Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 16- Protea

16- Protea
"UHMN, HI!" Awkward ang feeling niya habang nakasalubong sa harap ng basketball court si Nicolo. May bitbit itong bola kasama ang mga kaibigan nitong kalaro marahil nang binata. Nagkabati na silang dalawa pero hindi nawala sa kanya ang 'nahihiyang' feeling. Mahirap nga yatang itratong normal ang isang tao lalo na kung may feelings ka dito.
"Good evening Pamela, saan ka galing?" iniwas niya ang tingin mula kay Nicolo na kunot-noong nakatitig sa kanya na para bang may nagbago sa kanyang mukha. Magkadugtong ang dalawang makakapal na kilay ng lalaki at kanina pa siya sinusuri na parang microscopic fungus na nananalanta sa mga oras na tanim ng isang flower farm. Mabuti nalang at binati siya ni Earl or else kumaripas na siya ng takbo. She needs to be normal, freaking normal!
"Sa isang birthday event, kami ang nagservice for the flower arrangement."
"Pauwi ka na ba? Sama ka sa amin, manglilibre si Nicolo." Ani ng isa pa niyang kapitbahay. Instinct na bumalik ang tingin niya sa binata. "Farewell party niya."
"Fa-farewell?" she almost stuttered. Hindi kasi niya expected ang balitang iyon. "Aalis ka?" she wants to applaud herself for asking him as if it doesn't really matter. But hell with it, it matters!
"Sasakay uli ako sa barko sa susunod na araw." Maiksing sagot ng binata. May kung anong lungkot na bumalot sa puso niya sa sinagot nito, wala siyang karapatan na malungkot dahil una sa lahat ay hindi naman niya ito boyfriend o anuman.
"Ah, ganoon ba? Von voyage!" binigyan niya ito ng isang simpleng ngiti. "Pero pass muna ako sa farewell party mo, may kailangan kasi akong puntahan ngayon."
Siya lang ba o may nakita siyang dumaan na lungkot sa mga mata nito? Naghahallucinate na nga talaga siguro siya at kung anu-ano na ang pumapasok sa utak niya. Ganito pa naman ang sakit ng babaeng may feelings sa isang tao, akala mo lahat ng pinapakita ng lalaki ay may meaning na diretsa sa iyo pero ang totoo wala naman pala, nakakaasar at nakakainis lang talaga.
"Sige, mauna na ako sa inyo. Enjoy your party." Walang lingon-lingon na umalis siya sa harapan ng mga lalaki. Tutungo sana siya sa Blooms pero biglang nagbago ang kanyang isipan at sa halip sa bakeshop nina Yumi siya napunta. Nadatnan niya doon ang magkasintahan na may sariling mundo na.
"Sir Howard, pahiram muna kay Yumi."
"Okay ka lang Pamela?" takang tanong ng gwapong propesor na kasintahan ng kanyang kaibigan. Mabilis siyang umiling ng ilang beses.
"I am not okay, I am heart broken." Kung paano niya naisigaw iyon sa harap nito ay hindi niya alam. Basta nalang iyong lumabas sa kanyang mga labi. Nagkatinginan ang magkasintahan at lumabas si Howard kaya naiwan silang dalawa sa loob ng bakeshop.
"What's wrong?"
"Yumi, I am inloved with your ex-boyfriend." Buong tapang na pahayag niya sa kanyang tunay na nararamdaman. Ito ang unang pagkakataon na inamin niya ang kanyang tunay na nararamdaman sa isang tao. Akala niya ay magugulat si Yumi pero hindi gaya ng inaasahan niya ang naging reaksyon nito. Ngumisi si Yumi sa kanya.
"Akala ko pa naman kung ano ang problema mo. Ano naman ngayon kung in love ka kay Nico."
"A-alam mo?" gulat na tanong niya.
Mahina itong bumuntong-hininga. "Ikaw nalang yata ang wala pang alam Pamela pero halos alam na ng buong subdivision na may crush ka kay Nico." Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.
"A-ano?"
Kiming-ngumiti ang kaibigan na para bang tinatantiya ang kanyang mararamdaman. "Pamela, ikaw ang isa sa pinaka-transparent na tao na kakilala namin. Lumalabas sa mukha mo kung ano ang nararamdaman mo, kung galit ka, masaya ka, malungkot ka o kaya naman ay in-love ka. Ikaw ang klase ng taong hindi magaling magsinungaling at magtago ng nararamdaman. At matagal na naming napapansin ang kakaibang tingin mo kay NIcolo, pati na rin ang mga palihim na sulyap mo sa kanya kapag magkasama kayo. Napapansin namin iyon." Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa sinabi nito. Buong akala niya ay naitago niyang mabuti ang nararamdaman niya sa binata pero heto at may isang gumising sa kanya.
"Ibig sabihin alam din ni NIco?"
Umiling si Yumi. "Alam na ng lahat maliban sa inyong dalawa. Dense din kasi si Nicolo, mabait na tao si Nico at alam kong alam mo rin iyan. Hindi niya nilalagyan ng malisya ang pakikitungo ng ibang tao sa kanya. Kapag mabait ka sa kanya ay magiging mabait din siya sa iyo."
Mas lalong hindi naging maganda ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Para na rin kasi nitong sinabi na naging mabait lang sa kanya si Nicolo dahil mabait siya dito dahil may feelings siya sa lalaki.
"Don't get me wrong Pamela. Kahit na noon pa man ay ganoon na talaga si Nico. Madalas ko siyang batiin dati kaya akala niya ay mabait ako, iyon ang naging dahilan kung bakit niya ako niligawan at naging kami. I doubt it if he really loved me before-."
"He loves you, Yumi." Agad na sansala niya sa sinabi nito. "Alam kong mahal ka niya dahil kung hindi ka niya mahal hindi ka niya babalikan. At kung hindi sana siya bumalik sana ay hindi magugulo ang tahimik kong mundo. Okay na sana ako eh. Okay na akong kasama ang mga halaman ko at sa trabaho ko pero dumating pa rin siya." May halong paninisi sa boses niya. Hindi siya galit kay Yumi dala lang siguro ng kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon ang lumalabas sa kanyang mga labi. Ayaw ng magfunction ng tama ang kanyang utak.
"I am sorry Yumi, I didn't mean to underestimate NIcolo. Maybe he loved me but it wasn't enough to pursue me. Baka naligaw lang ang utak niya sa akin at sa ibang daan naman nagtungo ang puso niya."
"That's nonsense. Pareho nating alam na ang utak ang nagdidikta kung sino ang magugustuhan natin at hindi ang puso. You know, heart pumps blood iyon ang trabaho niya at ang pagpili sa taong mamahalin ay ang utak ang nagdedesisyon."
"Pamela, love is magical. Malay natin kapag nagmahal tayo ay nagkaka-isip ang puso natin at iyon na ang nagdedesisyon para sa atin."
"Yeah right and plants can talk now."
"Binibiro lang kita dahil masyado kang seryoso."
"Ayokong mahalin si NIcolo. Ex-boyfriend mo siya."
"At ano naman ang masama kung ex-boyfriend ko siya? Wala na naman kami, sobrang tagal na. halos hindi ko na nga matandaan ang dahilan kung bakit ko siya sinagot dati at kung bakit ko siya nagustuhan? People change from time to time at sigurado akong matagal ng walang feelings si Nicolo sa akin."
"Lie." Sagot niya. "Nakikita ko kung paano ka niya titigan."
Malakas itong napabuntong-hininga. "Ay ewan ko sa iyo Pamela, ikaw din ay isang malaking manhid. Kung hindi mo napapansin ikaw ang babaeng binibigyan ng oras at panahon ni Nicolo. Alam din namin na binisita ka niya sa bahay mo para alagaan. Hindi pa ba obvious iyon? May gusto sa iyo si Nicolo." Frustrated na ani nito sa kanya.
Pumasok sa isip niya ang sinabi ni Yumi at kahit na gaano kalaking imposible iyon ay parang may lightbulb na naglight-up sa kanyang utak.
"He likes me?"
"Yes." Confident na sagot ng kanyang kaibigan.
"Sinabi ba niya iyon sa iyo?"
Umiling si Yumi. "Hindi. Pero halata naman iyon kaya hindi na kailangan ng confirmation."
Talaga nga kayang totoo ang sinabi ni Yumi sa kanya. Possible ba talagang magustuhan siya ni Nicolo ng mas higit pa kay Yumi?
"I want to tell him how I feel."
"Tell him, no one is stoping you my friend." Anitong sobrang laki ng ngiti.
"Pero nakakahiya." Yumi rolled her eyes at her.
"Alam kong pinalaki ka ng lola na mo na maging dalagang Pilipina at hindi masama iyon. But yo know, love is a very complicated feeling. Hindi lang basta-bastang nakukuha habang nakaupo ka, kailangan may gawin ka rin. Ang mundo ngayon ay hindi na katulad ng mundo dati, everything is changing and we need to adapt with the change or else maiiwanan ka. There are things that are worth risking for. Walang mawawala sa iyo kapag sinabi mong may nararamdaman ka sa kanya."
"Meron, pride ko."
"Magpapalamon ka ba sa pride mo kung kapalit ay ang habang buhay mong kaligayahan? Look at me Pamela, hindi ako nakaupo sa isang tabi at naghintay sa prince charming na sasagip sa akin. I worked hard for my happy ending."
"Matagal ng may gusto si Howard sa iyo kaya kahit wala kang gawin ay darating pa rin siya sa buhay mo."
"But I didn't let him. Hindi lang ako umupo, sinalubong ko siya. It takes two to tango, he can't dance alone. Kaya kung ako sa iyo, para matigil na iyang pagsesentir mo diyan ipagtapat mo kay Nico ang feelings mo sa kanya."
"Pa-paano kung hindi naman talaga niya ako gusto at nag-assume lang tayo?"
"At least sinabi mo. Makakatulog ka ng maayos sa gabi na magaan ang loob dahil nasabi mo sa kanyang mahal mo siya. Keysa naman habang buhay mong pagdurusahan na hindi mo sinabi ang tunay na nararamdaman mo sa kanya." Yumi's encouragement gives her hopes, a lot of hopes. May punto din naman ang kaibigan sa sinabi nito.
Sigurado siyang kapag umalis si Nicolo na hindi niya nasasabi ang feelings niya dito ay hindi siya makakatulog ng maayos sa kakaisip sa kung ano ang mangyayari kung sinabi niya sana ang tunay na nararamdaman niya dito.
"Okay."
"Ha?"
"Salamat, Yumi. Aalis na ako sa comfort zone ko, sasabihin ko kay Nico na may nararamdaman ako sa kanya na mahal ko siya."
"Pwede mo rin siyang hintayin sa pagbabalik niya. Isang taon lang naman ang kontrata niya tapos ay babalik na siya dito."
Umiling siya. "I need to do this, this is for my own good." Pinal na desisyon niya. "I never had a serious relationship Yumi. IYong ex-boyfriend ko ginamit lang ako dahil may crush sa pinsan ko at kahit na alam koi yon ay nagsige pa rin ako at pinatulan ko pa rin. Noong nakipaghiwalay na siya sa akin ay hindi ako nagreklamo, hindi ako nakipaglaban. I never said I love you to him, not even once maybe because I was never really in loved with him. But Nicolo is different I do love him, kaya kahit na tanggapin man niya o hindi ang feelings ko hindi na iyon importante." That was a lie, kung hindi tanggapin ni NIcolo ang nararamdaman niya ay masasaktan siya ng husto. "I need to do this."
Tumayo siya at mabilis na nagpaalam sa kaibigan. Hindi siya pwedeng magmukmok sa isang tabi na walang ginagawa. Agad niyang nahanap ang mga kalaro ni Nicolo na nasa labas pa ng basketball court.
"Where's Nicolo?" humahangos na tanong niya sa mga ito.
"There." Nainis siya sa mga ito ng sabay-sabay na nagsituruan sa iba't ibang direksyon.
"Saan ba talaga?"
"Doon nga siya nagpunta."
"Boys!" namumula na ang pisngi niya sa frustrations.
"Umuwi muna siya Pamela, nandoon kasi ang parents niya sa bahay nila. Bukas na daw niya kami ililibre." Finally, Earl had spoken. Ito lang yata ang natitirang matino sa grupo ng mga ito.
"Salamat."
"Uy, Pamela magtatapat ka na ba sa kaibigan namin?" nakangising tanong ni Dayve, isang baliw.
"None of your business."
"Business din namin ang gagawin mong pagtatapat sa kaibigan namin dahil kapag nagka-girlfriend iyon ay hindi na iyon manlilibre."
"At masarap ang pagkain kapag libre."
"Hindi na rin kami makakatambay sa inuman sa bahay niya--- uy, wait. Sige magtapat ka sa kanya at gawin mo siyang syota."
"Kahit kailangan talaga Nash wala kang class." Reklamo ni Dayve. "Boypren dapat at hindi syota. Jologs ka talaga." At sa isang iglap lang ay nag-ingayan at nag-away-away na ang mga ito. Wala na siyang narinig na matino sa mga ito kaya naisipan niyang lumisan na lang.
"Pamela, sandali lang." habol sa kanya ni Earl. May inabot ito sa kanyang pink na bagay. "May nakapagsabi sa akin na ang protea daw ay sign ng hope and courage. Take this, baka makatulong ito sa pagtatapat mo."
Ngumiti siya kay Earl na kahit papaano ay naging kaibigan na rin niya, hindi na niya pinapatungan ang mga binibiling bulaklak nito.
"Salamat, Earl."
With all these people, the flower and the feeling of courage conspiring she collected an ample of energy for her to tell Nicolo her feelings. Bukas ay sasabihin niya bago pa ito umalis. A little more wait will do.


<3 <3 <3
a/n: Enjoy reading this story babies!

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang