mga magulang and at the same time ay ihahatid niya ang kanyang lola doon. Na-approved na ang mga papeles nito at isang buwan niyang maiiwan ang Blooms kaya tinawagan niya ang pinsan niya na naka-leave sa trabaho upang tulungan siya.
Naghahanap din ito ng pwedeng pagkaabalahan habang naka-indefinite leave. Willing naman itong tumao sa shop given na itetrain muna niya ito.
"Sige na, gawin na natin ito." wala siyang nagawa kundi ang ifocus muna ang sarili sa pagtatrabaho at pagtuturo ng kung ano ang dapat gawin nito. She hates it when she feels like she was forced to do things and she still has a lot of things to do like confessing her love to Nicolo and finding her freaking cellphone!
Pasado alas cinco na ng hapon ng sa wakas ay natapos ang event at pwede na siyang umalis. But she feels so drained and tired, halos hindi na niya mai-angat ang katawan sa inuupuan sa sobrang pagod. Nangangalay na ang kanyang mga binti at ang kanyang mga braso.
"Sabay ka na sa delivery van na maghahatid sa mga gamit sa Blooms." Suhestiyon ni KC na nagpresentang maiwan kasama ang iba pang staffs at mauna na siya. Naawa na yata ito sa kanyang hitsura.
"Sige, sabay na ako." Dali-daling sumakay siya sa van upang makabawi ng lakas. Pagdating nila sa Blooms ay agad siyang sinalubong ni April.
"Ate Pamela bakit ngayon ka lang?"
"Anong meron?" pagod na tanong niya.
"Hinahanap ka ni kuya Nicolo kanina, magpapaalam siya sa iyo dahil na-advance ang pagsampa niya sa barko. Dapat ay bukas pa pero na-resched."
"What!?" biglang bumalik ang nadrained na energy niya sa sinabi ng assistant.
"Kanina ka pa namin hinahanap."
"Nawala ko ang cellphone ko, hindi ko matandaan kung saan ko nailagay. Saan siya? I mean nasaan siya?"
"Nasa bahay niya, tatlong beses na siyang nagpunta dito nagbabakasakaling magkita kayo."
"Darn it!" hindi napigilang mura niya. "Dito ka muna, ikaw na muna ang bahala sa mga gamit pupuntahan ko muna siya."
"Go ate, ako na muna dito."
Mabilis na tinakbo niya ang bahay ni Nicolo, kaya lang pagdating niya doon ay patay na ang mga ilaw at sarado na ang pintuan at ang mga bintana.
"Nico!" tawag niya dito kahit na alam niyang imposibleng may sumagot sa kanya. "Nicolo!"
Beep!
"Ay pusa!" bulalas niya ng may nabeep sa likod niya. Lumabas mula sa sasakyan si NIcolo wearing his white uniform making him really look so good to be real. Bagay na bagay dito ang suot nito.
"Pamela, akala ko hindi na ako makakapagpaalam sa iyo."
Ang gwapo mo sa uniform mo. Iyon sana ang gusto niyang sabihin, unfortunately hindi niya mahanap ang kanyang dila. Nasaan na nga pala iyong baldeng tapang na naipon niya kagabi? Nakalimutan niyang dalhin ngayon.
"Kanina pa kita tinatawagan pero out of coverage area ka o kaya naman ay currently not available." Dugtong nito.
Saan nga ako magsisimula? Dapat bang sabihin ko na huwag ka munang umalis. O, kaya naman ay, mahal kita.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi ako okay at kahit kailan ay hindi ako magiging okay.
"Pam?"
"B-bakit mo ako hinahanap?" finally!
"Gusto kong magpaalam sa iyo."
"Nakapagpaalam ka na kagabi hindi ba?"
"Did I?" Did he? "Sinabi lang sa iyo nina Dayve na aalis ako pero hindi ako pormal na nakapagpaalam sa iyo. Ayokong magpaalam sa iyo sa harap nila." Lumapit ito sa kanya at ang bawat pulgadang paglapit nito sa kanya ay katumbas ng isang daang pag-asa sa puso niya.
"Bakit naman?" Please tell me you have feelings for me.
"Kasi kaibigan kita."
Nakapinid ang labi niya ng marinig ang sinabi nito. Friends? Darn it!
"And you are special to me." ngumiti ito sa kanya and the urge to slap his face really hard is there but she doesn't have the rights to do that.
"Special child?" she joked. Tumingin ito sa relo nito.
"Male-late na ako Pam, usap tayo pagbalik ko." Paalam nito sa kanya.
"Iyon lang ang gusto mong sabihin pagkatapos mo akong hanapin sa Blooms ng tatlong beses?" feeling desperate she finally found her bucket of courage she misplaced earlier. This time ito naman ang napakunot ang noo. "Paano kung sabihin ko sa iyo Nicolo na hindi lang basta kaibigan ang tingin ko sa iyo?"
Mas lalong napakunot ang noo nito sa sinabi niya habang siya naman ay wala ng pakialam sa sasabihin niya. Gusto lang niyang ilabas ang noon pa man ay nasa loob na ng kanyang puso.
"Pam-."
"Sandali lang Nico, two minutes. Bigyan mo ako ng dalawang minuto." She took a deep breathe and release it slowly. "I love you Nico." Halata ang gulat sa mukha ng lalaki. "I don't know when and where it started, cliché man sa pandinig mo pero iyon ang tunay na nararamdaman ko. Matagal na kitang gusto pero hindi ko masabi dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin. I never had a male friend. Akala ko noong una ay fascinated lang ako sa ideyang may kaibigan akong lalaki but you were always there to rescue me. Matagal na akong sanay ng mag-isa. Kaso bumalik ka sa buhay niya Yumi, ginulo mo ako sa flowershop ko. Ikaw ang unang lumapit sa akin at ayon nahulog ako ng hindi ko napapansin."
She continued, "Your mere existence makes me realized that it was never okay to be alone, that I needed someone like you. Iyong nakakausap sa mga nonsense na mga bagay, iyong masaya lang kahit geographic at discovery channel ang pinapanood. Iniiwasan kita dahil natatakot akong kapag mas lalo akong napalapit sa iyo ay mas lalo akong mahulog sa iyo. Ayokong mangyari iyon dahil sa simula pa lang alam ko naman kung sino ang gusto mo. Alam kong ginagamit mo lang ako para mas lalo kang mapalapit kay Yumi. Sa simula pa lang alam kong siya lang ang gusto mo. Pero bakit kahit na alam kong siya ang mahal mo ay tumibok pa rin ang puso ko sa iyo? Ang unfair, hindi ba?"
Bakas na bakas sa mukha nto ang gulat, ang pagdadalawang isip, ang gulo. "Pam." Hirap na sambit nito sa kanyang pangalan.
"Nico, hindi ako magagalit sa iyo gusto ko lang malaman para sa ikakatahimik ng utak ko." Kung sa battery, five perent nalang ang tapang na meron siya at totally drained na talaga siya. "Hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin?" and that' it. That's her last pull. Iyon ang pinakamahirap na tanong na pwede niyang itanong dito. Hindi niya inalis ang tingin sa mga mata nito, she saw torture on it.
"Pamela." He closed the distance between them and her heart races wildly as he pulled her closer for a hug. "I'm sorry." Two words. Dalawang salita lang iyon but it clears everything. Hindi na kailangan ng mahabang sagot dahil sapat na iyon. Sapat na para tuluyang mabasag ang puso niya at maubos ang tapang niya. She's dead batt already. "You are sweet and you are nice. Marami ang lalaking magkakagusto sa iyo."
How can he be so cruel? Please, anyone. Kung may alam kung paano patigilin ang sakit sa puso niya at ang pagtulo ng kanyang luha pakibulong sa kanya.
"At hindi ka kasali sa maraming lalaking iyon, right?" hindi ito sumagot sa kanyang tanong bagkos ay niyakap at hinalikan siya sa noo.
"I am sorry Pam." She hugged her tight not wanting to let him go, gusto niyang yakapin ito ng mahigpit hanggang sa maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya.
"Mahirap talagang kalimutan si Yumi, ano?" sinubukan pa niyang magbiro dito pero hindi naman siya natawa sa sariling sinabi. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya dito bago dahan-dahang kinalas ang braso mula dito at itinulak ito patalikod sa kanya. "Alis na Nico, male-late ka na. I am sorry for taking much of your time. Sige na umalis ka na." akmang lilingon ito sa kanya ng pigila niya. "Huwag Nico, huwag mo muna akong tingnan." Ayaw niyang makita nito ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
"Naubos na ang energy ko kapag tiningnan mo pa ako ngayon ay hindi na ako makabawi, kailangan ko pang maglakad pabalik sa shop. Alis na."
Mali si Yumi, walang gusto si Nicolo sa kanya. Mali ang napapansin nito talaga lang mabait si Nico at siya lang itong nagbibigay ng kahulugan sa lahat ng ginagawa nito. Siya lang itong tanga na nahulog dito. Dahan-dahan itong naglakad pabalik sa sasakyan nito at ginamit niya ang oras upang makatakbo palayo dito. Lilingon kasi ito kapag nakabalik na sa kotse dahil nakaharap sa kanya ang manibela, mabilis siyang tumakbo, mabilis siyang sumuksok sa kung saan siya pwedeng makapagtago habang hinihintay ang pag-alis ng binata.
Hindi niya maalala kung iniyakan ba niya ang ex-boyfriend niya ng ganito, o kung nasaktan ba siya ng ganito. Sabi nila, don't do unto others what you don't want others to do unto you. In short, karma is a bitch. Ito na yata ang karma niya sa pangungurakot sa pitaka ni Nicolo at ni Earl dati. Karma is indeed one hell of a bitch.
Ang nakakatawa pa ay may mga bulaklak ng forget me not sa kanyang tabi. Ang mga bulaklak na dapat titigan ng mga nawalan ng importanteng tao sa buhay nila, sa kanya nawala ang pinakaimportanteng bahagi ng katawan niya at iyon ay ang kanyang puso. Dear heart, forget me not. I am sorry for the torture huwag kang mag-aalala babawi din tayo, makakabawi ka rin.
Hindi ang isang simpleng kasawian sa puso ang makaka-stop sa buhay niya. She will continue to go on like nothing happened... like nothing happened.


<3  <3 <3
a/n: Happy reading!!!

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang