Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 14- White Orchid


14- White Orchids
"HELLO?" Dahil sa paulit-ulit na tawag ay napilitan si Pamela na sagutin ang tawag upang matahimik na ito.
"Pamela?"
"Nico?" tiningnan niya ang screen ng kanyang phone upang tingnan kung numero ba nang binata ang nakaregister pero number ni Yumi iyon. Anong ginagawa nito sa cellphone nang kaibigan? "Bakit?"
"Pam, kailangan na nating umuwi."
"Ha? Bakit naman?"
"Naaksidente kasi si Yumi, nadulas siya."
Agad na bumangon ang kaba na nararamdaman sa narinig. "Bakit siya nadulas? Nasaan na siya?" nag-aalalang tanong niya dito.
"Nahimatay si Yumi at sobrang nag-aalala si Howard-."
"Dalhin niyo na si Yumi sa hospital. Ako na ang bahala sa sarili ko."
"Okay lang ba?"
"Bakit naman hindi? Huwag niyo na akong hintayin kaya ko ang sarili ko."
"Sige."
"By—e.." hindi pa man siya nakakapagpaalam ay naputol na ang linya. Napatitig siya sa blanking screen nang kanyang cellphone at mahinang napabuntong-hininga. Alam niyang mali na nakakaramdaman ng kaunting sakit knowing na napahamak ang kanyang kaibigan. Sumagi lang kasi sa isip niya na hindi lang si Howard ang nag nag-aaalala sa kalagayan ni Yumi kundi pati na rin si Nicolo. Napakurap siya upang alisin ang isang butil ng luha na tumulo sa kanyang pisngi.
Mahirap pala talaga ang ganito. Iyong lihim kang nagmamahal sa isang tao na alam mong walang gusto sa iyo.
"Ms. Pamela, okay lang ba kayo?" untag ng attendant sa kanya. Pinilit niyang ngumiti kahit na may kung anong tumutusok sa kanyang puso.
"Ah, yes. By the way, available pa ba iyong delivery ninyo sa City? May emergency lang kasi kaya hindi ako masusundo ng mga kasama ko."
"Nakaalis na ang first batch Ms. Pam, pero pwede kang sumabay sa susunod na deliveries kaso mamayang hapon pa iyon."
"Okay lang, hindi rin naman ako nagmamadali." Alam niyang nagtataka ito. "Mamamasyal lang muna ako at saka maglulunch."
"Sige po." Covering her pain she tried to make her way to her unknown destination. Gusto lang niyang alisin ng lamig ng paligid ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.


MAHABANG oras din ang ginugol ni Pamela sa pag-ikot-ikot sa magagandang lugar sa Baguio. Akala kasi niya kapag nakakakita siya maganda ay gagaan ang loob niya pero hindi naging ganoon ang nangyari. Napagod lang siya at gumastos ng malaking pera sa mga pagkain. Nabuwisit siya dahil nakakaasar lang na isipin na heartbroken ka na nga, napagod ka pa slash naubos pa ang pera mo.
Bagsak ang balikat na binalikan niya ang pottery shop na kanyang pinanggalingan. Wala pa siyang nareceived na text galing sa attendant na nagsasabi na nandoon na ang kanyang sundo, may oras pa siyang magpahinga.
"Ay, nandito ka na Ms. Pamela." Nakangiting bati nang attendant.
"Nandito na ba ang magdedeliver?" pagod na tanong niya.
"Ah, eh..." napakamot ito ng ulo. "Kanina pa po kasi nakaalis ang truck."
Syempre ay nagulat siya sa sinabi nito lalo pa at malinaw ang usapan nilang magpapahatid siya sa Maynila. Mukhang napansin naman ng kausap ang tumatakbo sa isip niya. "May personal na maghahatid sa iyo Ms. Pam." Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.
"Sino?" Bilang sagot sa tanong niya ay lumusot mula sa pintuan ang nakangiting mukha ni NIco. Agad na sumipa ang kabayo sa kanyang dibdib ng masilayan ang mukha nito. "Nicolo, a-anong ginagawa mo dito?" kung alam lang nito ang saya na nararamdaman niya ng mga oras na iyon baka malunod ito sa 'sobra'. Hindi niya akalain na nandito ito at hindi ito umalis, nagpaiwan ba ito para sa kanya?
"Pinilit ako ni Yumi na bumalik para samahan ka." Tila nahihiyang ani nito. Kung anuman ang saya na naramdaman niya kanina ng makita ito ay ganoon na lang din ang lungkot na bumalot sa puso niya sa narinig niyang sagot nito.
Pinilit... ni Yumi. Hindi kusang-loob. Mas lalo yatang nagsikip ang dibdib niya. Ewan nga niya kung paano niya napapanatili ang ngiti sa labi niya sa kabila ng nararamdaman. Kaya mo iyan Pamela!
"That's so thoughtful naman." Iniwas niya ang mukha kay Nicolo at hinarap ang attendant na kausap kanina. "Pwede ko na bang kunin ang mga pots?"
"Nasa sasakyan na Pam." Sagot ni NIco.
"Ah, okay." Pagkatapos magpasalamat at magpaalam ay umalis na sila ni Nico. "Kaninong kotse ito?" aniya ng mapansin na hindi ang van na ginamit nila kanina ang gamit nito.
"Sa kaibigan ni Earl na nakatira dito, ginamit nila ang van." Hindi na siya umimik pa.
"Nico, napagod ako sa ginawa ko kanina pwede bang matulog nalang ako habang nasa biyahe?"
"Su-sure."
"Pwedeng sa likod ako matulog, malaki ang space." Ayaw lang talaga niya itong makatabi at kahit na hindi siya tulog ay hindi nito malalaman dahil hindi naman siya nito nakikita. Ayaw niya itong makausap, ayaw na niyang bigyan ang sarili ng chance na mahulog na naman dito ng paulit-ulit. May sasabihin pa sana ito pero tumango lang. Wala din naman itong magagawa dahil kahit anong gawin nito ay ayaw niya itong makatabi at ayaw niya itong makausap.


"Pam... Pam... gabi na. Kumain ka muna." Pukaw ni Nicolo sa kanya at naririnig niya ang boses nito, hindi naman siya tulog. Hindi siya nakatulog, hindi siya natutulog at kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog kaya nagpanggap nalang siyang tulog. "Pam." Malambing ang boses nito kaya mas lalo siyang nainis.
"I'm not hungry, I am sleepy." She tried peeking at him. Nakahinto sila at nagdrive thru narin ito. She wanted to be rude.
"I ordered food."
"Ikaw nalang ang kumain, let me sleep." Nag-iba siya ng posisyon upang kahit dumilat siya ay hindi nito nakikita. She heard him sighed and later on she heard him starting the car's engine. Na-guilty siya pero mas nanaig pa rin sa kanya ang nararamdaman niyang sama ng loob. Ayaw umalis sa isip niya ang salitang 'pinilit'. Kung hindi ito pinilit ay malamang mag-isa din naman siyang uuwi. Babayaran nalang niya ang serbisyo nito para kahit papaano ay gumaan ang loob niya.
Sobrang tahimik sa loob ng kotse, hindi mabilis ang pagpapatakbo ng kotse lalo pa at may mga paso na nasa trunk ng sasakyan. At naisip marahil nito na baka madisturbo ang kanyang 'pagtulog'.
Hanggang sa ang pagpapanggap niyang pag-idlip ay tuluyang nauwi sa pagtulog. Hindi na tuloy niya namalayan na nasa village na sila. Kung hindi pa niya narinig ang pabati ng guard noong icheck kung sino ang may-ari ng kotse ay malamang hindi siya magigising. At dahil alam niyang ligtas na siya dahil malapit na silang maghiwalay ay umayos na siya ng upo.
"Are we here yet?" kunwari ay wala siyang alam.
"Malapit na." napansin niya ang malamig na tono ng binata. At sa tingin niya ay alam niya ang dahilan kung bakit ito ganoon sa kanya. "Saan kita ihahatid sa bahay o sa shop?"
"Sa shop nalang." Iyon kasi ang mas malapit. Malamig din ang tugon niya dito. Muli ay tahimik na nagmaneho si NIcolo hanggang sa makarating sila sa Bloom's. Bukas pa iyon dahil naitext niya si April na hintayin siya. Pagkaparada ng kotse ay agad siyang bumaba at ganoon din si NIco na tahimik na binuksan ang trunk ng kotse at inilabas ang mga boxes. Ito na rin ang nagpasok niyon sa loob ng shop. Masiglang binati sila ni April pero ng mapansin na parehong hindi maganda ang mood nila ng binata ay tumahimik ang assistant.
"Salamat sa tulong Nico." Tumango lang ang binata at nagpaalam.
"Anong nangyari ate?"
"Hmn?" isa-isang inayos niya ang mga biniling paso sa ibabaw ng kanyang working table. Inisa-isa niya ang mga iyon kung may nabasag ba, thankfully wala naman.
"Bakit parang may lover's quarrel kayo ni kuya Nico?"
"Pagod lang kaming pareho sa biyahe." Pagsisinungaling niya.
"Eh? Mukhang mas pagod ang mukha ni kuya keysa sa iyo." Hindi siya umimik sa sinabing obserbasyon ni April. Ilang oras din na nagmaneho ang binata at marahil ay gutom na rin ito. Ayaw niyang bigyan ng chance ang kanyang konsensya na usigin siya pero hindi niya maiwasang hindi maramdaman iyon. Naman eh!
Hanggang sa tuluyan ng nanaig ang kanyang konsensya at napatingin sa white orchid na nakapatong sa ibabaw ng mesa. That flowers symbolizes apology.



TBC
Love,
Inang
PHOTO CTTO

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang