Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 13- Marygold

13- Marygold
AKALA niya ay makakapagpahinga ang puso niya mula sa overwhelming emotions na naramdaman niya last week mula kay Nico ay hindi pa pala. Akala niya ay si Yumi lang ang sasama sa kanya papuntang Baguio upang mamili ng mga flower pots na gagamitin niya para sa shop. Nawala sa isip niya ang sinabi nitong manghihiram daw ito ng van sa kaibigan nito para hindi sila mahirapan sa pagdadala. Malay ba niyang bakasyon ang nasa isip nito dahil talagang sinama pa si Howard at ang ilang mga kapitbahay nila.
"Surprise!" nakangising bati nito sa kanya. Kung pwede lang talaga niyang itapon sa ilog ang kaibigan ay baka kanina pa ito lumalangoy sa Nile river. Parang noong isang buwan lang ay ito ang nagkasakit at halos mawalan ng panlasa at ngayon ay ang lakas-lakas na nito.
"Bakit ang dami niyo?" may halong pagtatakang tanong niya.
"Gustong sumama ni Howard dahil walang pasok tapos si Vanessa ay gusto daw makakita ng tarsier-."
"Walang tarsier sa Baguio, sa Bohol marami." Halatang naghahabi lang ito ng dahilan.
"Gusto niyang maghanap ng pagkain sa Baguio, alam mo naman na adik iyan sa jam. At gusto daw niyang malamigan alam mo naman na reptile iyang si Vanessa. At saka gusto rin na sumama ni Earl dahil sa kanila ko hiniram ang van tapos si NIco ang nagvolunteer na magdrive. Sumama din si Lacey dahil pinilit siyang isinama ng pinsan niya at si--."
"Okay na Yumi," pigil niya dahil may balak yata itong sabihin sa kanya ang history ng pagsama ng lahat ng nakasakay sa van.
"Sige, let's go. Sa passenger seat ka na."
Agad na may sumipang masamang kabayo sa puso niya dahil sa pagtulak nito sa kanya sa passenger seat, sino pa ba ang makakatabi niya sa duration ng kanilang biyahe kundi ang lalaking gumugulo sa kanyang puso at isip.
"Hi." Bati ni Nicolo. Alam mo iyong feeling na nabubuwisit ka sa isang tao o sa isang bagay ng walang dahilan? Iyon iyong feeling niya pero may dahilan siya, naiinis siya dahil heto siya at hirap na hirap sa pagpipigil sa nararamdaman niya and then here he come, walang alam sa feeling niya at ngingiti-ngiti sa kanya ng pagkagwapo-gwapo? Wala na siyang maintindihan sa kanyang pinagsasabi dahil natotorete ang kanyang puso at isip. "Pamela?" untag ni NIco sa kanya. Napakurap siya upang ibalik sa normal ang kanyang pag-iisip.
"Bakit ako dito sasakay?" iyon nalang ang tanong niya.
"Wala ng space sa likod." Inabot ni NIco ang braso niya at saka siya hinila papasok ng van. Nagulat din siya sa ginawa nito.
"Marami pang space sa likod--."
"Alis na tayo!" hindi siya pinatapos ni Nico dahil mabilis na umandar ang van kaya wala siyang nagawa kundi ang manahimik at hayaan na lang ang lahat. Kapag nagreklamo siya ay baka makahalata na ang mga kaibigan niya sa tunay niyang nararamdaman. As much as possible ay ayaw niyang may makaalam sa feelings niya kay Nico, mas lalong hindi si Yumi. Nakakahiya naman kasi iyong ma-inlove ka sa lalaking ex –boyfriend ng kaibigan mo.
"Okay ka na ba?"
"I'm fine." Maiksing sagot niya.
"Sorry hindi na ako nakabalik, may kailangan kasi akong asikasuhin."
Mabuti nalang at mahina ang boses nito or else narinig na ng mga kasama nila. Mabuti nalang din at maiingay ang mga tao sa likod at nagkakantahan kahit wala sa tono.
"Ano ka ba? Ayos lang iyon no. At saka hindi mo naman responsibilidad na alagaan ako, ako pa nga ang nahihiya sa iyo dahil hindi kita naasikaso noong nagpunta ka sa bahay." Napasulyap ito sa kanya at ramdam niya iyon. "Any ways salamat sa pagdala ng food. Nakatulong iyon sa pagpapagaling ko." She lightens the mood. Ayaw din niyang makahalata ito na may iba na siyang nararamdaman dito, better safe than being hurt.
"Bumalik ka agad sa trabaho, hindi ka ba mabibinat sa biyahe?"
"Lagnat lang naman iyon sa akin at saka magaling na ako. Nakabalik din ako sa trabaho kailangan ko lang bumili ng mga pots dahil sa dami ng orders."
"Kayong dalawa lang ni April sa Blooms at dumadami na ang kliyente niyo. Sa tingin ko nagkakasakit ka dahil sa dami ng mga ginagawa mo."
Gusto niyang umismid at sabihin dito na ang dahilan kung bakit siya nagkasakit ay dahil sa kaiisip dito at dahil gusto niya itong kalimutan kaya inaabala niya ang sarili at nakakalimutan na ang kumain.
"Naisip ko na rin iyon." She cleared her throat. "Baka maghire din ako ng isa pa na makakatulong ko sa shop."
Tumango-tango ito. "That's nice. Baka pagbalik ko ay ang dami ng branches ng Blooms." Kulang nalang ay mabali ang leeg niya sa sinabi nito.
"Pagbalik? Aalis ka?"
Nakangiting tumango ito. "Babalik ako sa barko, two years ang kontrata ko. Kailangan ko lang makapag-ipon ng malaki para sa naisip kong negosyo." May kung anong lungkot na bumalot sa puso niya sa sinabi nito. Kung sasabihin ba niyang huwag itong umalis ay hindi ba ito aalis? Gusto niyang pagtawanan ang sarili niya sa kanyang naisip, as if naman may power siyang gawin iyon.
"Good luck sa pagpapayaman." Iyon lang ang nakaya niyang sabihin. "K-kailan ang alis mo?"
"Next month."
"Baka pagbalik mo ay sobrang rich mo na at hindi ka na namin ma-reach."
Tumawa lang ito, mukhang masaya ito sa pag-alis nito habang siya naman ay nanlulumo ang puso.
"May pinag-iipunan lang." sumulyap ito sa likod at alam niya kung sino ang tinitingnan nito.
"Nice." At dahil wala na siyang maisip na sabihin kaya isinuot niya ang kanyang headset at nilakasan ang music. Emo music ang gusto niyang pakinggan dahil pakiramdam niya ay relate na relate siya. Mahina siyang napabuntong-hininga dahil hindi niya nahanapan ang sarili niya ng tamang lugar. Kung bakit ba kasi natutong tumibok ang puso niya sa maling tao at sa maling pagkakataon.
Kung sana ay pangit ang ugali ni Nico, kung sana ay hindi sila nagkakasundo, kung sana ay magkagalit silang dalawa sana ay hindi ganito kahirap ang lagay ng puso niya. Kaso hindi eh, hindi ganoon. Sobrang bait ni Nico sa kanya to the point na wala na siyang mahanap ng pangit na characteristics nito. Wala itong masamang tinapay sa kanya kaya hindi niya mautusan ang pusong tuluyan itong kalimutan. Ang tanging pwedeng dahilan niya ay katotohanang hindi naman siya nito gusto ng katulad ng nais niya, si Yumi ang gusto nito, at sa simula pa lang ay alam na niya iyon.
"ANG LAMIG DITO!" Narinig niyang bulalas ng kanyang mga kasama ilang oras pagkatapos ng kanilang biyahe. Totoo iyon sobrang lamig ng lugar na iyon, para siyang nasa loob ng isang silid na nasa below fifteen degrees Celsius ang temperatura. Nakapagsuot siya ng makapal na jacket dahil hindi lang naman iyon ang first time na nakapunta siya doon. Pero kahit ganoon ay malamig pa rin.
"Yumi, isuot mo ang extra jacket ko." Napatingin siya kay Howard na inaalagaan ang nobya nito. Nakalimutan yata ni Yumi na malamig ang Baguio at nagdress pa talaga ito.
"Malamig pa rin."
"Here." Dumako ang tingin niya kay NIco na hinubad ang isang jacket nito at ibinigay kay Yumi. At dahil ayaw makita ang eksena kaya bumaling siya sa ibang panig dahil may kung anong bagay na pumipiga sa puso niya. Possible pala talaga ang ganoon, iyong moment na gusto mo lang na umalis doon dahil ayaw mong makita ang eksenang nakakapanikip ng dibdib.
Wala kang rights, girl. Paalala niya sa kanyang sarili.
She cleared her throat. "Mamasyal na muna kayo at mamili, may pupuntahan lang ako sa banda doon."
"Gusto mong samahan kita?" Huwag ka kasing maging masyadong mabait Nico, baka hindi na kayanin ng puso ko!
"Hindi na, sanay na naman ako dito. Saglit lang din naman ako mamasyal lang muna kayo doon at ibili niyo ako ng strawberry jam." Hindi na siya nag-abalang tingnan pa si Nicolo. Wala siyang karapatang magalit, mas lalong wala siyang karapatang magselos. Kaya lang natuto siyang mahalin ito at malinis ang feelings niya para sa binata may karapatan naman siguro siya kahit papaano na masaktan hindi ba?
Mabilis siyang nakihalubilo sa mga turista upang tuluyang mawala sa paningin ng mga kasama. Habang naglalakad ay huli na upang pigilan ang sarili, tuluyan ng tumulo ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata na agad naman niyang pinalis.
"Pots." Mahigpit niyang niyakap ang sarili upang kahit paano ay maalis ang lamig na nararamdan at mainitan ang pusong dahan-dahang nadudurog dahil sa kanyang katangahan. "Mahirap talagang maging t-a-n-g-a." bulong niya.


"MAGAGANDA ang mga gawa niyo ngayon." Kahit papaano ay napapangiti siya habang nakatingin sa binabalot na mga maliliit na clay pots na binili niya. "I mean palagi namang magaganda peor mas lalong gumanda ngayon."
"Inspired kasi ang poterer namin ngayon, kakakasal lang." sagot ng napagbilhan niya.
"Iba talaga kapag inlove ano? Gumaganda ang mga gawa."
Kanina pa nagvavibrate ang cellphone niya at hindi niya iyon sinasagot lalo pa at si Nico ang tumatawag at nagtetext sa kanya upang alamin kung nasaan siya. Wala siyang balak na makasama ito habang nandoon pa sila, ayaw din niyang kapag bumabalik siya doon ay ito ang naaalala niyang kasama.
"Makakaya mo bang buhatin ang mga pots Ms. Pamela?"
"Hindi naman masyadong mabigat." Two boxes ang binili niya na naglalaman ng maraming piraso at hindi siya weightlifter para makarga ang lahat. "Ipapahatid ko nalang sa pinaradahan namin ng van, mukhang enjoy pa sa pamamasyal ang mga kasama ko." Ilang ulit na rin naman siyang namili doon na siya lang mag-isa.
"May delivery sina inang ng gulay baka gusto mong isabay nalang?"
"Sa susunod nalang siguro may service kasi ako ngayon." Napatingin siya sa paso na nasa bintana na yari sa kahoy at screen. "Ang lusog na nito." Tukoy niya sa magandang halaman na nakatanim sa paso.
"Favorite iyan ni Inang, Ms. Pamela." Isang taon na ang nakakalipas ng mamatay ang asawa ng may-ari ng shop na iyon. Nadatnan niya ang Marygold na nasa bingit ng kamatayan at itatapon na. Nanghinayang siya kaya inilipat niya iyon sa isang maayos na paso at pinalitan ng mas malusog na lupa. INilagay din niya ang halaman sa area na nasisinagan ng araw. And here it is, sobrang ganda na ng halaman.
"It's very beautiful." Nakangiti siya pero ballot na ballot ang puso niya ng kalungkutan lalo pa at alam niya kung ano ang ibig sabihin ng magandang bulaklak. It means grief, sadness and pain. Katulad ng nararamdaman niya ngayon, she's in pain and she's sad, because of a love that cannot be hers.


<3 <3 <3
a/n: Enjoy reading babies!
Love,
Inang
PHOTO CTTO

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang