Monday, May 29, 2017

Black Magic 2 - Bloom Love: 9 - Alstroemeria


9 - Alstroemeria
            “Ate Pam, para kanino itong mga alstromeria? Wala naman akong napunch na orders ng mga flowers.” Nagtatakang turo ni April sa mga bulaklak na kaninang umaga pa niya naihanda.
            “Gift iyan.”
            “May bibigyan ka ng gift?” tumango siya. “Kanino?”
            “Kay kuya Nico mo.” sinulyapan niya ito. “At kay kuya Earl mo, opening nila ngayon. Gift nila ang mga bulaklak na iyan, ibig sabihin kasi ng mga alstroemeria ay wealth, prosperity and fortune.” Paliwanag niya.
            “Anong oras ba ang opening?”
            “One.” Napatingin ito sa suot nitong relos at napakunot ng noo.
            “Dapat kanina ka pa umalis ate, ten minutes before one na, mala-late ka na.” she stucked her tongue to April.
            “Hindi ako pupunta dahil may importante akong gagawin, ikaw ang papupuntahin ko doon para magbigay ng flowers.”
            “Bakit ako?” gulat na tanong nito.
            “Dahil ako ang boss mo at may bunos ka sa akin dahil sa pagdedeliver mo.” madali namang kausap ang assistant niya kaya mabilis itong tumalima. Gusto niyang pumuna kaya lang ay nagdadalawang isip siya dahil kahapon ay hindi maganda ang naging pag-uusap nila ni Nico. Mukhang nagalit yata ito sa kanya dahil sa sinabi niyang ginagamit niya ito at ang panliligaw nito kay Yumi para sa business niya. Nagsasabi lang naman siya ng totoo pero mukha yatang mas tamang hindi nalang niya iyon sinabi.
            “Pero hindi nga ate, bakit hindi ka pupunta? Friends na naman kayo ni Kuya Nico hindi ba?”
            “At ni Earl.” Dugtong pa niya. “Busy lang talaga ako at nasabi ko na iyon kay Nico.” She lied. Magiging busy din si Nico kaya hindi rin nito mapapansin kung nandoon siya o wala. “Alis ka na tapos maghalf-day ka na rin dahil maaga akong magco-close.”
            Mas lalong bumakas ang pagtataka sa mukha ni April. “Why?”
            “May importante nga kasi akong gagawin.” Mahinahong paliwanag niya upang hindi na ito magtaka.
            “Anong isasagot ko kay kuya Nico kapag hinanap ka?”
            Tumaas ang kilay niya. “Hindi na sabi niya ako hahanapin kasi nagpaalam na akong hindi pupunta at busy iyong tao, okay na kahit kanino mo ibigay ang mga flowers dahil hindi na nila mapapansin iyon.”
            “Pero-.”
            “Kapag hindi mo pa iyang nadeliver doon babawasan ko ang sweldo mo at wala ka nang bunos.” Banta niya dito.
            “Sabi ko nga idedeliver ko na ito.” Mabilis nitong kinuha ang mga gamit at binitbit ang mga bulaklak palabas. Hindi talaga siya magsasara ng shop, gusto lang niyang sabihin iyon kay April. At saka hindi sila gaanong busy ngayong araw, iyong mga orders ay nadeliver na rin. Sayang din kung isasara niya ang shop, maghuhulog pa siya ng bayad sa Pag-ibig para sa bahay niya.
            Ilang beses siyang napapatingin sa cellphone niya upang alamin kung anong oras na, medyo naiinis na rin siya sa kanyang sarili. Hindi na nga niya naayos ang inventory niya dahil nakakaramdam siya ng guilt. Ilang sandali pa ay hindi na niya natiis at tumayo na siya, kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpasyang pupunta sa opening ng shop nina Nico. Kahit na hindi maganda ang pinag-usapan nila kagabi nasabi pa rin niya na pupunta siya doon. At kapitbahay niya ito, sigurado siyang nandoon din ang iba pang mga kaibigan niya kaya kahit na hindi siya nito pansinin ay sila nalang ang kakausapin niya.
            “You are crazy Pamela.” Bulong niya sa kanyang sarili.
            Pagkatapos naisarado ang shop ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa shop ng may sasakyan na huminto sa tabi niya. Kunot-noong napalingon siya sa sasakyan, dahil tinted ang salamin ay hindi niya nakilala ang sakay. Umibis ang driver mula doon.
            “Pam.”
            “Anong ginagawa mo dito Nicolo?”
            “Ang sabi ni April hindi ka pupunta sa opening.”
            “Na-cancel na iyong pupuntahan ko, papunta na nga ako sa motorparts shop niyo.”
            May kung anong dumaan na emosyon sa mukha nito. “Sumakay ka na, hindi pa kami nagsisimula.”
            Binuksan nito ang pintuan sa passenger seat upang makasakay siya. “Quarter to two, dapat kanina pa kayo nagsimula.”
            “Hmn.” Ang tanging sagot lang nito. “Sa palagay ko hindi ka pupunta.”
            Napakamot siya ng noo. “Pupunta na nga ako doon.”
            “Malakas ang kutob kong hindi ka pupunta kaya pinuntahan kita sa shop, luckily nakita kitang naglalakad kaya naka-U-turn agad ako.”
            Napabuntong-hininga siya, what’s the used of lying? “Akala ko kasi nagalit ka sa sinabi ko kahapon dahil sobrang tahimik mo kaya nagdalawang-isip akong pumunta sa ribbon cutting niyo.”
            “Akala mo galit ako sa iyo?”
            “Yes.”
            “Hindi ako galit sa iyo.”
            “Bakit sobrang tahimik mo kahapon?” Ito naman ngayon ang sobrang natahimik. “See, galit ka nga. Nagsorry na nga ako at saka once ko lang pinatungan ng twenty-five percent ang binili mong flowers. Iyong first time lang tapos ng mga sumunod ay unti-unting nagdecline na ang patong hanggang sa naging normal na uli ang prices.” Akala niya ay magagalit na talaga ito pero narinig niya ang malakas na tawa ng lalaki na ikinapagtataka niya.
            “Hindi ka galit?” she peeked at him.
            “I am not mad, surprised maybe pero hindi ko magawang magalit sa iyo.”
            Tinaasan niya ito ng kilay. “Sure?”
            “I am really sure, kaya huwag kang mag-alala. Kapag nanahimik ako ibig sabihin niyan ay may malalim akong iniisip o kaya naman ay may masama akong nararamdaman.”
            “So that means, last night may malalim kang iniisip?”
            “Nope, may masama akong naramdaman.”
            Makahulugang turan nito bago nito inihinto ang sasakyan sa harap ng shop nitong may nagkukumpulan na maraming tao.
            “Tayo nalang ang hinihintay Pam para magsimula ang ribbon cutting.” Bumaba ito at mabilis na bumaling sa side niya, binuksan nito ang pintuan at inilahad ang palad nito. “Shall we?”
            Napabuntong-hininga nalang siya lalo pa at unti-unti nang lumilinaw ang kakaibang nararamdaman ng puso niya. Habang tinataas ang palad niya upang tanggapin ang palad nito ay unti-unti na rin niyang tinatanggap sa sarili niya ang nararamdaman niya.

            May feelings na siya kay Nicolo, ang ex-boyfriend ng kaibigan niya, ang may hang-ups pa sa ex-girlfriend nito. She is literally doomed.


TBC

<3 <3 <3
LOVE,
INANG


Photo CTTO

Black Magic 2 - Bloom Love: 8- Calla Lily


8 - Calla Lily
            KANINA pa siya naiinis sa mga tingin na ipinupukol sa kanya ng lola Grasya niya, alam niya ang ibig ipahiwatig nito sa mga tingin nito at ayaw niyang sakyan ang kung anuman na nasa isip nito. At nang hindi makatiis ay iniligpit niya ang kanyang pinagkainan at dinala sa sink upang hugasan.
            Ilang araw na ganito ang lola niya magmula ng ihatid siya ni Nicolo sa bahay pagkatapos ng kanilang set-up slash blind date. First time kasi siyang nagpahatid sa bahay, medyo ginabi rin kasi sila dahil sa dami ng kanilang pinag-usapan. Masaya at masarap kausap si Nico kaya nakalimutan niya kung anong oras na. At kahit na tinanggihan niya ang offer nito na ihatid siya ay nagpumilit ito, baka raw kung ano ang mangyari sa kanya sa daan. At dahil mukhang magkaibigan naman sila kaya tinanggap nalang niya ang offer nito lalo pa at convenient sa knaya iyon.
            Kaya lang iba ang tumatakbo sa isip ng kanyang lola kaya mas lalo siyang naiinis. Naiinis siya dahil baka umaasa ito ng higit pa mula kay Nico at sa kanya, na impossibleng mangyari dahil may nililigawan iyong tao. At saka kaibigan niya si Yumi na ex-girlfriend ng binata. Walang talo-talo, ang pangit din yatang tingnan—at bakit niya iniisip ang bagay na iyon?
            “Apo--.”
            “Alis na ako lola, bye.” Mabilis na hinalikan niya ang lola sa pisngi at hindi hinayaan na magsalita. Mas safe siya kapag walang topic na binuksan ang lola niya tungkol kay Nicolo dahil maging siya ay kakaiba na ang nararamdaman para sa binata.
            Mabilis niyang narating ang Bloom Stations, nandoon na si April at abala sa pagsasalansan ng mga bagong dating na mga bulaklak. Bumati ito sa kanya.
            “Ate, ang mga bagong delivers na calla lily dinala na sa simbahan ng mga suppliers. Ikaw nalang ang hinihintay nila doon.” Paalala ng assistant sa kanya.
            “Pupunta na talaga ako dumaan lang ako dito para icheck kung okay ka na bang iwanan dito.” Sumimangot itong bigla.
            “Ate Pam, ilang taon na akong assistant mo wala ka pa ring tiwala sa akin.” Pagtatampo nito.
            “Tiningnan ko lang kung dumating na ang mga calla lilies, itong batang ito hindi na mabiro at saka nakalimutan ko ang cellphone ko. Hindi ako pwedeng umalis ng wala ito.” Kinuha niya ang cellphone na nakatago sa loob ng kanyang drawer. “And don’t call me if hindi naman talaga importante, kapag may naghahanap sa akin sabihin mo I am busy.”
            “Hinahanap ka ni kuya Nico ate, ilang days na rin siyang pabalik-balik dito.”
            Iniwas niya ang tingin mula kay April dahil mabilis makasagap ng aura ang kasama baka may masagap itong kung ano mula sa kanya.
            “Kausapin mo lang, business as usual. Huwag mo nalang patungan ng ilang porsyente ang tax niya dahil baka magsumbong iyon sa lola niya at magsumbong kay lola. Mahirap nang matrimbe pa tayo sa BIR. Si Earl nalang ang patungan mo ng tax.”
            “Iba ang pa-.”
            “At kung bibili siya ng bulaklak tapos magtatanong kung ano ang meaning ng bulaklak na napili niya, buksan mo lang ang blog natin. Itype mo ang name ng flower at nandoon na ang lahat ng mga meanings. Gandahan mo rin ang pagpepresent ng mga flowers para magka-chance naman iyon ng kaunti kay Yumi.” Kunwari ay tumingin siya sa kanyang suot na relo. “I need to go bago pa malanta ang mga calla lilies.” Wala na itong nahabol na salita dahil mabilis na siyang nakalabas ng Blooms.



            HABANG naglalakad palabas ng Subdivision ay napadaan siya sa basketball court na sobrang ingay ng mga oras na iyon.
            “I-shoot mo! I-shoot mo na ang ball!” bigla siyang natawa sa linyang iyon. Okay sana kung babae ang gumagamit ng mga salitang iyon dahil mas cute pakinggan, kaso mga lalaki na ang barako ng boses ang paulit-ulit na sumisigaw ng cheer. No wonder hindi matahimik ang court dahil panay ang tawa ng mga nanonood.
            “Ang hina mo naman pare, dapat magpasikat ka naman, walang hiya ka matatalo pa yata tayo sa pustahan. Sayang ang twenty-pesos, pang-corneto na iyon.” Reklamo ng isa sa mga kapitbahay nila. Iisa lang ang basketball court sa kanilang subdivision kahit na nahati iyon sa apat na Ville. Nasa pinaka-center ang court katabi ang malaking clubhouse na may swimming pool kung saan nagaganap ang mga homeowner’s meeting at mga parties ng subdivision nila.
            “Huwag kang magulo nakita mong nagco-concentrate ang tao.” May kung anong bumundol sa dibdib niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tumingkayad siya upang malaman kung tama ba ang kanyang hinala, ang dami kasing tao kaya hindi siya makasilip.
            “Ishoot mo na!”
            “Sandali nga lang.”
            “Ipasok mo na Nicolo.” Tumira si Nicolo pero sumablay iyon sa ring at kunot-noong bumaling sa isang kapitbahay nila na nagnga-ngalang Francis. “O, bakit?”
            “Kadiri ka Francis, nakakadiri kang pakinggan.” Kumunot lang ang noo ni Francis dahil nagtaka sa sinabi ni Nico. Tumawa din siya dahil nagets niya ang ibig ipahiwatig ni Nicolo sa ka-team mate nito. Oo nga naman, kung wala siguro ang mga ito sa basketball na maraming tao at nasa isang secluded area tapos mariringgan mo ng ‘Ishoot mo na at ipasok mo na’ line siguradong iba ang iisipin.
            Kung kanina ay nagmamadali siya ngayon ay tila napako siya sa kalsadang iyon, gusto kasi niyang manood at malaman kung may chance ba ang team ni Nico na Manalo. Muling bumalik ang ito sa paglalaro, muling ibinato kay Nico ang bola, nasa kabilang panig ito ng court kung saan kaharap siya. Mag-la-lay up na ito ng biglang dumako ang mga mata sa kanya. Ngumiti siya at nag-wave dito, nakatingin lang ito sa kanya at ishinoot ang ball.
            “Points!” sigaw ng teammates ng lalaki dahil naipasok nga nito ang bola sa ring. Dinamba ito ng mga kasama pero sa kanya pa rin ito nakatingin. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang labi kasabay ng pag-thumbs up upang sabihin dito na magaling ang ginawa nito. Ngumiti din ito sa kanya na naging dahilan kung bakit napapalingon ang mga tao sa kanya, sa knaya lang dahil wala naman siyang ibang kasama doon. Namumulang nagwave uli siya dito bilang pamamaalam at mabilis na nilisan ang harap ng basketball court.
            “Kinabahan ako doon ah.” Mahinang tinapik-tapik niya ang kanyang puso dahil may sarili na iyong buhay. Feel na feel pa nga niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso. “Makapagtrabaho na nga, para sa ekonomiya.”
            Nawala ang bigat sa balikat niya at pakiramdam niya ay may kung sayang pumalibot sa kanyang buong pagkatao. Nakakapanibago ang kanyang pakiramdam, parang pamilyar sa kanya na parang hindi. Kaya siguro ng makarating siya sa simbahan ay parang hangin lang sa kanya ang mga Gawain. Kahit na ang mga staff ng suppliers ay nagtataka sa kanya dahil nangingiti at tumatawa lang siya ng mag-isa.
            “Aba, inspired si ma’am.” Biro ng tumutulong sa kanya sa pag-aayos ng mga Calla lilies sa malaking vase. “In love.”
            “Masaya lang in love na agad? Hindi ba pwedeng maganda ang gising ko ngayon?” nakangiting tanong niya.
            “Kakaiba kasi ang glow niyo ma’am Pamela, wala naman po kayong make-up pero ang ganda-ganda niyong tingnan at nakakahawa ang ngiti niyo.”
            “Ay, normal talaga iyan sa business. Umeepekto na yata ang BB cream na gamit ko, no make-up look iyan pero may make-up talaga ako para mas maganda akong tingnan. Kunwari ay natural look kuno ako.” Biro niya. Of course wala siyang in-apply sa mukha niya dahil ayaw niyang manlagkit at pagpawisan ng husto. Ayaw lang niyang may ibang isipin ang mga taong ito.
            “Parang may nag-iba talaga.” At mukhang wala siyang balak lubayan ng mga ito.
            “Mas lalo talaga akong gumanda ngayon kaya.”
            “Sige bolahin niyo pa ako, gustong-gusto ko kapag sinasabihan akong mas lalo akong gumaganda.” Sakay niya sa kausap na ikinatawa ng mga ito. Napapangiti na lang rin siya sa kanyang sarili, dahil kahit siya ay hindi niya masabi ang dahilan kung bakit masaya siya ngayon. Kung bakit hyper na hyper ang feeling niya dahil may bahagi pa rin ng utak niya na nagsasabing hindi tama.



            “THOSE flowers are beautiful.” Napasinghap siya ng marinig ang boses ni Nicolo, napatingin siya dito sa pagitan ng mga sobrang calla lily na bitbit niya. “Ano ang tawag diyan?”
            “Calla lily.”
            “Iyan pala ang calla lily.” Napatingin siya sa hawak nito. May bitbit itong paperbag ng mga tinapay na galing sa bakeshop ni Yumi. Lihim siyang napabuntong-hininga dahil may unknown feeling na naman na pumasok sa utak niya at nadeliver sa puso niya.
            “Galing ka kay Yumi?”         
            Napatingin ito sa hawak nito. “Nagkayayaan ang mga kalaro ko sa basketball kong kumain ng tinapay dahil nanalo kami sa pustahan.”
            “Congratulations.” Bati niya dito.
            “Busy ka?” tumango siya sa tanong nito. “Kailan ka hindi busy?”
            “Bakit?”
            Napakamot ito ng ulo. “Yayain sana kita sa opening ng shop namin, bukas ng hapon ang ribbon cutting.”
            “Hindi ba nagsoft opening na kayo?”
            “Yup, pero sabi ni Earl mas maganda talaga iyong formal ang opening at may ribbon cutting pampaswerte sa negosyo.”
            “Sabagay.” Napatingin siya sa kanyang nilalakaran. “Anong oras?”
            “Pupunta ka?” masayang tanong nito. “One p.m.”
            “Okay, I’ll be there.” Kinuha nito sa kanya ang mga bulaklak na bitbit niya at ipinalit ang paperbag na may lamang tinapay sa bisig niya.
            “Ako na ang magdadala ng mga flowers, saan ka ba pupunta ngayon? Sa bahay niyo o sa Blooms?”
            Balak sana niyang i-uwi sa bahay ang mga bulaklak pero naalala niyang nandoon ang lola niya kaya nagbago siya ng isip. Hindi pwedeng makita ng kanyang lola si Nico na hinahatid siya dahil baka ano na naman ang pumasok sa mapaglarong isipan n’on. At kapag tumanggi naman siyang magpahatid ay siguradong magtataka ito at mas sigurado siyang hindi papayag ito.
            “Sa Blooms.”
            Habang naglalakad sila ay biglang sumagi sa isip niya ang panliligaw nito kay Yumi. “Uhm, kumusta ang panliligaw mo kay Yumi?” sinilip niya ito sa pagitan ng mga bulaklak. Tumahimik ito at biglang sumeryoso kaya nakagat niya ang kanyang mga labi.
            “Sa tingin mo may pag-asa pa ba ako kay Yumi?”
            Napabuntong-hininga siya. “Do you want a serious answer? Walang halong biro at negosyo?” kumunot ang noo nito sa tanong niya pero hindi naman sumagot. “Sa totoo lang Nico wala ka na talagang chance kay Yumi. I think she’s falling for Howard, scratch that, mahal na yata niya ang kapitbahay natin na iyon. At saka matagal na rin na nakabakod si Howard kay Yumi. Sa ganda ng kaibigan ko at sa tagal na single siya, nakakapagtakang ilang taon din siyang single hindi ba? Magaling talagang mambakod ang isang iyon. Sabi ko nga minsan, iyong mga torpe sila iyong mas malakas mambakod dahil iyong hindi nila nasasabi sa harap ng taong gusto nila ay nagagawa nila kapag hindi nakatingin iyong gusto nila sa kanila.” Mahabang paliwanag niya.
            Pero nakakunot pa rin ang noo nito. “Bakit may halong negosyo?” sa haba ng sinabi niya ay iyon lang ang nasabi nito?
            “Business woman ako kaya ipupush kitang manligaw kay Yumi dahil sa akin ka bumibili ng mga bulaklak, sayang din ang kikitain ko sa iyo at sa panliligaw mo.” nag-isang linya ang mga labi nito sa kanyang sagot. “Uy, huwag kang magalit kahit kay Earl naman ay ganoon din ako.” Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. Napabuntong-hininga nalang siya dahil mukhang hindi na naging maganda ang reaksyon ng mukha nito.

            “Sorry.” Hingi nalang niya ng paumanhin. Hindi talaga maganda ang mga dirty tactics sa negosyo dahil nagboboomerang sa kanya. 


TBC
<3 <3 <3 
LOVE,
INANG


Photo CTTO

Wednesday, May 24, 2017

Black Magic 2 - Bloom Love: 7- Blue Anemone

                                                                    7- Blue Anemone

            “LOLA, pwede bang huwag nalang akong pumunta? Sa tingin ko kasi hindi rin magwowork ang kung anuman ang nasa isip mo.” Hindi niya napigilang magreklamo sa lola niy habang hinahanapan siya nito ng maisusuot para sa kanyang date. Nai-setup na naman siya nito sa isang blind date ng hindi niya alam. At ito pa ang namimili ng mga isusot niyang damit.
            “Kailangan mong magpunta aba ay nakakahiya sa amiga ko at sa apo niya. Mabait ang apo niya nakilala ko na minsan noong nagpunta kami sa bahay nila upang doon maglaro ng mahjong.”
            Sumimangot siya. “Hindi naman po issue sa akin iyan dahil alam kong hindi niyo naman ako papasamahin sa taong may masamang ugali. Nagpromise na kayo sa akin na last na iyong isang buwan.”            
            “Sinabi ko ba iyon?” iniwas nito ang mga mata nito na halatang nagsisinungaling sa kanya. “Nakalimutan kong nagpromise ako, kapag pumunta ka sa blind date sure akong last na talaga ito.”
            Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ang camera application niya, pagkatapos iset sa video mode ay bumaling siya sa kanyang lola.
            “La, sabihin mo nga last na ito.”
            “Huli na ito Pamela-.” Napansin nito ang ginawa niya kaya tumigil ito pero sapat na ang sinabi nito para masiguradong hindi na nito makakalimutan ang kanilang pinag-usapan. “Wala ka bang tiwala sa akin?” nagdadrama na naman ito and she won’t fall for it.
            “Naninigurado lang lola dahil baka makalimutan niyo na naman.” Bumuntong-hininga siya. “La, matanda na ako at kaya ko ng maghanap ng mapapangasawa ko. Masaya naman po ako sa buhay ko kaya huwag na ho kayong mag-alala sa akin.”
            “Baka tumanda ka ring mag-isa katulad ko.”
            “Ano naman ngayon kung tumanda akong mag-isa? Kung destiny ko ho na tumandang mag-isa, puwes, tatanggapin ko. Huwag na ho kayong mag-alala.”
            “Magugustuhan mo ang magiging date mo, gwapo at charming.” Tila agad nitong nakalimutan ang unang napag-usapan nila. “Bakit ba puro desente itong mga damit mo dito Pamela dapat ay may mga sexy ka rin na outfit. Gusto mong pahiramin kita? Marami ako sa cabinet ko.”
            Tuluyan na siyang napabuntong-hininga, wala ng pag-asa ang lola niya.





            KUNG hindi man siya isang malaking tanga sana ay naitanong niya ang pangalan ng ka-date niya. Baka mamaya ay magmukha naman siyang tanga dahil kahit pangalan nito ay hindi niya alam. Sinabi lang ng lola niya ang address sa isang sikat na fine dining restaurant na alam niyang ito rin ang nagpabook.
            Isang simpleng dilaw na bestida lang ang suot niya, her lola tells her she looks like a walking crayons dahil sa mahilig siya sa mga pastel colors at nudes na shades. Sumasakit ang mga mata niya sa sharp and bold colors kaya nahiligan niya ang mga light colors and besides bagay naman sa kanya dahil sa light ang skin complexion niya. Hindi rin heavy ang make-up niya dahil ayaw niyang isipin ng ka-date niya na sobrang excited siyang magpaganda para dito.
            Walang pangit sa lahat ng nakaka-date niya, batid niyang na-screen na rin ng lola ang mga dating pinapareha sa kanya. At ayaw naman niyang masabihan ng hindi maganda kaya nag-effort na rin siya para sa kanyang hitsura. Sa mga ganitong event lang siya nakakapag-ayos dahil mas gusto pa rin niya ang no make-up look niya kapag nasa Blooms Station siya.
            “Do you have any reservations ma’am?” untag ng receptionist sa kanya. Sinabi niya ang pangalan ng lola niya dahil iyon ang sabi nito. “Someone’s waiting for you ma’am in your table.” tinawag nito ang isang waitress at dinala siya sa table na sinabi nito kanina. Habang naglalakad ay agad niyang napansin ang likod ng lalaking sinasabi nilang naghihintay sa kanya. Bigla siyang kinabahan habang nakatingin sa malapad na likod nito.
            “Thank you miss.” Baling niya sa waitress ng malapit na sila sa mesa. Magalang na iniwan siya ng kasama at nagpatuloy siya sa paglalakad. “Good evening, I am sorry I’m late--.” Nabitin ang dila niya sa ere ng magtaas ng tingin ang naghihintay sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang tumaas naman ang dalawang makakapal na kilay ng lalaki.
            “Pamela?!” gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha ng lalaki.
            “Nicolo, what are you doing here?” parang gusto niyang batukan ang sarili sa sobrang talinong tanong na iyon. “Mukhang nagkamali ako ng mesang linapitan.” Halos lahat ng kalapit na mesa nila ay okupado na.
            “Blind date?” usisa ng lalaki.
            “Pinagbigyan ko lang ang lola ko.” biglang lumapad ang ngiti nito at tila nakahinga ito ng maluwang sa kung ano ang nalaman.
            “Mukhang hindi ka nagkamali ng mesang nilapitan.” Tumayo ang lalaki at doon lang niya napagtanto kung gaano ito katangkad, at nang lumapit na ito sa kanya ay may nalaman din siya, sobrang bango nito. Pinaghila siya nito ng silya at umupo siya. “I am relieved to know that you’re my date.”
            “Hindi mo rin alam?”
            Umiling ang binata. “I forgot to ask my grandmother, old ladies sometimes are very manipulative.”
            “Sinabi mo pa.”
            Tumahimik ito saglit at napatitig sa kanya, bigla siyang naconscious. “May dumi ba sa mukha ko?”
            Ngumiti at umiling lamang ang lalaki. “Naninibago lang ako ngayon lang kita nakitang nag-ayos.”
            Namula ang pisngi niya sa sinabi nito. “Pasensya na pangit talaga ako sa personal-.”
            “No! That’s not what I mean. You really look lovely tonight but I guess mas sanay akong nakita kang simple lang.”
            “Kung simple lang ako hindi na ako maganda?” tinaasan niya ito ng kilay.
            “You are absolutely beautiful with or without any make-up.” Tumawa siya ng bigla itong natarantang sagot. Nailing nalang siya dito, tinitigan din niya si Nicolo. Matagal na niyang alam na may hitsura ang ex-boyfriend ng kaibigan niya pero habang nakatingin dito ng ganito kalapit napagtanto niyang hindi lang ito may hitsura, gwapo talaga ito.
            Tumikhim siya upang hindi nito mapansin ang pagtitig niya. “You don’t look bad yourself.”
            “Pinupuri mo na ba ako sa lagay na iyan?”
            Nagkibit-balikat siya habang tumatango-tango at nagpipigil ng ngiti. “Ganyan ako pumuri kaya bear with it. Mataas ang standards ko sa gwapo.” Biro niya.
            “Pumasok ba ako sa standards mo sa gwapo?”
            “Hindi pa kaya pagbutihin mo pa ang pagiging gwapo, assignment mo iyan.”
            Hinawakan nito ng dibdib nito. “Ang sakit mo sa ego, Pamela.”
            Kunwari ay malakas siyang napasinghap. “Meron ka pala n’on.” Agad niyang kinagat ang labi dahil sa walang prenong takbo ng bibig niya. “Joke lang iyon don’t take it seriously.”
            “I am not offended alam kong nagbibiro ka lang.” nakahinga siya ng maayos sa sinabi nito. “Kidding aside, kanina ko pa tinitingnan ang bulaklak na ito. Hindi ako pamilyar dito.”

            Tiningnan niya ang bulaklak na nakalagay sa vase na dekorasyon sa mesa nilang dalawa. Tatlong kulay asul na bulaklak.
            “This is anemone blanda.”
            “Anemone? Sea anemone?”
            “Nope. Kapangalan lang ng sea anemone pero iba ang bulaklak na ito. Normally, tumutubo ito sa mga European countries at sa Japan.”
            “Anong meaning ng anemone?”
            “Sa Greek ang meaning niya ay wind flower, ang hangin ang dahilan kung bakit bumubukadkad ang mga petals niya at ang hangin din ang dahilan kung bakit natatanggal ang mga patay na petals.”
            “That makes sense.”
            Ngumiti siya dito. “Maganda ba ang meaning nito sa buhay ng tao?”
            Muling kinagat niya ang labi habang nakatingin dito. “Huwag mo nalang alamin.”
            Nagtataka man ay nagtanong pa rin ito. “Pangit ba?”
            Nagkibit-balikat lang siya. “Both.”
            “Both?”
            “Both good ang bad.”
            “Come on Pamela, I am dying to know the meaning.”
            “Huwag na sabi, bawal mo iyang ibigay kay Yumi.”
            Nagdugtong muli ang dalawang makakapal na kilay nito. “Pam.” The way he says her name makes her insides twitched uncomfortably.
            “Anemone means fading hope and a feeling of having been forsaken.” Nawala ang pagkakakunot sa noo nito pero agad na bumagsak ang dalawang balikat ng kaharap.
            “Hindi ka pwedeng magtinda ng ganitong bulaklak sa flowershop mo.”
            “Maganda naman ang anemone, mahirap nga lang mag-order niyan.”
            “Paanong ang napakagandang bulaklak na ito ay may ganoon kalungkot na kahulugan?”
            Muli siyang umiling. “Baka nakakalimutan mo may positive side pa iyan. Maaaring ang ibig sabihin ng bulaklak na ito ay pagkawala ng pag-asa, on the positive side, ang ibig sabihin din niyan ay anticipation.”
            “Fading hope and anticipation? Irony isn’t it?”
            Tumango siya. “Depende naman kasi sa tao kung anong kahulugan ang gusto mong gamitin. Sabihin natin naniniwala ka sa dalawa, maaring wala ka ng pag-asa sa isang bagay pero asahan mo rin na may darating din na bagong bagay para sa iyo.”
            Napansin niya ang pagtitig nito sa kanya. “Why/” she asked.

            “I—sa tingin ko ay tama ka. Nawalan ng pag-asa pero may bagong hihintayin. Now, I understand.” May lihim na ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya… o sa bulaklak na hawak niya. Siya naman ang walang maintindihan sa sinabi nito pero kahit ano pa iyon kung masaya ito mas mabuti.

TBC

<3 <3 <3
Love,
INANG

p.s: Photo CTTO

Monday, May 1, 2017

Black Magic 2 - Bloom Love: 6- Potted Flowers

                                                                          6- Potted Flowers
            “Penny for your thoughts?” napangiti siya ng makita si Nico na lumapit sa kanya. Hindi na siya nagulat pa dahil nakita na niya itong papasok ng coffee shop kanina, hindi lang siya nagpahalatang nakita niya ito at saka hindi rin niya alam kung sa paanong dahilan nakuha agad nito ang kanyang pansin.
            “Make it a million.”
            Ngumiti lang ito sa kanya. “I am not really rich but I can work hard for it.” Biro pa nito sa kanya.
            “Anong ginagawa mo dito?” pasimpleng ininom niya ang kanyang favorite peppermint hot tea na nakalagay sa sobrang cute na victorian era design na tasa.
            “Nasa malapit lang ang bagong business na tinatayo namin ni Earl, malapit na ang opening ng motor parts business namin.”
            “Close na kayo ni Earl?” gulat na bulalas niya.
            Kumunot ang noo ni Nico. “You knew Earl?”
            “Ex-boyfriend siya ni Yumi.”
            “You really knew him.”
            “Hindi nakakagulat na kilala ko si Earl dahil magkaibigan kami ni Yumi, mas nakakagulat na magkakilala kayo ni Earl at ngayon ay may tinatayo ng business. That’s quite fascinating.” Hindi pa rin niya ma-grasps kung paano nagkasundo ang dalawa. “At akala ko ba ay nanliligaw ka uli kay Yumi tapos noong isang araw ay nagpunta si Earl sa shop ko para ng bumili ng flowers kay Yumi dahil manliligaw din siya, and now you are doing some business. That’s kinda weird actually.”
            “He went to your shop?”
            Nakatikwas ang kilay niya dito. “Nasabi ko na iyon.”
            “Oh well, business is business.” Anitong halatang pinuputol ang topic. Dumako ang tingin nito sa magazine na tinitingnan niya. “Cute pots.”
            “You think so?” excited na tanong niya.
            “What is that for?”
            “I need some variety sa business at sa tingin ko ay magandang addition ang mga maliliit na flower pots.”
            “Hmn. That would be really cute. How are you going to do that?”
 “I am planning on buying small pots in variety of pastel colors and had it printed with the flower shop’s label. Flowers can come in singles or in multiple numbers base sa laki ng pots. And planning to name the flowers--.” Natigilan siya ng marealize na masyado na siyang maraming sinasabi. “Sorry, I am blabbering already.”
“Don’t apologize, nag-eenjoy akong makinig sa iyo.”
Pakiramdam niya nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito pero agad din na nirendahan ang kung anuman ang kakaibang nararamdaman niya. Ex-boyfriend ng kaibigan niya si Nico at gustong makuha uli ni Nico ang loob ni Yumi kaya lumalapit ito sa kanya.
“Pwede mong iregalo kay Yumi ang mga bagong pot flowers, she will like it for sure.” Segunda agad niya. “Bibigyan kita ng discount dahil magkakilala na tayo.”
“Bibigyan mo rin ng discount si Earl?”
Tinawanan niya ito. “Mas nauna kitang naging customer keysa kay Earl kaya wala muna siyang discount, baka free delivery kapag marami siyang orders.” Biro niya making him laugh. Oh well, maganda ang ngiti ni Nico at maganda din ang tawa nito. Kaya may ideya na siya kung bakit nagustuhan ni Yumi ang lalaki dati.    
“We weren’t really this close before.”
“Nope.” She said popping the letter ‘P’. “Why you asked?”
“Nakakatuwa ka palang kausap.”
“Mabuti nalang at hindi tayo close dati ginawa mo pa akong clown mo, ang sama nito.”
Muling tumawa si Nico sa sinabi niya. “Not that kind of way.” Tinawag nito ang waiter.
“Yes sir?”
“I am hungry, can you give me a menu.”
“Sige po sir.” Umalis ang waiter upang kumuha ng menu.
“Bakit hindi ka pa kumakain? Masama ang malipasan ng gutom.”
“I forgot the time.” sinulyapan nito ang tea niya. “Masarap ang mga pagkain dito, fusion ng Filipino and Korean foods. Kaibigan ko rin ang may-ari, he’s half Filipina and Half-Korean.”
“He? Akala ko babae ang may-ari nito.”
“Kapatid niya iyon, well, partly, silang dalawa talaga ang may-ari.”
            “Heto na ang menu sir.”
            Ibinigay ni Nico ang order nito at saka bumaling sa kanya. “Order ka na rin, treat ko dahil sa pagtulong mo sa panliligaw ko kay Yumi.”
            “Hindi ako tumatanggi sa blessings.” Ngumisi siya. “Isang order ng kimchi fried rice.”
            “Iyon lang ang kakainin mo? You can order more.”
            “Marami ang servings nila dito at baka hindi ko rin maubos iyon, solve na ako sa kimchi fried rice.”
            “You should eat more.”
            “Mahilig akong kumain ang pagkain ang walang hilig sa akin.”
            “You look so small.” At iminwestra pa nito ang dalawang daliri nito para i-emphasize ang size niya.
            “I do?” tiningnan niya ang kanyang sarili. “As long as I am healthy sa tingin ko hindi naman problem ang size ng katawan ng isang tao, I thank you.”
            Muli itong tumawa sa sinabi niya.
            “You have a point there.”

            Pwede niya sigurong kausapin si Yumi, sasabihin niyang bigyan ng chance ng lalaking ito. Iyon ang nasa isip niya pero parang may kung anong pumipigil sa kanyang hindi gawin iyon. Nag-eenjoy kasi siya sa company ni Nico, however, she needs to do the right thing. 


<3 <3 <3
TBC


About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang