Monday, March 14, 2016

Blogserye: Black magic 18


18

          “May sasabihin ka Yumi?” takang untag nito sa kanya, napakurap siya at napatingin dito. Mabuti nalang at sa isip niya lang nasabi ang mga salitang iyon dahil baka ano pa ang isipin nito. Ngumiti lang siya at saka kumilos para magsalin ng ice tea para dito.
            “Gusto mo ng ice tea pampawala ng alat.” Tinanggap naman nito ang ice tea at mabilis na inubos iyon, alam niyang hindi talaga masarap ang luto niya but still he ate it and tried not to hurt her feelings. That makes her love him more.
            “Thanks for the foods.”
            “No, thank you for eating it.” Kinuha niya ang papel na kanina pa niya hawak. “Mag-iinterview lang ako siyempre dahil nanliligaw ako kailangan marami akong malaman tungkol sa iyo.”
            “I don’t-.”
            “Sssshhh, what is your favorite color?”
            “Do I need to answer that stupid question?”
            “Yes, you need to answer this stupid question. Dali na sagot na.”
            “Green.” Sinulat niya ang sinabi nito.
            “Your favorite food.”
            “Anything as long as it’s not your pastries.” Inirapan lang niya ito alam kasi niya na kumakain talaga ito kapag hindi lang nito alam na siya ang gumawa okay na iyon sa kanya. Marami pa siyang tinanong nito.
            “Anong type mong babae?”
            Mukhang nagulat ito sa tanong niya pero sumagot naman. “Long legged.” Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito. “Gusto ko ng morena.” Napangiwi siya habang sinusulat ang sinabi nito. “At maiksi ang buhok, gusto ko ng sporty type at hindi maarte sa katawan.”
            Nasapo niya ang kanyang dibdib ng biglang may kumurot doon, pabiro niyang binalingan ang binata.
            “Ang ouch ha, exact opposite ko kaya ito.” Paano siya magkakalong legged kung petite siya, hindi siya morena dahil maputi siya, at mahaba ang buhok niya! At mas lalong hindi siya iyong sporty type ang pagjojogging nga lang sa isip sobrang kapagod na. “But I will change that, dapat ako ang magustuhan mo. I will change your type.” Determinadong saad niya.
            Bumabang bigla ang mga mata nito sa ibaba ng mukha niya. “And I want my woman to have boobs, imposibleng papasa ka.” He snickers, kusang nag-init ang kanyang pisngi at napayakap ang sarili niya.
            “May boobs ako ‘no hindi lang halata.” Inis na pakli niya.
            “Hmn, saang banda sa likod mo?” inis na hinampas niya ito na sinangga lang nito.
            “Kaasar ka may boobs ako,” napapahiya na siya dito kaasar talaga ang lalaking ito. “I swear sasambahin mo rin ako Howard Enriquez itaga mo iyan sa pinakamatigas na bra na may makapal na padding na makikita ko. Maglalaway ka rin sa akin.”
            He snickers again and then it turn to laughter, as much as she wants to admire the way he laugh she can’t dahil alam niyang siya ang pinagtatawanan nito. Sa inis niya ay tinalikuran at iniwan niya ito sa kusina, ipapakita niya dito na kaakit-akit din siya.







            “IYAN lang ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito?” Maang na tinanong siya ni Margareth na tinawag niya mula sa pamamahinga nito. “Yumi you are beautiful you don’t have to change.”
            “Ga, alam mo naman na serious issue ito sa akin. Gusto kong magustuhan ako ni Howard at paano niya ako magugustuhan kung wala sa isang sinabi niyang like niya sa babae na meron ako?” naiinis na tanong niya.
            “Maganda ka.”           
            “Pero wala akong boobs at hindi ako long legged.” Pagmamaktol niya.
            “You know what Yumi iyang Howard na iyan pinagtitripan ka lang niyan-.”
            “I know pero ayokong dumating ang time na pagsisihan ko na wala akong ginawa para magustuhan niya, I know I like him and doing nothing is not my forte.”
            Napabuntong-hininga nalang ang kapitbahay niya at saka napailing  bago tiningnan ang mga pinamili niyang mga bagong shorts short. Hindi pa niya nasusuot iyon, it’s not like the first time she will wear those kind of shorts, hindi naman masyadong maiksi na wala ng halos itakip pero mas maiksi keysa sa usual niyang sinusuot.
            “Fine, wear this.” Ga gave her a pair of very short denim shorts and a white off shoulder knitted top. “Papaluwain natin ang mga mata ng lover boy mo kapag siya hindi pa nagreact diyan ewan ko nalang.”
            “Will he like me na when I wear this?” pathetic as it seems pero gagawin talaga niya ang lahat magkachance lang kay Howard. Bahala na si Batman at least may ginawa siya, ayaw niyang magsisi sa bandang huli eh.
            Muntik na niyang itapon ang sarili sa labas ng bintana ng makita ang hitsura niya para siyang nakakita ng aparisyon pagkatapos ng mini-make-over niya. She is now wearing a short denim shorts, a black tube under her white knitted top. Ga ironed her hair to make it straighter than her usual curls. Parang ibang babae ang nakikita niya sa harap ng salamin and in fairness to Ga may eye for art talaga ito dahil pati make-up niya ang ganda.
            “Wow, is this me?”
            “Yup that is you so how was it?”
            “Parang ibang tao ako nakakailang.” Hindi siya sanay na nakikita ang sarili na medyo daring, nasanay kasi siya na formal o kaya naman ay pacute lang ang suot niya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba iyon ni Howard o hindi pero bahala na… basta bahala na.
            “Bagay iyan sa white stiletto mo.” Pumikit lang siya and prayed na sana ay may improvement na.
            Nang bumaba na siya ay agad siyang naging center of attention ng kanyang nanay at tatay na sobrang kunot ng noo na nakatingin sa kanya.
            “Uy, ate ano iyang gandang hindi mo inaasahan? Hindi ka kaya lamigin mamayang gabi?” gusto tuloy niyang saksakin si Makisig sa tanong nito sa kanya halata naman kasing inaasar lang siya nito.
            “Anak, Mayumi, ano ba iyang suot mo magsuswimming ka ba anak?” nag-aalalang tanong ng nanay niya na para bang may malala siyang sakit.
            “Nay naman eh hindi ba bagay?”
            “Bagay naman anak pero bakit masyadong sexy naman yata ang suot mo ngayon?”
            “Ngayon lang ito nay may ipoprove lang ako.”
            “Naku, manliligaw lang pala ang dalaga natin Celis hayaan mo na at ng makapag-asawa naman iyan. Aba eh dalawang taon nalang at pwede na nating isali sa raffle promo sa tindahan natin iyan grand prize pa makapag-asawa lang.” pang-aasar ng tatay niya.
            “Hindi nap o iyan manngyayari dear parents dahil hindi matatapos ang taon na ito na hindi ako magkakaroon ng boyfriend.”
            “Ang taas ng spirit.”
            Inirapan lang niya si Makisig at saka lumapit sa counter. “Kukuha ako ng pastries na gawa mo nanay ipapakain ko sa nililigawan ko.”
            “Bakit kay nanay kung pwede namang sa iyo?”
            “Ayoko nga parang sinira ko na rin ang diskarte ko mabasted pa ako ng wala sa oras.” Paliwanag niya dito hindi na nagsalita ang mga ito alam niyang kahit anong sabihin ng mga ito ay hindi rin naman siya makikinig, perks of having sobrang tigas na ulo. Paglabas niya sa bakeshop ay parang may kumikiliti sa sikmura niya na hidni niya maintindihan, alam niya based from her very reliable sources nasa basketball court ngayon ang kanyang sinisinta at hinihintay lang ang pagdating niya.
            At hindi nga siya nagkamali dahil nandoon nga ito sa gym at katulad ng ibang mga kalalakihan sa kanilang subdivision busy ito sa paglalaro ng basketball. What’s with boys and their fascination towards basketball hindi niya maintindihan. Dahan-dahan siyang pumasok at pumunta sa mga kakilala niyang girlfriend ng mga kalaro ni Howard na abala sa pakikipagtsika sa isa’t isa.
            “Hi!” bati niya sa mga ito.
            “Hala, Yumi ikaw na ba iyan? Ang sexy natin ngayon.” Gulat na bulalas ng mga ito ng makita siya, gusto niyang mapangisi sa komento ng mga ito.
            “Bagay ba?”
            “Bagay na bagay sino sa mga binata sa atin ang pinapakitaan mo ng legs mo?”
            Ngumisi lang siya, “Si Howard.”
            Nagtinginan ang mga ito na para bang may alam na hidni niya alam. “Kayo na ni Howard?”
            Umiling siya. “Hindi pa nanliligaw pa lang ako.”
            Malakas na nagtawanan ang mga ito sa sinabi niya, “Seriously nagpapabebe na naman ang lalaking iyan at talagang ikaw pa ang nanligaw—oh, wait! Teyka lang tutulungan ka namin na akitin si Howard boy okay relax lang.”
            “Talaga?”
            “Of course dear we want to witness Mt. Pinatubo exploding.”
            Biglang tumili ang kaharap niya na para bang may nakitang ipis. “Oh my God, may ipis.” Maarteng sigaw ng mga ito and as a cue ay ganoon din ang tinili ng mga babaeng nandoon.
            “Babe what happened?” agad na lumapit ang mga boyfriend ng mga ito sa mga girls siya naman ay parang hindi alam kung ano ang nangyari.
            “May ipis lang mukhang nashock pa nga si Yumi.”
            “Yumi?” para siyang natulos sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang boses ni Howard sa may likod niya, puso nalang yata niya ang gumagana ng mga oras na iyon. Para siyang robot na umikot na may nakaplaster na ngiti sa kanyang mga labi, she even flipped her hair and showed her flawless shoulders.
            “Hi, Howard.” Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa kasabay ng pagkahulog ng dala nitong bola. Para itong natulala at nakakita ng aparisyon na hindi nito inaasahan. “Hey-.” Napatili siya ng biglang dumugo ang ilong nito at bigla nalang itong natumba sa sahig. “Oh my God! Tumawag kayo ng pulis ng doktor nahimatay si Howard.” Sigaw niya sa mga ito pero sa halip na tulungan agad ito ay tinawanan lang ng mga ito ang kawawang binata.
            Ano ba ang nangyari? Bakit ito biglang nagnosebleed?






<3 <3 <3
TBC


PS: Photo CTTO

11 (mga) komento:

  1. Hahaha... nagnosebleed talaga si Howard.. go go go Yumi.. pabebe lang yan si Howard.. 😅😆😉😄😊😀😁

    ReplyDelete
  2. Hahahaha! Nag-nosebleed! Hahahaha! Ang dami Kong tawa!

    ReplyDelete
  3. Hahaha
    Laughtrip talaga....
    Umamin na kasi

    ReplyDelete
  4. wahahahahahahaha ang epic mo Howard.....grabe ka...hahahahaha

    ReplyDelete
  5. Hahahaha pabebe c howard pero parang alam na ng iba na may gusto siya kay yumi.. Pakipot pa more hahahaha

    ReplyDelete
  6. O ano ka ngayon Howard...hahaha

    ReplyDelete
  7. Epic, may ganoong epekto kay Howard si yumi. Haha wierd ata 'tong si Howard pagdating sa lovelife niya. Hahaha

    ReplyDelete
  8. Epic, may ganoong epekto kay Howard si yumi. Haha wierd ata 'tong si Howard pagdating sa lovelife niya. Hahaha

    ReplyDelete
  9. hindi nga naglaway si Howard...na-nosebleed naman..hahahaha

    ReplyDelete
  10. Hahaha, LOL ako kay howard with tears pa 😂. Whats wrong with you? Talagang nose bleed pa haha. Kakaintriga itong si Howard eh.

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang