Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 – Bloom Love: 12- Azalea

25790071_m



                WALANG balak na tumayo si Pamela mula sa pagkakasalampak sa kanyang sahig habang nanonood ng napakagandang palabas sa isang sikat na international cable channel. Simula noong umuwi siya kanina galing sa pagbili ng gamot, kahit uminom ng gamot ay hindi gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa halip ay mas lalo itong sumama. Dapat talaga ay nagpabili nalang siya ng gamot kay April.
“Ang ingay naman.” Sinigurado niyang naka-locked ang pintuan ng bahay, patay ang ilaw at tama lang ang volume ng telebisyon para hindi na siya mag-abalang tumao kapag may dumating. Kaso ang taong nagdodoorbell ay sadya yatang manhid at hindi man lang naisip nab aka walang tao sa loob ng bahay.
“Sino ba iyan?” naiinis na tanong niya sa kanyang sarili habang dahan-dahan na tumayo dala ang makapal na blanket upang protektahan ang sarili sa lamig. Sinadya niyang dahan-dahanin ang lakad upang mapagod ang nagdoorbell pero mukhang mali siya. Habang tumatagal ang pagdodoorbell ay mas lalong sumasakit ang kanyang ulo. Mabilis niyang nabuksan ang pintuan at inis na sinalubong ng masamang tingin ang happy tripper nang kanyang doorbell.
“Did I wake you up?” mas lalong kumunot ang kanyang noo nang mapagsino ang kanyang bisita.
“Nico.” Dahil sa nananakit na lalamunan ay halos bulong nalang iyon. “What are you doing here?” her voice croaked like a frog. Damn this flu.
“Sinabi ni Earl na napadaan ka kanina sa shop, bakit hindi ka tumuloy?” may kung ano sa mga mata nito na naging dahilan kung bakit hindi niya magawang tuluyang magalit sa binatang kaharap. “You look…”
“Ugly, I know.” Sino bang may sakit na maganda? Kung may kakilala ito mas mabuti pang iharap nito sa kanya at ipopost niya sa facebook. #Magandakahitmaysakit at #Bornthatway
Tumawa lang ito. “Silly, you will never be ugly Pamela.” Buwisit! Kung masamang tao lang siguro siya ay tinadyakan niya ito sa singit. Wala itong karapatan na pakiligin siya ng ganoon! May sakit siya for goodness sake, maawa naman sana ito sa vulnerable niyang puso. “On the serious note, you should have entered the shop.”
Dahan-dahan siyang umiling at pilit na pinakalma ang sarili. “Nakita ko si Yumi ayokong makadisturbo sa diskarte mo.” Kung napansin man nito ang malamig na tono niya ay wala itong pakialam. Basta siya gusto na niya itong umalis. Gusto niyang lumangoy hanggang makarating sa Bikini Bottom at makipagpalit ng bahay kay Sandy the Squirrel or anywhere na malayo dito.
Malumanay na ngumiti lang si Nico sa kanya. Mas lalo siyang nainis dito. “Nico, I am not feeling good. Wala ako sa mood na makipagbiruan sa iyo ngayon.”
“I know.”
“Hmn?” she wants to rid him away from her house. She wants to rest in peace—to rest and be alone while coping a frustrated heart.
“I bought some food.” Itinaas nito ang paper bag na may tatak ng isang chinese restaurant. “Sinabi ni Yumi favourite mo ang dim sum. And Howard said, porridge is good for sick people so I ordered some for you to eat.”
“Saan mo nalaman na may sakit ako?” kunot-noong tanong niya. Kailangan niyang magpretend na hindi natutuwa sa dala nito.
“Earl.”
“Hindi ko sinabi kay Earl.” Or did she?
“Isang tingin lang sa iyo siguradong iisipin agad na may sakit ka. Putlang-putla ka at matamlay ang mga galaw mo. You can’t even smile and you look prettier when you smile. Can I enter?” and before she can refuse he already entered her cave.
“Hindi pa ako naglilinis at wala si lola dito kaya magulo pa ang bahay. Nico, may sakit ako baka mahawa ka-.”
“Malakas ang immune system ko kaya hindi agad ako mahahawa sa sakit mo. Inilatag nito ang laman ng paperbag sa center table habang siya ay isinara ang pintuan. Wala na siyang magagawa pa dahil nakapasok na ang binata. Kinuha nito ang mga patay na bulaklak sa vase sa ibabaw ng mesa at may ipinalit doon.
Azalea?
                “Dumaan ka sa Blooms?”
“Yes, akala ko doon ka nagpunta. Sinabi ni April na may lakad ka pero sinabi kong alam kong may sakit ka.”
“At naniwala siya sa iyo?”
Tumitig ito sa kanya at saka sa ngumingiting mga mata ay tumango. “Well, not at first. And when I said I want to buy some flowers for you she said Azalea would be good.”
Napatitig siya sa magandang bulaklak sa vase.
“What does it means?”
“Get well soon.”
“Kaya pala iyan ang ibinigay ni April. Hindi na ako nagtanong sa kanya kasi nagmamadali na akong pumunta dito.”
Muli siyang napatitig sa lalaki. How can someone who can break her heart in a second can also fix it in an instant? Nasaan ang justice?
“Upo ka dito.” Bumalik siya sa dating puwesto niya. Hindi sa sofa kundi sa carpet na malapit sa sofa. “Pamela, hindi maganda na diyan ka hihiga. Malamig ang tiles baka lamigin ka.”
“But I like it here.” Lumalim ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatitig sa kanya. She is sick! May karapatan siyang magsungit. “Mas comfortable ako dito dahil malamig.”
“Turn on the AC.”
“Hindi ko mahanap ang remote at hindi ko kayang umakyat.” Aniya sa aircon. Tumayo ito at effortless na effortless ang pagbaba nito sa temperatura ng aircon.
“There, malamig na.” bumalik ito sa kanya at inalalayan siyang tumayo at umupo sa sofa. “You should eat.” Ibinigay ni Nico sa kanya ang pagkain and she’s hungry. There is no reason for her to refuse blessings. Hindi araw-araw may libre—oh shoot!
“Babayaran ko ba ito? Wala akong pera.” Ibinalik niya ang pagkain dito na ibinalik naman nito uli sa kanya.
“Just eat Pamela.” Mukhang nauubusan na ito ng pasensya sa kanya. At iyon ang ginawa niya pero nag-iisip siya ng paraan para inisin uli ito. Muli niyang ibinalik ang focus sa panonood ng napagtripan niyang panoorin. Tamang-tama naman na nagrarampahan na ang mga contestants ng Mr. Word-Universe in their swim wear. Natigil siya sa pagkain at nakaawang ang labi na nakatingin sa mga lalaki sa TV.
Sira ba ang aircon nila? Bakit ang init?
“What are you watching?”
“Sssshhhh.” She silenced him. Dahan-dahan ang pagsubo niya sa lugaw. Kahit lugaw lang ang kinakain niya ay solve na siya dahil maraming ulam na nagsisidaan sa kanyang mga mata. “What the!” inis na sinibat niya ng masamang tingin si Nicolo ng biglang nawala sa kanyang pananaw ang mga abs, ang mga muscles, ang mga briefs at ang mga sausages with eggs… “Nico.” She plead for him to return the channel.
“Eat.” Tila nagbago ang timpla nito. “And drink you medicines.”
“Ibalik mo sa Mr. Word-Universe.”
“Hindi child friendly iyon.”
“I am not a child anymore.” Tumaas ang boses niya at nanakit ang lalamunan na naging dahilan kung bakit siya napa-ubo.
“Manood ka ng sponge bob.” Nanulis ang kanyang nguso ng tila matatawa na ito sa kanya. She is sulking over a spilled chance of fantasizing men whom she can never have. Tahimik na kumain siya at pilit na inubos ang lugaw niyang tumabang ang lasa. “Fine, here.” At nang ibalik nito ang channel ay mas lalo siyang nainis dahil tapos ang ang swimwear portion at naging formal wear na. Napansin nitong hindi nagbalik ang mood niya. “Why? I changed the channel.”
“Hmp.” Inirapan lang niya ito. “Hindi ko na nakita si Mr. USA sa kanyang swimswear.” Iyon lang at bumalik na siya sa pagkain. “Ibalik mo na sa SpongeBob.”
Malakas na napabuntong-hininga ito. “I didn’t know you can be this frustrating Pamela.”
“May sakit ako.”
“Kaya nga gumaling ka na at ng hindi kung anu-ano ang gusto mong panoorin.”
“Kayo nga nanonood ng Ms. Universe lalo na sa kanilang swimwear portion, sinasabi ba namin na kung anu-ano lang ang pinapanood niyo?” nakatikwas ang kilay na tanong niya.
“I don’t watch it.”
“Weh?”
“Hindi ako mahilig sa mga ganyan. I already have my own set of standards when it comes to women. I don’t care about the looks or the body.”
Hindi pa rin siya naniniwala sa sinabi nito. May lalaki bang ganoon sa panahon ngayon? Parang ang imposibleng paniwalaan.
“Okay.”
“You don’t believe me.”
“It’s not really important if I believe you or not Nicolo.” She wants to dismiss the topic.
“But I want you to believe me.” And she can see that sheer determination from his eyes to make her believe that he is telling the truth. Pero impossible talaga.
“I believe you.”
“And I know you don’t.”
“Whatever you like to believe.” Nag-isip siyang saglit. “So, ano pala ang set of standards mo?”
Tumitig ito sa kanya tapos ay ngumiti.
“Ano na?” she is waiting for his answer, somehow hoping that maybe there’s a little chance for her to fit on his standards. And that maybe she can have a little hope in her heart.
“Well…”
“Well?” inip na tanong niya.
“I’ll tell you when you finish your food.” He is playing with her and she hates it. Bahala ito sa buhay nito, hindi na siya magtatanong pa sa standard nito. Bahala na ito sa buhay nito!

TBC
<3 <3 <3
Love,
Inang


P.S: Photo CTTO

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang