Saturday, February 25, 2017

Anong nagbago sa iyo sa taong 2017?

2017 CHANGES sa tagalog, mga pagbabagong naganap sa taong 2017. Ano nga ba ang mga iyon? Bagong presidente? Last year pa yata nagbago ang presidente natin. Bagong mga palabas sa telebisyon? Hindi pa ba kayo sanay sa mga pagbabagong iyon? Aba'y dapat masanay na tayo dahil hindi lang iyan ang nagbabago. Marami na rin ang hindi nagbago katulad nalang ng love life ko parang wala na nga yatang pag-asang nagbago.

Ay, oo nga pala nakalimutan ko, may nagbago. Iyong edad ko nadagdagan na naman ng isang bilang ngayong buwan na ito. Nagkabangs din ako dahil sa isang aksidenteng hindi ko akalain na mararanasan ko pa sa edad ko ngayon. Alam niyo iyong suklay na parang brush pero paikot siya? Hindi ko kayang i-explain kaya kayo nalang ang bahalang mag-imagine. Isang gabi habang naghihintay akong matapos maprint ang mga hand-outs ng mga students ko ay pinag-interesan ko iyong isuklay sa buhok ko at iikot-ikot hanggang sa hindi na siya natanggal. Nag-tangled na siya (char! May tangled pa akong nalalaman). So ayun, kinailangan namin siyang gupitan hanggang sa umiksi na siya at naging bangs na talaga. Ang saya lang tapos nagka-rashes pa ako dahil sa bangs ko kaya kailangan ko siyang ipitan upang hindi kumati ang noo ko. Isang linggo din akong hindi nakapag-BB cream at foundation at plain powder lang iyong ever beloved Johnson's baby powder (Dapat bigyan ako ng Johnson's baby powder ng one year supply ng pulbo dahil dito). Tapos nag-sa-safeguard ako sa pagwawash ng face as usual at sa halip na iyong marykay na moisturizer ang ilagay ko ay naghihilamos ako ng fresh milk mga bes! Mayaman si face ko dahil nakafreshmilk siya pero iyong tira-tira lang sa nainom ko. 


Ayun nga ang mga nagbago sa akin, the rest? Steady lang. Wala ng nagbago. Sabagay kasisimula palang ng taon, hindi natin hawak ang panahon kaya baka sa susunod na mga buwan ay may kakaibang mangyayari.Ay meron pa pala, simula noong magstart ang 2017 ay bumalik ang pagkakaadik ko sa anime dahil sinimulan ko ang taon kong manood ng anime, tapos ay may Koreanovelas din akong sinubaybayan. Isa-isahin kong irereview ang bawat isa kapag may oras ako (Char, as if naman mapangangatawanan ko iyan), dito ko nalang sasabihin ang mga iyon. Last year I was hooked with Descendants of the Sun, tapos ang The legend of the blue sea, Goblin and recently Hwarang. May napanood pa akong iba pero sila talaga iyong hindi ko binitiwan, which means, pinanood ko sila. 


Sa katunayan nga niyan ay palaging naka-on ang data connection ko. Iyong sisterette ko kasi nakikipag-agawan sa wifi kaya hindi ako makapagstreaming ng maayos. HIndi ko trip ang magdownload. Kaya dahil 4G LTE ang data connection ng phone ko at supported siya ng smart kaya ayun, palagi akong nagpapaload ng Flexitime100 (15 hrs unlimited data) o kaya naman ay Flexitime50 (7 hrs unlimited data). Hihingi na talaga ako ng sponsorship sa mga iyan!


Kidding aside, sana maraming magagandang pagbabago ang mangyari sa inyo ngayon. Iyong nagkalovelife naniniwala pa rin ako sa walang forever kaya kung anong meron kayo alagaan niyo baka kasi magbago ang ihip ng hangin (hindi ako bitter, realistic lang po). Sa mga gagraduate, aba, congratulations dahil inuna niya ang pag-aaral keysa sa love life. IYong may love life at nakapagtapos, swerte mo kaya be careful, rare lang ang swerte sa lovelife at swerte sa career. At iyong mga yumaman, share kayo sa blessings niyo para mas lalo kayong pagpalain. 



<3 <3 <3

LOVELOTS,
IAYLW 

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang