13
“YUMI.”
Natigil
siya sa paglalagay ng mga cookies sa basket ng bigla siyang tawagin ng nanay
niya. Seryoso ang mukha nito na para bang may nagawa siyang masama at
makasalanan.
“Yes po nanay?”
“Anong ginawa mo kay Howard?” tumaas
ang kilay niya sa tanong nito.
“Ano ang gagawin ko sa customer
niyo?” inis na tanong niya, naalala niya tuloy ang pagsusungit nito sa kanya
noong nakaraang punta nito sa bakeshop nila. “Dapat ako nga po ang tanungin
niyo dahil ang lalaking iyon walang ginawa kundi awayin ako.”
“Natural lang iyon hindi mo
pinapansin eh.”
“Bakit ko naman siya papansinin?”
takang tanong niya. “Ayaw kaya niyang magpapansin at saka busy siya at busy din
ako. Magulo ang buhay ko ngayon dahil kina Nico at Earl.”
“Pinapagod mo lang ang dalawang iyon
samantalang wala ka naman talagang sasagutin sa kanila.” Komento nito.
“Grabe si nanay oh, paano niyo naman
nasabi iyan?” hindi ito nakatingin sa kanya dahil abala ito sa paglalagay ng
kung anong cookies at pastries sa isang special box.
“Nanay ako eh mas alam ko ang mga
bagay-bagay keysa sa iyo.” Magulo din itong kausap bahala na nga ito. “Uutusan
kitang ideliver ito sa nag-order nito.”
“Bakit ako si Makisig nalang.”
“Busy ang kapatid mo dalian mo na
diyan at ayusin mo iyang mukha mo baka matakot ang pagdedeliveran mo niyan.”
“Overs ka na talaga nanay.” Pero
sinunod naman niya ang gusto nito baka nga kasi matakot ang customer nila.
“Bayad na po ba ito?”
“Hindi pa singilin mo siya.”
“Anong pangalan ng customer?”
“Pangalan ba kamo? Nakalimutan ko
ang pangalan basta nandiyan iyong address.” Tinanggal niya ang suot na apron at
saka kinuha ang box na may lamang pastries. Tiningnan niya ang address na
nakalagay sa papel, pamilyar sa kanya ang lugar na iyon.
“Aalis na po ako Nay.”
“Enjoy!” napailing nalang siya sa
sagot ng nanay niya.
Dala ang kanyang e-bike ay tinunton
niya ang lugar na iyon, nasa harap na siya ngayon ng isang malaking bahay. Ang
phases kasi ng village nila ay naaayon sa laki ng bahay, katulad nito nasa rich
phase ang bahay na iyon. Mayaman nga wala namang gate dala na rin siguro ng
sobrang higpit ng security ng kanilang lugar, thank to her dear friend na
dating nasa military at ngayon ay isa ng homeowners president na si Candice.
Kumatok siya na para lang tanga dahil
sa laki ng bahay impossibleng marinig ng nasa kabilang dako ang kanyang katok.
She pressed the doorbell and minutes later ay may narinig na siyang yapak at
bumukas ang pintuan. Tiningnan muna niya ang kanyang hitsura dahil baka mayaman
talaga ang nakatira sa bahay na iyon.
“Good morning---.” Nabitin sa ere
aang ngiti niya ng makilala ang bumukas ng pintuan ng bahay, humahangos ito at
kung anuman ang ginagawa nito sa itaas ay halatang mahirap dahil pinagpapawisan
pa ang taong iyon. Biglag nanayo ang balahibo niya sa katawan ng pagtingin niya
sa pawisang dibdib nito pababa ay saka lang niyang napagtanto na boxers lang
ang suot nito, hinagod niya ng tingin ang kaharap mula down there na bakat na
bakat, and up to his sexy torso and his handsome face. Napatili siya at
nabitiwan ang hawak niya kasabay ng pagtakip niya sa kanyang mukha.
It’s not her first time to see that
kind of scenario, si Makisig kasi madalas nakaganoon lang pero bakit sa
lalaking ito… at bakit nandito ito sa bahay na iyon?
“Ma-may ipinadeliver si nanay,”
nakapikit pa rin siya pero tempted talaga siyang sulyapan ito kaya ganoon nga
ang ginawa niya pasimple ang ginawa niyang pagsulyap dito iyong hindi nito
halata, pero siya halatang-halata ang ganda ng abs nito pati na rin ang mga
hita nito at iyong…. At iyong nasa may gitna… ang kanyang hello kitty na boxer
shorts.
Her mind suddenly freezes when she
realized what kind of cartoon character it is… seriously a hello kitty boxer
shorts? Tumawa siya ng malakas kahit na nasa harap niya ito nawala din ang hiya
at inis na naramdaman niya dahil sa kanyang nakita.
“Hindi ko alam mahilig ka pala sa
hello kitty Howard.” Kunot-noong napatingin ito sa suot nito akala niya ay
mahihiya ito pero nameywang lang ito sa kanya.
“What’s wrong with hello kitty
boxers?”
“Wala naman,” kinuha niya ang
paperbag na nabitiwan niya. “At sa pink pa, hindi kaya bakla ka?”
“Gusto mong halikan kita uli?”
“You dare I’ll kick your eyes with
my fingers.” Banta niya dito but she wouldn’t mind really, pakipot lang muna
siya. It feels so good talking to him like this. “Here, kay nanay iyan hindi ko
alam na sa iyo pala iyan sana ininsist kong si Kisig ang magdeliver para hindi
mo ako makita. Huwag mo nalang bayaran nabitawan ko iyan kanina malamang
lamog-lamog na rin iyan.”
Tinanggap nito ang paperbag. “Did
you baked these?”
Umiling siya. “Hindi siguro malamang
alam din ng nanay na hindi mo talaga paborito ang mga gawa ko siya ang nag-ayos
niya kaya malamang sa kanya lahat iyan. O sige, aalis na muna ako.”
Tumalikod na siya ng biglang magring ang phone niya, si
Earl. “Hello Earl? Nasa bakeshop ka, hindi ka man lang nagpasabi sige babalik
na ako—ay manok!” nagulat siya ng biglang may umagaw ng cellphone niya mula sa
kanya at iyong kaninang pormal na mukha ni Howard ay napalitan ng pagkakakunot.
“Howard ano ba?”
Kinuha nito ang cellphone niya mula
sa kanya. “She’s busy I am the customer and I have complains.”
“Hala, free na nga iyan may reklamo
ka pa kay nanay ka magreklamo.” Muli itong napatingin sa cellphone niyang nasa
kamay nito ng muling magring iyon.
“Sino si Nicolo?”
“First ex-boyfriend ko.” He answered
the call.
“She’s busy with me stop pestering
her.” Iyon lang at mabilis na pinatay nito ang cellphone niya.
“Hoy, baliw ka ba Howard bakit mo
ginawa iyon? Bakit mo sinabi iyon?” pilit niyang inagaw ang cellphone niya mula
dito pero ang hudyo binuksan lang nito ang cellphone niya. “Ibalik mo iyan.”
“Bakit ang daming lalaking umaaligid
sa iyo?” inis na tanong nito.
“Maganda ako eh at habulin ako ng
chicks and besides hindi lang ikaw ang pwedeng magkagirlfriend ano
magkakaboyfriend din ako at may dalawa akong pinagpipilian.” Linapitan niya ito
para agawin ang phone niya pero itinaas lang nito iyon kaya mas lalong hindi
niya iyon abot. “Howard naman eh, give it back.” Kulang nalang ay akyatin niya
ang katawan nito para maabot niya ang Mt. Everest, ay Mt. Howard pala. At dahil
napagod siya kaya napasimangot na lang siya. “Kapag ako ininis mo lahat ng
ipapadeliver sa iyo ni nanay na gawa niya papalitan ko ng gawa ko.”
“You want it, get it.” At pumasok na
nga ito ng bahay nito kaya agad niya itong sinundan para kuhanin ang phone
niya.
“Howard.” Pumanhik ito sa taas kaya
pumanhik na rin siya pero ng pumasok ito ng silid ay hindi na siya pumasok, baka
ano pa ang kababalaghan ang makita niya
kaya hanggang sa labas lang siya. “Hoy, Howard. Ibigay mo sa akin iyan please.”
Pakiusap na niya. “Uuwi na ako promise.” Muling bumukas ang pintuan ng silid na
iyon at lumabas uli ito, may suot na itong mas maayos na damit. “Please.” She used
all her charms to get her phone back.
“Ibabalik ko ito sa isang kondisyon.”
“Ano?”
“Date me.”
Tama ba ang narinig niya? Did she
heard it right? Is he really asking her to date him?
<3 <3 <3
TBC
PS: PHOTO CTTO
Eses. Galawang Howard ftw! Hahaha!
ReplyDeletehoward ano ba hokage ka na rin ba
ReplyDeleteGalawang Howard. Wala tuloy akong ginawa kundi ang ngumisi habang binabasa `yung scene nila. Hahaha!
ReplyDeleteKyaaaaaaaaaaaaaa!!!!!! OMG OMG OMG Howard ahhhh paraparaan mo!!! 😆😆😆😉😉😉👍👍👍💗💗💗
ReplyDeleteSHET HOWARD! ENEBEEE HAHAHAHA KENEKELEG EKEEE
ReplyDeleteHowaaaaaard ???? Ikaw haaaa .
ReplyDeleteShaaaaks . 😍😘😍😘😍😘
Iba ang galawaang howard..
ReplyDeleteWaaahhh!! Damoves mo Howard!
ReplyDelete