Friday, March 31, 2017

Black Magic 2 - Bloom Love: 3 - Pink Daisy

3 – Pink Daisy
            “ANG ganda naman ng bagong arrangement na iyan ate Pam at ang pretty ng ceramics vase.” Napangiti siya sa sinabi ni April, tiningnan niya ang bagong gawa niyang flower arrangement. Gumamit lang siya ng pink daisy at inayos niya iyon sa isang parisukat na puting ceramics na flower pot. “Anong pangalan niyan?”
            “This is…” nag-isip siya ng pwede niyang ipangalan sa bagong arrangement niya. “Innocence.”
            “Bakit innocence?”
            “Ang meaning kasi ng daisy ay innocence, new beginning, purity and true love.”
            “Talaga? Hindi ko alam iyan pero ngayon alam ko na.” tiningnan niya ang ceramics na vase na may tatak na Bloom Station na pangalan ng kanyang flowershop.
            “Kailangang malaman din ng mga tao ito kaya pakikuha ng cellphone ko.” agad itong tumalima sa utos niya habang pinupunas ang palad sa suot niyang working apron. Inipit niya sa likod ng kanyang teynga ang ilang hibla ng buhok niyang nakawala sa pagkakaipit niya. She had a bob cut hairstyle, matagal na siyang hindi nagpapahaba ng buhok dahil nabibigatan siya and besides sa edad niyang bente siete ay nagpapa-urong ng edad ang hairstyle na iyon. Kaya lang pahirapan kapag naiinitan siya dahil nahihirapan siyang ipitin iyon.
            “Heto ate.” Tinanggal niya ang kanyang gloves at kinuha ang phone niya. Isinet niya iyon sa camera mode at hinanapan ng magandang angle ang flower arrangement niya at kinuhanan ng larawan. She immediately logged in to her blog account and uploaded the picture with some short caption.
            “True love is pure and innocent.” Basa ni April sa post niya. She rarely post long boring notes sa blog niya, she always posted her new flower arrangement and the short yet precise meaning of the flowers for everyone to see. “Ang cute naman ng caption ate Pam, sana magkaroon din ako ng true love na pure and innocent.”
            “Mag-aral ka muna at kapag tapos ka ng mag-aral, mag-ipon ka ng paunti-unti at kapag nakaipon ka na saka muna hanapin si Mr. True Love mo.”
            Lumabi ito. “Parang wala naman.”
            “Don’t say that, may mga taong nakalaan sa iyo kailangan mo lang maghintay.” Aniyang ipinasok sa loob ng apron ang phone at iniligpit ang kalat.
            “Sa tingin mo ate magkakaboyfriend ka uli?”
            Tumawa siya sa tanong nito. “Siguro, hindi ko rin alam.”
            “Ang mga lalaki ngayon ate ay tumitingin sa panlabas na anyo bago tumingin sa panloob na anyo.”
            “Hindi naman siguro lahat.”
            “Pero karamihan sa kanila ganoon. Iilan nalang ang hindi.” Napakibit-balikat ito. “Pati ang mga feeling gwapo sobrang mapili na rin.”
            “Huwag mo nalang isipin ang mga iyan basta kung sino ang dumating at mamahalin ka ng tama at mahal mo rin naman bakit hindi mo bibigyan ng chance? Hindi kailangang gwapo at mayaman, huwag kang magset ng standards dahil masasaktan ka lang at mahihirapan kang tanggapin siya sa buhay mo dahil ayaw mong mapahiya sa sarili mo at sa ibang tao dahil iisipin nila, may standards ka pero sa hindi mo standard ka bumagsak.”
            “Ang hirap naman niyan ate lahat naman siguro may standard.”
            “Sabagay.” Dinala niya sa display rack ang bagong design niya. “Just be discrete about it nalang.”
            “Ikaw ate ano ba ang standard mo?”
            “Sa edad kong ito may standard pa ba dapat ako?” bigla siyang napaisip sa kanyang sariling tanong. “Para kasing applicable lang iyon sa mga bata.”
            “Hindi ka pa kaya matanda, bata pa ang twenty-seven.”
            “Pero hindi na ako teenager na naaadik sa mga hero sa mga books na nababasa ko o kaya naman ang bida sa palabas na kinahuhumalingan ko. But since you asked, simple lang naman ang gusto ko. Gusto ko iyong lalaking matiyaga. Iyong marunong manligaw at kahit na ilang beses kong bastedin ay sisige pa rin.”
            “Nge, mas madali yatang maghanap ng lalaking gwapo at matangkad keysa ganyang klaseng lalaki ate.”
            Ngumiti lang siya dito. “Kaya nga single pa rin ako hanggang ngayon.” Makahulugang wika niya. “Puntahan ko muna si Vanessa.” Tukoy niya sa isa sa mga kaibigan niyang nasa isang pet store nagtatrabaho. Kasama nito doon ang veterinarian nitong pinsan na si Margareth na palaging out of town dahil nagvovolunteer ito sa isang NGO.
            Pinuntahan niya ang kaibigan pero sa kasamaang palad ay wala ito sa pet shop, may linakad ito at hindi alam kung kailan babalik kaya bumalik nalang siya sa Bloom Station.
            “Ang aga mong bumalik ‘te Pam.”
            “Wala doon si Vanessa.” Sinulyapan niya ang display rack. “Nasaan ang Innocence?”
            “May bumili na.”
            “Talaga? Nawala lang ako saglit may bumili na. Sino ang bumili?”
            “Si loverboy.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Iyong gwapong bagong suki natin na nanliligaw kay ate Yumi.”
            “Ah, si Nicolo.”
            “Mukhang iyon nga.”
            “Hinanap niya ako?” Kunot-noong tiningnan siya nito na tila ba may mali sa kanyang sinabi.
            “Bumili lang siya ng bulaklak.”
            Tumango lang siya. “Good. He’s good for the business kaya huwag mong kalimutan ang extra tax niya okay?”
            Hindi siya nito nilulubayan ng tingin.
            “Bakit ba?” takang tanong niya dito.
            “Iyong pink na daisy ate, may naalala akongs sinabi mong meaning.”
            “And?”
            “New beginning.” May halong panunukso sa boses nito at hindi siya tanga para hindi mabasa ang ibig sabihin ng tono ng boses nito.
            “Bagong simula talaga sa panliligaw niya kay Yumi.”
            “Mukhang wala naman siyang babalikan ‘te Pam, may bumabakod na kay ate Yumi.”
            “Sino naman? Hindi ko alam iyan.”
            “Matagal na no, si Sir Howard.” Kilala niya si Howard dahil madalas itong suki niya sa flowershop, mukha naman itong mabait at disente pero hindi ito palaimik.
            “Mukhang torpe iyon hindi trip ni Yumi ang ganoong lalaki.”
            “Torpe nga pero kung makabakod wagas kaya hindi na ako magtataka kung hindi magsusucceed ang manok mo ‘te. Maraming kakampi si Sir Howard dito dahil turf niya ito.” Ganoon na ba siya ka secluded at hindi na niya alam na may ganoong ganap pala sa lugar nila? Ang swerte ng kaibigan niya kung ganoon, ang haba ng hair daig pa si Rapunzel.


<3 <3 <3
TBC

PHOTO CTTO

Love,
Inang 

Black Magic 2 - Bloom Love: 2 - Yellow Tulips


2 -      Yellow Tulips
“PAMELA!” nabitin siya sa pag-e-stretched ng kanyang mga braso at paghikab ng biglang pumasok si Nicolo sa loob ng kanyang flower shop. “Hindi effective ang white roses.” Napakamot siya ng ulo habang nakatingin dito.
“Paanong hindi effective Sir?”
“Hindi yata niya nagustuhan.”
“Ang bulaklak ba ang hindi niya nagustuhan o ikaw mismo?” malakas itong napasinghap at madramang inilapat nito sa dibdib nito ang palad.
“Ang sakit mong magsalita.” Reklamo nito sa kanya.
“Hindi iyon masakit kung hindi totoo, truth hurts.”
“Burn!” mahinang sigaw ni April na nakikinig lang sa kanila habang nag-aarrange ng mga bulaklak sa metallic container. Pinandilatan niya ito kaya agad naman itong natahimik.
“Hindi ako susuko first love never dies.” Pagak siyang tumawa sa ipinakita nitong perseverance sa kanya.
“Sabi mo eh.” Napatingin siya sa yellow tulips. “Ito ang pinakamahal na bulaklak namin na nadeliver ngayon, subukan mong ibigay ang yellow tulips baka sakaling mag-iba ang ihip ng hangin.”
“I’ll take that, okay lang ba ang one dozen?” Napabuntong-hininga siya habang ini-isa-isa ang mga bulaklak na gusto nitong bilhin. “Anong ibig sabihin ng yellow tulips?”
“Perseverance.”
“Really?”
“As much as I like you for my business, huwag mong i-rely ang luck mo sa mga bulaklak.”
“Props ang mga bulaklak mukha kasing gusto ng mga babae na makatanggap ng mga bulaklak.” Napangiti siya sa sinabi nito.
“If diamonds are girls best friend, flowers are boy’s best aid. Iba kasi ang dating ng mga bulaklak sa mga babae, nakaka-feminine ng dating at pakiramdam nila ay importanteng-importante sila kasi nag-eeffort ka.”
Naghanap siya ng magandang pambalot sa mga bulaklak.
“Applicable ba kay Yumi ang mga bulaklak?”
“Noong bigyan mo siya ng flowers ano ang nakita mong naging reaksyon niya?” balik na tanong niya dito.
“I think she likes it.”
“Well, that’s good. After Earl left hindi na muling naligawan si Yumi.”
Dahil napasulyap siya dito kaya kitang-kita niya kung paano lumiwanag ang mukha nito, and she can’t help but to admit to herself na hindi nga basta-basta ang hitsura nito. Hindi ito ang tipong sobrang gwapo gaya ng mga paborito niyang Korean men sa paborito niyang mga Koreanovela. Pinoy ang hitsura nito pero hindi katulad ng ibang pinoy mas may hitsura ito.
“Earl ang pangalan ng huling ex-boyfriend ni Yumi? Ano ang nangyari? Bakit sila nagkahiwalay?”
“Earl is Chinese.” Sagot niya. “Umalis papuntang China at hindi na bumalik. Akala ni Yumi ay nagpakasal na si Earl sa ibang singkit kaya naresolve na sa isip ni Yumi na hiwalay na sila.”
“At hindi na muling bumalik si Earl?”
Tinali niya sa magandang kulay dilaw na ribbon ang mga bulaklak. “Yes, hindi na siya muling bumalik pa.” masayang tiningnan niya ang bouquet ng bulaklak sa harap niya. It’s another masterpiece.
“Sa tingin mo kapag liligawan ko uli si Yumi may chance ako?”
“With my flowers, you will surely have a chance.” She flashes her smile and he smiles in return. “Pero business is business, that’s two thousand and six hundred pesos.”
Biglang nawala ang ngiti sa labi nito. “Ang mahal naman nito.”
Mas lalong lumapad ang ngisi niya dahil pinatungan na niya iyon ng ten perfect pero hindi nito malalaman. “Hindi cheap ang mga flowers ko at may magic ang mga iyan. Nakakapagpangiti at nakapagpalambot iyang ng puso ng kung sinumang pagbibigyan mo.”
Napakamot na lang ito ng ulo at napapailing nalang. “Just make sure these flowers are effective.”
Kinuha niya ang ibinigay nitong pera. “Effective iyan kung mag-eeffort ka. Tandaan mo nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.”
“She will love these.”
“Ay sigurado, pak na pak kaya puntahan mo na si Yumi baka maunahan ka pa ng iba.”
Sumaludo lang agad ito sa kanya. “See you again Pamela.”
“Enjoy your panliligaw.” Paalam niya dito at pinapaypay ang mga papel na pera na hawak niya. At nang wala na ang lalaki ay hinalikan niya ang perang hawak niya. “Business is really doing very very good.” Masayang usal niya.


<3 <3 <3
a/n: Photo CTTO



TBC

Monday, March 27, 2017

Black Magic 2- Bloom Love: 1- White Rose

1-      White Rose
“Pamela, hindi ka ba kakain ng agahan?” bakas ang pag-aalala sa mukha ng lola niya ng makita siyang papalabas ng kanilang bahay. Kasalukuyan itong nag-e-spray ng tubig sa mga alaga nitong orchids.
“Hindi na po lola, sa Blooms nalang po ako kakain.”
“Nagbaon ka ba?”
Itinaas niya ang hawak na paperbag na may lamang baunan niya, hindi siya breakfast person kaya ang agahan niya ay ginagawa niyang brunch.
“Mag-ingat ka sa daan.”
“Opo, ‘la. Alis na po ako.” Binuksan niya ang mababang gate nang tawagin uli siya nito.
“Huwag mong kalimutan ang usapan natin sa sabado baka hindi mo na naman siputin ang apo ng amega ko.” anito sa kanya.
“Darating po ako.” She crossed her fingers for that was a lie. Kailan ba siya sumisipot sa mga usapang matandang walang magawa? May mga kalaro ang lola Grasya niya sa madjong na mga kaedad rin nito at may mga single na apo. Ang trip ng mga matatanda ay ireto siya sa kung sinu-sinong available. Sa tingin niya ay hindi pa siya matanda, twenty-seven pa siya, at nagkaboyfriend na rin hindi nga lang sila nagkatuluyan dahil na-inlove ito sa iba. Nakapagmove-on na rin siya.
      Alam niyang natatakot ang lola niyang maging katulad siya nito. Ang lola niya ay ang kapatid ng tunay niyang lola. Isa itong retired teacher at nahihilig sa paglalaro ng madjong at pagpapalaki ng orchids. Ito na rin ang tumatayong guardian niya dahil wala sa Pilipinas ang kanyang mga magulang. Nag-iisa lang siyang anak at dahil sa Blooms ay hindi niya magawang tuluyang sumama sa mga magulang sa states.
            Nakatira siya kasama ito sa isang maliit na subdivision, nasa Phase two ang bahay nila at karamihan sa mga bahay sa Spring Ville ay hindi gaanong malalaki. Single-detached ang tawag sa bahay niya at hinuhulugan pa rin niya ito buwan-buwan through Pag-ibig housing loan. Ang Blooms naman ay ang business na naipatayo niya dalawang taon na ang nakakaraan. Pagkatapos niyang magtapos ang accountancy ay pumasok siya sa isang banko. Sa unang taon palang niya ay nagloan na siya ng medyo malaking halaga at ipinasok sa isang kooperatiba bilang share capital.
            Nagtrabaho siya habang binabayaran ang kanyang utang at pinapaikot ang perang meron siya. Limang taon siya sa pagtatrabaho, lumaki ang pera niya sa kooperatiba dahil hindi naman niya iyon ginagalaw at dahil na rin sa dividend na nakukuha niya taon-taon ay lumaki ng lumaki ang naipon niya. At nang kunin niya ang kanyang pera ay agad siyang naghanap ng magandang pwesto. Nagkataon naman na hindi pa fully developed ang subdivision two years ago at hindi rin SeasonVille ang tawag dito at nabili niya sa dating may-ari ang maliit na lupang kinalalagyan ng kanyang flowershop. Maswerte nga siyang maituturing dahil pagkatapos niyang ipatayo ang shop ay dumami ang residents ng SeasonVille at dumami din ang kanyang kliyente.
            Ilang bloke lang mula sa bahay niya ay ang shop na niya, nandoon na rin si April ang kanyang assistant. May susi ito at ito ang tagabukas ng kanyang flower shop.
            “Magandang umaga ate Pam.” Bati sa kanya ni April.
            “Good morning din.” Ibinaba niya ang paper bag sa mesa at tiningnan ang kanyang shop. Maayos na nakasalansan ang mga bulaklak sa mga containers nito, fresh na fresh ang mga bagong delivers na mga bulaklak at ng tingnan niya ang tubig ay malinis rin iyon. Medyo metikulusa siya pagdating sa mga bulaklak niya. Tinatrato niyang parang mga anak ang kanyang mga bulaklak.
            Everything started really well, katulad ng nangyari kahapon at noong isang araw. Monotonous naman ang buhay niya, boring sa tingin ng iba pero dahil nag-eenjoy siya kaya balewala na sa kanya iyon.
            Dumating na kanina si Lolo Pete, bumili ng ilang tangkay ng rosas para sa asawa nitong may sakit na Alzheimer’s. Palagi nalang nitong binibilhan ng rosas ang may sakit na asawa. Dumating na rin kanina ang mga kliyente niyang mula sa isang kalapit na restaurant. Nag-deliver na rin si April ng mga bulaklak sa kalapit na hospital at hotel. Everything is the same.
            “Hi, Miss.” Awtomatikong nagtaas siya ng tingin mula sa ginagawang pag-iimbentaryo ng marinig ang tumawag sa kanya. “Pwede bang makahingi ng advice?” isang gwapo at matangkad na lalaki ang nakangiting sumalubong sa kanyang mga mata.
            “Ano po ang maipaglilingkod ko Sir?” tanong niya. Pilit niyang inaalala sa kanyang isipan kung sino ang lalaking ito.
            “Ano ang pwedeng ibigay na bulaklak sa isang ex-girlfriend?” tiningnan niya ang customer niya. Mukhang balak nitong ligawan uli ang ex-girlfriend nito at ilang beses na niyang nasaksihan ang ganitong eksena.
            “A white flower would do, peace offering.” She answered pointing the white rose behind her. Pero sa halip na ang bulaklak ang tingnan nito ay sa kanyan ito nakatitig na nakakunot ang noo.
            “Have I seen you before?” anito sa kanya.
            “Hindi kita naging ex.” Pabirong sagot niya. “Are you going to buy flowers Sir?”
            “Oh? Yeah, a bouquet of white rose.” Tumayo siya at inasikaso ang bulaklak nito pero ramdam pa rin niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. “I know I have seen you before.”
            Ibinigay niya ang bulaklak dito, nakabouquet na rin iyon. “Ano po ang ilalagay na pangalan ko sa card?” kumuha siya ng ballpen at note.
            “To Yumi.” Kumunot ang noo niya sa pangalan na ibinigay nito. May kilala siyang Yumi, kaibigan niya at classmate niya dati. “From Nico.”
            Nico? May ex-boyfriend ang kaibigan niya dati na Nico ang pangalan.
            “Nicolo Aragon?”
            “Pamela Diaz?” Sabay nilang bulalas. Kumunot ang noo niya. Sinong hindi makakilala dito kung halos umiyak ng timba si Yumi dati dahil sa biglaan nitong pag-alis ng walang paalam.
            “Buhay ka pa pala.” Inayos niya ang pagsusulat niya. Naiinis siya dito pero wala rin naman siyang magagawa kung magagalit pa dito. It has been years, ten years. Pero gaganti pa rin siya para sa kaibigan niya at sa oras na nasayang niya dahil sa pakikinig sa mahabang words of justice ni Yumi sa nasawi nitong puso noon.
            “Kaibigan mo si Yumi hindi ba?” excited na tanong nito. “How is she?”
            “She’s fine, doing great actually.”
            “May boyfriend na ba siya?”
            “None that I heard of.”
            “Nagkaboyfriend ba siya after me?”
            “Anong akala mo sa kaibigan ko hindi marunong magmove-on? Matagal ka na niyang nakalimutan at nagkaboyfriend siya after you.” ibinigay niya ang bulaklak dito. “That would be one thousand two hundred fifty pesos.” Nakangiting inihalad niya ang palad. It wasn’t the original price. Pinatungan lang niya ng mga twenty-five percent ang halaga ng bulaklak bilang ganti dito. At sinabi niya sa isip niya na papatungan ng ten percent ang bawat bibilhin nitong bulaklak sa susunod na mga araw.
            “Thank you for coming Sir, come again.” nakangiting kaway niya at inilagay sa counter ang perang nakuha niya dito.
            “Hala ka Ate, corruption iyon.” Singit ni April.
            “Hindi naman siya nagreklamo at saka dapat lang iyon sa kanya, sa dami ba naman ng oras na nasayang ko noong iniwan niya si Yumi dahil sa kangangawa ng kaibigan ko ay kulang pa ang twenty-five percent.” At wala siyang maramdaman na guilt dahil sa nagawa niya. “Sa susunod na bumalik iyong mamang iyon dito lagyan mo ng ten percent ang bawat bulaklak at service na bibilhin niya.”
            “Idadamay mo pa ako ‘te?”
            “O sige, kapag walang dagdag ten percent ang binili niya kakaltasan ko ang sweldo mo ng ten percent.”
            “Si ate hindi na mabiro, fifteen percent ang ikakaltas ko dagdag sa value added tax.” At nagthumbs up pa ito sa kanya.

            Mukhang business is doing good.


<3 <3 <3
Photo CTTO
Happy reading babies and enjoy!
Love,
inang

Thursday, March 16, 2017

Blogserye 2nd Book (Soon sa blog ko)






The second installment of my blogserye, again sa blog muna ito ipopost. Baka ipost ko ito sa wattpad kapag natapos na or kapag trip ko na sa buhay. Short updates lang pero hindi kasing heavy ng mga posts ko sa watty at mas lighter din ito. Ordinary story for ordinary people.



IAMYOURLOVELYWRITER

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang