9 - Alstroemeria
“Ate Pam, para kanino itong mga alstromeria? Wala naman akong
napunch na orders ng mga flowers.” Nagtatakang turo ni April sa mga bulaklak na
kaninang umaga pa niya naihanda.
“Gift
iyan.”
“May
bibigyan ka ng gift?” tumango siya. “Kanino?”
“Kay
kuya Nico mo.” sinulyapan niya ito. “At kay kuya Earl mo, opening nila ngayon.
Gift nila ang mga bulaklak na iyan, ibig sabihin kasi ng mga alstroemeria ay
wealth, prosperity and fortune.” Paliwanag niya.
“Anong
oras ba ang opening?”
“One.”
Napatingin ito sa suot nitong relos at napakunot ng noo.
“Dapat
kanina ka pa umalis ate, ten minutes before one na, mala-late ka na.” she
stucked her tongue to April.
“Hindi ako pupunta dahil may
importante akong gagawin, ikaw ang papupuntahin ko doon para magbigay ng
flowers.”
“Bakit ako?” gulat na tanong nito.
“Dahil ako ang boss mo at may bunos
ka sa akin dahil sa pagdedeliver mo.” madali namang kausap ang assistant niya
kaya mabilis itong tumalima. Gusto niyang pumuna kaya lang ay nagdadalawang
isip siya dahil kahapon ay hindi maganda ang naging pag-uusap nila ni Nico.
Mukhang nagalit yata ito sa kanya dahil sa sinabi niyang ginagamit niya ito at
ang panliligaw nito kay Yumi para sa business niya. Nagsasabi lang naman siya
ng totoo pero mukha yatang mas tamang hindi nalang niya iyon sinabi.
“Pero hindi nga ate, bakit hindi ka
pupunta? Friends na naman kayo ni Kuya Nico hindi ba?”
“At ni Earl.” Dugtong pa niya. “Busy
lang talaga ako at nasabi ko na iyon kay Nico.” She lied. Magiging busy din si
Nico kaya hindi rin nito mapapansin kung nandoon siya o wala. “Alis ka na tapos
maghalf-day ka na rin dahil maaga akong magco-close.”
Mas lalong bumakas ang pagtataka sa
mukha ni April. “Why?”
“May importante nga kasi akong
gagawin.” Mahinahong paliwanag niya upang hindi na ito magtaka.
“Anong isasagot ko kay kuya Nico kapag
hinanap ka?”
Tumaas ang kilay niya. “Hindi na
sabi niya ako hahanapin kasi nagpaalam na akong hindi pupunta at busy iyong
tao, okay na kahit kanino mo ibigay ang mga flowers dahil hindi na nila
mapapansin iyon.”
“Pero-.”
“Kapag hindi mo pa iyang nadeliver
doon babawasan ko ang sweldo mo at wala ka nang bunos.” Banta niya dito.
“Sabi ko nga idedeliver ko na ito.” Mabilis
nitong kinuha ang mga gamit at binitbit ang mga bulaklak palabas. Hindi talaga
siya magsasara ng shop, gusto lang niyang sabihin iyon kay April. At saka hindi
sila gaanong busy ngayong araw, iyong mga orders ay nadeliver na rin. Sayang
din kung isasara niya ang shop, maghuhulog pa siya ng bayad sa Pag-ibig para sa
bahay niya.
Ilang beses siyang napapatingin sa
cellphone niya upang alamin kung anong oras na, medyo naiinis na rin siya sa
kanyang sarili. Hindi na nga niya naayos ang inventory niya dahil nakakaramdam
siya ng guilt. Ilang sandali pa ay hindi na niya natiis at tumayo na siya,
kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpasyang pupunta sa opening ng shop nina
Nico. Kahit na hindi maganda ang pinag-usapan nila kagabi nasabi pa rin niya na
pupunta siya doon. At kapitbahay niya ito, sigurado siyang nandoon din ang iba
pang mga kaibigan niya kaya kahit na hindi siya nito pansinin ay sila nalang
ang kakausapin niya.
“You are crazy Pamela.” Bulong niya
sa kanyang sarili.
Pagkatapos naisarado ang shop ay
nagsimula na siyang maglakad papunta sa shop ng may sasakyan na huminto sa tabi
niya. Kunot-noong napalingon siya sa sasakyan, dahil tinted ang salamin ay
hindi niya nakilala ang sakay. Umibis ang driver mula doon.
“Pam.”
“Anong ginagawa mo dito Nicolo?”
“Ang sabi ni April hindi ka pupunta
sa opening.”
“Na-cancel na iyong pupuntahan ko,
papunta na nga ako sa motorparts shop niyo.”
May kung anong dumaan na emosyon sa
mukha nito. “Sumakay ka na, hindi pa kami nagsisimula.”
Binuksan nito ang pintuan sa passenger
seat upang makasakay siya. “Quarter to two, dapat kanina pa kayo nagsimula.”
“Hmn.” Ang tanging sagot lang nito. “Sa
palagay ko hindi ka pupunta.”
Napakamot siya ng noo. “Pupunta na
nga ako doon.”
“Malakas ang kutob kong hindi ka
pupunta kaya pinuntahan kita sa shop, luckily nakita kitang naglalakad kaya
naka-U-turn agad ako.”
Napabuntong-hininga siya, what’s the
used of lying? “Akala ko kasi nagalit ka sa sinabi ko kahapon dahil sobrang
tahimik mo kaya nagdalawang-isip akong pumunta sa ribbon cutting niyo.”
“Akala mo galit ako sa iyo?”
“Yes.”
“Hindi ako galit sa iyo.”
“Bakit sobrang tahimik mo kahapon?” Ito
naman ngayon ang sobrang natahimik. “See, galit ka nga. Nagsorry na nga ako at
saka once ko lang pinatungan ng twenty-five percent ang binili mong flowers. Iyong
first time lang tapos ng mga sumunod ay unti-unting nagdecline na ang patong
hanggang sa naging normal na uli ang prices.” Akala niya ay magagalit na talaga
ito pero narinig niya ang malakas na tawa ng lalaki na ikinapagtataka niya.
“Hindi ka galit?” she peeked at him.
“I am not mad, surprised maybe pero
hindi ko magawang magalit sa iyo.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Sure?”
“I am really sure, kaya huwag kang
mag-alala. Kapag nanahimik ako ibig sabihin niyan ay may malalim akong iniisip
o kaya naman ay may masama akong nararamdaman.”
“So that means, last night may
malalim kang iniisip?”
“Nope, may masama akong naramdaman.”
Makahulugang turan nito bago nito
inihinto ang sasakyan sa harap ng shop nitong may nagkukumpulan na maraming
tao.
“Tayo nalang ang hinihintay Pam para
magsimula ang ribbon cutting.” Bumaba ito at mabilis na bumaling sa side niya,
binuksan nito ang pintuan at inilahad ang palad nito. “Shall we?”
Napabuntong-hininga nalang siya lalo
pa at unti-unti nang lumilinaw ang kakaibang nararamdaman ng puso niya. Habang tinataas
ang palad niya upang tanggapin ang palad nito ay unti-unti na rin niyang
tinatanggap sa sarili niya ang nararamdaman niya.
May feelings na siya kay Nicolo, ang
ex-boyfriend ng kaibigan niya, ang may hang-ups pa sa ex-girlfriend nito. She
is literally doomed.
TBC
<3 <3 <3
LOVE,
INANG
Photo CTTO
Inang kinikilig talaga ako d2 kay pam at nico 😍 update kna po ulit d2 😂
ReplyDeleteSoon 🤣
ReplyDelete