7- Blue Anemone
“LOLA,
pwede bang huwag nalang akong
pumunta? Sa tingin ko kasi hindi rin magwowork ang kung anuman ang nasa isip mo.”
Hindi niya napigilang magreklamo sa lola niy habang hinahanapan siya nito ng
maisusuot para sa kanyang date. Nai-setup na naman siya nito sa isang blind
date ng hindi niya alam. At ito pa ang namimili ng mga isusot niyang damit.
“Kailangan mong magpunta aba ay
nakakahiya sa amiga ko at sa apo niya. Mabait ang apo niya nakilala ko na
minsan noong nagpunta kami sa bahay nila upang doon maglaro ng mahjong.”
Sumimangot siya. “Hindi naman po
issue sa akin iyan dahil alam kong hindi niyo naman ako papasamahin sa taong
may masamang ugali. Nagpromise na kayo sa akin na last na iyong isang buwan.”
“Sinabi ko ba iyon?” iniwas nito ang
mga mata nito na halatang nagsisinungaling sa kanya. “Nakalimutan kong
nagpromise ako, kapag pumunta ka sa blind date sure akong last na talaga ito.”
Kinuha niya ang cellphone niya at
binuksan ang camera application niya, pagkatapos iset sa video mode ay bumaling
siya sa kanyang lola.
“La, sabihin mo nga last na ito.”
“Huli na ito Pamela-.” Napansin nito
ang ginawa niya kaya tumigil ito pero sapat na ang sinabi nito para
masiguradong hindi na nito makakalimutan ang kanilang pinag-usapan. “Wala ka
bang tiwala sa akin?” nagdadrama na naman ito and she won’t fall for it.
“Naninigurado lang lola dahil baka
makalimutan niyo na naman.” Bumuntong-hininga siya. “La, matanda na ako at kaya
ko ng maghanap ng mapapangasawa ko. Masaya naman po ako sa buhay ko kaya huwag
na ho kayong mag-alala sa akin.”
“Baka tumanda ka ring mag-isa
katulad ko.”
“Ano naman ngayon kung tumanda akong
mag-isa? Kung destiny ko ho na tumandang mag-isa, puwes, tatanggapin ko. Huwag
na ho kayong mag-alala.”
“Magugustuhan mo ang magiging date
mo, gwapo at charming.” Tila agad nitong nakalimutan ang unang napag-usapan
nila. “Bakit ba puro desente itong mga damit mo dito Pamela dapat ay may mga
sexy ka rin na outfit. Gusto mong pahiramin kita? Marami ako sa cabinet ko.”
Tuluyan na siyang
napabuntong-hininga, wala ng pag-asa ang lola niya.
KUNG
hindi man siya isang malaking tanga sana ay naitanong niya ang pangalan ng
ka-date niya. Baka mamaya ay magmukha naman siyang tanga dahil kahit pangalan
nito ay hindi niya alam. Sinabi lang ng lola niya ang address sa isang sikat na
fine dining restaurant na alam niyang ito rin ang nagpabook.
Isang simpleng dilaw na bestida lang
ang suot niya, her lola tells her she looks like a walking crayons dahil sa
mahilig siya sa mga pastel colors at nudes na shades. Sumasakit ang mga mata
niya sa sharp and bold colors kaya nahiligan niya ang mga light colors and
besides bagay naman sa kanya dahil sa light ang skin complexion niya. Hindi rin
heavy ang make-up niya dahil ayaw niyang isipin ng ka-date niya na sobrang
excited siyang magpaganda para dito.
Walang pangit sa lahat ng
nakaka-date niya, batid niyang na-screen na rin ng lola ang mga dating
pinapareha sa kanya. At ayaw naman niyang masabihan ng hindi maganda kaya
nag-effort na rin siya para sa kanyang hitsura. Sa mga ganitong event lang siya
nakakapag-ayos dahil mas gusto pa rin niya ang no make-up look niya kapag nasa Blooms
Station siya.
“Do you have any reservations
ma’am?” untag ng receptionist sa kanya. Sinabi niya ang pangalan ng lola niya
dahil iyon ang sabi nito. “Someone’s waiting for you ma’am in your table.”
tinawag nito ang isang waitress at dinala siya sa table na sinabi nito kanina.
Habang naglalakad ay agad niyang napansin ang likod ng lalaking sinasabi nilang
naghihintay sa kanya. Bigla siyang kinabahan habang nakatingin sa malapad na
likod nito.
“Thank you miss.” Baling niya sa
waitress ng malapit na sila sa mesa. Magalang na iniwan siya ng kasama at
nagpatuloy siya sa paglalakad. “Good evening, I am sorry I’m late--.” Nabitin
ang dila niya sa ere ng magtaas ng tingin ang naghihintay sa kanya. Kumunot ang
kanyang noo habang tumaas naman ang dalawang makakapal na kilay ng lalaki.
“Pamela?!” gulat at pagtataka ang
rumehistro sa mukha ng lalaki.
“Nicolo, what are you doing here?” parang
gusto niyang batukan ang sarili sa sobrang talinong tanong na iyon. “Mukhang
nagkamali ako ng mesang linapitan.” Halos lahat ng kalapit na mesa nila ay
okupado na.
“Blind date?” usisa ng lalaki.
“Pinagbigyan ko lang ang lola ko.”
biglang lumapad ang ngiti nito at tila nakahinga ito ng maluwang sa kung ano
ang nalaman.
“Mukhang hindi ka nagkamali ng
mesang nilapitan.” Tumayo ang lalaki at doon lang niya napagtanto kung gaano
ito katangkad, at nang lumapit na ito sa kanya ay may nalaman din siya, sobrang
bango nito. Pinaghila siya nito ng silya at umupo siya. “I am relieved to know
that you’re my date.”
“Hindi mo rin alam?”
Umiling ang binata. “I forgot to ask
my grandmother, old ladies sometimes are very manipulative.”
“Sinabi mo pa.”
Tumahimik ito saglit at napatitig sa
kanya, bigla siyang naconscious. “May dumi ba sa mukha ko?”
Ngumiti at umiling lamang ang lalaki.
“Naninibago lang ako ngayon lang kita nakitang nag-ayos.”
Namula ang pisngi niya sa sinabi
nito. “Pasensya na pangit talaga ako sa personal-.”
“No! That’s not what I mean. You
really look lovely tonight but I guess mas sanay akong nakita kang simple
lang.”
“Kung simple lang ako hindi na ako
maganda?” tinaasan niya ito ng kilay.
“You are absolutely beautiful with
or without any make-up.” Tumawa siya ng bigla itong natarantang sagot. Nailing
nalang siya dito, tinitigan din niya si Nicolo. Matagal na niyang alam na may
hitsura ang ex-boyfriend ng kaibigan niya pero habang nakatingin dito ng ganito
kalapit napagtanto niyang hindi lang ito may hitsura, gwapo talaga ito.
Tumikhim siya upang hindi nito
mapansin ang pagtitig niya. “You don’t look bad yourself.”
“Pinupuri mo na ba ako sa lagay na
iyan?”
Nagkibit-balikat siya habang
tumatango-tango at nagpipigil ng ngiti. “Ganyan ako pumuri kaya bear with it.
Mataas ang standards ko sa gwapo.” Biro niya.
“Pumasok ba ako sa standards mo sa
gwapo?”
“Hindi pa kaya pagbutihin mo pa ang
pagiging gwapo, assignment mo iyan.”
Hinawakan nito ng dibdib nito. “Ang
sakit mo sa ego, Pamela.”
Kunwari ay malakas siyang
napasinghap. “Meron ka pala n’on.” Agad niyang kinagat ang labi dahil sa walang
prenong takbo ng bibig niya. “Joke lang iyon don’t take it seriously.”
“I am not offended alam kong
nagbibiro ka lang.” nakahinga siya ng maayos sa sinabi nito. “Kidding aside,
kanina ko pa tinitingnan ang bulaklak na ito. Hindi ako pamilyar dito.”
Tiningnan niya ang bulaklak na
nakalagay sa vase na dekorasyon sa mesa nilang dalawa. Tatlong kulay asul na
bulaklak.
“This is anemone blanda.”
“Anemone? Sea anemone?”
“Nope. Kapangalan lang ng sea
anemone pero iba ang bulaklak na ito. Normally, tumutubo ito sa mga European
countries at sa Japan.”
“Anong meaning ng anemone?”
“Sa Greek ang meaning niya ay wind
flower, ang hangin ang dahilan kung bakit bumubukadkad ang mga petals niya at
ang hangin din ang dahilan kung bakit natatanggal ang mga patay na petals.”
“That makes sense.”
Ngumiti siya dito. “Maganda ba ang meaning
nito sa buhay ng tao?”
Muling kinagat niya ang labi habang
nakatingin dito. “Huwag mo nalang alamin.”
Nagtataka man ay nagtanong pa rin
ito. “Pangit ba?”
Nagkibit-balikat lang siya. “Both.”
“Both?”
“Both good ang bad.”
“Come on Pamela, I am dying to know
the meaning.”
“Huwag na sabi, bawal mo iyang
ibigay kay Yumi.”
Nagdugtong muli ang dalawang
makakapal na kilay nito. “Pam.” The way he says her name makes her insides
twitched uncomfortably.
“Anemone means fading hope and a
feeling of having been forsaken.” Nawala ang pagkakakunot sa noo nito pero agad
na bumagsak ang dalawang balikat ng kaharap.
“Hindi ka pwedeng magtinda ng
ganitong bulaklak sa flowershop mo.”
“Maganda naman ang anemone, mahirap
nga lang mag-order niyan.”
“Paanong ang napakagandang bulaklak
na ito ay may ganoon kalungkot na kahulugan?”
Muli siyang umiling. “Baka
nakakalimutan mo may positive side pa iyan. Maaaring ang ibig sabihin ng
bulaklak na ito ay pagkawala ng pag-asa, on the positive side, ang ibig sabihin
din niyan ay anticipation.”
“Fading hope and anticipation? Irony
isn’t it?”
Tumango siya. “Depende naman kasi sa
tao kung anong kahulugan ang gusto mong gamitin. Sabihin natin naniniwala ka sa
dalawa, maaring wala ka ng pag-asa sa isang bagay pero asahan mo rin na may
darating din na bagong bagay para sa iyo.”
Napansin niya ang pagtitig nito sa
kanya. “Why/” she asked.
“I—sa tingin ko ay tama ka. Nawalan
ng pag-asa pero may bagong hihintayin. Now, I understand.” May lihim na ngiti
sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya… o sa bulaklak na hawak niya. Siya
naman ang walang maintindihan sa sinabi nito pero kahit ano pa iyon kung masaya
ito mas mabuti.
TBC
<3 <3 <3
Love,
INANG
p.s: Photo CTTO
0 (mga) komento:
Post a Comment