Tuesday, March 8, 2016

Blogserye: Black Magic 15




15
          KUNWARI ay busy siya sa pagtingin-tingin sa paligid at hindi niya kunwari nakita si Howard na nilalapitan ng girlfriend nito. Patingin-tingin lang pero sino ba ang lolokohin niya kahit saang panig ng mundo siya tumingin ay hindi pa rin niya matatakasan ang nagbabadyang sakit na pwede na naman niyang maramdaman. Natatakot nga siya, the last time she saw or heard them sa flower shop ng kaibigan niya ay bigla siyang umiyak wala siyang hold sa emosyon niya dahil masyado pa siyang sensitive lalo pa at newly found feelings pa ang nararamdaman niya para kay Howard.
            “I’m glad you are here sinabi mo hindi ka makakarating eh.” Ngumuso lang siya naghanap siya ng pwedeng pangit sa kausap nito kaya lang pati boses nito ay magiliw at walang bahid ng kapangitan.
            Isesave muna niya ang sarili niya tutal sigurado naman siyang hindi na siya nito mapapansin, kukunin nalang siguro niya ang cellphone niya dito kapag hindi na ito masyadong busy. Maghahanap muna siya ng escape route, hindi naman siguro mahirap lalo pa at maraming tao doon.
            At iyon nga ang ginawa niya, if she was blessed or not ay may isang grupo ng mga kabataan ang dumaan sa tabi niya kaya nag-go with the flow nalang siya. Nang lingunin niya si Howard ay ganoon nalang ang sakit sa dibdib niya ng makitang kayakap na nito ang babae… ang girlfriend nito. Kaya bago pa man bumaha ng luha doon ay pinilit nalang muna niyang maging okay, hindi pa siya pwedeng umuwi dahil sigurado siyang tatanungin siya ng nanay niya kung ano ang nangyari.
            “Baliw.” Natatawang usal niya ng may isang butil ng luha na tumulo sa kanyang pisngi na agad niyang pinalis. “Kaya mo iyan.” Pumasok siya sa isang booth na maraming mga books. Agad niyang namataan ang maraming recipes doon at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Medyo tago ang lugar na iyon kaya pwede siyang magtago until the coast is clear…
            “Nandito siya!” may narinig siyang boses na sumigaw sa kung saan kasabay ng pagpasok ng ilang mga tao sa loob ng booth na iyon at kasunod si Howard na pinagpapawisan ng husto, bakas sa mukha nito ang takot at kung anu-ano. Kumunot ang noo niya habang nakatingin lang dito.
            “Bakit?” inosenting tanong niya dito. Mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Hoy, anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong na rin niya dahil ramdam niya ang malakas na pintig ng puso nito. “Howard-.”
            “Nahanap na ba siya?” agad niyang itinulak si Howard ng marinig niya ang boses ng girlfriend nito pero hindi siya nito binitiwan.
            “Howard ano ba nandiyan ang girlfriend mo.” Tulak niya dito baka kalbuhin siya ng babae nito.
            “Ew ha, wala akong balak maging girlfriend ng lalaking iyan.” Kumunot uli ang noo niya sa sinabi ng babae. “Hi, we haven’t met in person my name is Sweetheart and your name si Yumi, right.”
            Huh? Sweet-heart? May pangalan bang ganoon? “I know my name is a type of endearment it is a very long story pero iyan talaga ang pangalan ko. I am the barangay captain of this barangay nice meeting you.” Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Barangay captain? Pero masyado pa itong bata ah! “I know that look I am twenty eight already and I won by default kaya ganoon.” Tumawa lang ito sa kanya, dahil iba nga ang kapitan ng phase nila. “Hoy, OA kang masyado Howard matanda na si Yumi at saka taga-dito kaya iyan kaya hindi iyan mawawala chansing ka lang eh.”
            Nawala na parang bula ang hinanakit niya sa mundo dahil sa nalaman niya, hindi ito girlfriend ni Howard which means, Howard is single and he is free at may chance pa siya. Kung anuman ang sumapi sa kanya ay hindi niya alam dahil sa totoo lang ngayon lang siya naging ganito katapang sa buong buhay niya at kakapal ang mukha. Kakapalan na niya ang mukha niya bahala na nga!
            “Bakit ka ba umaalis ng hindi nagpapaalam?” sermon nito sa kanya pero sa halip na mainis ay napangiti lang siya dito. Napatitig ito sa kanya.
            “You are free.” Usal niya.
            “What?”
            “Ibig sabihin single ka.”
            “And?”
            Hinawakan niya ang mga palad nito na ikinapiksi nito pero hindi naman nito binitawan.
            “Howard pwede ba kitang ligawan? I like you and I will prove to you that my pastries aren’t that bad, liligawan kita because I like you.”       She said with full determination na ikinaawang lang ng mga labi nito. Mukhang nakabawi naman ito agad sa sinabi niya at napailing nalang.        
            “I know you are crazy, you are indeed crazy.”
            “Hindi ah, pero payag ka ng ligawan kita?”

            Wala siyang sagot na nakuha mula dito, silence means yes kaya iyon ang gagawin niya. Liligawan niya ito she won’t missed the chance of being Howard’s girlfriend! Baliw ba siya? May dalawang nanliligaw sa kanya at pwedeng-pwede siyang pumili ng isa kung gusto niya dahil kung titingnan mong mabuti halos magkatulad lang naman ang lebel ng kagwapuhan at antas sa buhay ng mga ito pero iba si Howard… sa lalaking ito lang siya nagkalakas ng loob na manligaw. And she will try her best!



<3 <3 <3
TBC

PS: Photo CTTO

10 (mga) komento:

  1. Hindi pwede yumi..... akin na si howard! Wahahahahaha (evil laugh)

    ReplyDelete
  2. Hahaha... ibang klase nga naman.. Go Yumi.. 😈😅😉😄😆

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Hahaha! Bongga si Yumi! Modernang babae! Siya na ang nanliligaw! Hahaha!

    ReplyDelete
  5. Haha! Ang swerte ni Howard! Matindi! Haha! Dami kong tawa!

    ReplyDelete
  6. Iba ka yumi gawin ko din kaya yan kay crush

    ReplyDelete
  7. OhMyYumi ~ SUper Breeeezzzyyy ~

    ReplyDelete
  8. Si Howard pakipot, Si Howard torpe, wag tularan si Howard....wahahaha

    ReplyDelete
  9. Hahahahha Go Yumi!! Pakipot tong si Howard eh 😂😂.

    ReplyDelete
  10. grabe1 hindi ko inaasahan ang scene na to..grabe talaga..iba ka talaga inang... hehehe

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang