1-
White Rose
“Pamela, hindi ka ba kakain ng agahan?” bakas ang pag-aalala sa
mukha ng lola niya ng makita siyang papalabas ng kanilang bahay. Kasalukuyan
itong nag-e-spray ng tubig sa mga alaga nitong orchids.
“Hindi
na po lola, sa Blooms nalang po ako kakain.”
“Nagbaon
ka ba?”
Itinaas
niya ang hawak na paperbag na may lamang baunan niya, hindi siya breakfast
person kaya ang agahan niya ay ginagawa niyang brunch.
“Mag-ingat
ka sa daan.”
“Opo,
‘la. Alis na po ako.” Binuksan niya ang mababang gate nang tawagin uli siya
nito.
“Huwag
mong kalimutan ang usapan natin sa sabado baka hindi mo na naman siputin ang
apo ng amega ko.” anito sa kanya.
“Darating
po ako.” She crossed her fingers for that was a lie. Kailan ba siya sumisipot
sa mga usapang matandang walang magawa? May mga kalaro ang lola Grasya niya sa
madjong na mga kaedad rin nito at may mga single na apo. Ang trip ng mga
matatanda ay ireto siya sa kung sinu-sinong available. Sa tingin niya ay hindi
pa siya matanda, twenty-seven pa siya, at nagkaboyfriend na rin hindi nga lang
sila nagkatuluyan dahil na-inlove ito sa iba. Nakapagmove-on na rin siya.
Alam niyang natatakot ang lola niyang
maging katulad siya nito. Ang lola niya ay ang kapatid ng tunay niyang lola.
Isa itong retired teacher at nahihilig sa paglalaro ng madjong at pagpapalaki
ng orchids. Ito na rin ang tumatayong guardian niya dahil wala sa Pilipinas ang
kanyang mga magulang. Nag-iisa lang siyang anak at dahil sa Blooms ay hindi
niya magawang tuluyang sumama sa mga magulang sa states.
Nakatira siya kasama ito sa isang
maliit na subdivision, nasa Phase two ang bahay nila at karamihan sa mga bahay
sa Spring Ville ay hindi gaanong malalaki. Single-detached ang tawag sa bahay
niya at hinuhulugan pa rin niya ito buwan-buwan through Pag-ibig housing loan.
Ang Blooms naman ay ang business na naipatayo niya dalawang taon na ang
nakakaraan. Pagkatapos niyang magtapos ang accountancy ay pumasok siya sa isang
banko. Sa unang taon palang niya ay nagloan na siya ng medyo malaking halaga at
ipinasok sa isang kooperatiba bilang share capital.
Nagtrabaho siya habang binabayaran
ang kanyang utang at pinapaikot ang perang meron siya. Limang taon siya sa
pagtatrabaho, lumaki ang pera niya sa kooperatiba dahil hindi naman niya iyon
ginagalaw at dahil na rin sa dividend na nakukuha niya taon-taon ay lumaki ng
lumaki ang naipon niya. At nang kunin niya ang kanyang pera ay agad siyang
naghanap ng magandang pwesto. Nagkataon naman na hindi pa fully developed ang
subdivision two years ago at hindi rin SeasonVille ang tawag dito at nabili
niya sa dating may-ari ang maliit na lupang kinalalagyan ng kanyang flowershop.
Maswerte nga siyang maituturing dahil pagkatapos niyang ipatayo ang shop ay
dumami ang residents ng SeasonVille at dumami din ang kanyang kliyente.
Ilang bloke lang mula sa bahay niya
ay ang shop na niya, nandoon na rin si April ang kanyang assistant. May susi
ito at ito ang tagabukas ng kanyang flower shop.
“Magandang umaga ate Pam.” Bati sa
kanya ni April.
“Good morning din.” Ibinaba niya ang
paper bag sa mesa at tiningnan ang kanyang shop. Maayos na nakasalansan ang mga
bulaklak sa mga containers nito, fresh na fresh ang mga bagong delivers na mga
bulaklak at ng tingnan niya ang tubig ay malinis rin iyon. Medyo metikulusa
siya pagdating sa mga bulaklak niya. Tinatrato niyang parang mga anak ang
kanyang mga bulaklak.
Everything started really well,
katulad ng nangyari kahapon at noong isang araw. Monotonous naman ang buhay
niya, boring sa tingin ng iba pero dahil nag-eenjoy siya kaya balewala na sa
kanya iyon.
Dumating na kanina si Lolo Pete,
bumili ng ilang tangkay ng rosas para sa asawa nitong may sakit na Alzheimer’s.
Palagi nalang nitong binibilhan ng rosas ang may sakit na asawa. Dumating na
rin kanina ang mga kliyente niyang mula sa isang kalapit na restaurant.
Nag-deliver na rin si April ng mga bulaklak sa kalapit na hospital at hotel.
Everything is the same.
“Hi, Miss.” Awtomatikong nagtaas
siya ng tingin mula sa ginagawang pag-iimbentaryo ng marinig ang tumawag sa
kanya. “Pwede bang makahingi ng advice?” isang gwapo at matangkad na lalaki ang
nakangiting sumalubong sa kanyang mga mata.
“Ano po ang maipaglilingkod ko Sir?”
tanong niya. Pilit niyang inaalala sa kanyang isipan kung sino ang lalaking
ito.
“Ano ang pwedeng ibigay na bulaklak
sa isang ex-girlfriend?” tiningnan niya ang customer niya. Mukhang balak nitong
ligawan uli ang ex-girlfriend nito at ilang beses na niyang nasaksihan ang
ganitong eksena.
“A white flower would do, peace
offering.” She answered pointing the white rose behind her. Pero sa halip na
ang bulaklak ang tingnan nito ay sa kanyan ito nakatitig na nakakunot ang noo.
“Have I seen you before?” anito sa
kanya.
“Hindi kita naging ex.” Pabirong
sagot niya. “Are you going to buy flowers Sir?”
“Oh? Yeah, a bouquet of white rose.”
Tumayo siya at inasikaso ang bulaklak nito pero ramdam pa rin niya ang paraan
ng pagtitig nito sa kanya. “I know I have seen you before.”
Ibinigay niya ang bulaklak dito,
nakabouquet na rin iyon. “Ano po ang ilalagay na pangalan ko sa card?” kumuha
siya ng ballpen at note.
“To Yumi.” Kumunot ang noo niya sa
pangalan na ibinigay nito. May kilala siyang Yumi, kaibigan niya at classmate
niya dati. “From Nico.”
Nico?
May ex-boyfriend ang kaibigan niya dati na Nico ang pangalan.
“Nicolo Aragon?”
“Pamela Diaz?” Sabay nilang bulalas.
Kumunot ang noo niya. Sinong hindi makakilala dito kung halos umiyak ng timba
si Yumi dati dahil sa biglaan nitong pag-alis ng walang paalam.
“Buhay ka pa pala.” Inayos niya ang
pagsusulat niya. Naiinis siya dito pero wala rin naman siyang magagawa kung
magagalit pa dito. It has been years, ten years. Pero gaganti pa rin siya para
sa kaibigan niya at sa oras na nasayang niya dahil sa pakikinig sa mahabang
words of justice ni Yumi sa nasawi nitong puso noon.
“Kaibigan mo si Yumi hindi ba?”
excited na tanong nito. “How is she?”
“She’s fine, doing great actually.”
“May boyfriend na ba siya?”
“None that I heard of.”
“Nagkaboyfriend ba siya after me?”
“Anong akala mo sa kaibigan ko hindi
marunong magmove-on? Matagal ka na niyang nakalimutan at nagkaboyfriend siya
after you.” ibinigay niya ang bulaklak dito. “That would be one thousand two
hundred fifty pesos.” Nakangiting inihalad niya ang palad. It wasn’t the
original price. Pinatungan lang niya ng mga twenty-five percent ang halaga ng
bulaklak bilang ganti dito. At sinabi niya sa isip niya na papatungan ng ten
percent ang bawat bibilhin nitong bulaklak sa susunod na mga araw.
“Thank you for coming Sir, come
again.” nakangiting kaway niya at inilagay sa counter ang perang nakuha niya
dito.
“Hala ka Ate, corruption iyon.”
Singit ni April.
“Hindi naman siya nagreklamo at saka
dapat lang iyon sa kanya, sa dami ba naman ng oras na nasayang ko noong iniwan
niya si Yumi dahil sa kangangawa ng kaibigan ko ay kulang pa ang twenty-five
percent.” At wala siyang maramdaman na guilt dahil sa nagawa niya. “Sa susunod
na bumalik iyong mamang iyon dito lagyan mo ng ten percent ang bawat bulaklak
at service na bibilhin niya.”
“Idadamay mo pa ako ‘te?”
“O sige, kapag walang dagdag ten
percent ang binili niya kakaltasan ko ang sweldo mo ng ten percent.”
“Si ate hindi na mabiro, fifteen
percent ang ikakaltas ko dagdag sa value added tax.” At nagthumbs up pa ito sa
kanya.
Mukhang business is doing good.
<3 <3 <3
Photo CTTO
Happy reading babies and enjoy!
Love,
inang
Hahaha.. mag-aabangerz ulit ako nitetch.. 😅
ReplyDeleteomooooo... si Nico & Pam? didn't see it coming Inang.. =)
ReplyDelete