4 – Lavender
“HI!”
napatigil siya sa pagkuha ng mga canned
goods sa estante ng grocery store at napatingin sa bumati sa kanya. “Long time
no see.”
Awtomatikong napangiti siya kay
Nicolo, nakakahawa ang ngiti nito. “Hello din, oo nga medyo matagal na rin
noong huli kitang nakita.”
“Hindi na kita nakikita sa
flowershop mo, palaging ang assistant mo nalang ang nandoon.” May halong tampo
ang boses nito pero alam niyang nagbibiro lang ito dahil agad din itong
ngumiti.
“May extra classes kasi ako
ngayon.” Agad na bumakas ang pagtataka
sa mata nito. “Kumukuha ako ng special classes para sa pag-aalaga ng mga
bulaklak at kung paano mag-arrange ng mga flowers.”
“Ah, akala ko nag-aral ka uli.”
She waved her fingers dismissing the
thought. “Tapos na ako sa pag-aaral ayoko ng balikan ang masalimuot nakaraan
kong iyon.” Biro niya dito.
“Akala ko ba kapag nakapagraduate ka
na ay mamimiss mo ang school, applicable kasi iyon sa akin.”
“Noong una ay naisip ko na rin iyan,
pero kapag may nahanap ka ng gustong-gusto mong gawin hindi na dadaan uli sa
isip mo ang bagay na iyon.” Tinapos na niya ang pagkuha ng groceries niya.
“Anong ginagawa mo dito? Nandito ba si Yumi?”
“Namimili din ako.” Turo nito sa
basket nito. Napangiwi siya ng makitang ang laman ng basket nito ay puro canned
beers at junk foods.
“Mukhang naging busy na nga ako at
hindi ako nag-inform na balak mo na palang wakasan ang buhay mo.” malakas na
tumawa si Nicolo sa sinabi niya. “I am not kidding.”
“Ngayong araw ang opisyal na paglipat
ko sa subdivision, marami akong mga naging kaibigan dito and we are going to
celebrate.” Sinulyapan nito ang laman nito. “I am not going to drink it all
alone so don’t worry.”
“Hindi ako nagwoworry, naisip ko
lang na walang kwenta ang pagpapansin mo kay Yumi kung mamamatay ka rin ng
maaga dahil sa paglaklak mo ng alak at vetsin, but since you are going to share
it with your friends at least share-share kayo sa biyaya.” She doesn’t know if
he hinted her sarcasm but hopefully he did. “Mauuna na ako, kailangan ko ng
bumalik sa Bloom station.” Paalam niya kay Nico at naglakad papunta sa cashier
ng bigla siya nitong tawagin.
“Pamela.”
“Yeah?”
“Bagay sa iyo.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
“Ang alin?”
“Your new hairstyle and hair color,
bagay sa iyo.” wala sa sariling napahawak siya sa buhok niya. She did have her
hair styled earlier. Nangangati na kasi ang batok niya sa humahabang buhok kaya
pinatrimmed niya iyon, linagyan din ng bangs at pinakulayan niya ng mahogany
brown.
“Thanks.” Iyon lang ang nasagot niya
at tuluyan na itong tinalikuran. She felt weird… medyo matagal na rin noong
huling may pumuring lalaki sa hitsura niya kaya siguro ganoon nalang ang
kanyang nararamdaman. Napabuntong-hininga nalang siya, maybe she should start
dating again, nagiging ignorante na kasi siya sa mga nararamdaman niya against
the opposite sex. Tama, iyon ang gagawin niya. Subok lang.
“WHAT’S this flower?”
“Akala ko ba mag-iinuman kayo ng mga
kaibigan mo sa bahay mo?” balik na tanong niya kay Nicolo.
“They are already drunk, bagsak na
sila lahat.”
“Ang hihina pala sa alak ang mga
kabarangay natin ano?” biro niya. “Saang phase ka nga nakatira?”
“Phase three, sa SummerVille.”
“Ay, hindi pala kita kabarangay. Sa
barangay ka ni Sweetheart.”
“Sweetheart?” kunot-noong tanong
nito.
“Lumipat ka dito hindi mo kilala ang
barangay captain mo? Kapag narinig ka niya baka palayasin ka sa barangay niya.”
“Huwag naman, secret lang natin na
hindi ko siya kilala.”
“Mukhang si Yumi lang talaga ang
kilala mo dito sa barangay Nicolo na babae, iyang pagsinta mo sa kaibigan ko
may progress na ba?”
“I know you.”
“What?”
“Hindi lang si Yumi ang kakilala ko
dito sa subdivision, kilala din kita.” Kinuha nito ang basket ng mga bulaklak
na kanina pa nito pinagdidiskitsahan. “Lavenders, means charming. Will I charm
the woman that I like with these?”
“Bakit hindi mo subukan?”
Inilagay nito sa harap niya ang
basket ng bulaklak na kinuha nito. “I’ll buy these, how much?” she gave him the
price. “Thanks for your help Pamela.”
“Thanks for the income NIcolo.”
Kumaway siya habang pinapanood ang pag-alis nito.
“Bakit feeling ko ate Pam, may
nag-iba.” Muntik na siyang mapasigaw sa biglaang pagsulpot ni April sa tabi
niya.
“A-anong naiba?”
“Basta, kung hindi ko lang alam na
nililigawan ni kuya Nico si ate Yumi baka isipin kong ang dahilan ng
pagbalik-balik niya dito sa flower shop ay dahil sa iyo.
Natawa nalang siya sa sinabi ni
April. “Don’t think anything else April. Matagal ko ng kilala si Nicolo, simula
pa noong nililigawan pa niya si Yumi way back college days. At isa lang ang
sasabihin ko sa iyo, iyong lalaking iyon kapag may nililigawan na hindi iyon
titingin sa iba. Siya ang tipo na loyal sa babaeng gusto niya.”
“Talaga? Ang swerte naman ni ate
Yumi kung ganoon.”
“Maswerte talaga si Yumi pero…” may
malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. “Mukhang hindi na mananalo ang manok
natin April.”
“Sa tingin ko nga rin ate.”
Pumunta kasi dito isang araw si Yumi
upang bisitahin siya sa kasamaang palad ay nagpunta din si Howard. Nakita niya
kung paano umiyak ang kaibigan niya noong akala nito ay girlfriend ni Howard si
Sweetheart. At iyong moment na iyon sigurado na siyang may nararamdaman na si
Yumi para sa binata. At si Nico, sigurado din siyang wala itong chance sa
kaibigan niya.
“Kawawa naman si kuya Nico, ‘te Pam.
Dapat sabihin mo sa kanya na may iba nang gusto si ate Yumi, matagal na nating
ini-exploit ang pitaka niya baka karmahin na tayo.”
Siguro dapat na niyang sabihin kay
Nico ang nalalaman niya, tinamaan kasi siya sa sinabi ng kanyang assistant.
<3 <3 <3
TBC
*PHOTO CTTO
LOVE,
INANG
Inang lagay nyo po ito sa wp, ang ganda kasi, ilang beses ko ng binasa, para mabasa din ng iba ��
ReplyDeleteI think this is an informative post and it is very useful and knowledgeable. therefore, I would like to thank you for the efforts you have made in writing this article. https://zlovedoll.com/collections/black-sex-doll/
ReplyDeleteHispanic and latina sex dolls! Realistic features bring out the real fantasy you always have.
ReplyDeleteIf you are a brown fetish, you need to check the hot black bronze girls we have!
2021 Hot Mini Sex Dolls Great Sale, Made of Non-toxic TPE & Metal skeleton. Vagina/Anus/Oral Sex Available. Pay by Credit Card. Free Discreet Shpping. flat chested mini sex doll
ReplyDeleteOur exciting selection of dildos are available in a fulfilling range of sizes, materials & styles including purple dildos. Discreet packaging & FREE delivery. couple vibrator
ReplyDelete