19
HINDI niya maintindihan
kung bakit bigla nalang itong hinimatay kahit wala pa naman siyang ginagawa.
Ganoon ba talaga kasagwa ang hitsura niya pero sa tingin naman niya ay maganda
siya, baka iba sa paningin nito. Parang gusto tuloy niyang mainis na ng tuluyan
kay Howard kung hindi lang talaga niya ito mahal nungkang lalapitan at aalagaan
pa niya ito. IYong kapitbahay naman nilang doktor na tumingin dito ay
pagkatapos madala si Howard sa bahay ay tinawanan lang siya nito na para bang
may nakakatuwang nangyari pati na rin iyong mga kalaro nitong kapitbahay nila
ay pinagtawanan lang ang pobreng binata. Wala tuloy siyang ibang choice kundi
ang alagaan ito.
Tinitigan niya ito habang nakahiga
ito sa sofa nito, dahan-dahan itong kumilos tanda na malait na itong magising.
“Howard.” Agad itong nagmulat ng
mata na tila ba nagulat ng marinig ang boses niya. “Okay ka lang ba may masakit
ba—err—may masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong niya dito at inalalayan
itong umupo ng maayos. Tahimik na nakatitig lang ito sa kanya making her feel
so awkward all of a sudden. She just bit her lips when she heard him groaned
and close his eyes again. Mukhang hindi pa maganda ang lagay ng kaluluwa nito.
“I am okay umalis ka na Yumi bakit
ka ba nandito?”
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi
ko nakikitang okay na ang lagay mo.” Insist niya, he didn’t opened his eyes.
“Just- go, not now Yumi saka mo na
ako kulitin.” Taboy nito sa kanya nakaramdam siya ng inis sa ginawa nito pero
hindi siya susuko wala siyang pakialam kung ipagtatabuyan man siya nito basta
hindi siya aalis bahala na ito sa buhay nito baka kasi kapag iniwan niya ito ay
magnonosebleed lang ulit ito at maubusan ng dugo sa katawan, hindi pwede
pakakasalan pa niya ito.
“Hindi kita pwedeng iwanan dito baka
mas lalong lumala ang lagay mo hindi ka pa magaling.”
He look at her, if only looks can
kill she will be dead by now. “I don’t need you here Yumi just go.” His tone is
different talagang hindi ito nagbibiro sa pagpapaalis sa kanya at mukhang
anumang oras ay baka kaladkarin na siya nito palabas ng bahay nito. She needs
to retreat for now ayaw muna niyang galitin ito dahil baka hindi na niya ito
malapitan. Bumuntong-hininga nalang siya at dahan-dahan na tumayo para umalis,
retreat muna.
“M-magpahinga ka.” Hindi na ito
sumagot kaya napilitan na rin siyang umalis sa bahay nito, kinapa niya ang
dibdib niya nasasaktan siya sa pagtataboy nito sa kanya. All she wants is to
take care of him pero kung ayaw nito hindi na muna niya ito pipilitin.
Natatawang naglakad siya palayo sa bahay nito pero iyong tawa niya walang
kalaman-laman dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya masaya.
“Mayumi!”
“Ay, bulaga.” Bulalas niya ng
marinig ang boses ni Earl, bumaba ito sa kotse nito at may bitbit na basket na
puno ng bulaklak mukhang galing ito kay Pamela. “Earl, anong ginagawa mo dito?”
“Pupuntahan sana kita sa bahay niyo
mabuti nalang at nakasalubong kita.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa
kasabay ng pagkunot ng noo niya. “Bakit ganyan ang ayos mo?” takang tanong
nito.
“Pangit ba?” inosenting tanong niya.
“Bagay nga sa iyo pero parang hindi
ikaw.” Binuksan nito ang trunk ng kotse nito at may kinuhang jacket. “Bilad na
bilad ang katawan mo sa susunod huwag mo na uling suotin itong damit mo.” Tinulungan
siya nitong isuot ang jacket nito.
“Salamat.”
“Hey, you looked sad.”
Ngumiti lang siya. “No, I am okay.”
“Kailangan mo ng kausap?” umiling
siya pero sa totoo lang gusto niya ng kausap iyong matinong kausap. “I know
you, alam kong wala ka sa mood come on talk to me hindi naman ako mangangagat.”
Biro nito at dahil nag-offer na ito kaya pumayag na rin siyang sumama dito.
“Okay.”
He opened his car for her and then
she hopped in, tahimik lang siya habang nasa biyahe sila at hindi niya alam
kung saan siya nito dadalhin basta namalayan nalang niyang nasa isang pamilyar
na lugar sila. It was the same place where she accepted Earl’s proposal and be
his girl, it was a very special place for her pero ngayon parang iba na wala na
ang kakaibang feels it’s an ordinary place anymore.
“Sit.” Turo nito sa Bermuda grass
kung saan sila dating nakaupo, hinubad niya ang kanyang suot na sapatos at
basta nalang tinapon sa kung saan at hinilot ang kanyang mga binti. “So, is it
him?”
“Huh?”
“The guy whom telling us that you
like? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagbago?”
Ayaw na niyang magsinungaling kaya
tumango nalang siya. “He is, funny right? I hate changing for other people pero
sa kanya ang bilis kong makapagdesisyon na magbago pero hindi naman pala niya
maaappreciate dahil pinaalis lang niya ako matapos siyang magnosebleed at
himatayin. Nakakainis siya.” Sa inis niya ay pinagbubunot niya ang Bermuda grass
na abot ng kanyang palad. “Kung hindi ko lang talaga siya mahal pipilipitin ko
ang leeg niya.”
“I know it, you love him.”
Napakurap siya at napatingin kay
Earl, “Oh shucks, Earl… I am sorry- I mean- dapat sinabi ko na-.”
“Hey, hey, chill lang Yumi
naiintindihan kita.” Ngumiti ito sa kanya at tinapik ang noo niya gamit ang mga
daliri nito na karaniwan nitong ginagawa kapag naiinis siya sa mga hirit nito
noon. “I understand and you don’t have to explain dahil ramdam ko iyon.”
“Anong ramdam?”
“When I asked you a chance I knew wala
na talaga, I can’t see those sparks in your eyes anymore. I tried to revive
pero alam kong huling-huli na ako hindi ako galit o magtatampo kasi kasalanan
ko rin naman kung bakit nawala ang nararamdaman mo sa akin. Ako ang may
kasalanan dahil ako ang unang umalis at hindi nagparamdam if it wasn’t for my
stupidity I wouldn’t missed a chance with a very beautiful and talented woman
like you. You are a gem Yumi and losing you is like losing a very precious and
expensive diamond.”
Nakinig lang siya dito. “I
understand.” Malungkot na ngumiti si Earl. “I am sorry Yumi for leaving before
if only I can turn back time ginawa ko na pero hindi ito fairytale this is
reality. You might have remembered me but you’ve already forgotten the feelings
you had for me.”
“Earl, I am sorry.” Hingi niya ng
paumanhin dito.
“You don’t have to wala kang
kasalanan ang laki pa nga ng pabor na ibinigay mo sa akin dahil hinayaan mo
akong ligawan ka ulit kahit na alam kong wala na talaga.” Napakagat nalang siya ng labi sa sinabi nito,
alam na pala nito. “Now, seeing you like this I can’t help myself think if this
is what you’ve looked like when I left you all of a sudden before.”
Ngumiti lang siya dito dahil hindi
niya idedeny iyon, “Kung nakita kita na ganito noon malamang ako na ang
bumugbog sa sarili ko.” Biro nito. “Ikaw ang babaeng hindi dapat saktan Mayumi
dahil napakabait mong tao tanga lang ang mananakit sa iyo.”
Natawa siya sa sinabi nito dahil
para na rin kasi nitong inamin na isa itong dakilang tanga.
“Finally tumawa ka na rin, huwag ka
ng malungkot at sa sinabi mong hinimatay at nagnosebleed ang lalaking gusto mo
ng makita ka-.” Napaisip ito at napailing. “He doesn’t really hate you.”
“Talaga? Pero bakit ganoon ang
reaction niya?”
“Well, I can’t explain it to you now
pero malalaman mo rin pero sigurado akong gusto ka rin ng kung sinumang taong
iyon.” nagduda siya sa sinabi nito, kung pagkagusto ang pagtataboy mo sa taong
gusto mo ay pagkagusto ano nalang kung hate na hate na siya nito.
“Ang gulo niyong mga lalaki.” Tumawa
lang ito sa kanyang sinabi.
“Kung magulo ang mga babae kapag kaming
mga lalaki ang naguguluhan ibig sabihin espesyal sa amin ang dahilan ng gulong
iyon kaya huwag ka ng malungkot cheer up, tutulungan kitang maipakita ng kung
sinumang lalaking iyon na hindi dapat kukupad-kupad. Sabi nga nila kapatid ng
late ang absent, kapag nahuli siya sa pagtapat sa iyo baka tuluyan na siyang
maging absent sa buhay mo. Kailangan lang siyang takutin.”
“Baliw, hindi na kailangan ako na
ang bahala sa kanya pero panghahawakan ko ang sinabi mong baka may gusto nga
siya sa akin at hindi niya ako hate.”
Hinawakan niya ang palad ni Earl. “Thank
you Earl sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin na wala na talaga
akong nararamdaman sa iyo na hindi kita nasasaktan o na-ooffend. Thank you for
understanding and thank you for everything.”
“Basta ikaw and besides, hindi na
ako pwedeng makapasok sa puso mo bilang boyfriend pwede bang gawin mo nalang
akong boy friend? Iyong may sa space para hindi ka na maguluhan.”
“Wala pa akong bestfriend na lalaki
baka pwede ka?” biro niya.
“Bestfriend? Why not? I will be your
bestfriend then and if you need me I am just a call away huwag mong kalimutan
iyan.”
“Thank you Earl, for being such a
good sport.” Ngumit lang ulit ito sa kanya at saka ginulo ang buhok niya, if only Howard is like this.
<3 <3 <3
TBC
PS: Photo CTTO
Best friend zone? Aruy ko po! Huhu. Yet, takutin si Howard! Bwahahaha!
ReplyDeleteHindi ka niya hate love ka niya ...
ReplyDeletePabebe talaga tong si Howard. Hahaha
ReplyDelete