Monday, November 13, 2017

Fowl Mood Diner: Chicken Unlimited

Nov. 14, 2017

Kahapon dahil sweldo ay nagpunta kami ng co-teacher ko sa Tamiya (part ng Lapu-Lapu) para magwithdraw and magbayad ng bills (char! Responsableng mamamayan ng Pilipinas). Pagkatapos magbayad ay sumaglit kami sa watsons dahil bumili si madams ng medicines may sakit kasi siya. Dumaan din kami sa National BookStore dahil bumili ako ng scotch tape and glue, alams na kung para saan ang mga iyan. Pang-visual aids 🤣.

Sa tabi ng NBS ay may bagong bukas na kainan, na-enjoy ko ang name niya. Fowl Mood tapos may cute na chick na logo.
Hindi ba ang cute niya? (credits sa facebook for the logo). And since bago siya kaya nacurious kami, tapos ang price ay 199php at ang mga inclusive niya ay:
1. Unlimited chicken in different flavors (buffalo, honey garlic and etc.). Pwedeng imix ang flavors.
2. Unlimited rice
3. Free side dish (potato mojos or pasta)
4. One round ng ice tea (+20 bottomless)

Iyan ang makukuha mo sa halagang 199php. So, nag-order kami, curious sa lasa ng chicken nila, walang pakialam sa allergies sa chicken (wala nga pala akong ganoon😂). Iyong waiter na nag-entertain sa amin sinabihan kaming kapag naglike kami sa facebook page nila ay may 10% discount daw, of course sinong aayaw sa discount?

Nag-like ako of course, less 20 pesos mga freenies. Oo nga pala, per head nga pala iyong 199php. Infairness to them friendly and accomodating ang staff. Sila ang nag-inform sa amin about sa discount part siguro iyon sa kanilang marketing strategies. Mabilis din na naserve ang orders kaya kain galore agad kami.

Three ang flavors na na-order namin. Since, hindi kami familiar sa mga flavors kaya try lang ng try ng kain. Masarap naman siya, not really extraordinary hindi rin below ordinary, hindi rin siya iyong tipong 'okay lang'. Hindi pa kasi namin natatry ang lahat ng flavors at hindi rin namin nakain ang buffalo na maanghang dahil may sakit si madams at may hyperacidity din ako.

Iyong first chicken, matamis siya. Naaalala ko sa kanya ang sweetness sa mga Korean dish na nakakain ko minus the spiciness. Iyong second flavor ay mixture siya ng sweetness and spiciness, nagustuhan ko pero may hinahanap akong crispiness na hindi ko mahanap sa pangalawa. Iyong third chicken naman ay parang coated with cheese, hindi siya matamis at hindi rin siya sobrang maalat. Sakto lang.

Kahit may sakit kami ay hindi namin sinayang ang unli, nakatwo rounds kami ng rice and 3 refills ng ice tea (nag-add kami ng 20 for the bottomless). As for the potato mojos, hindi ako masyadong nasarapan, mas masarap pa rin iyong mojos na nakain  ko sa isang restaurant.

Iyong overall na hitsura ng place ay parang 'rustic' ang feeling. Iyong floor ay semento lang siya pero super shiny, iyong tipo ng floor na gusto mo sa classroom mo dahil hindi na kailangan pang magfloorwax, walis-walis nalang at solve na.

Sulit naman iyong 199 na spend mo sa chicken at pwede mo siyang balikbalikan. Mali lang siguro ako ng chicken flavor na napili, sa susunod ay iyong iba naman. Gusto ko kasi iyong crispy chicken 😄. Hindi nga sa susunod ay ibang flavor ang titikman ko.

Ano ang rate ko sa Fowl Chicken Diner?
4.2/5.0

Pwede siya sa mga chicken lovers, be careful sa may allergies. Mag-eenjoy ang buong barkada at pamilya.

Noong umuwi na kami ay dumaan pa kami sa cd-r-king para bumili ng mini-keyboard sa laptop ko. May ilang keys kasi na hindi functioning simula noong ibato ko iyon sa galit ko sa mga students ko (huwag tularan, nabaliw lang) mabuti nalang at hindi tuluyang nasira. Kaso wala namang mini-keyboard kaya hanap sa ibang store. Dumaan din pala kami sa lotto scratch 🤣🤣🤣, suportado ko si madams sa kampanya niya sa pagscratch ng red hot churva at go banana niya.

At dahil patay gutom kami kaya last stop namin ay sa sm hypermart at bumili kami ng gigantic toron nila na tag-15 na hindi rin naman namin kinain.

So, ayun lang. Sabi ko nga hindi ba, mahabang a/n lang siya. Huwag maghanap ng English na input dito dahil hindi ako amerikana 😅.

Sa mga gustong pumunta dito, 2 stores lang ang alam kong meron sila. (Sa mga taga-Cebu)

Sa Mandaue and Tamiya. Iclick lang ang kanilang facebook link for more info:

http://gestyy.com/wrJRxd

The end. Bow.


Love,
Inang

Complete list of IAMYOURLOVELYWRITER STORIES with Links

Than you for coming and visiting babies <3, below are the list of stories and the links para hindi na kayo mahirapan na maghanap pa.

Sa mga naghahanap ng links andito na po sila, napagpasyahan po nilang magkaisa para hindi na kayo maligaw. 
6
https://www.wattpad.com/story/46029123-zbs-6-black-moth%27s-chemical-romance-completed 
7
https://www.wattpad.com/story/51153948-zbs-7-white-scorpion%27s-pretend-lover-completed
8
https://www.wattpad.com/story/53180093-zbs-8-indigo-ladybug%27s-saddest-smile-completed
https://www.wattpad.com/story/72875265-zbs-9-blue-grasshopper%27s-lesson-learned-completed
10
https://www.wattpad.com/story/69164560-zbs-10-peach-firefly%27s-haunting-past-book-1
11
https://www.wattpad.com/story/85183794-zbs-11-peach-firefly%27s-tattered-heart-ongoing
12
TO-BE-UPDATED

To Love Me
https://www.wattpad.com/story/55108033-to-love-me-completed



P.S:: I'll keep posted for more updates.

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang