Saturday, March 12, 2016

Blogserye: Black Magic 17


17
          NASA kanilang kusina siya ng mga oras na iyon, she is not baking dahil kapag nagbake na naman siya ay siguradong hindi na niya matatapos ang ginagawa niya. She wants to continue her panliligaw kay Howard kaya ipagluluto nalang niya ito, she doesn’t like cooking at sa pagkakaalam niya ay iba ang panlasa niya sa pagluluto. Sabihin nalang na hindi lahat ng bagay ay pwedeng makuha ng isang tao but she wants to impress Howard kaya nagluluto siya at dadalhin niya ang luto niya sa bahay nito. Siguro naman magugustuhan na iyon ni Howard since hindi naman pastries ang dala niya.
            Narinig niya ang mahinang ungol ng tulog na tuta niya na nasa ibabaw ng sofa kung saan ito natutulog. Yuhan is waiting for her to play pero dahil abala siya kaya nakatulog nalang din siya. She really adore her cute little pet and wishing na sana hindi na nga ito lumaki.
            After she cooked ay kinuhanan niya ng picture ang gawa niya, it looks edible pa naman kaya nakadama din siya ng pagmamalaki sa sarili niya. She uploaded it on her blog with a caption ‘A way to a man’s heart is through his stomach, sana magustuhan ito ng nililigawan ko.’ Ibababa na sana niya ang phone ng may marinig na beep ibig sabihin ay may nagcomment agad, wala pa ngang one minute ay may nagcomment na.
            @Yumi mukhang masarap.
            Ang avid fan and follower niya, @SweetTooth para sa nililigawan ko papasa na ba iyan?
            @Yumi why not?
            @ SweetTooth Thanks for the encouragement nag-iisip pa ako kung paano ko maihahatid iyan sa kanya, maisip ko pa lang na dadalhan ko siya ng food na gagawin ko for the first time ay umuurong na ang tapang ko sa katawan. Ipapakain ko nalang ito sa mga taong makikita ko.
            Hinintay niyang magreply ito pero mukhang wala na ito sa online world dahil hindi na ito nagreply. Inilipat niya sa Tupperware ang nilutong pagkain dahil dadalhin na niya iyon kay Howard, bahala na sasabihin nalang niyang sa nanay niya galing ang lutong iyon. Dadaan muna siya kay Pamela dahil bibili din siya ng flower, pati iyong naiprint niyang paper ay nasa kanya na para iyong slumbook mga questions iyon para malaman niya kung ano pa ang mga paborito nito.
            Pagkatapos niyang maglinis ay naghanda na siya sa kanyang pag-alis ng biglang may pumasok sa loob ng kitchen, napakunot siya ng noo at napakurap ng wala sa oras.
            “Na-nandito ba si tita Celis?” tanong nito sa kanya, pawisan ito pero hindi man lang iyon nakabawas sa gandang lalaki nito. Mas lalo pa nga itong naging gwapo, mukhang kagagaling lang nito sa paglalaro ng basketball.
            “Nagdeliver sina nanay at tatay kaya wala sila dito.” Mukhang hindi na niya kailangan pang umalis at puntahan ito sa bahay. “Pupuntahan sana kita eh.”
            “Bakit?”
            “May ipapatikim ako sa iyo—hind pastries ko nagluto ako mukhang masarap naman iyon ipapakain ko sana sa iyo.” Hindi ito umimik. “Pero kung ayaw mong kainin-.”
            “Gutom ako.” Agad siyang napangiti sa sinabi nito para kasi nitong sinabi na binibigyan siya nito ng chance na tuluyan ng makapangligaw.
            “Upo ka muna dito ikukuha kita ng plato.” Pagkatalikod niya ay iyong ngiti niya abot hanggang teynga. Kinikilig siya eh, malay ba niyang ganito pala iyong pwede niyang maramdaman. These are the feelings she didn’t feel when she is with her previous two boyfriends, iyong kilig.
            Pagbalik niya sa mesa ay nagulat siya ng makitang karga na nito si Yuhan niya and in fairness to her dog mukhang gustong-gusto nito si Howard.
            “Wow, paano mong napaamo si Yuhan? Ayaw na ayaw niya kina Earl at Nicolo sinusungitan niya ikaw lang ang nakagawa niyan.” Amazed na sambit niya.
            “I am different.” Sagot lang nito. SIguro nga he is different kasi iyong nararamdaman niya different din.
            “H-here.” Inayos niya ang pagkain nito actually kinakabahan na siya dahil baka hindi nito magustuhan. Tiningnan nito ang pagkain sa harap nito.
            “Tatayo ka lang ba diyan? Hindi naman kita katulong umupo ka.” Turo nito sa upuan na nasa  tabi nito pero hindi siya doon umupo kundi sa harap nito.
            “Dito lang ako para mas makita kita ng husto.” Shucks! Banat niya iyon. Nagsimula na itong kumain unang subo pa lang nito ay bahagya na itong natigilan at kunot-noong napatingin sa kanya. She just bit her lips and wait for his ‘this sucks’ line, pero sumubo lang uli ito hanggang sa halos maubos na nito ang luto niya. Pero hindi siya pakampante baka kasi at the end sasabihin lang nito na hindi iyon masarap.
            “Uy, mukhang masarap iyang kinakain mo kuya Howard patikim.” Kung gaano kabilis na dumating si Makisig ay ganoon din nitong kabilis naisubo ang ulam na luto niya gamit ang spare na kutsara na nasa tabi lang ng tupperware. Agad na napakunot ng noo ang kanyang kapatid at saka nagpunta sa lababo. “Ano ba naman iyan Ate Yumi magbake ka na nga lang barko nalang ang kulang pwede na tayong maglayag sa luto mo bakit ang alat?”
            “Maalat ba?” tiningnan niya si Howard na abala pa rin sa pagkain.
            “Masarap.”
            “Ano bang klaseng panlasa meron ka kuya at nakakain mo iyan?” kinuha niya ang Tupperware at tinikman iyon, agad siyang napangiwi sa nalasahan niya dahil hindi talaga iyon masarap.
            “Huwag mo nan gang kainin iyan Howard ang epic fail naman nito nakakahiya.” Itatapon na sana niya ang laman ng tupperware pero pinigilan lang siya nito at inagaw iyon mula sa kanya.
            “Kapag sinabi kong massarap, masarap talaga.” Napatingin lang siya dito, hindi tuloy niya alam kung ano ang sasabihin niya dahil sa totoo lang wala na eh, wala na siyang pag-asang makabangon pa mula sa nararamdaman niya dito.
            “Huwag mo nalang kainin Howard baka magkasakit ka sa alat niyan.” Sapat na iyong makita niyang kahit na hindi masarap ang pagkain niya ay kinakain pa rin nito.
            “Maraming nagugutom na bata sa mundo kaya hindi pwedeng magsayang ng pagkain.”
            “Bakit ka ba ganyan Howard?” kumunot lang ang noo nito sa tanong niya. “Huwag kang masyadong maging ganyan ha baka kasi kapag hulog na hulog na talaga ako sa iyo hindi mo naman pala ako sasaluhin, sabihin mo lang kung hindi ako dapat manligaw sa iyo dahil ngayon pa lang natatakot na ako. “
            Humugot siya ng malalim na hininga. “Natatakot na akong masaktan ng hindi naman dapat.”


<3 <3 <3
TBC

PS: Photo CTTO

8 (mga) komento:

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang