2 -
Yellow Tulips
“PAMELA!” nabitin siya sa pag-e-stretched ng kanyang mga braso
at paghikab ng biglang pumasok si Nicolo sa loob ng kanyang flower shop. “Hindi
effective ang white roses.” Napakamot siya ng ulo habang nakatingin dito.
“Paanong
hindi effective Sir?”
“Hindi
yata niya nagustuhan.”
“Ang
bulaklak ba ang hindi niya nagustuhan o ikaw mismo?” malakas itong napasinghap
at madramang inilapat nito sa dibdib nito ang palad.
“Ang
sakit mong magsalita.” Reklamo nito sa kanya.
“Hindi
iyon masakit kung hindi totoo, truth hurts.”
“Burn!”
mahinang sigaw ni April na nakikinig lang sa kanila habang nag-aarrange ng mga
bulaklak sa metallic container. Pinandilatan niya ito kaya agad naman itong
natahimik.
“Hindi
ako susuko first love never dies.” Pagak siyang tumawa sa ipinakita nitong
perseverance sa kanya.
“Sabi
mo eh.” Napatingin siya sa yellow tulips. “Ito ang pinakamahal na bulaklak
namin na nadeliver ngayon, subukan mong ibigay ang yellow tulips baka sakaling
mag-iba ang ihip ng hangin.”
“I’ll
take that, okay lang ba ang one dozen?” Napabuntong-hininga siya habang
ini-isa-isa ang mga bulaklak na gusto nitong bilhin. “Anong ibig sabihin ng
yellow tulips?”
“Perseverance.”
“Really?”
“As
much as I like you for my business, huwag mong i-rely ang luck mo sa mga bulaklak.”
“Props
ang mga bulaklak mukha kasing gusto ng mga babae na makatanggap ng mga bulaklak.”
Napangiti siya sa sinabi nito.
“If
diamonds are girls best friend, flowers are boy’s best aid. Iba kasi ang dating
ng mga bulaklak sa mga babae, nakaka-feminine ng dating at pakiramdam nila ay
importanteng-importante sila kasi nag-eeffort ka.”
Naghanap
siya ng magandang pambalot sa mga bulaklak.
“Applicable
ba kay Yumi ang mga bulaklak?”
“Noong
bigyan mo siya ng flowers ano ang nakita mong naging reaksyon niya?” balik na
tanong niya dito.
“I
think she likes it.”
“Well,
that’s good. After Earl left hindi na muling naligawan si Yumi.”
Dahil
napasulyap siya dito kaya kitang-kita niya kung paano lumiwanag ang mukha nito,
and she can’t help but to admit to herself na hindi nga basta-basta ang hitsura
nito. Hindi ito ang tipong sobrang gwapo gaya ng mga paborito niyang Korean men
sa paborito niyang mga Koreanovela. Pinoy ang hitsura nito pero hindi katulad
ng ibang pinoy mas may hitsura ito.
“Earl
ang pangalan ng huling ex-boyfriend ni Yumi? Ano ang nangyari? Bakit sila
nagkahiwalay?”
“Earl
is Chinese.” Sagot niya. “Umalis papuntang China at hindi na bumalik. Akala ni
Yumi ay nagpakasal na si Earl sa ibang singkit kaya naresolve na sa isip ni
Yumi na hiwalay na sila.”
“At
hindi na muling bumalik si Earl?”
Tinali
niya sa magandang kulay dilaw na ribbon ang mga bulaklak. “Yes, hindi na siya
muling bumalik pa.” masayang tiningnan niya ang bouquet ng bulaklak sa harap
niya. It’s another masterpiece.
“Sa
tingin mo kapag liligawan ko uli si Yumi may chance ako?”
“With
my flowers, you will surely have a chance.” She flashes her smile and he smiles
in return. “Pero business is business, that’s two thousand and six hundred
pesos.”
Biglang
nawala ang ngiti sa labi nito. “Ang mahal naman nito.”
Mas
lalong lumapad ang ngisi niya dahil pinatungan na niya iyon ng ten perfect pero
hindi nito malalaman. “Hindi cheap ang mga flowers ko at may magic ang mga
iyan. Nakakapagpangiti at nakapagpalambot iyang ng puso ng kung sinumang
pagbibigyan mo.”
Napakamot
na lang ito ng ulo at napapailing nalang. “Just make sure these flowers are
effective.”
Kinuha
niya ang ibinigay nitong pera. “Effective iyan kung mag-eeffort ka. Tandaan mo
nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.”
“She
will love these.”
“Ay
sigurado, pak na pak kaya puntahan mo na si Yumi baka maunahan ka pa ng iba.”
Sumaludo
lang agad ito sa kanya. “See you again Pamela.”
“Enjoy
your panliligaw.” Paalam niya dito at pinapaypay ang mga papel na pera na hawak
niya. At nang wala na ang lalaki ay hinalikan niya ang perang hawak niya. “Business
is really doing very very good.” Masayang usal niya.
<3 <3 <3
a/n: Photo CTTO
TBC
Ibang klase.. kuntodo taas ng presyo sa flowers.. business na business talaga.. ako kay kailan makakareceive ng bouquet of flowers or maski isang stem lang.. 🤔
ReplyDeleteHehehe... 😅
Thanks for taking the time to discuss this, I feel strongly about it and love learning more on this topic. If possible, as you gain expertise, would you mind updating your blog with extra information? It is extremely helpful for me. https://camerasbfdeals.net
ReplyDeleteI have read all the comments and suggestions posted by the visitors for this article are very fine,We will wait for your next article so only.Thanks! Niche- Deals
ReplyDelete