Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 15- Pink Carnation

15- Pink Carnation
MABIBIGAT ang mga dalang halaman ni Pamela at sa kasawiang palad kahit kanina pa siya naghahanap ng pwedeng maghatid sa Blooms ay parang pinagkaisahan siya ng mga tao at walang dumadaang sasakyan.
"Kasalanan mo kasi iyan Pamela sana ay pumayag ka ng ihatid ng mga kasama mo sa simbahan." Pangaral niya sa kanyang sarili. Galing siya sa isang kasalan para magdesign sa simbahan at sa reception. Pagkatapos na maiayos ang lahat ay nagpasya na siyang umuwi wala siyang balak na mag-stay doon at manood ng mga madramang kasal.
Narinig niya ang masayang sigawan ng mapadaan sa may basketball court kaya bahagya siyang napasulyap doon. Mukhang may liga na naman na nangyayari, sa isang tabi ay mga ilang teenagers na babae na nakasuot ng volleyball uniform habang sa gitna ay ang mga kalalakihang masayang naglalaro ng basketball. Kusang tumalon ang puso niya ng makita ang lalaking ilang araw na rin na hindi nagpapakita sa kanya. Kusa din siyang nalungkot sa ideyang mukhang nakalimutan na talaga nito ang existence niya.
"Go!" wala sa sariling bulong niya ng makuha ni Nicolo ang bola at magthree points it, kinabahan pa siya ng tumama muna iyon sa gilid ng ring bago na-shoot. Bigla itong lumingon sa gawin niya at nagtama ang kanilang mga mata pero wala pa ni isang Segundo ay agad naman itong nagbawi ng tingin na para bang hindi siya nakita. "Aw." Mahinang bulong niya kasabay ng pagbilis ng kanyang lakad. "Medyo masakit friend." Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. "Go lang." she tried pushing herself up, hindi pwedeng magpadala siya sa nararamdaman niya.
Too much feeling is dangerous for her health.
"Ate Pam! Bakit ang dami mong dala?" bulalas ni April ng makita siyang papasok ng Blooms dinaluhan naman siya ng kanyang assistant. "Wala bang nakakita sa iyo sa labas at tinulungan ka? Gosh, saan na ang mga gentleman sa mundo?"
"Pagmamay-ari na ng iba." Biro niya. Kunot-noong tumingin ito sa kanya. "What?"
"Umiyak ka ba ate?"
"No."
"Akala ko umiyak ka."
"Pinagpapawisan ako ng sobra, hanggang sa may gate papunta dito ako naglakad. Ang hapdi ng pawis kapag pumapasok sa mata." Kinusot pa niya ang namumulang mga mata. "May naghanap ba sa akin?"
"Si ate Vanessa, huwag mo daw kalimutan ang birthday niya."
"Birthday?!" tumaas ng ilang decibels ang tono ng boses niya sa sinabi ni April. "My gosh! Muntik ko ng makalimutan." Ngumisi naman si April sa kanyang naging reaksyon.
"Mabuti nalang talaga at mabait ako, ate Pam. Dapat bigyan mo ako ng increase." Mayabang na ani nito.
"Kapag nagkalovelife ako dadagdagan ko ang increase mo." Nagningning ang mga mata ng kausap sa kanyang sinabi.
"Kailan ka magkakalove life?"
"Kapag may apo ka na." agad din itong sumimangot. "Pupuntahan ko muna si Vanessa at magclose ka ng shop ng mas maaga para makahabol ka sa party."
"Ay, dito lang ako ate. Dinalhan na ako ni ate Vanessa ng food noong nagpunta siya dito pero sinabi niyang sa akin lang daw iyon at kailangan mong magpunta doon."
Kumuha siya ng ilang magagandang bulaklak at mabilis na nag-arrange sa isang cute na pot. Paborito ni Vanessa ang mga bulaklak na pinili niya, inilagay din niya iyon sa isang magandang box. Marami na ang nakaprepare na mga box for the flowers sa shop dahil marami na ang nag-orders ng mga bulaklak para sa nalalapit na valentines day.
"Mauna na ako April." Paalam niya dito. Nagwave lang ang assistant sa kanya bago siya lumabas ay sinigurado niyang well-equiped siya. Nasa teyga niya ang kanyang mga headpieces at halos naka-full volume na ang settings ng kanyang cellphone. Sinigurado niyang nakakawala ng ulirat na kanta ang nasa kanyang playlist. May palagay siyang kailangan niya iyon lalo pa at kailangan niyang bumalik muli sa court dahil malapit lang doon ang pet shop ni Vanessa at ng pinsan nitong si Margareth.
At hindi nga siya nagkamali sa kanyang naisip dahil kalalabas lang mula sa court ang mga naka-unipormeng basketball players at sa gilid ng kanyang mga mata ay agad na nahagilap niya si Nicolo na masayang kausap ang mga kalaro nito.
"Lakad lang Pam." Bulong niya sa kanyang sarili. Mabuti nalang talaga at natrain na niya ang sarili na maglakad na isang direksyon lang ang nakikita at iyon ang kanyang ginawa. May narinig siyang tumawag sa kanya pero hindi siya lumingon. Pawis na pawis siya ng makarating sa pet shop ni Vanessa, may ilang nandoon na at nakikikain.
"Nandiyan na si Pamela." Tawag ni Yumi sa kanya. Kumaway siya sa kaibigan, kahit na pinagseselosan niya ito ay kaibigan niya si Yumi. Kasalanan niya kung bakit nagkagusto siya sa ex-boyfriend nito, ika nga nila, no hard feelings. "Pam, bakit ang tagal mo. Malapit na nilang maubos ang cake."
"May pinuntahan kasi akong kasal kaya medyo natagalan. Nasaan si birthday girl?"
Dinala siya ni Yumi sa loob at nadatnan niya ang nakabusangot na si Vanessa. Alam niya kung bakit nagkandahaba ang nguso nito.
"Pwede ng sabitan ng kaldero iyang nguso mo Vanessa." Ibinigay niya ang gift niya dito.
"Pakisabi iyan sa nanay ko at sa buong angkan ko." Isa sa pinaka-ayaw ni Vanessa ay ang magcelebrate ng birthday. Palagi kasi itong tinutukso na tumatandang dalaga. Twenty-seven pa lang naman si Pamela, ka-edad lang sila actually. Kaso ang nanay ng kaibigan kulang nalang ay isali sa raffle draw at gawing premyo ang anak para lang magkalove life. Si Vanessa at si Margareth nalang ang natitirang single sa angkan ng mga ito kahit na iyong mga bunsong pinsan ng dalawa ay may anak at asawa na. Tila isang sumpa ang maging matandang dalaga sa pamilya nito.
"I-enjoy mo nalang ang single blessedness day mo." Biro niya dito. "Baka this year ay magkalove life ka na." tukso pa niya.
"You wish." Ipinatong ni Vanessa ang gift niya sa ibabaw ng mesa nito.
"Feeling ko nga magkakalovelife ka na talaga Van-Van, strong ang feelings ko." Strong din ang pagkakasabi ni Yumi kaya natawa siya. "Huwag mo akong pagtawanan dahil pakiramdam ko rin ay magkakalove life ka na."
"Impossible." She dismissed the topic. She doesn't want to open anything that reminds her of her recent heart aches.
"Nandito na si Howard babes ko at ang mga kalaro niya sa basketball, babatiin ka nila Vanessa."
"Hindi ko debut kaya pakainin mo nalang sila."
"Ano ka ba? Maraming singles sa team ni Howard sunduin ko lang sila." Dumagundong ang puso niya sa sinabi ni Yumi dahil kung hindi siya nagkakamali ay si Howard ang tumawag sa kanya kanina pero hindi lang siya nakinig. Pagkalabas ni Yumi ay natatarantang naghanap siya ng pwede niyang labasan pero nasa pinakasulok sila ng pet shop at ang nag-iisang paraan upang hindi niya makita si Nicolo ay ang magtago.
"Vanessa, please hide me for a while."
"Ano-."
"Huwag kang maingay, sabihin mo kay Yumi na umuwi na ako. Please." Dali-dali siyang nagtago sa ilalalim ng mahogany table nito, mabuti nalang at kasya siya.
"Nasaan si Pamela?" boses iyon ni Yumi.
"Ha? Umuwi na."
"What? Ang bilis naman niyang umuwi, matawagan nga." Agad niyang kinuha ang cellphone mabuti nalang at attached iyon sa headsets niya kaya kahit na tumawag si Yumi ay hindi iyon mag-iingay. But better safe than never, she put it on an airplane mode.
"Happy birthday Vanessa, makikikain lang kami dito." Boses iyon ni Earl.
"Nasa labas ang pagkain doon kayo kumain." Nagtawanan at nagbiruan pa ang mga bumati kay Vanessa, hindi niya narinig ang boses ni Nicolo.
"Nico, Yumi is already taken. Huwag mo ng titigan iyan baka masapak ka ni Howard."
"Ang swerte mo 'tol." That's Nico's voice. God! Pwede bang magteleport pauwi sa bahay ko?
"Finder's keepers." Sagot ni Howard.
Alam niyang sa simula pa lang ay si Yumi ang gusto ni Nico, nandoon pa nga siya upang tumulong sa panliligaw nito. Saksi siya kung paano titigan ng binata ang kaibigan at dapat pinasok na niya sa isip iyong wala talaga siyang pag-asa dito.
"Maghanap ka ng tulad ni Yumi." Suhestiyon ni Vanessa.
Tumawa lang ang lalaki. "Mahirap maghanap ng katulad ni Yumi, she's one of a kind." Bakas sa boses nito ang panghihinayang.
"Ang haba ng hair mo girl."
"Of course." Biro ni Yumi sa sinabi ni Vanessa.
Nagkayayaan na lumabas ang mga ito upang kumain, naiwan si Vanessa na umupo sa silyang nasa harap niya. Sa nanlalabong mga mata ay kinuha niya ang panyong ibinigay nito at pinahid ang namumuong luha doon.
"Hindi mo na kailangan pang magtago sa akin ng tunay na nararamdaman mo Pamela." Umupo ito sa tabi niya sa ilalim ng mesa. May bahid ng lungkot din sa mga mata nito.
"Ssshhh."
"You need to tell him."
"Para saan? Para masaktan?"
"Para malaman niya at magawan niya ng paraan." Agad siyang umiling sa sinabi nito.
"Nagawan na niya ng paraan kahit hindi ko pa aminin, hindi na niya ako pinapansin." Mahina itong pumalatak.
"Siya naman ang nawalan." Hindi niya alam kung para kanino ang sinabi nito, kung para sa kanya o sa sarili nito.
"May nangyaring ganitong eksena sa flower shop ko before, may nagtago din sa ilalim ng mesa ko at umiyak dahil sa nasaktan puso."
"Anong nangyari?"
"Nagkatuluyan sila ng iniyakan niya."
"Baka isa din sa atin ay may ganyang kapalaran."
"Alam mo naman magaganda lang tayo pero hindi tayo iyong tipong gustuhin." Iyon ang madalas na biro nila sa isa't isa dati. Palagi lang kasi silang third wheel sa dates ng mga kakilala nila. "Iyong isang nagtago sa table ko, maraming naghahabol doon tapos binakuran na rin siya ng iniyakan niya kaya sure ball ng may love life si ateng."
"Mabuti ka nga nagka-ex boyfriend ka."
Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Ginamit lang kaya ako ng lalaking iyon para mapalapit sa pinsan mo." Paalala pa niya.
Sandaling tumahimik silang dalawa at mahinang tumawa. "Saklap friend, mukhang tatanda na yata ako kasama ang mga pets ko."
"At ako sa mga plants ko, mukhang may forever tayo sa kanila."
Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa at sabay na nagpakawala ng isang malakas na buntong-hininga.
"Hindi dapat ako parang tangang nagtatago dito. Kailangan kong harapin si Nico at hindi rin tama na tinatago kita dito sa birthday mo."
"Mas gusto ko dito."
Umiling siya. "I-celebrate mo ang birthday." Mabilis siyang tumayo at saka hinila ito sa ilalim ng mesa at ng nasa may pintuan na siya ay may biglang bumukas niyon at muntik na siyang mapatakbo pabalik sa ilalim ng mesa ng makilalang si Nicolo iyon. Nagsalubong ang kanilang mga mata at kung nagulat siya ay mukhang mas nagulat ito. Bago pa man ito makapagsalita ay agad niyang nahila si Vanessa palabas.
"Teyka lang baka matapilok ako." Reklamo ng kaibigan.
"Nandito pa pala si Pamela, dito ka na Pamela." Hila ni Yumi sa kanya at kulang nalang ang salitang tulak para maupo siya sa bakanteng upuan na mesa nito. "At Vanessa, diyan ka na umupo." Turo nito sa isang bakanteng upuan sa harap niya.
"Dito nalang si Vanessa." Tukoy niya sa upuan na nasa kanyang tabi.
"This is taken." Mabilis na sinulyapan niya ang nagsalita. Gusto niyang pandilatan si Yumi dahil pakiramdam niya ay may masamang pakay ito kung bakit siya doon naupo.
"Lipat nalang ako Yumi sa kabilang table-."
"Dito ka lang." insist nito. Nasa pagitan siya ni Yumi at ni Nicolo, sa tingin niya ay mas gusto ni Nico na maupo sa pwesto niya.
"Pa-palit nalang kami ni Nico ng upuan." Tinaasan siya ni Yumi ng kilay.
"Ang mabuti pa Pamela kumain ka na."
"Kukuha ako ng foods." Mabilis pa sa pagsabog ng nuclear weapon ang pagtayo niya. Hindi siya komportable na nakaupo sa tabi ni Nicolo. Alam din niyang napapansin ng mga ito ang kakaibang 'treatment' nila sa isa't isa.
Habang naglalakad ay nag-iisip siya kung paano humingi ng tawad sa binata. Inaamin din naman kasi niya na may kasalanan din siya, siya ang unang nagsungit dito. Ang ayaw lang niya ay iyong pinapatulan ang pagsusungit niya. Trip pa naman niyang kapag hindi siya pinapansin ay mas lalong hindi siya namamansin.
"Huh?" gulat na natigil siya sa kanyang pag-iisip ng may makitang pink carnation sa kanyang harapan. Inosenteng binalingan niya ang nagbigay niyon sa kanya.
"Sorry." She can see that sincere apology from Nico's eyes. "Huwag ka ng mainis sa akin, pansinin mo na ako Pamela. Ayokong hindi mo ako pinapansin."
Kung ang malakas na kabog ng puso niya o ang tuksuhan ng mga nakarinig sa sinabi ni Nico ang kanyang naririnig ay hindi niya alam. Her heart is really dead!



<3 <3 <3
a/n: Here's one of the updates babies, ZBS will be updated later on. HIndi pa ako nakakalahati. Enjoy reading babies! Four chapters nalang ito kaya go lang! Malapit ng matapos ang story ni Nico at ni Pamela, hintay-hintay lang. Walang spg dito dahil light story lang talaga ang black magic series.

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang