Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2 - Bloom Love: 11- Yellow Hyacinth

Hya
11- Yellow Hyacinth
                Nangangati ang lalamunan ni Pamela habang naglalakad papunta sa pharmacy. Ilang araw na siyang inaapoy ng lagnat. Sa pagkakaalam niya ay laganap ang viral and bacterial infection dahil sa pagbago-bagong klima. At hindi siya nakaligtas sa viral infection kaya nilalagnat siya at nangangati ang lalamunan plus sipon at sakit ng ulo. Kapag tinamaan ka ng flu siguradong masisira ang schedule mo.
Wala ang kanyang lola Grasya dahil may bakasyon ito sa boracay kasama ang mga teammates nito sa mah-jong. Hindi niya sinabi na may sakit siya dahil ayaw niyang mag-aalala ito. Kapag nalaman nito siguradong ipupush na naman nito na dapat siyang mag-asawa upang may mag-aalaga sa kanya. Bukas ang Blooms at malaki ang pasasalamat niya kay April dahil naaasikaso nito ang shop kahit wala siya. Tinatawag o kaya naman ay tine-text siya nito sa kung may problema. SInabi niyang huwag ipaalam kahit na kanino na may sakit siya.
Hindi na nakayanan ng lalamunan ang pangangati kaya tuluyan na siyang napaubo. It was a dry cough and it irritates her throat. Nagmamadali siyang bumili ng gamot upang makabalik sa bahay at makapagpahinga.
Habang naglalakad pauwi ay palinga-linga siya sa paligid at nagbabakasakali na masulyapan ang lalaking ilang araw na rin niyang hindi nakikita. Simula noong ihatid siya nito sa party ay hindi man lang ito nagparamdam sa kanya. Kahit sa text ay hindi, now that she remembered it correctly, wala nga pala itong number niya. Wala rin na nabanggit si April na hinahanap siya nito. Tinatanong niya kung may naghahanap ba sa kanya wala naman daw.
Ang isa sa mga dahilan ng sakit niya ay ang pinakamalalang virus na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanapan ng lunas ng mga scientist. Habang nagpapahinga ay tuluyan na niyang napag-isip ang tunay na estado nang kanyang feelings para rito. Inamin na niyang mahal niya ito pero hindi sa puntong hahanap-hanapin na niya ito. Baliw na nga siguro siya. She is crazy in love with him.
Sino nga ba ang mag-aakalang ang ex-boyfriend nang kaibigan niyang si Yumi, ang lalaking ilang beses na niyang nakurakot ang bulsa, ang lalaking nagpatulong sa kanya upang kuhanin muli ang loob ni Yumi at ang lalaking alam niyang mahal pa rin ang kaibigan ay ang lalaking pinili ng puso niyang hindi man lang marunong lumugar.
Bakit ganito ang pag-ibig? Hindi man lang nito iniisip na masasaktan siya? Hindi man lang nito naisip na ang pangit tingnan na naging boyfriend mo ang dating boyfriend ng friend mo. And worst, nag-iisip na siya na maging boyfriend ito samantalang halata namang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. At wala namang pinapakitang espesyal sa kanya si Nicolo. Talaga lang na friendly ang binata at siya lang ang naglalagay ng malisya.
“Ikaw kasi.’ Blame niya sa sarili. “Kasalanan mo rin naman.” Dugtong pa niya.
Hindi niya namalayan na nasa harap na siya ng shop nito, doon siya dinala ng kanyang mga paa. Mahina siyang napabuntong-hininga at napagdesisyunan na sundin ang kanyang kapritso. May sakit naman siya pwede naman sigurong sumilip lang ng saglit.
“Paano kapag nagtanong si Nico kung bakit ako nandito? Sasagutin ko ba ng napadaan lang?” tanong niya uli sa kanyang sarili. “Bahala na nga.” Nakakailang hakbang pa lang siya ay agad na niyang nakita si Nicolo at kahit papaano ay gumaan-gaan ang kanyang pakiramdam. Lihim siyang napangiti dahil hindi niya akalain na ang binata lang pala ang maaaring maging gamot sa sakit na ilang araw na niyang nararamdaman. Gugulatin sana niya ito ng mapansin na may kausap ito.
“Oh.” Mahinang usal niya ng makilala ang kausap nito. Nawala ang kanyang ngiti at muling bumalik ang sakit sa lalamunan at ang paninikip ng puso. Hindi pa niya nakikita ng ganito kasaya si Nicolo kapag sila ang magkausap. Iba siguro talaga kapag ang taong mahal mo ang kausap at kasama mo. May dalang paperbag si Yumi na sa hula niya ay mga pastries ang laman, para siguro iyon sa binata.
Sa halip na tumuloy ay mabilis siyang umatras dahil wala siyang lakas upang harapin ang naninikip na dibdib niya. “Ooops.” Mas lalo siyang nahilo ng maramdaman ang pagbunggo niya sa kung sino.
“Earl.”
“Sa loob ka ba galing Pamela?” nakangiting tanong nito.
“Na-nakita ko kasi si Yumi sa loob, babatiin ko lang sana pero kausap pala niya si Nico kaya hindi na ako nang-istorbo sa kanila.”
“Talagang nandiyan si Yumi?” nangislap din ang mga mata nito na para bang sinabihan na may gift si Santa sa pasko.
“Uwi na ako.”
“Dumaan ka muna sigurado akong matutuwa si Nico na makita ka.”
Mahina siyang tumawa. “Bakit naman siya matutuwa na makita ako? Mas matutuwa siya kapag nabigyan ng long time na makausap si Yumi. Sige alis muna ako.”
Wala na itong nagawa noong umalis na siya at naglakad palayo sa shop. Mas lalo siyang nanghina.
“Kailangan mo lang kumain para mawala iyang sakit mo.” Sa halip na tumuloy sa bahay ay nagpasya siyang kumain muna sa isang fastfood. Habang nakatingin sa mga dinaraanan ay bumungad sa kanya ang mga yellow Hyacinth na nakatanim sa tabi ng daan. Mapait siyang napangiti lalo pa at alam niya ang ibig sabihin ng mga bulaklak na iyon.
Jealousy.
                She is jealous. How can she help it? Normal lang naman na magselos kung mahal mo ang isang tao hindi ba? Ang masama nga lang ay wala siyang karapatan na ihayag ang pagseselos niya dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang lalaki.
Jealousy can be a very dangerous emotion.

TBC
<3 <3 <3
Inang

A/N: Photo CTTO

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang