Wednesday, March 9, 2016

Blogserye: Black Magic 16


16
          Abala siya sa pag-aayos ng mga bulaklak sa vase ng kanilang bakeshop ng may customer na dumating, hinihintay din niyang dumating sina Nicolo at Earl balak kasi niyang sabihin sa mga ito ang plano niya. Tama nga naman ang nanay niya dapat hindi na niya paasahin ang dalawa dahil baka makarma siya mahirap na, nanliligaw pa naman siya.
            Manliligaw pa lang dahil actually hanggang salita palang siya, paano ba ang manligaw? Aba malay hindi niya alam dahil hindi naman siya sanay na siya ang nanliligaw at saka inaalam pa niya ang mga weakness ni Howard para madali nalang niyang madevirginized ang puso nito kapag rumatsada na siya sa kanyang panliligaw.
            “Good morning.” Nakangiting bati ng bagong dating na customer nila, nakangiti pero halatang matamlay ito. Agad niya itong nakilala paano bang hindi samantalang nasa harap lang naman ng kanilag bakeshop ito nakatira.
            “Uy, Margareth kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah mga ten days? Kumusta ang Cebu?” sunod-sunod na tanong niya and as usual ang mabait at sweet na kapitbahay niya ay ngumiti lang sa kanya pero nag-iwas ng tingin. Weird.
            “Okay lang naman.” Agad niyang napansin ang nakabalot sa braso nito.
            “Anong nangyari sa arm mo?”
            “Aksidente lang.” ang weird talaga nito, madaldal naman ito pero parang iba ito ngayon parang kulang sa sigla ang boses at pagkatao nito. Sa pagkakaalam niya ay palagi itong nagpupunta sa Cebu dahil sa isang project nito doon, she is a photographer in nature, a wildlife photographer and an artist.
            “Good morning!” dalawang masiglang boses ang biglang pumasok sa bakeshop niya, napatingin siya sa dalawa at napabuntong-hininga ng pinaningkitan ng mga ito ng mga mata ang isa’t isa.
            “Nico, Earl.”
            “Ako ang unang tinawag at hindi ikaw kaya ako dapat ang unang kumausap sa kanya.” Siniko ni Nico si Earl na nakikipag-agawan sa paglapit sa kanya.
            “Kayong dalawa para kayong mga bata tigilan na nga ninyo iyan.” Sita niya sa mga ito. “Maupo muna kayo may customer pa ako at saka kakausapin ko kayong dalawa ng masinsinan.” Umupo ang mga ito sa isang table at kung kanina ay parang batang nakikipag-agawan ngayon ay may seryosong pinag-uusapan na.
            “This is her bakeshop huh? Ang cute naman.” Bakit ang dami yatang tao ngayon anong meron? Pumasok si Sweetheart na palinga-linga  sa buong paligid na parang nakapasok sa isang paraiso, sa likod nito ay si Pamela na may bitbit  na mga bulaklak and those were her favorites… ano kaya ang favorite flower ni Howard? At sa tabi nito ay si Vanessa na bitbit si Yuhan!
            “Ang baby ko.” Agad niyang nilapitan si Vanessa at kinuha agad ang tuta mula dito. Hindi siya makapaniwalang makikita uli niya ito. “Bakit mo siya pinasyal baka may magkainteres kay Yuhan ko tapos mag-offer ng malaking halaga tapos ay ipagbibili mo.” Ani niya dito.
            Ngumisi lang ang kaibigan niya. “Meron nga-.” Siniko ito ni Sweetheart hindi niya alam kung sadya ba iyon o hindi dahil abala naman ito sa pag-ikot ng mga mata nito sa buong paligid. “Aray naman Heart, baka pumutok ang mga lobo ko sa loob ng bra buong gabi ko pa naman silang pinaghirapang hipan.” Reklamo ni Vanessa. Hindi niya alam na magkakilala pala ang mga ito, sabagay mukhang kasali pati ang mga phase kung saan nakatira ang mga ito sa teritoryo ni Heart.
            “Magpush up bra na lang kasi.”
            “Nilabhan ko ang tagal matuyo dahil ang kapal ng foam.” Natawa nalang siya sa biruan ng mga ito. Bumaling ito sa kanya. “Hayan sa iyo na si Yuhan.”
            “Eh? Wala pa akong pera.” Nagulat siya sa sinabi nito.
            “Bayad na iyan.”
            “Huh? Anong bayad?”
            “Dahil friend kita bayad na iyan, for free.”
            “Really?” kulang nalang ay yakapin niya si Vanessa pero huwag nalang. “Thank you Vanessa you are such a great friend.”
            “Hindi rin magpapalibre ako ng pagkain dito.”
            “Ay, sure kuha ka lang ng gusto mo.” Masayang sabi niya.
            “Here.” Inabot ni Pam sa kanya ang mga bulaklak. “I know these are your favorites, makikihitch din ako ng free na pastries.” Napatingin siya sa mga hawak niya, nakakatawang isipin na siya ang manliligaw pero pakiramdam niya ay siya ang nililigawan dahil sa mga nareceived niya.
            “Hola me amiga—ang daming magaganda dito.” Biglang sumakit ang mata niya ng makilala ang pinsan niya na bagong dating, nakasuot ito ng hawaiian blue polo at orange na beach short, nakasunglasses pa at nakabeach hat na para bang nasa beach ito. Sayang ang kagwapuhan ng pinsan niyang si Clyde Genesis dahil sa ayos nito. Normal naman ito pero kapag tinopak parang gustong magbeach palagi. Mabuti na nga lang at hindi ito nakahubad baro ngayon. “Hey, my dear Margareth hindi mo man lang ako sinabihan na dumating ka na pala sana nakapagprepare ako ng banda sa airport.” Naglapag lang ng pera sa Margareth sa counter habang bitbit ang paperbag na may lamang tinapay bago hinarap ang pinsan niya.
            Favorite person in the world ni Clyde si Margareth, favorite past time na kulitin. Isang kimeng ngiti lang ang ibinigay ni Margareth dito bago nagpaalam sa kanila na umalis.
            “Anong nangyari kay Ga?” kunot-noong tanong ng pinsan sa kanya.
            “Aba malay ko.” Kumibot ang labi nito.
            “Inaway mo yata hindi ako pinansin.” Reklamo nito sa kanya.
            “Hindi ko nga inaway iyon eh baka ikaw.” Kung wala siguro siyang bitbit ay baka sinapak na niya ito.
            “Puntahan ko nga baka magsuicide na iyon. Ga, nandiyan na ako.” Sigaw nito na parang baliw. Ga short for Langga which is an endearment in some local dialect ang tawag nito kay Margareth. Nasanay nalang sila at ayaw naman nitong pumayag na tawagin din nilang ganoon ang fave person on earth nito.
            Sinulyapan nalang niya ang mga customers niya sa bakeshop hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa dalawang lalaking kailangan niya ng kausapin ng masinsinan. Tinawag niya si Vanessa upang paalagaan si Yuhan habang iyong mga flowers naman ay ibinigay muna niya kay Pamela para iayos sa flower vase kasi magaling nga ito doon. She is on her way towards Nico and Earl at mukhang napansin ng mga ito ang paglapit niya.
            “Nico, Earl.” Panimula niya.
            “This is it sasagutin mo na ba uli ako?” excited na tanong ni Earl sa kanya.
            “Asa ka lang pare ako ang sasagutin ni Yumi, hindi ba  Yumi?” bahagyang tumabingi ang ngiti sa kanyang mga labi sa tanong ng dalawa. Humugot muna siya ng malalim na hininga at dahan-dahan iyong pinakawalan ng biglang nagbark si Yuhan ng malakas at tumalon mula sa braso ni Vanessa at nilapitan sina Earl at Nico at ubod ng lakas na kumahol.
            “Yuhan, hey.” Agad niyang pinulot ang tuta na sobrang galit na nakatingin kay Nico at Earl. Kumunot ang noo niyang bigla sa inakto nito, although it looks cute dahil ang liit-liit pa nito pero ang tapang-tapang na. “Excuse muna boys ha.”
            Tumigil lang ito ng lumayo siya sa dalawa and even licked her face. “Van, anong nangyari kay Yuhan?”
            “Mapili eh, naturuan ng tama.” Bulong nito.
            “Huh? Ano uli iyon?”
            “Wala, ang sabi ko baka nagseselos ayaw na nasa iba ang pansin mo ganyan talaga anng mga puppies eh medyo territorial.” Mukhang kailangan muna niyang ipostpone ang plano niyang pagkausap sa dalawa, may nambabakod na sa kanya eh.


<3 <3 <3
TBC
PS: Photo CTTO
pps: Ang kyut ng tuta!!!

5 (mga) komento:

  1. Galing mag train ni Howard ah...hehehe

    ReplyDelete
  2. Alam na kung sino nagturo.. hmm hhmm Hahahaha!

    ReplyDelete
  3. Hahahahaha. Ang cute ng style mo howard ah

    ReplyDelete
  4. Grabe ka inang hanggang dito bah naman usapang dibdib parin hahaha nahiya naman ang push up bra ko kay Vanessa XD 😂

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang