Tuesday, March 22, 2016

Blogserye: Black Magic 21


21
          “Mayumi sandali lang.” wala sana siyang pansinin si Howard at balak sana niyang tumakbo nalang hanggang sa mawala na ito sa paningin niya kaya lang anong silbe ng maiikling biyas  niyang triple na nga ang bilis sa mahahabang binti nito. Curse her short legs! “Yumi, wait.” Mabilis siyang nahabol ni Howard at sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ito.
            Napalunok siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin at ikikilos niya. Baka ano naman kasi ang pumasok sa isip nito--. “S-sinamahan ko lang si Makisig mag-aapply kasi siya dito for college-uhm- hindi ko naman alam na dito ka pala nagwowork.” Natatarantang paliwanag niya dito, hindi talaga niya alam na nandito si Howard alam niyang professor ito pero hindi niya alam kung saang university. “Si-sige alis na muna ako hahanapin ko ang testing center.” Pinilit niya lang maging magiliw dito kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang iuntog ang ulo sa pader sa tabi niya hindi nga siya makatingin dito ng maayos.
            “Are you running away from me?”
            She just bit her lips and shook her head, “Hindi ah, may lakad lang talaga ako.” Dahil nasa harap niya ito kaya kailangan niyang lumusot pero hindi siya nito hinayaang makaalis para silang nakikipagpatintero at ito ang taya. “Howard ano ba alis ka nga.” Itinulak pa niya ito pero nahawakan lang nito ang magkabilang braso niya making her feel uneasy again, hindi talaga pwedeng ganito siya dahil para siyang mababaliw na hindi niya maintindihan.
            “Nanlalamig ka na Yumi.” Para na nga siyang mababaliw eh, totoo ang sinabi nitong nanlalamig na talaga siya. “Hindi naman masyadong malamig dito sa lobby.” And the guy is playing with her, alam nito kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
            “Howard…” hindi niya alam ang sasabihin niya pero nagsalita pa rin siya. “I promise it’s not really my intention to see you here, it was a mere accident sana maniwala ka.” She is almost pleading. “Aalis na rin ako sa labas ko nalang hihintayin si Makisig malapit na rin siguro siyang lumabas.” Pinilit niyang kumawala dito pero talagang mahigpit ang hawak nito sa kanya.
            “Prof—uy, ang ganda ng kasama natin girlfriend niyo po?” tanong ng isang grupo ng mga estudyanteng lalaki na napadaan sa tabi nila. “Kapatid niyo po? Pwedeng mahingi ang number?”
            Howard’s hands shifted from her arms down to her waist and pulled her body closer to his.
            “SIge po prof balik na kami sa room hindi na kami magcucutting classes.” Agad na umalis ang mga ito sa harap nila.
            “Sabay na nating hintayin si Makisig.” Biglang nagbago ang tono ng boses nito, para bang hindi ito iyong lalaking palaging nakaangil at palaging galit sa kanya. “Hindi mo alam kung saan pabalik sa Testing Center.” Inakay siya nito papunta sa kung saan na para bang bata siya na hindi alam kung paano maglakad.
            “I can walk on my own hindi mo naman ako kailangang akayin eh.”
            “Hindi naman kita inaakay I’m just guiding you.”
            “Mahahanap ko rin ang testing center huwag ka ng mag-abala.”
            Paano siya makakalayo dito kung halos wala ng space sa pagitan ng katawan nila? Kaso wala naman yata itong narinig mula sa kanya dahil mas abala ito sap ag-akay sa kanya na para bang may sakit siya at kapag binitiwan siya nito ay baka matumba siya. Pero kahit na nahihiya pa rin siya ay unti-unting natutunaw ang hiya niya sa katawan dahil sa ginawa nito sa kanya she felt like a lady--- a princess.
            “Mukhang matagal pa si Makisig dito.”
            “Mag-aapply lang naman siya ah.” Aniya na nakisilip din sa office kung saan ito nakasilip, hinayaan naman siya nito pero sobrang dikit na ng katawan nila sa isa’t isa. Nandoon nga si Makisig at mukhang mahabang hintayan nga dahil marami pang nakapila na mag-aapply din.
            “Bakit ang tagal?”
            “There is an interview and a pre-test before the university allows them to take the main entrance exam.” Bigla tuloy siyang kinabahan sa kapatid niya, hindi niya alam kung kaya ba nito ang ganoong surprise event baka kasi bigla nalang itong magfreeze at hindi makasagot.
            Tinitigan niya ang kapatid niya na prenteng-prente na nakaupo lang doon habang  nakatitig lang sa kisame ng opisina, nababaliw na naman yata si Makisig at palihim na naman nitong kinakausap ang invisible gecko friend nitong si Timmy na nakikita lang nito sa mga kisame ng kung kani-kaninong mga bahay. Hindi man lang nito napansin na ang mga batang ka-edad nito ay kanina pa nakatitig sa kapatid niya na para bang amazed na amazed. Kahit ayaw niyang aminin may hitsura at height din naman ang bunso nila, mana sa tatay niya siya nagmana sa nanay nila.
            “Gaano katagal?” pabulong na tanong niya dito.
            “Long enough para mabored ka.”
            “Babalikan ko nalang si Makisig mamaya.”
            “You want to go out and eat?” kunot noong napatingin siya kay Howard. “What?”
            “May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong niya dito baka dala lang iyon ng pagkakahimatay nito noong isang araw. “Hindi ka dapat lumabas dahil mainit baka magnosebleed ka na naman.” She is really worried about his health hindi healthy ang basta-basta nalang dumudugo ang ilong.
            “I’m fine.”
            “No you are not!” medyo napalakas ang boses niya kaya biglang bumukas ang pintuan ng testing center and whoever the old lady is gave them a very irritated and annoyed look. Mabilis naman silang umalis doon wala ng pakialam kung sino ang nanghila basta makalayo lang sila doon.
            “Sino iyon?” tanong niya dito habang naglalakad na sila palabas ng university.
            “An old professor.”
            “Nakakatakot siya.”  
            Tumawa lang ito sa sinabi niya. “Halika dito baka masagi ka pa ng mga estudyanteng wala sa wisyo kung maglakad dito sa lobby.”         
            “Bakit?” takang tanong niya dito.
            “Anong bakit?”
            “Bakit ang bait mo yata sa akin ngayon? Mamamatay ka na ba?”
            Pinisil lang nito ang tungki ng ilong niya. “Crazy.”
            “Hindii nga bakit ganyan ka ngayon parang hindi ako sanay, awayin mo nga ako, you know push me away and--.”
            “I am sorry Yumi.” Nagulat siya sa paghingi nito ng tawad. “Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko sa iyo noong isang araw, I know you were just trying to help at minasama koi yon na hindi naman dapat. Hindi lang ako sanay na inaalagaan ako.”
            “Why? Hindi masamang maalagaan Howard.”
            “It’s just that no one have done that to me before I am the only boy in the family and I act as the eldest even if I am not. Maagang namatay ang daddy ko and my mom was always busy with the business my dad  left, my sisters were busy with their own lives. Ako ang tumatayong tatay sa mga kapatid ko and I don’t want them to see when I am sick because I don’t want them to see how weak  I am.”
            “Weak ka nga.” Panggagatong niya dito. “Dahil iyong pagpapakita mo ng kahinaan mo hindi talaga kahinaan iyon, that’s bravery. You are brave enough to show the world that you are not perfect and your imperfections makes you braver Howard.” Ano ba itong pinagsasabi niya? “Hindi mo ba alam na hindi lahat ng babae ay gusto iyong lalaking babantayan at aalagaan sila, meron ding may gusto na sila ang nag-aalaga sa mga lalaking gusto nila.” Tuluyan ng naglaho ang hiya niya dito, para kasing unti-unti ay nag-oopen up sa kanya si Howard and she really likes the feeling it seems like it’s bringing them closer together.
            “Gusto mo bang nag-aalaga?”
            “Naman, pero gusto ko rin na inaalagaan ako it’s give and take lang naman. Ika  nga nila it takes two to tango dapat fair lang, give and take lang.” napansin niyang napatitig ito sa kanya. “ANo na naman?”
            “I have something in mind.” Kumunot lang ang noo niya sa sinabi nito. “Which I like but you will surely curse me after that.” Mas lalong kumunot ang noo niya.
            “Ano ba iyon?”
            In a flick of seconds suddenly he pulled her closer to her and his lips descends on her lips making her mind go haywire. He is kissing her, Howard Enriquez is kissing her for God sake and she doesn’t even know what to do parang naprito sa malamig na tubig ang utak niya--- ano ba ang gagawin niya? Maghuhubad na ba siya?



<3 <3 <3
TBC

PS: Photo CTTO

11 (mga) komento:

  1. Hahahaha. Maghuhubad yumi .. Excited Sa next chapter. hehehehhee

    ReplyDelete
  2. Maghuhubad talaga eh. Pfft! Hahaha

    ReplyDelete
  3. Shocks! Paulit-ulit ko lang binabasa! Waahhh!

    ReplyDelete
  4. Hahaha.. 1st base pa lang Yumi gusto mo na yatang mag-All-The-Way.. 😅

    ReplyDelete
  5. Grabe Yumi ha . Maghuhubaf na talaga ?

    ReplyDelete
  6. wag ka munang maghubad nasa school kayo..hahaha grabe ka yumi....eeeeeiiiiii kinikilig ako! thank u po inang..

    ReplyDelete
  7. Hindi ka pa maghuhubad Yumi! Hahaha

    ReplyDelete
  8. Nahalikan lang maghuhubad na yumi? 1st time lang? Hahaha...Howard naman wag masyado pakipot ayan tuloy lumalayo na si yumi.

    ReplyDelete
  9. Bongga! Yumi, Howard! Huy! Nasa school kayo! Bawal ang PDA!

    ReplyDelete
  10. Haha, Hindi ka mag huhubad yumi, kase si howard ang mag huhubad sayo, pero wag kang excited na sa school kayo bawal ang live show haha.

    ReplyDelete
  11. Meron din kaya si makisig story.? Kulit lng Kasi ka weirdohan nya... Hehehe

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang