Sunday, May 26, 2019

Black Magic 2- Bloom Love: 10- Red Roses

rose


10- Red Rose
            “ANONG meaning the red rose?” tanong sa kanya ni Vanessa habang abala ito sa pakikipakulitan sa dala nitong pagong.
“Passion.” Sagot niya. Pareho silang nakatitig sa pulang bulaklak na nasa gitna ng kanilang mesa. May kakaibang ngisi din sa labi nito habang pasulyap-sulyap sa kanya. Kanina pa ganyan ang kanyang kaibigan, nagkaroon kasi sila ng semi-grand entrance ni Nico kanina dahil sa huli nga silang dumating.
“Iyon lang?”
“Lahat ng may kinalaman sa deep feelings ay pwede mong i-associate sa red, like Passion.”
“Or Love.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Narinig ko sa iyo iyan dati. Ang ibang meaning ng red rose ay love.”
“At iyon din.” Patay-malisya siya sa nais nitong ipahiwatig sa kanya. Wala na siyang ibang sinabi dahil inabala niya ang sarili sa pagkain ng mini-garden sa kanyang plato. Sa totoo lang ay gusto na niyang itapon ang laman ng kanyang plato kung hindi lang nakakahiya sa caterer. She’s not fond of eating vegetables kahit na sabihin na healthy iyon. Kumakain naman siya ng gulay iyong may sahog na karne kasi masarap iyon. Pero purong gulay? Gusto niyang sakalin si Vanessa. Hindi naman ito full-pledge na vegetarian pero kung makalagay ng pagkain sa kanyang plato ay wagas.
“That’s healthy.” Tukoy nito sa mga gulay na nasa kanyang plato. “Ubusin mo iyan.”
“For goodness sake Vanessa hindi ako vegetarian at hindi ako kumakain ng gubat.” Mahinang tinawanan nito ang kanyang pagdurusa. Balak sana niyang pira-pirasuhin ang bawat gulay ng may humila nang kanyang plato at palitan ng mga pagkain na gusto naman talaga niyang kainin.
“Mukhang may balak ka ng ibato ang plato mo.” Napatingin siya kay Nicolo na nagpalit ng kanyang plato. “Pwede mo namang palitan kung hindi mo talaga kayang kainin.” Magiliw na binigyan siya nito ng bagong set ng spoon and fork na maagap naman niyang tinanggap. Sino siya para umayaw sa masarap na pagkain. Sa mga oras na iyon ay isang super hero ang tingin niya sa lalaki.
“You are my savior.” Gusto na talaga niya itong halikan sa tuwa.
“I like that.”
“Hmn?”
“Being your savior. Feeling ko isa akong superhero.” Palihim niyang sinulyapan ang kabuuan ng binata and yes, pwede talaga itong superhero. Muling bumalik ang kakaibang pakiramdam na dahan-dahang kumikiliti sa kanyang puso. Dati ay wala naman siyang pakialam sa binata at inamin na rin niyang may kaunti na siyang nararamdaman dito pero parang lumalala na yata at hindi na niya iyon nagugustuhan.
“Ang sarap ng food ninyo Nicolo, sino ang caterer niyo?” naputol ang pag-iisip niya sa kanyang sariling nararamdaman sa nagtanong. Si Czarina, isa itong public high school teacher, Filipino ang tinuturo nitong subject.
“Ang catering ni Francis ang nakontrata ko para sa catering services. Magaling magluto ang mga kapatid niyang babae.” Sagot ni Nicolo.
“Kaya pala pamilyar ang lasa kilala ko ang chef nila.” Bumaling si Czarina sa kanya kaya napabilis ang kanyang pagsubo lalo pa at suot nito ang parehong ekspresyon na meron ang mukha ni Vanessa.
“Hi Pam.”
“Hello.” Ganting bati niya.
“Ang tagal na nating hindi nagkikita mahiyain ka pa rin.” Tumawa ito na para bang wala ng bukas. Maganda si Czarina kaya lang minsan ay ilag ang mga tao dito dahil may kakayahan itong magbasa ng iniisip ng mga tao. It wasn’t really a power, talagang malakas lang ang pakiramdam dito. Kaya kung may nakatago kang sekreto huwag na huwag haharap kay Czarina dahil mabubuko ka ng wala sa oras. Minsan ay naiisip niya kung bakit ito naging teacher pwedeng-pwede itong maging asset ng mga pulis o kaya naman ay ng NBI. “Huwag kang masyadong mahiya tayo-tayo lang naman ang nandito. Hindi ba Nico.”
“Yes. At saka kumakain si Pamela huwag mo muna siyang istorbohin.” Parang si Nicolo yata ang mas gusto niyang sakalin sa halip na ang madaldal na guro. Kung bakit ba kasi ito umaaktong boyfriend niya eh di sana ay ligtas ang nananahimik niyang buhay ngayon.
“You are really sweet Nicolo. Gwapo na, sweet pa. Pwede ka nang mag-asawa.” Pasimpleng tinungga niya ang basong may lamang tubig dahil nabubulunan siya.
“Oo nga naman Nico.” Segunda ni Vanessa. “You know by now na wala ka na talagang chance kay Yumi dahil masyado na siyang in-love kay Howard. Magmove-on ka na rin kaya, maraming magagandang babae sa tabi-tabi mo.” Palihim siyang sumang-ayon sa sinabi ni Vanessa. Gaya ko.
Bahala na! There’s no more denying about her budding feelings for Nicolo. Alam niyang ex-boyfriend ito ng matalik niyang kaibigan at hindi rin naman siguro masama kung magkakafeelings siya sa binata. Dalaga naman siya and she is single. Single din si Nico.
“Hindi ka na ba nagkakagirlfriend after niyong maghiwalay ni Yumi? Ang narinig namin maraming magagandang babae na akyat-baba sa barko.” Naghintay siya sa sagot ni Nico, curious din siya. Hindi man ito ang pinakagwapong nilalang sa mundo, although gwapo naman talaga ito, sigurado siyang marami ang magkakandarapang bumihag sa binata lalo na at seaman pa ito.
“Well. I had.” It’s already given. It’s a fact. Lalaki si Nicolo kaya impossibleng wala. “Short term relationships lang. Walang pangmatagalan.”
“Which means si Yumi pa rin ang longest girlfriend mo.”
“Yes.” Bulag lang yata ang hindi makakapansin sa kakaibang kislap ng mga mata nito kapag nababanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan. “Weird ba?”
“Hindi naman. Cute nga.” Si Vanessa na nakatingin naman sa kanya. “So, wala kang balak magkagirlfriend?”
Umiling si Nicolo, the little hope that she had is slowly discepating in the wind. “Hindi na muna, aakyat pa kasi ako ng barko.”
“Akala namin magsesettle ka na dito?”
“Sayang din kikitain sa pagbabarko. Isang sakay lang naman at pwede na siguro akong mag-early retirement. Gusto ko ring magsettle down na.”
“Aww, kalian ka babalik sa barko?”
“Next month.” May kung anong bumikig sa lalamunan niya sa sagot ni Nicolo. Mahina siyang napabuntong-hininga at malungkot na napangiti sa kanyang sarili.
“Ikaw Yumi, kalian ka mag-aasawa? After college graduation wala ka ng naging boyfriend.”
“Bakit sa akin nalipat ang topic?”
“Ang unfair naman kung si Nicolo lang ang magshe-share. And since magkatabi naman kayo kaya ikaw na ang next. So, may naging boyfriend ka ba?”
“Wala na.”
“Ay bakit naman? Sa ganda mo siguradong maraming nanliligaw sa iyo.”
Mahinang tumawa siya kay Czarina. “Kung maganda ako matagal na sana akong kasal ngayon. Wala namang nakaline-up, hindi lang siguro ako ligawin.” Buong katapatang sagot niya.
“Maganda ka naman.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Nico. “I mean you are really beautiful, I am also wondering why.”
“There, si Nico na mismo ang nagsabi na maganda ka.” Tila kinikilig na sabi ni Czarina.
“Hindi ako ligawin.”
“Baka naman mapili ka lang.”
“Paano akong magiging mapili kung wala namang pinagpipilian.” Muli siyang uminom ng tubig. “Hindi lang talaga ako iyong tipo ng babaeng gustuhin. Iyong tipong sa umpukan ng mga babae ay nagiging invisible ako dahil hindi ako nagsha-shine.” Paliwanag niya. “At saka mukhang nasa lahi na namin ang maging matandang dalaga. Sa generation ni Lola Grasya ay siya ang hindi nakapag-asawa, nakapag-asawa naman ang lahat ng generation ng mama at papa ko kaya sabi din nila malaki ang possibilities na baka ako ang maging matandang dalaga sa pamilya.”
“Susmaryusep naman Pamela, hindi naman totoo iyan.”
“Mukhang totoo eh.” Biro niya. Binato siya ni Vanessa ng broccoli. “Na-set na rin siya sa utak ko kaya nagpapractice na akong mag-alaga ng halaman at pusa, tapos ay bibili na rin ako ng rocking chairs.” Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya dahil siya ang natatawa sa eksenang naipinta niya sa kanyang utak. Ang problema nga lang ay siya lang ang natawa dahil tahimik naman ang mga kausap niya.
“Baka darating din si Mr. Right para sa iyo.” Bdiglang konsola ni Czarina.
“Kahit huwag na, mukhang nag-eenjoy naman siya sa piling ng iba at sa kanyang sarili. Kaya ko naman kahit wala si Mr. Right. Kapag nakasalubong niyo siya pakisabi na nag-abroad ako and I am setting him free.” Biro niya.
“Gaga ka talaga.” Muli siyang binato ni Vanessa ng broccoli.d
“Ay hindi kami makakapayag hindi ba Nicolo?” napatingin siya sa binata na may kakaibang titig sa kanya.
“Huwag niyo naman akong tingnan ng ganyan.” Aniya. “Kung may darating tatanggapin ko naman siya sa buhay ko kung wala ay okay lang rin ako.”
“That’s it. NIco, hindi ba maraming single na seafearers kang makakasama sa barko?”
“Yes.”
“Good, ireto mo si Pamela sa kanila. Magugustuhan nila si Pamela sure ako diyan.”
“Czarina ano ka ba?” sita niya dito.
“Magkakalove life ka by hook or by crook at tutulong kami ni Nicolo na matupad iyon.” Nasapo niya ang kanyang ulo sa determinasyon ni Czarina.


“Nico, you don’t really need to drive me home. Pwede naman akong sumama sa mga kapitbahay ko.”
“I insist, ako ang nagdala sa iyo sa motorshop kaya ako din ang magdadala sa iyo pauwi.” Kahit na gusto niyang i-insist na hindi na siya nito ihatid ay alam niyang wala ng makakapapigil pa sa nais nitong mangyari. Mariin na nagdikit ang kanyang mga labi, naiilang siya sa kakaibang tingin na ipinupukol ng kanyang mga kapitbahay sa kanilang dalawa. Alam kasi niya na kakaiba ang ibig ipahiwatig ng mga matang iyon. Mabuti nalang at dense si Nico at hindi nito napapansin o talagang walang malisya dito ang ginagawa nito.            Kung ganoon siya lang pala ang naglalagay ng malisya sa kanilang dalawa?
Napatitig siya sa binata na abala sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan nito, at habang tinititigan ay hindi niya napigilan ang sariling mapabuntong-hininga. Nasa masamang lagay na pala talaga ang puso niya dahil sigurado na siyang hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman niya dito.
“Uy Nico, ihahatid mo si Pamela?”
Agad na sumilay ang magandang ngiti sa mukha ni Nicolo ng marinig si Yumi. “Oo, ako ang nagsundo sa kanya kaya dapat din na ako ang maghatid.”
“Mabuti iyan.” Nanunuksong ngumisi ang kaibigan sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay na sinasabing kapag nagkomento pa ito ay patay ito sa kanya at tatawa-tawang umalis na lang ito. Muling sinundan niya ng tingin ang mukha ni Nicolo habang nakatanaw pa rin sa papaalis na kaibigan.
Stop it Pamela, you really need to stop it. Utos niya sa kanyang sarili. Kailangan na niyang i-ayos ang puso niya habang kaya pa niya.

TBC

A/N: Photo CTTO

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang