Sunday, March 6, 2016

Blogserye: Black Magic 14


14
          NAPAKAMOT siya ng ulo habang nakatingin sa mga kung anu-anong makukulay na bagay sa phase five ng kanilang village, kahit kasi malaking subdivision meron sila para itong nahahati sa dalawang barangay at kasalukuyang nagkakaroon ng fiesta na parang children party ang theme. Dinala siya ni Howard dito kaya para siyang tanga ngayon na kasama ito na naglilibot sa kung anu-anong booth.
            “Wear this,” may isinuot itong headband  sa kanya and when she look at her reflection ay tumaas lang ang kilay niya ng makitang may malaking bunny ears na naka-attached doon. “And hold  this.” Using her right hand hinawakan niya ang ice cream na ibinigay nito, iyong kabilang kamay naman niya ay tinalian ng tatlong lobo na may iba-ibang kulay… baby pink, mint  green and yellow.
            “Ano ba iyan Howard baka lumipad na ako parang sa movie na ‘up.” Aniya habang nakatingala sa lobo.
            “Huwag kang mag-alala hahawakan kita ng mahigpit para hindi ka lumipad.” At ganoon nga ang ginawa nito hinawakan nito ang palad niya ng mahigpit. Kung alam lang ng binata kung gaano siya kasaya ngayon baka kulang pa ang tatlong lobo para i-emphasize niya iyon kaso kapag naiisip niyang masaya siya ay naiisip din niyang may isang pusong pwedeng masaktan dahil sa kanya. Ang girlfriend nito.
            “Hindi naman ako lilipad Howard joke lang iyong sinabi ko hindi mo na ako kailangang hawakan.” Usal niya pero hindi ito umimik na para bang walang narinig kaya mas lalo siyang nakaramdam ng inis dito. “Hoy, baka makita ng girlfriend mo na may kasama ka magagalit iyon.” paalala niya dito. That caught his attention, his brows met and then his forehead crinkled.
            “Hindi iyon.” nanlumo siya sa sinabi nito, kawawa naman ang girlfriend nito. O baka naman hindi talaga nito iniisip na pwede siyang pagselosan ng kahit na sino? Malamang iyon na nga ang sagot. “Gusto mo pa ng ice cream? Tunaw na iyan, itapon nalang natin.” Bago pa siya makapagsalita ay kinuha na nito ang ice cream niya at itinapon sa basurahan, hinila siya nito papunta sa isang dirty ice cream stall at saka bumili ng bago at ibinigay sa kanya.
            “Kakainin Ko naman iyon sayang din at itinapon mo.”
            “Kainin mo nab ago pa iyan matunaw.” At gaya ng sinabi nito ay dahan-dahan ng natutunaw ang ice cream kaya mabilis niya iyong kinain. Hindi siya mahilig sa  ice cream pero kumakain naman siya. “Ang dungis mong kumain.” May tinanggal ito sa may bandang baba niya kaya iyong puso niya wala na yata sa orbit nito, hindi na nga niya marinig kung tumitibok pa kaya ang pobreng ice cream nalang ang pinag-initan niya.
            “Ayoko na.” sigaw niya na ikinatingin nito, dapat ay sa utak lang naman niya iyon sasabihin pero nagulat nalang siya ng isigaw niya iyon. Ayaw na niya sa nararamdaman niya iyon ang ibig sabihin ng sinabi niya.
            “Ayaw mo na?” kinuha nito ang ice cream sa kanya akala yata nito ang ice cream ang tinutukoy niya ngunit sa halip na itapon ay inubos nito ang ice cream na hindi niya natapos kainin.
            “Hala, bakit mo kinain iyon? Marumi na iyon.”
            “Sayang.”
            “Anong sayang eh iyong unang ice cream na hindi ko pa nga nakakain ay itinapon mo tapos iyong kaunti nalang kinain mo ang gulo mo rin ano?”
            But, it was an indirect kiss! A kiss! Sumayad ng ilang beses ang labi niya sa ice cream, pati ngipin at dila niya pwede na iyong higher level na kiss! It… it is their own type of kiss, an Ice cream kiss. Tama, ice cream kiss ang tawag doon.
            “Gusto mo ng cotton candy?” at hindi na naman pinansin ang naunang sinabi niya pero bago pa sila umalis sa kinatatayuan nila ay  kumuha muna ito ng tissue at pinunasan ang panlalagkit ng mga daliri niyang nasayaran ng ice cream kanina. Kung assumera lang talaga siya iisipin niyang couples sila, at kung  ganito na si Howard sa hindi nito girlfriend paano pa kaya kung girlfriend na talaga nito. Hastag: Boyfriend goals, pwede kaya niya itong ipaphotocopy?
            “Anong kulay ng candy ang gusto mo?” napatingin siya sa gumagawa ng cotton candy. Hindi siya makapili, gusto niya lahat ng kulay. Parang nagkaroon siya ng instant delimma sa pamimili lang ng kulay ng cotton candy samantalang kahit anong kulay naman pareho lang ang lasa ng cotton candy. “Manong, rainbow colored nga kaya niyo po? Magbabayad ako ng malaki.” Sabi ni Howard sa taga-gawa. Gusto na talaga niya itong yakapin at halikan, how can he read what’s inside her brain?
            “Here.” Ibinigay na nito sa kanya ang cotton candy niya.
            “Alam mo Howard ang sarap mong yakapin at halikan-.” She freeze on the spot when he suddenly hugged her and then kissed her on the tip of her nose.
            “Bayad mo iyan marami na akong napakain sa iyo.” Agad naman itong nag-iwas ng tingin pero hindi binibitawan ang kanyang palad. Nahihiya ba ito sa kanya? Seriously? Is he really serious? Baka ano ang hilingin niya ay ibigay nalang nitong bigla sa kanya tapos iyong sama ng loob na naramdaman niya ng malaman niyang may girlfriend na ito ay mawala, hindi pwede! IYon na nga lang ang force na nagpupush sa kanya para subukan itong kalimutan.
            “Gusto ko ng teddy bear.” Turo niya sa isang booth doon na kailangang matamaan mo ang mga little soldiers ng ball ng ilang beses para makuha mo ang prize. “Maglalaro lang ako.” Hinila niya ito papunta doon. “Kuya magkano per game?”
            “Twenty ma’am.”      
            “Ang mahal naman! Five pesos nalang tapos ikikiss kita.” Napakamot nalang ng ulo ang nagbabantay na tila ba pinag-iisapan ang proposal niya.
            “Huwag kang makinig sa kanya manong nalasing sa matamis kaya ganyan iyan.” Naglapag ito ng one hundred peso bill at kumuha ng apat na bola.  “Ako na ang kukuha ng teddy bear mo,”
            “Fight!” support lang niya dito, kung hindi kasi ito nagpresenta ay gagawa pa rin siya ng paraan para ito ang maglaro para sa kanya. Unang tira nito sumablay ito pero sumubok pa rin ito, kaya lang naka-apat na tira ito wala pa rin itong natatamaan. Dahil na rin siguro sa weight ng bola at ang distansya ng patatamaan nito. Nakasampu na itong tira wala pa rin at mukhang naiinis na ito kaya hinila na niya ito palayo doon.
            “Huwag nalang Howard baka mainis ka na ng husto diyan, ayoko nalang ng bear wala naman pala akong paglalagyan sa bahay.”
            “Pero-.” Nakakunot pa rin ang noo nito at halatang wala na sa mood naguilty tuloy siya dahil siya ang dahilan kung bakit wala na ito sa mood.
            “Tour nalang natin ang buong place ikaw naman ang ililibre ko.” She smiled at him, since nabigyan na naman talaga sila ng time to enjoy, eenjoy nalang talaga niya ang moment. Loving each moment of her life like a fairytale come true. Hawak kamay pa rin silang naglilibot sa buong paligid like nothing matters when suddenly someone called Howard’s name.
            “Howard!” may isang maganda at matangkad na babae na nakapony tail ang buhok, simpleng white shirt na may tatak na happy fiesta, black shorts and sneakers lang ang suot nito pero nakakahiya ng tumabi agad. May kasama itong dalawang lalaki sa likod nito. “Nandito ka na rin sa wakas kanina pa kita hinahanap.” The woman tiptoed and kissed Howard on his cheeks.
            “Sweetheart…”
            Kasabay ng pagkahulog ng puso niya mula sa kanyang dibdib patungo sa kanyang paanan, ay humulas din ang lahat ng saya niya sa katawan… pati na rin ang pagkakahawak niya sa palad nito.
            She is Howard’s sweetheart… his girlfriend.
            She needs to wake up na, tapos na ang magandang panaginip back to reality na naman siya.



<3 <3 <3
TBC

PS: Photo CTTO



3 (mga) komento:

  1. Pangalan niya lang yun di ba ?? Heeheheh thanks po sa ud .. Sa meron tom or mamaya hehehehe goodnight.

    ReplyDelete
  2. Ayyyieh!! Hihintayin na this :) Lagot!

    ReplyDelete
  3. Feeling ko pinsan or bestfriend ni howard yun. Hahaha

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang