3 – Pink Daisy
“ANG ganda naman ng bagong arrangement na iyan ate Pam at
ang pretty ng ceramics vase.” Napangiti siya sa sinabi ni April, tiningnan niya
ang bagong gawa niyang flower arrangement. Gumamit lang siya ng pink daisy at
inayos niya iyon sa isang parisukat na puting ceramics na flower pot. “Anong
pangalan niyan?”
“This is…” nag-isip siya ng pwede
niyang ipangalan sa bagong arrangement niya. “Innocence.”
“Bakit innocence?”
“Ang meaning kasi ng daisy ay
innocence, new beginning, purity and true love.”
“Talaga? Hindi ko alam iyan pero
ngayon alam ko na.” tiningnan niya ang ceramics na vase na may tatak na Bloom
Station na pangalan ng kanyang flowershop.
“Kailangang malaman din ng mga tao
ito kaya pakikuha ng cellphone ko.” agad itong tumalima sa utos niya habang
pinupunas ang palad sa suot niyang working apron. Inipit niya sa likod ng
kanyang teynga ang ilang hibla ng buhok niyang nakawala sa pagkakaipit niya.
She had a bob cut hairstyle, matagal na siyang hindi nagpapahaba ng buhok dahil
nabibigatan siya and besides sa edad niyang bente siete ay nagpapa-urong ng
edad ang hairstyle na iyon. Kaya lang pahirapan kapag naiinitan siya dahil
nahihirapan siyang ipitin iyon.
“Heto ate.” Tinanggal niya ang
kanyang gloves at kinuha ang phone niya. Isinet niya iyon sa camera mode at
hinanapan ng magandang angle ang flower arrangement niya at kinuhanan ng
larawan. She immediately logged in to her blog account and uploaded the picture
with some short caption.
“True
love is pure and innocent.” Basa ni April sa post niya. She rarely post
long boring notes sa blog niya, she always posted her new flower arrangement
and the short yet precise meaning of the flowers for everyone to see. “Ang cute
naman ng caption ate Pam, sana magkaroon din ako ng true love na pure and
innocent.”
“Mag-aral ka muna at kapag tapos ka
ng mag-aral, mag-ipon ka ng paunti-unti at kapag nakaipon ka na saka muna
hanapin si Mr. True Love mo.”
Lumabi ito. “Parang wala naman.”
“Don’t say that, may mga taong
nakalaan sa iyo kailangan mo lang maghintay.” Aniyang ipinasok sa loob ng apron
ang phone at iniligpit ang kalat.
“Sa tingin mo ate magkakaboyfriend
ka uli?”
Tumawa siya sa tanong nito. “Siguro,
hindi ko rin alam.”
“Ang mga lalaki ngayon ate ay
tumitingin sa panlabas na anyo bago tumingin sa panloob na anyo.”
“Hindi naman siguro lahat.”
“Pero karamihan sa kanila ganoon. Iilan
nalang ang hindi.” Napakibit-balikat ito. “Pati ang mga feeling gwapo sobrang
mapili na rin.”
“Huwag mo nalang isipin ang mga iyan
basta kung sino ang dumating at mamahalin ka ng tama at mahal mo rin naman
bakit hindi mo bibigyan ng chance? Hindi kailangang gwapo at mayaman, huwag
kang magset ng standards dahil masasaktan ka lang at mahihirapan kang tanggapin
siya sa buhay mo dahil ayaw mong mapahiya sa sarili mo at sa ibang tao dahil
iisipin nila, may standards ka pero sa hindi mo standard ka bumagsak.”
“Ang hirap naman niyan ate lahat
naman siguro may standard.”
“Sabagay.” Dinala niya sa display
rack ang bagong design niya. “Just be discrete about it nalang.”
“Ikaw ate ano ba ang standard mo?”
“Sa edad kong ito may standard pa ba
dapat ako?” bigla siyang napaisip sa kanyang sariling tanong. “Para kasing
applicable lang iyon sa mga bata.”
“Hindi ka pa kaya matanda, bata pa
ang twenty-seven.”
“Pero hindi na ako teenager na
naaadik sa mga hero sa mga books na nababasa ko o kaya naman ang bida sa
palabas na kinahuhumalingan ko. But since you asked, simple lang naman ang
gusto ko. Gusto ko iyong lalaking matiyaga. Iyong marunong manligaw at kahit na
ilang beses kong bastedin ay sisige pa rin.”
“Nge, mas madali yatang maghanap ng
lalaking gwapo at matangkad keysa ganyang klaseng lalaki ate.”
Ngumiti lang siya dito. “Kaya nga
single pa rin ako hanggang ngayon.” Makahulugang wika niya. “Puntahan ko muna
si Vanessa.” Tukoy niya sa isa sa mga kaibigan niyang nasa isang pet store
nagtatrabaho. Kasama nito doon ang veterinarian nitong pinsan na si Margareth
na palaging out of town dahil nagvovolunteer ito sa isang NGO.
Pinuntahan niya ang kaibigan pero sa
kasamaang palad ay wala ito sa pet shop, may linakad ito at hindi alam kung
kailan babalik kaya bumalik nalang siya sa Bloom Station.
“Ang aga mong bumalik ‘te Pam.”
“Wala doon si Vanessa.” Sinulyapan niya
ang display rack. “Nasaan ang Innocence?”
“May bumili na.”
“Talaga? Nawala lang ako saglit may
bumili na. Sino ang bumili?”
“Si loverboy.” Kumunot ang noo niya
sa sinabi nito. “Iyong gwapong bagong suki natin na nanliligaw kay ate Yumi.”
“Ah, si Nicolo.”
“Mukhang iyon nga.”
“Hinanap niya ako?” Kunot-noong
tiningnan siya nito na tila ba may mali sa kanyang sinabi.
“Bumili lang siya ng bulaklak.”
Tumango lang siya. “Good. He’s good
for the business kaya huwag mong kalimutan ang extra tax niya okay?”
Hindi siya nito nilulubayan ng
tingin.
“Bakit ba?” takang tanong niya dito.
“Iyong pink na daisy ate, may
naalala akongs sinabi mong meaning.”
“And?”
“New beginning.” May halong
panunukso sa boses nito at hindi siya tanga para hindi mabasa ang ibig sabihin
ng tono ng boses nito.
“Bagong simula talaga sa panliligaw
niya kay Yumi.”
“Mukhang wala naman siyang babalikan
‘te Pam, may bumabakod na kay ate Yumi.”
“Sino naman? Hindi ko alam iyan.”
“Matagal na no, si Sir Howard.” Kilala
niya si Howard dahil madalas itong suki niya sa flowershop, mukha naman itong
mabait at disente pero hindi ito palaimik.
“Mukhang torpe iyon hindi trip ni
Yumi ang ganoong lalaki.”
“Torpe nga pero kung makabakod wagas
kaya hindi na ako magtataka kung hindi magsusucceed ang manok mo ‘te. Maraming
kakampi si Sir Howard dito dahil turf niya ito.” Ganoon na ba siya ka secluded
at hindi na niya alam na may ganoong ganap pala sa lugar nila? Ang swerte ng
kaibigan niya kung ganoon, ang haba ng hair daig pa si Rapunzel.
<3 <3 <3
TBC
PHOTO CTTO
Love,
Inang
0 (mga) komento:
Post a Comment